logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Mga hakbang ni Dhale

Dumaan pa ang mga araw nang hindi nalalaman nina Loisa at ng kaniyang mga kapatid ang tunay na nangyari sa kanilang ama. Inilihim nila iyon nang sa gano’n hindi na mag-isip ng kung anu-ano ang kanilang mga anak at bawas na rin sa iisiping problema ng mga ito. Pero hanggang saan ba nila kayang ilihim sa mga anak ang totoo? Iyon ang hindi pa alam sa ngayon ng mag-asawang Emma at Benjamin.
Isang hapon, sa isang field malapit sa may mga upuang gawa sa kahoy ang tinambayan nila Loisa at ng kaniyang dalawang kaibigan.
“Mag-e-end na ang klase natin. Anong mga binabalak ninyong gawin sa nalalapit na bakasyon?” ang tanong ni Ava kina Loisa at Mia.
Napatingin naman sa kaniya ang dalawa at tila nag-iisip pa ang mga ito.
“Ikaw, Loisa. Ano bang gagawin mo ngayong bakasyon?” tanong na naman ni Ava pero kay Loisa na ito nakatuon.
Nagpakawala muna nang buntong-hininga si Loisa saka nagsalita.
“Hindi ko pa alam. Basta ang alam ko’y magpapahinga na lang muna ako habang wala pa tayo sa taon ng pagtatapos natin dahil natitiyak kong grabing sagupaan na naman ito sa eskuwela. Ngayon pa lang ay bogbog na talaga ako.”
Mangiyak-ngiyak pa na wika ni Loisa kay Ava habang si Mia naman ay nagpakurap-kurap sa kaniyang mga mata.
“Ay, totoo nga naman. Pero kami pupunta kasi kami ng probinsya ng parents ko dahil may malaking selebrasyo doon sa amin kaya roon magiging abala ang bakasyon ko,” pagtatapat naman ni Ava.
“Ako, rin. Iyong Dad ko, dadalhin niya ako sa France. Magpapakasal na kasi sila ng Stepmom ko,” malungkot na sabi ni Mia sa mga kanila.
Agad naman nanlaki ang mga mata nina Loisa at Ava. Parang nakikisimpatya rin sila kay Mia na mahihimigan sa boses ang pag-disgusto nito sa naging plano ng kaniyang Daddy.
“Alam mo, Mia. Ikaw lang ‘yong mayaman na malungkot? Hindi ba dapat matutuwa ka pa kasi may Mommy ka na?” suhestiyon naman ni Loisa kay Mia.
Bumusangot lang si Mia.
“Kasi Loisa...alam naman na natin na ayaw talaga ni Mia iyong Stepmom niya kasi bukod sa suplada at pakitang-tao ito ay napaka-sakim pa raw sa pera!” inis na salaysay ni Ava.
Napataas naman ng kilay si Loisa.
“Totoo?” takang tanong ni Loisa sa kaibigang si Mia.
Tumango lang naman si Mia bilang tugon.
“Kung gano’n, grabi naman pala ang ugali ng Stepmom mo na ‘yan? Bakit pa kasi magpapakasal diyan ang Daddy mo? Ano ba kasi ang nakita niya riyan sa Stepmom mo?” sunod-sunod na tanong ni Loisa kay Mia.
Ubod pa rin ng pagtataka si Loisa sa naging sitwasyon ngayon ng kaniyang kaibigang si Mia. Nakakalungkot kung iisipin.
“Speaking of grabi. Mas grabi ‘ata iyang ka-MU mo, Loisa?” agap na bulalas ni Ava sa kaniyang nakita.
“Ano?” kunot noo namang tanong ni Loisa kay Ava.
Napatingin na rin si Mia sa tinitingnan ni Ava mula sa malayo. Pinagtakhan iyon ni Loisa kaya napabaling narin siya ng tingin sa tinitingnan nina Ava’t Mia. Paglingon niya ay ang grupo ng tropa ni Dhale na naglalakad palapit sa puwesto nila.
Nagtataka namang nag-sitinginan sina Loisa, Ava, at Mia.
Ngunit hindi pa man nakakalapit sa puwesto nila ang grupo ni Dhale ay huminto na ang mga ito sa paglakad at tanging si Dhale na lang ang nagpatuloy sa paglapit sa kanilang kinaroonan. Nagtataka namang sinusundan ni Loisa ng tingin si Dhale na ang mga mata ni Dhale ay sa kaniya lang din nakatuon habang naglalakad pa rin ito papunta sa kanilang puwesto. Bigla na naman siyang kinabahan kung ano ang kailangan nito. Siya kaya ang kailangan ni Dhale? Alangan naman ang kaniyang mga kaibigan na siya lang naman itong laging pinupuntahan ni Dhale at minsan pa nga ay nasorpresa siya sa biglang paglitaw na lang nito sa kaniyang harapan.
Napasinghap pa si Loisa nang tuluyan na itong nasa kaniyang harapan mismo. Napangisi naman sina Ava at Mia kay Dhale at binati nila ito. Si Loisa lang ang naging tahimik.
“Anong kailangan mo?” agad na tanong ni Loisa rito sa nakalapit na si Dhale.
“Oo, nga. Ano ba kasing kailangan mo sa kaibigan naming si Loisa, ha?” mataray na tanong ni Ava rito.
“Ehem.” Tumikhim pa muna si Dhale.
“Loisa?” kalabit na tawag ni Ava kay Loisa. Siniko lang siya pabalik ni Loisa.
“Ano ba...hayaan mo na lang sila,” pigil na sabi ni Mia sa mahinang boses. Pinandilatan lang siya ng mata ni Ava.
“Ano nga ba ang kailangan mo?” ulit na tanong ni Loisa sa kaharap.
“Maaari ba kitang imbitahan saglit?” paghingi ng permiso ni Dhale kay Loisa. Nagkatinginan naman silang tatlo at tiningnan ulit ni Loisa si Dhale.
“Imbitahan? Para sa’n?” kunot noong tanong ni Loisa kay Dhale.
“Mag-uusap lang tayo. Puwede ba?” muli’y pahintulot ni Dhale kay Loisa.
Bumaling ng tingin si Loisa sa kina Ava at Mia. Tumango naman ang mga ito kaya tumayo na siya habang ang mga tropa ni Dhale na nasa medyo hindi kalayuan ay nakatingin din sa kanilang direksyon. May pinag-uusapan ang mga ito na hindi naman umaabot sa kanilang pandinig sa kanilang puwesto.
Kukunin na sana ni Loisa ang bag niya nang kinuha ito agad ni Dhale sa kaniyang upuan.
“Ako na magdadala, pagpresenta ni Dhale kay Loisa.
Hindi na nakaimik pa si Loisa kun’di sumulyap na lamang ng makahulugan kina Ava’t Mia.
“Mag-iingat ka,” habilin naman ni Ava nang mapatingin si Loisa sa kaniya.
Tumango lang si Loisa.
“Huwag kayong mag-alala, hindi ako nangangagat,” tugon ni Dhale nang marinig ang sabi na iyon ni Ava kaya nagulat sila.
Nagkatinginan silang magkakaibigan saglit ngunit hindi na umimik. Nginitian sila ni Dhale pagkatapos.
“Sige, maiwan ko na muna kayo.”
Naglakad na sila paalis pagkasabi niyon ni Loisa.
Sinundan na lamang sila ng tingin nina Ava’t Mia. Ang mga ka-tropa ni Dhale na nandiyan hindi kalayuan ay nakatingin rin kina Loisa’t Dhale na papalayo. Hindi ito sa puwesto ng tropa ni Dhale sila Loisa nagtungo kun’di nasundan nila ito ng tingin na nasa bandang labasan patungong exit gate sila tutungo.
Nakalabas na ng eskuwelahan sina Loisa at Dhale. Naglalakad pa rin sila patungo sa isang Tea Shop. Iyon ‘yong lugar kung saan sila dati pumunta ni Dhale o sa mas tamang tawag na kung saan siya dinala ni Dhale at nag-usap sila. Iyon ‘yong lugar na nagtapat ito sa kaniya na walang pag-alinlangan. Naiisip niya tuloy na makapal ba ang mukha nito dahil malakas ang loob na nagsabi ito sa kaniya.
Bumulatay ang kaba sa dibdib ni Loisa. Ano na naman kaya ang mahalagang pag-uusapan nila ngayon at nais na naman siya nitong kausapin ng sarilinan.
Pagkapasok nila sa isang maliit na inumin ng tsaa ay agad sila naupo sa upuang prenisenta ni Dhale sa kaniya.
“Sandali lang, kukuha muna ako ng makakain natin,” paalam ni Dhale sa kaniya at iniwan na siya sa upuan.
Pumunta ito sa maliit na counter at umorder nga ng makakain nila. Hindi ito bukod na tsaa lang kun’di may mga piling makakain din na puwede mo rin pagkukunan. Ngunit wala ‘yong matandang nakaharap nila Loisa dati, iba na ang nasa counter.
Nilibot niya ng tingin ang kabuuan ng isang Tea Shop. Bakit sa dinami-dami ng pupuntahan nila ay dito pa talaga sila pupunta. Dito marahil ang gusto ni Dhale puntahan dahil bukod sa iba pang kainan na halos magkatabi-tabi lang, eh, dito talaga siya pumupunta.
Nakabalik na si Dhale sa kanilang lamesa at dala-dala na nito ang kanilang pagkain at may inomin din na tsaa. Sinundan lang ni Loisa ng tingin ang paglapag ni Dhale sa kanilang pagkain at inomin.
“Kain na tayo,” anyaya na ni Dhale kay Loisa nang makaupo na ito sa kaharap na upuan niya.
“Mukhang ang sarap ng mga ‘to, kakaiba.”
Kuha ni Loisa sa kubyertos at sinimulan na ring kainin ang pagkain na nasa kaniyang harapan.
“Masarap talaga ang mga ‘yan. Kain na,” sabi ulit ni Dhale na maging ito ay sinimulan na rin ang kumain.
Naging tahimik sila sa buong minutong pagkain nila. Matapos humigop ng tsaa si Loisa ay tiningnan niya si Dhale. Tahimik lang din ito at iniinom na rin ang inomin nitong tsaa. Nawala na rin ang kaniyang kabang nadarama kanina Parang naging komportable siya. Hindi niya maintindihan kung bakit gano’n ang mga naging reaksyon ng kaniyang damdamin sa tuwing pasulpot-sulpot na nilalapitan siya ni Dhale pagkatapos kapag nagkasama na sila ay napapanatag naman siya.
“Bakit nga pala tayo nagpunta rito?” pagbasag ni Loisa sa katahimikan nilang dalawa.
Napaangat naman ng tingin si Dhale. Tumaas ang sulok ng labi nito sa kaniya. Napayoko siya saglit at muling itinaas ang kaniyang ulo at tumingin ulit kay Dhale.
“Gusto lang kitang makasama. ‘Yong tipong maglalaan din ako ng oras para sa ‘yo,” walang pag-alinlangang sabi ni Dhale kay Loisa.
Nanlaki naman ang mata ni Loisa dahil nagulat sa sinabing iyon sa kaniya ni Dhale.
“Huwag ka nang masorpresa. Ginagawa ko talaga ‘to dahil gusto kita. Kapag gusto ko ang isang tao, gumagawa ako ng mga hakbang na mapalapit sa kaniya. Katulad no’ng huling sinabi ko sa ‘yo na tanging makasama at makausap ka lang ay okay na ako,” seryosong pahayag na ni Dhale kay Loisa.
Tila lumungkot ang awra ng mukha nito pero agad din iyon napalis dahil ngumiti ito kay Loisa at napatawa pa ng bahagya.
Kumunot lang ang noo ni Loisa sa tinurang iyon ni Dhale. Wala siyang makapang kasagutan dito. Naiilang pa tuloy siya. Napakatapat kasi nito sa kaniya at hindi niya akalain na gan’to pala ito kung tungkol na sa isang relasyon. Relasyon nga ba? Wala pa naman silang relasyon. Ang sa tingin lang niyang ginagawa ni Dhale ngayon ay ang patuloy siyang sinusuyo dahil nililigawan siya nito hanggang saan nito kakayanin.
“Patawarin mo ‘ko. Sana ay maging kaibigan na muna tayo?” sa wakas ay ang sagot na niya kay Dhale.
Tila nag-iisip pa si Dhale bago nito sinagot si Loisa. Sumilay rin ang ngiti sa kaniyang mga labi.
“Alam ko, sinabi ko naman sa ‘yo 'di ba na ayos lang basta ba hahayaan mo akong makasama ka at makausap lagi. Katulad na lamang ng ganito.”
Inabot ni Dhale ang kamay ni Loisa na nakahawak sa baso ng tsaa. Kinuha nito iyon, hinawakan at pinisil-pisil.
Hindi naman nakapalag si Loisa dahil nagulat din siya sa ginawa sa kaniya ni Dhale ngunit sinundan lang niya ng tingin ang kamay ni Dhale na nakahawak ngayon sa kaniyang kamay. Mabuti na lamang at busy ang iba na umiinom ng tsaa kaya hindi sila mapaghalataan. Naiilang tuloy siya uli sa ginagawa nito.
“I’m sorry. Nadala lang ako. Gustong-gusto kasi kitang mahawakan kaya hindi ko napigilan ang sarili ko,” paliwanag Dhale na napakagat-labi pa.
Tila nagtitimpi ito sa kaniyang sarili kaya marahil gano'n na lamang ang naging kilos nito.
Halos hindi rin makahinga si Loisa ng mga oras na ‘to.
Hindi niya mawari kung paano niya ba tutugunan si Dhale sa mga ginagawa nito sa kaniya. Hindi pa siya handa pumasok sa isang relasyon. Wala siyang nadaramang pag-ibig dito kun’di kunting paghanga lang sa mga katangiang meron siya. Gusto pa niya ang makatapos ng eskuwela. At sana, ang kabaitan ni Dhale sa kaniya ay manatiling intindihin ang kaniyang sitwasyon sa pagitan nila.

Bình Luận Sách (92)

  • avatar
    BeltranIrish

    done

    27d

      0
  • avatar
    Rosette Coronel

    500

    14/08

      0
  • avatar
    Elisha Alodia Caubang

    🫶🏻🫶🏻🫶🏻🫶🏻

    12/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất