logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Ang Naging Eksena

Paano nga ba niya kukunin ang librong iyon? Nasa mataas ito na bahagi na kahit tumingkayad pa siya ay hindi niya iyon maaabot. Palinga-linga pa siya sa kaniyang paligid. Wala siyang makitang upoan man lang. Kaya binahala na lamang niya saka ipinasyang aabutin na lamang ang librong kailangan. Sinubukan pa niyang pumatong sa ikalawang bakanteng estante na puwede pa niya patungan nang sa gano’n kahit kaunti ay maabot man lang niya. Tumingkayad din siya saka dahan-dahan na inaabot ang libro pero ilang segundo lamang ay nangalay na siya at pilit pa rin niya iyon kinukuha. Ngunit tila mawawalan na siya ng lakas at balanse kaya naman napaisip pa siya na mahuhulog siya pero hind iyon natuloy dahil may naramdaman siyang nakahawak sa kaniyang baywang at likuran.
Napapikit pa siya pero nagmulat din siya ng mata at nilingon ang kung sino mang nasa kaniyang likuran.
Biglang namilog ang kaniyang mata nang mapag-sino ang nakahawak ngayon sa kaniyang baywang at likuran. Ngumisi ito sa kaniya. Itutulak niya sana ito ngunit malakas ito kaya naman dahil sa nais niyang pagtulak dito ay napayakap na pala ito sa kaniyang likuran sapagkat sinalo na siya nito. Kamuntikan na kasi siyang mahulog. Mabuti na lamang at nasa likuran pa niya ito at nanatili pa ring nakayapos sa kaniya ngunit narinig niya itong napangiwi, marahil sa tumama ang likuran nito sa estante ng mga libro. Nilingon niya ito na ang mga kamay ay nakayapos pa rin sa kaniyang baywang. Naamoy pa niya ang mabangong amoy nito. Muntik pa siya natigilan dahil napapikit pa ito na tila nagulat din sa sinapit sa pagtama ng likuran nito.
Siguro ay nasaktan ito.
Hinuha niya bago pa man siya nagsalita.
“A-ayos k-ka lang ba?” tanong ni Loisa rito sabay tapik nito sa balikat. Nagmulat naman ito ng mata kaya nagtama ang paningin nila.
“Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?” ulit na tanong ni Loisa.
“H-hindi naman...sa susunod mag-iingat ka,” sagot nito kay Loisa. Pinagkunotan pa iyon ng noo ni Loisa dahil nagawa pa nitong maghabilin sa kaniya gayong ito na nga ang nasaktan.
Bigla pa sila napatingin sa isa’t isa dahil sa napansin na nila ang kanilang posisyon.
Tila nagyakapan sila dahil nanatili pang nakayapos ang lalaki sa kaniya habang si Loisa naman ay nakahawak sa braso nito. Nailang tuloy silang pareho sa kanilang ayos kaya agad naman siyang binitiwan ni Dhale. Ang kaklase niyang guwapo, maputi at napakakisig ng katawan.
Isa si Dhale Dhrub Mondrei na sikat sa kanilang school maging sa loob ng kanilang classroom. Hindi naman ito matalino pero may talento. May grupo kasi ito sa isang sayaw kaya naman sikat ito lalo na sa taglay nitong kaguwapuhan dahil sa ito ay may pagka-singkit at biloy sa magkabilang-pisngi sa tuwing ngumingiti ito.
Agad naman sila kumawala sa isa’t isa sa pagkakayakap. Dahan-dahan namang umayos ng tayo si Dhale dahil tila dinadama nito ang kaniyang likuran. Inayos pa niya ang nagusot niyang uniporme. Pinagmasdan na muna nang tingin ni Loisa si Dhale pagkatapos ay napaangat na lang siya nang tingin sa librong nais niyang kunin. Napatingin naman si Dhale sa kaniya at nakita nito kung saan nakatuon ang kaniyang paningin. Napailing-iling pa si Dhale saka walang sabing iniabot nito ang librong tinangkang kunin ni Loisa kanina.
Napanganga na lang si Loisa dahil sa gulat.
Hindi agad nakahuma sa kaniyang nakita. Nakatanga lang siya.
“Hey? Ayos ka lang ba?” tanong ni Dhale kay Loisa habang hawak pa niya ang librong kinuha.
“O-oo, ayos lang ako. S-salamat,” bulol pa niyang sabi saka kinuha niya ang libro sa kamay ni Dhale.
Nagulat din si Dhale sa pagkuha ni Loisa sa libro pero hinayaan na lamang niyang kunin iyon ni Loisa sa kaniya. Ngumiti naman siya kay Loisa.
“Sige, mauna na ako sa ‘yo.” Humakbang na si Dhale matapos niyang magpaalam kay Loisa.
“Salamat ulit dito,” pahabol na tugon ni Loisa sabay pagpakita sa librong hawak. Nilingon naman siya ni Dhale at kumaway pa sa kaniya sabay talikod nito.
Nagpakawala muna nang malalim na hininga si Loisa bago sumunod na umalis.
Pabalik na si Loisa sa kanilang classroom at habang papalit na siya sa kanilang section ay saka naman nakita niyang naghihintay sa labas ng pintuan ng kanilang classroom ang bunso niyang kapatid na si Ezra.
Napatayo ito nang tuwid nang makita siya.
Biglang kumunot ang noo ni Loisa nang makita ang kaniyang bunsong kapatid. Ano kaya ang kailangan nito? Sabi pa niya sa kaniyang isip.
“Bakit ka nandito?” tanong ni Loisa nang makalapit na siya sa kapatid. Inilahad naman nito sa kaniya ang dala na nakabalot sa plastik bag.
“Ano ‘to?” takang tanong niya ulit dito. Nagkibit-balikat lang ang kaniyang kapatid saka nagpaalam na sa kaniya.
“Teka!” pagpigil niyang sambit dito. Nilingon naman siya nito.
“Baon mo. Nakalimutan mong dalhin. Sige, Ate.” Diritso na itong naglakad palayo.
Napatitig na lamang si Loisa sa hawak na nakabalot sa plastik bag. Tapos na akong kumain kaya para saan pa ang baon na ‘to? Bulong niya pa.
Pagpasok ni Loisa sa kanilang classroom ay wala pa roon sina Ava at Mia kaya nagtataka man ay tahimik na lang siyang umupo sa kaniyang upuan sa bandang gilid sa kaliwang bahagi malapit sa may bintana.
Nagpakawala pa si Loisa nang malalim na hininga nang mahagip niya sa isang sulok ng kanilang classroom ang nagkumpulan na pitong lalaki na kaniya ring kaklase. Nagtagpo pa ang kaniyang kilay kung anong meron pero nang mapagtanto niyang kung ano ay saka lamang niya nakuha na gumagawa pala ng step sa sayaw ang mga ito.
Nakita niya pa si Dhale sa gitna. Nakita niya pa kung paano kalabitin si Dhale ng kaklase nilang si Aiken saka tinuro siya at lumingon si Dhale sa kaniya. Roon pa siya nakahuma nang tumaas ang sulok ng labi ni Dhale. Marahil ay ngumisi ito dahil naaktuhan siyang nakatingin sa kanila. Agad naman siya nag-iwas ng tingin saka napahiyang iniyuko na lamang ang kaniyang ulo.
Kainis naman! Aniya pa sa kaniyang isip. Tila nakaramdam pa siya ng init sa kaniyang magkabilang pisngi. Sa pagtataka ay hinawakan niya pa ito. Nag-inhale, exhale pa siya para mapakalma ang kaniyang sarili. Ano ba ‘tong nangyayari sa ‘kin? Bakit ako biglang kinabahan?” Muli’y napatanong siya sa kaniyang isip.
Nanatili na lamang siyang nakaharap sa kanilang pisara at hindi na muling lumingon pa.
Mga ilang buwan na lang kasi ang klase nila dahil malapit na ang end of school year kaya kahit medyo nagtagal pa nang higit isang taon ang kanilang pasukan, ni minsan ay hindi niya nagawang makipag-close sa mga kaklase niya. Tanging sina Ava at Mia lamang ang ka-close niya sa kanilang classroom. Hindi rin nabigyan nang pagkataon na magkaharap sila ni Dhale, ang kaklase niyang lalaki na laging tinutukso sa kaniya. Alam niya’t naramdaman na parang may gusto ito sa kaniya pero hindi niya ito binibigyan ng pansin dahil baka ito pa ang maging rason na magmalaki ito. Ayaw niya rin itong patulan dahil baka umasa pa ito sa kaniya lalo pa’t wala naman siyang nararamdaman dito o di kaya’y pagkagusto.
Inaamin niya na attractive ito pero pinipilit niya ang sarili na hindi mahulog ang loob dito.
Ayaw niyang mangyari iyon.
Sa ngayon kasi ay focus lang siya sa kaniyang pag-aaral para maka-graduate man lang sa sekondarya. Bahala na muna ang sa kolehiyo dahil wala pa siyang plano kung mag-aaral ba siya o kung ano ang gusto niya. Nagpaplano kasi siyang hihinto muna sa pag-aaral sa kolehiyo para makapagpahinga dahil sa tingin niya ang mga taon sa secondary school ay hindi birong nakakapagod talaga. Stressed siya at inaangkin niya iyon.
Nasa 2nd Science Curriculum kasi siya kaya gano’n na lang ang hirap niya dahil pawang mga matatalino at talentado ang nasa section nila. Matalino siya kaya napabilang siya riyan. Hindi naman niya pinagsisihan bagkus gusto lamang niya magpahinga at sana ay pumayag ang kaniyang mga magulang. Panganay pa naman siya.
Napailing na lamang siya.
Hindi rin niya maisip kung bakit sa tinagal-tagal ay ngayon lang nangyari ang scene sa pagitan nilang dalawa. Nakakapagtataka talaga. Anang isip ni Loisa. Ngayon lang nangyari ito sa kaniya at ang scene nila kanina ay hindi mawaglit sa kaniyang isipan.
Madaling lumipas ang mga oras at sumapit na ang hapon. Iniligpit na ni Loisa ang kaniyang mga gamit para ilagay sa kaniyang bag nang may hindi inaasahang lalapit sa kaniya. Napaangat naman siya ng tingin?
“Hi!” ang bati sa kaniya ni Dhale.
Si Dhale nga ang lumapit sa kaniya kaya nabigla naman siya.
Nginitian niya lang ito saka akma na sanang aalis pero pinigilan siya nito sa kaniyang braso. Napatingin naman siya sa kamay ni Dhale na nakahawak sa kaniya. Agad naman iyon inalis ni Dhale sa pagkakahawak.
“May kailangan ka ba?” diretsong tanong ni Loisa. Napatingin tuloy sa kanila ang kanilang mga kaklase na nasa kanila pang classroom. Napalingon din si Dhale sa kanilang mga kaklase na nakatingin sa kanila.
Ngumisi siya sa mga ito.
“Ano ‘yan Dhale? Nag-yaya ka na ba?” ang tanong naman sa isa sa mga kasama ni Dhale na nakatayo sa kanilang upuan.
Ngumisi naman ang tatlong kasama pa nito. Hinihintay yata nila si Dhale bago sila aalis. Napabaling naman ang tingin ni Loisa sa nagsalita na iyon na isa sa mga tropa ni Dhale. Pinamulahan naman iyon ng mukha ni Loisa saka muling hinarap ang nasa kaniyang harap ngayon.
“Ano ba kasing kailangan mo?” diing tanong ni Loisa kay Dhale na maging siya ay pinapabilis ang kailangan nito. Pero sa mahinang sabi lang niya iyon.
Lumapit pa ng kaunti si Dhale sa kaniya. Ang mga paa na lang nila ang namamagitan sa kanilang distansya kaya pinanlakihan niya iyon nang mata nang dumapo ang mukha nito sa kaniyang bandang tenga. Hindi siya nakagalaw at para siyang naestatwa.
“Maari ba tayong mag-usap. Importante lang,” ani nito sa kaniya saka gumalaw ang mukha nito para tingnan siya.
Mabuti na lamang at nailag niya ang kaniyang mukha kung hindi ay baka magkahalikan pa sila kung pati siya ay nilingon ito. Medyo matangkad ito sa kaniya kaya kailangan niya pang i-angat ang ulo rito. Matangkad din naman siya pero mas matangkad lang din ito sa kaniya. Tinitigan siya nito nang malalim. Hindi pa siya nakasagot at nakikilaban din nang titigan dito.
“Please...” sambit nito kay Loisa na parang nagsusumamo.
Nagtagpo ang kilay ni Loisa sa sinabi nito. Mahina lang din iyon upang hindi marinig ng mga kaklase nilang nasa classroom pa nila. Maging sa ka-tropa nitong nasa ikatlong linya ng kanilang upuan. Tila naghihintay pa rin na matapos sila.
“B-bukas na lang,” bulol pa niyang sagot dito na napayuko. Umatras siya palayo kay Dhale saka mabilisang lumabas ng classroom.
Hindi na niya nilingon pa si Dhale na kaniyang iniwanan. Pagkasabi niya kasi no’n ay biglang tumahimik ang buong classroom. Ewan niya na lang kung narinig din ba siya nang ilan sa kanilang kaklase na nandoon pati ang tropa ni Dhale. Bahala na. Sila naman iyong nagsimula. Anang isip niya.

Bình Luận Sách (92)

  • avatar
    BeltranIrish

    done

    27d

      0
  • avatar
    Rosette Coronel

    500

    14/08

      0
  • avatar
    Elisha Alodia Caubang

    🫶🏻🫶🏻🫶🏻🫶🏻

    12/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất