logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Doctor's goal to the Actor

Doctor's goal to the Actor

Neth Daquipil


Buhay Estudyante

“Anak! Loisa! Bilisan mo na riyan at baka mahuli ka na sa klase,” ang tawag ni Emma sa kaniyang anak na si Loisa.
“Opo!” sagot naman nito na sumigaw upang marinig siya ng kaniyang ina sa baba.
Nang makababa na si Loisa ay agad siyang nagtungo sa kusina, hindi para kumain kun’di nagmano lamang sa ina saka mabilisang kumuha ng isang hotdog at isinubo iyon lahat sa kaniyang bibig. Gulat naman na napatingin sa kaniya ang dalawang kapatid na kasalukuyang kumakain sa kanilang hapag-kainan.
“Hindi ka ba mag-a-almusal?” pahabol na tanong ni Emma sa anak na si Loisa.
Imbes na sumagot ay kumaway lang ito sa ina na nagpaalam saka mabilis na lumabas ng pinto. Napabuntong-hininga na lamang si Emma sa ginawa ng anak. Nasa isip ni Emma na hindi pa naman late ang anak at may ilang minuto pa itong kumain sana. Tila nataranta na marahil ito dahil sinabihan niyang late na ito. Nilingon na lamang ni Emma ang dalawa pang anak na kumakain.
“Sige, kain kayo. Bilisan niyo at huwag kalimutang dalhin ito sa Ate niyo sa eskuwelahan dahil hindi na naman iyon nag-almusal.” Habang nagbabalot ng makakain kay Loisa na isinilid niya sa isang lalagyan na plastik.
Tumayo si Sophia pagkatapos sumagot sa bilin ng ina. “Opo, Ma.”
“Si Ate talaga, lagi na lang nagmamadali. Para naman kung may hinahabol,” ismid na sabi ni Ezra, ang bunsong kapatid sa tatlo na sinundan ni Sophia. Habang sumusubo pa rin ng sandwich at kumakain pa rin.
“Ma, ihahatid ba kami ni Papa?” tanong ni Sophia sa ina matapos na isinukbit sa tagiliran ang handy bag nito na lalagyan ng kaniyang mga libro at kung anu-ano pa. Nilingon naman si Sophia ng kaniyang Mama Emma.
“Hindi na. Mag-bus na lamang kayo dahil may kliyente pa ‘yong ama ninyo ngayon,” tugon naman ni Emma sa anak.
Napabusangot naman si Sophia pagkatapos tamlay na naglakad papuntang pintuan.
“Sophia, sandali! Hintayin mo ‘ko,” ang tawag naman ni Ezra sa kapatid na apat na taon ang kanilang agwat subalit mas nasanay itong tawagin lang sa pangalan nito ang kapatid dahil ayon sa kaniya ay mas bagay ang kanilang Ate Loisa na galangin kaysa rito na ate rin naman si Sophia.
“Bilisan mo na riyan.” Ibinigay ni Emma ang supot ng plastik kay Ezra. “Heto, baka makalimutan pa na ibigay sa kapatid niyo.”
Baon iyon ni Loisa na nakaligtaan nang dalhin nito dahil sa pagmamadali. Kinuha naman iyon ni Ezra sa kamay ng ina saka humalik sa pisngi ng ina at lumabas na rin ng pinto.
“Mag-iingat kayo!” pahabol pa na sabi ni Emma sa anak.
Habang nasa sakayan ng bus ay napapikit pa si Loisa. Kaunti lang ang naitulog niya kagabi dahil may ginawa pa siyang report para sa kanilang laboratory. Napaka-hassle talaga para sa kaniya ang kanilang klase. Nasa Third Year High School pa lang naman siya pero bakit parang gano’n na lang kahirap ang pag-aaral para sa kaniya. Mas gugustuhin na lamang niya ang gumuhit at magbenta, malamang ay kikita pa siya. Napailing pa siya sa kaniyang naisip. Hindi puwede dahil magagalit ang mga magulang niya sa kaniya dahil nais ng mga magulang niya ang makapagtapos sila ng pag-aaral na magkapatid. Mahirap nga lang sila ngunit natutugunan naman ang kanilang mga pangangailangan.
Isang Grab Driver ang kaniyang ama at nagtitinda naman sa isang Sari-sari Store ang kaniyang ina sa isang Market sa City. Pag-aari nila ang Sari-sari store na iyon, hindi gano’n kalakihan bagamat sapat lamang para matugunan ang kanilang pangangailangan. Minsan sinusundo sila ng kanilang ama at minsan ay hindi kun’di sa sakayan na lang ng bus sila sumasakay. Minsan lang din sila magkakasabay kung umuwi dahil nasa third year high school pa si Sophia katulad nang kay Loisa habang si Ezra ay magtatapos pa lamang sa elementarya. Iba ang eskuwelahan na pinapasukan ni Ezra pero hindi naman iyon gaano kalayo sa high school.
Magkatulad nga nang level sa taon sina Loisa at Sophia dahil magkakambal sila ngunit hindi magkamukha. Mas matalino si Sophia kumpara kay Loisa pero may talentong taglay si Loisa na wala kay Sophia.
Si Sophia kasi ay parang may sariling mundo. Mahilig mag-isa at laging naka-focus lang sa mga libro’t papel. Napakabait kasi ni Sophia kumpara sa kay Loisa. Suplada kasi ang mukha ni Loisa at hindi palangiti. Hindi rin masyadong palakaibigan. May magiging kaibigan man si Loisa pero isa o dalawa lamang samantalang si Sophia ay halos lahat kaibigan kahit pa lalaki ito. Kaya walang masyadong lumalapit kay Loisa dahil masungit ito. Gano’n pa man mabait din naman si Loisa kaya lang sa tahimik na paraan. May magandang mukha kasi si Loisa kaysa kay Sophia. Matangkad din si Loisa kumpara kay Sophia. Mas matambok lang ang pangangatawan ni Sophia habang si Loisa ay katamtaman lamang ang hugis ng kaniyang katawan. Matakaw sa pagkain si Sophia at hindi naman si Loisa. Talagang malaki ang kanilang pagkakaiba.
Nang makarating na sa eskuwelahan si Loisa ay agad na sumalubong sa kaniya sa pathway pa lang, ang dalawang matalik niyang kaibigan na sina Ava at Mia. Agad na kumaway sina Ava at Mia kay Loisa. Nginitian naman niya ang mga ito.
“Maaga ka yata ngayon, Loisa?” tanong agad sa kaniya ni Ava nang makalapit na ito sa kaniya. Napatingin naman si Loisa sa kaniyang suot na relo saka nagpakawala ng malalim na hininga.
“Oo nga eh, ang tanga ko talaga! May orasan naman pala ako, ba’t ‘di ko iyon naisip?” pagtatakang turan pa niya sa dalawang kaibigan.
Napasapo naman ang mga ito sa kanilang ulo. Tila nahimigan nila ang katangahan ni Loisa.
“Kung gano’n ay hindi ka sana maagang nakapasok ngayon?” pagdadalawang-isip na tanong sa kaniya ni Mia.
Agad naman siya napabusangot saka umiling. Nagkatinginan naman ang dalawa niyang kaibigan. Bakas sa mga mukha nito ang lubos na pagkagulo sa kanilang nais na maintindihan.
“Bakit? Ano ba talagang nangyari?” agap na tanong sa kaniya ni Ava habang sinusundan siya sa paglakad.
“Wala...tayo na nga at baka mahuli pa tayo sa klase,” ang sabi na lang ni Loisa sa kaniyang dalawang kaibigan.
At nauna na siyang maglakad patungo sa tatlong palapag ng school building nila kung nasaan ang kanilang classroom.
“Oy, teka! Hintayin mo kami Loisa!” ang sigaw na lamang ni Mia, patakbo pa silang dalawa ni Ava para sundan si Loisa.
Makalipas ang ilang oras ay natapos din ang klase nila sa umagang iyon. Kaya nang magtanghalian na ay sabay-sabay na silang magkakaibigan na lumabas ng kanilang classroom. Nasa ikalawang palapag lamang ng 3 Storey Building ang kanilang classroom. At sa dating gawi pa rin ay sa favorite spot sila nagpasyang kumain nang kanilang pananghalian ngunit nang maglabasan na ng kani-kanilang baon ay gano’n na lang ang panghinayang ni Loisa na wala pala siyang nadalang baon.
Napangiwi pa sina Ava at Mia sa naging reaksyon ni Loisa.
“Hindi ka nakapagdala ng baon mo?” tanong sa kaniya ni Ava. Umiling naman siya na nakabusangot.
“Baka naman kasi naiwan mo?” agap naman na suhestiyon ni Mia kay Loisa.
“Nakalimutan ko talaga dahil sa pagmamadali ko. Akala ko kasi ay late na ako. Hindi pa pala!” inis niyang tugon sa dalawang kaibigan.
“Huwag mo na alalahanin ‘yon. Maghati-hati na lang tayo,” ani ni Ava sabay paglahad nito sa kaniyang baon kay Loisa.
Gaya nang kay Ava ay inilahad din nito kay Loisa ang kaniyang sariling baon patunay na magbibigay rin si Mia para sa kaibigan.
“Ako rin, total marami rin itong sa akin kaya hindi ko mauubos ‘to.”
Napangiti naman doon si Loisa kaya nagtawanan silang tatlo saka sabay-sabay na pinagsaluhan ang pagkain na baon nila Ava at Mia.
Pagkatapos nang naging pananghalian nila ay walang klase sina Loisa para sa unang subject nila ngayong hapon kaya naman napagpasyahan niyang pumunta sa Library Room. Ang malawak na Library sa Farmington Secondary High School. Nagpaalam siya kina Ava at Mia na siya na lang ang pupunta ng library para sa librong dagdag sa kailangan niya para sa kaniyang report sa laboratory mamayang alas-kuwatro ng hapon.
Pagkarating niya sa library ay agad siyang nag-log book. Pagkatapos ay pumunta na siya sa bulwagan kung saan naroon ang mga estanteng nakahilera para sa lalagyan ng mga libro. May iba’t ibang pangalan sa taas na iyon nakalagay kaya medyo memorya na niya ang nakahanay na mga libro. Dahil sa lawak at taas niyon ay sumakit pa ‘ata ang ulo niya kaya mabilisan niyang nilakad ang dulo na pinaglagyan ng librong kakailanganin niya. Pero nang makarating na siya sa kaniyang pakay ay saka naman siya napahugot nang malalim na hininga.

Bình Luận Sách (92)

  • avatar
    BeltranIrish

    done

    27d

      0
  • avatar
    Rosette Coronel

    500

    14/08

      0
  • avatar
    Elisha Alodia Caubang

    🫶🏻🫶🏻🫶🏻🫶🏻

    12/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất