logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Paghanga ni Loisa kay Dam Reun

Pagkatapos nang nangyaring iyon kay Loisa ay hindi na siya kinulit pa ni Dhale bagkus ay hinatid na siya nito sa sakayan ng bus para pauwiin. Mabuti na lamang at may rason ang pangyayaring iyon. Paano na lang sa sumusunod pa na mga araw? Magkikita at magkikita pa rin sila ni Dhale. Paano niya haharapin ito? Ano ang isasagot niya? Gulong-gulo na talaga ang kaniyang utak. Napakabastos din niya kung pagsasalitaan niya ng hindi maganda si Dhale o pakitaan niya ito ng hindi maganda.
Araw ngayon ng sabado kaya’t walang pasok si Loisa. Nagkulong lamang siya ng buong araw sa kaniyang kuwarto. Nagtaka man ang kaniyang mga kapatid pero ang kaniyang Mama’t Papa ay hindi alam sapagkat gabi na ito umuwi dahil nag-d-drive ng Grab Taxi ang kaniyang Papa Benjamin habang ang kaniyang Mama Emma naman ay inaasikaso ang pagtitinda ng kanilang Sari-sari Store.
Kinagabihan, nasa salas si Loisa. Siya ang nagpatiuna sa pagpaandar ng tv. Ang kaniyang Papa Benjamin ay nagpapahinga pa sa kanilang kuwartong mag-asawa habang ang kanilang Mama Emma ay naghahanda ng kanilang hapunan. Nang mapunta sa Channel ng Korean Tv ang paglipat-lipat ni Loisa ng channel, kumuha ng kaniyang pansin ang sikat na aktor na si Dam Reun. Dahil sa mukhang interesado siya kaya hindi niya na inilipat ng ibang channel. Tinitingnan na lamang niya ng mabuti si Dam Reun sa isang interview nito. Hindi niya namalayan na nakangiti na pala siya.
“Anong nangyayari sa ‘yo, Ate?” takang tanong ng bunso niyang kapatid na si Ezra na nasa kaniyang harapan na pala nakatitig sa kaniya.
Nabigla naman si Loisa nang mabosesan ang boses ng kapatid. Nakatitig na pala ito sa kaniyang mukha. Para naman siyang naduling at nagulat kaya muntikan pa siyang madulas sa pagkakaupo.
“Ano ba! Nanggugulat ka naman eh,” ani niya sa bunsong kapatid na naiinis.
“Nagtatanong lang naman...problema nito?” tugon na lang ni Ezra sa kaniyang Ate Loisa sabay ng pag-alis nito sa harapan.
“Problema mo rin?” habol na sabi pa ni Loisa sa kapatid na hindi naman ito niyon narinig dahil nakaakyat na sa taas.
Sinundan pa niya ng tingin ang kapatid pero hindi na nakita ng kaniyang mga mata. Saka muli niyang ibinalik ang tingin sa tv.
Nakita niya pa rin si Dam Reun na ini-interview pa. Nakangiti ito habang nagsasalita. Sumasagot naman ito sa English na lengguwahe dahil marunong naman pala itong magsalita ng english. Napapangiti pa siya habang mataman na pinakikinggan ang boses nito, maging ang mukha nito na malinaw niyang nakikita sa tv. Nakangiti ang aktor na si Dam Reun habang nagsasalita sa isang panayam sa kaniya na tila ini-imagine ni Loisa na sa kaniya ito nakatingin. Dapat simula ngayon ay subaybayan ko na ang kaniyang mga palabas o kahit na ano basta’t tungkol sa kaniya. Natutuwa ako sa kaniya. Sabi na lamang ni Loisa sa kaniyang isip.
“Hali na kayo. kakain na!” ang tawag sa kanila ng kaniyang Mama Emma na nasa kusina. Napalingon naman si Loisa. Siya na ang sumagot.
“Opo, Ma.”
Dali-dali niyang pinatay ang tv saka pumunta na sa kusina para sa kanilang hapunan.
Madali lang lumipas ang dalawang araw ng pamamahinga. Lunes na naman para sa araw ng pagpasok. Katulad ng dati ay nakasakay na naman siya sa bus papuntang eskuwelahan. Hindi na siya nag-abala pang magpahatid sa kaniyang Papa Benjamin. Hindi rin sila laging nakakasabay ng kaniyang kambal na si Sophia. Para silang may sariling mundo na dalawa. Close naman sila pero sa gan’tong nag-aaral sila ay mas close kay Sophia ang kaniyang libro at ballpen. Naiintindihan naman ni Loisa iyon dahil likas na mas matalino talaga sa kaniya ang kambal niya kaysa sa kaniya. Hindi kagaya niya na tama lang ang katalinohan pero mas angat ang ganda kaysa kay Sophia at iyon ang bagay na mayroon siya na mas madaling mapansin ng iba.
Paakyat na siya sa hagdan sa ikalawang palapag ng kanilang school building. Natigilan pa siya nang naghihintay pala ang kambal niya at kasama nito ang tatlong bestfriend nito.
“Bakit ka nandito? Kanina ka pa?” takang tanong ni Loisa kay Sophia.
“Ang baon mo, lagi mo kasing nakakalimutan.” Iniabot ito ni Sophia kay Loisa at kinuha naman ito ni Loisa.
“Siya ba ‘yong kambal mo, Sophia?” ang tanong ni Leslie na isa sa best friend ni Sophia. Nginitian naman ni Loisa ang tatlong kasama ni Sophia.
“Oo. Alam ko na mas maganda siya sa akin,” dismayang sagot agad ni Sophia sa kaniyang tatlong best friend.
“Hi! Leslie pala. Sila naman sina Karen and Sam,” pagpapakilala ni Leslie sa kaniyang kasama na best friend ni Sophia.
“Hello!” sabay na bati kay Loisa sa dalawa.
“Hello, rin...” ang mabagal na tugon ni Loisa sa mga ito. Ngumiti rin siya.
“Napakaganda nga pala talaga ng kambal mo,” ani naman ni Karen. Napaismid si Sophia saka sinabing aalis na sila. Napangisi naman ng mahina si Loisa.
“Thank you,” ang tanging nasambit na lamang niya sa mga ito.
Umalis na nga sina Sophia at ang tatlong best friend nito. Marahil patungo na ang mga ito sa kanilang classroom. Pagkatapos, tiningnan ni Loisa ang hawak niyang baon. Bakit ba niya laging nakakalimutan ito? Ang tanong na naman niya sa kaniyang isip. Napabuga siya ng hangin saka nagpatuloy na sa paglakad papuntang classroom. Pagpasok niya ay agad na nagtama ang kanilang paningin ni Dhale. Nakita siya nito agad pagkapasok niya pa lang. Napapaisip pa siya na baka inaabangan siya nitong pumasok sa pinto. Pinamulahan siya tuloy ng mukha at nakaramdam siya ng pag-iinit ng mukha rito. Nagkunwari na lamang siyang balewala ang tagpo ng tingin nilang iyon.
Nagpatuloy siya sa pagpasok hanggang narating niya ang kaniyang sariling upuan. Bigla tuloy pumasok sa kaniyang isip ang nangyari noong nakaraang linggo. Totoo ba ‘yong sinabi sa kaniya ni Dhale? Parang hindi ‘ata siya makapaniwala roon. Ano bang gagawin niya sa pagtatapat nito ng nararamdaman sa kaniya? Masisira pa ‘ata ang utak niya sa kaiisip. Tiningnan niya ulit si Dhale kung nakatingin pa ba ito sa kaniya ngunit nang lingunin niya ito ay nagtama na naman ang paningin nila. Parang hindi pa siya makahinga nang napataas ang sulok ng labi nito. Nakakahiya! Ang naibulalas niya sa kaniyang sarili. Hindi niya naman akalain na nanatili pa pala itong nakatingin sa kaniya. Malamang ay sinundan siya nito ng tingin pagkapasok niya.
Ano ba! Bakit mo naman ‘yan ginagawa? Ang tanong ni Loisa sa kaniyang isip na parang gusto niyang magwala ng mga sandaling ito.
Kinalma na lamang niya ang kaniyang sarili dahil magsisimula na rin naman ang kanilang klase. Tamang-tama rin dahil pumasok na ang unang guro nila sa unang klase. Nagsimula nang magtalakay ang kanilang guro sa kanilang aralin sa araw na ‘to. Mataman naman na nakikinig si Loisa hanggang nawala na ang pakiramdam niya na kanina ay naluluka pa siyang iniisip iyon. Lumipas na naman ang mga oras hanggang sumapit na naman ang hapon para sa uwian.
Iniligpit na naman ni Loisa ang kaniyang mga gamit at inilagay sa kaniyang bag. Pagkatapos ay nauna na siyang magpaalam sa kaniyang dalawang kaibigan.
Paglabas niya ng classroom ay wala na siyang masyadong nakikitang estudyante. Iilan na lang ang nasa labas pero sa hallway ng ikalawang palapag ay wala nang naglalakad. Ba’t bigla yata naglaho ang lahat? Ang naitanong na lang ni Loisa sa kaniyang isip.
Malapit na siya sa may hagdanan at nang pababa na sana siya ay napahinto sa paghakbang ang kaniyang mga paa nang mabungaran niya si Dhale na nakasandal sa pader ng hagdanan na nakapamulsa pa. Bigla siyang kinutuban. Napatingin ito sa kaniya. Natitiyak niyang siya na naman ang kailangan nito. Humugot siya ng malalim na hininga saka napagdesisyonang... Kaya ko ‘to. Paglakas loob niya sa kaniyang sarili.
Nagpatuloy siya sa paghakbang sa daanan hanggang sa nakatapak na rin siya sa kinatatayuan ni Dhale.
Napahinto siya at tiningala ito. Nakatingin nga ito sa kaniya. Walang emosyon ang mukha. Ano bang nangyari rito? Tanong ni Loisa sa kaniyang sarili. Mukhang maaawa pa ‘ata siya sa lagay na ‘to. Pinagtakhan niya kung bakit ang tamlay ni Dhale. Parang dinaganan naman yata ng tambak na libro na kasing bigat pa sa kanilang library.
“Uuwi ka na?” maya’y tanong nito sa kaniya nang hindi pa siya umiimik.
“O-oo. Ikaw ba?” tanong naman ni Loisa pabalik dito.
Tumango lang ito saka ngumiti. Pinagkunotan niya tuloy ng noo si Dhale.
“Hinihintay mo ba ako rito?” lakas-loob na tanong ni Loisa kay Dhale?
Hinarap naman siya ni Dhale. Kumikinang pa ang pares na itim na eyeball sa mga mata nito. Napatitig naman siya rito.
“Gusto kitang ihatid? Okay lang ba?” sagot ni Dhale na tinatanong naman siya nito pabalik. Tumango na lang din si Loisa.
“Tara na,” anyaya ni Dhale sa kaniya na pinauna na siya nito sa paglakad pababa ng hagdanan.
Nakasunod naman si Dhale sa likuran ni Loisa.
Nang makababa na sila sa hagdanan ay pumantay na sa paglakad si Dhale sa kaniya. Napabaling naman ng tingin si Loisa sa kaniyang tabi. Nagtama na naman ang paningin nila at nginitian siya ni Dhale kaya ngumiti na rin siya rito. Baka sabihin pa nitong suplada siya. Talaga namang suplada siya. Napatawa pa siya ng palihim. Medyo naging normal na ang takbo ng kaniyang nararamdaman. Hindi kagaya noong nakaraan na lagi siyang kinakabahan at nagugulat pa. Parang naging kampante siya bigla nang makasabay na niya sa paglakad sa kaniyang tabi si Dhale.
“Iyong tungkol nga pala sa sinabi mo...” simula ni Loisa. Nilingon naman siya ni Dhale saglit habang patuloy pa rin sila sa paglalakad.
“Iyong sa gusto ba kita?” diretsong tugon nito kay Loisa na ikinabigla naman ni Loisa.
Napangisi ng hilaw si Loisa.
Tumango lang siya kay Dhale.
“Tungkol sa sinabi kong iyon ay iyon talaga ang sadya ko kaya inaabangan kita. Gusto kasi kita ulit na makausap tungkol doon sa sinabi ko noong nakaraan,” salaysay ni Dhale sa kaniya na ikinalingon naman din ni Loisa kay Dhale.
Huminto si Dhale at hinarap si Loisa. Napaatras naman ng kunti si Loisa. Ini-angat niya ang kaniyang tingin kay Dhale pero ang mukha ni Dhale ay seryoso lang na nakatingin sa kaniya.
“Tungkol sa sinabi ko sa ‘yo...huwag mo muna iyon alalahaning sagutin,” simula ni Dhale.
“Ang totoo niyan ay gustong-gusto kita. Pero ayaw ko naman na ma-pressure ka kaya tama na lang muna sa akin ngayon ang nalalapitan ka at nakakausap,” litanya ni Dhale kay Loisa at kinindatan si Loisa para iparating dito na ayos lang sa kaniya ang kahit na ano.
Para naman hinaplos ang puso ni Loisa pero wala siyang magagawa sapagkat wala siyang naiisip sa ngayon at wala siyang makapang naramdaman kay Dhale. Hindi niya rin ito paasahin pa pero ayaw niya ring magsinungaling dito. Biglang tumahimik ng ilang segundo sa pagitan nilang dalawa habang nanatiling nakatayo at habang nakapamulsa pa ang mga kamay ni Dhale na kay Loisa lang nakatuon ang paningin.
“P-patawad...pasensya na talaga,” ang tanging nabitiwang salita ni Loisa para kay Dhale. Nakayuko si Loisa. Dinig pa niya ang pagbuntong-hininga ni Dhale.
“Huwag mo lang ako lalayuan sa tuwing gusto kitang lapitan at kausapin. Iyon lang ang nais ko, sa ngayon.”
Humakbang na ito patalikod. Napaangat naman ng ulo si Loisa sa kaniya. Bigla na naman siyang kinabahan sa tinurang iyon ni Dhale sa kaniya. Naisip niya tuloy na masama ba siya na tinanggihan niya ang pagtatapat nito sa kaniya? Nalilito siya tuloy at parang nakokonsensya sa kaniyang ginawa. Mas masasaktan niya ito kung magsisinungaling siya para lang matuwa ito.
“Ano pang hinihintay mo? Tayo na. Ihahatid na kita,” boses ni Dhale ang pumukaw sa kaniyang malalim na pag-iisip.
“Ah, huh?”
Hindi pa makasagot si Loisa. Nagulat siya sa naging asal nito. Mabait pa rin ito sa kaniya.
“Ano ba... Huwag mo nga ako tingnan ng ganiyan,” kalmadong salita lang ni Dhale kay Loisa.
Saka nilapitan ni Dhale si Loisa at inakbayan sabay hila na nito palakad. Nabigla man si Loisa pero wala siyang nagawa at nagpatianod na lamang sa ginawa ni Dhale sa kaniya. Napailing pa na ngumingiti si Dhale.




Bình Luận Sách (92)

  • avatar
    BeltranIrish

    done

    27d

      0
  • avatar
    Rosette Coronel

    500

    14/08

      0
  • avatar
    Elisha Alodia Caubang

    🫶🏻🫶🏻🫶🏻🫶🏻

    12/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất