logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 2 A&T Part 1

Eliana
"Neng! Bawal dumaan dito!" hindi ko na pinakinggan pa ang sinabi ng guard na nagbabantay sa gate ng simbahan. Basta kailangan kong dumaan dito kasi late na talaga ako!
Halos mauntog pa ako sa mababang gate papasok sa eskwelahan namin para lang maabutan ang line ng flag ceremony para ngayong lunes. Lunes na lunes late ako! Gusto ko nalang sapakin ang sarili dahil iyon pa talaga ang inalala ko habang tumatakbo.
Ramdam ko ang mga mata ng nakalinya nang klase sa 'kin. Nagsisimula na silang ayusin ang linya nila para sa pang-umagang panalangin. It happens every morning in our school.
Hindi ko sila pinansin. Diretso lang ang lakad ko hanggang sa marating ang hagdanan na aakyatin ko pa para makapunta sa classroom. Nilalampasan ko ang isang baitang ng hagdan para mas mabilis ang akyat ko.
Wala na akong pakialam kung madapa man ako dito ang mahalaga maakyat ko 'to at makaabot sa linya bago pa magsimula ang flag ceremony. Kunot ang aking noo habang maingat pa ring inaakyat iyon.
"Elisa! Late ka rin?" may tumawag sa pangalan ko galing sa likod. Hindi ko na inabalang tignan kung sino pero alam ko kung kaninong boses ‘yon.
"Oo! Dalian na natin," nagmamadali kong ibinaba ang bag sa upuan ko at nilingon ang kaibigan. "Cessy! Dalian mo!"
Sabay naming tinahak ang hagdan. Halos tumakbo pa kami papunta sa linya ng klase namin dahil nakikita na namin ang mga student council at ang–ano nga ulit tawag doon? Ah basta! Iyong mga estudyanteng naka-uniporme na parang sundalo at sila 'yong tumatayong tagabantay ng school. Strikto nga nila!
"Ayan! Mabuti nalang hindi tayo naabutan," bulong ko sa sarili ko na tingin ko ay narinig ni Cessy dahil napatango rin siya.
Tanaw ko ang ilan sa mga kaibigan ko na nasa bandang harapan na linya. Ito kasi ang napapala ng late e! Sa likod ka mapupunta. Pero okay lang, kapag magdadaldalan kayo, hindi kayo makikita.
Natawa ako sa naisip. Tinuon ko nalang ang atensyon sa harapan at nakisabay na sa pang-umagang panalangin.
Pagkatapos ng flag ceremony ay ang umpisa ng homeroom namin. May umiikot sa loob ng classroom at may dalang box na siyang lalagyan ng mga cellphone na dala namin.
May mga sinasamantala ang labing limang minuto para tapusin ang mga kailangang ipasa ngayong umaga. Meron ding umagang-umaga ay nag-aayos na ng kanilang mga sarili. May sari-sariling buhay ang mga kaklase ko. Well, I just watch them alone trying to find myself something to do.
Tapos ko naman na lahat ng dapat ipasa kagabi. Kaya ako late kasi napuyat ako dahil sa mga requirements na pinapagawa ng subject teachers namin. Sa sobrang dami, naabot ako ng halos madaling araw para lang tapusin lahat.
Hindi kasi pwedeng mag-cram ako lalo na at may mga homeworks kami ngayong week. Kung iisipin ko pa ‘yung mga requirements habang ginagawa ko ‘yung homework, baka hindi ko lang masagutan nang maayos.
Abala ako sa paglalaro ng buhok ko nang may kumalabit sa akin.
Nilingon ko kung sino 'yon, "Oh, bakit?"
"Late ka 'diba?" tanong sa'kin ng secretary namin. Her slender figure sure does catch attention on the campus. Most girls in this school have this kind of figure, usually the popular ones.
"Oo, late kami ni Cessy," tugon ko sa kaniya at bumalik sa paglalaro ng buhok ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya na siyang nagpalingon muli sa 'kin. "Sayang, perfect attendance ka na sana. This is actually your first late. Ikaw pa naman 'yung taong iniisip kong hindi mapabibilang sa record ko."
Iniwas ko nalang ang paningin ko at hindi na pinansin ang sinabi niya. Isa rin kasi sa goal ko ngayong school year ang perfect attendance. Walang late, absent, at cut classes. Pero 'yun na nga, hindi nangyari kasi late ako ngayon.
But does that even matter? Ano naman ang makukuha ko kung sakaling perfect attendance nga ako? As if they give awards or anything for people who have that perfect attendance record after the school year. They don’t.
Pagkatapos ng fifteen minutes para sa homeroom, nagsimula na ang unang lesson para sa second grading period namin. Science teacher ang adviser namin kaya umagang umaga pigaan ng ulo agad ang inaaral.
Physics na naman. Napairap nalang ako sa unang lesson. Inisip ko nalang na pipilitin kong intindihin para makabawi ako ngayong grading. My failures motivate me.
Last grading, disappointed ako sa sarili ko. Dati kasi ay nangunguna ako sa rankings ng top. Ngayon naman ay pangatlo nalang ako. Hindi ko alam ang nangyari sa sarili ko. I still remember how my friends acted when they found out.
"Ano bang nangyari?" tanong sa akin ni Mikhaille. Iyong pinakatahimik.
Hindi ko sila matignan. Kung nabigo ko ang sarili ko, lalo na sila. In-expect nila na ako pa rin ang mangunguna ngayon. Well, why expect? Why do they have to expect that high? Hindi naman sila magiging ganito kadismaya kung hindi rin sila umasa katulad ko. I do fall, I am human.
"Hindi ko alam, Mikhaille." ang nasabi ko nalang sa kaniya.
Hindi ko rin alam ang nangyari sa sarili ko at kung bakit ganoon ang resulta. Nagrereview naman ako at ginagawa ng maayos ang mga requirements ko. Tutok naman ako sa pagmamanage ng time at maayos naman 'yon. Siguro hindi lang ako nakafocus ng mabuti no'ng mga panahon na nag-wriwritten na kami. Yung tipong alam ko, pero sa ibang bagay lumilipad isip ko.
"Baka naman hindi pa rin niya nakakalimutan si Trail?" ani Sean, isa sa mga lalaking kaibigan ko. "If that's the case, hindi ko na alam, Elisa. Nabigyan ka na namin ng sandamakmak na advice, kulang pa ba?"
"Uy, hindi ah! Tapos na ako sa kanya. Wala nang kami. Tapos na kami." Sinubukan kong iwasan ang tingin nito ngunit hinabol niya lamang ang paningin ko.
Halos mag tatlong buwan na rin naman na wala nang kami, at nakaya ko. Kasi kaya ko naman talaga! I don’t really think I deserve that kind of guy. I started questioning my taste, my type of guys. Nag-iipon siya ng babae.
Matapos ng pang-umagang klase, lumabas ako ng classroom at dumiretso sa faculty. Kukunin ko 'yong nakasurrender na cellphone ko sa adviser namin. Gagamitin ko ngayong lunch. Students who bring their phones to school must surrender it to their class adviser and could only redeem it during lunch break or after dismissal.
Malayo palang ako ay kita ko na ang mga estudyanteng nagsisiksikan sa labas ng faculty. May ilan pang seniors na nag-aasaran doon at ang ingay nila. Napangiwi nalang ako. Lulusungin ko 'to?
Palapit na sana ako nang nakita kong makakasalubong ko ang isa sa kaibigan ni Crestina. Crestina is one of my friends but not actually friends with Mikhaille and the rest of them. Ako lang ang kaibigan niya sa classroom namin.
This guy was one of Tina’s friends and sometimes would talk to me when he needs something. Or when I tag along. Ni hindi sa malapit sa akin at nag-uusap lang kami kung kailangan. Lalampasan ko na sana siya ngunit hinarangan niya ako.
Nangunot ang noo ko nang ngitian niya ako. He has those straight eyebrows almost reaching his forehead because of his wide smile. Exaggerating but it looks cute for me.
Matagal ko na siyang kilala. Transferee siya last year, kasama ng mga kaibigan niya. Palabiro siya at maloko, well sometimes. He doesn’t really show off that attitude to people he really isn’t close to.
"Nakita mo si Tina?” Kita ko ang paggalaw ng buhok niya dahil sa ihip ng hangin. "Sasabay raw siya ngayong lunch, e."
Nagkibit-balikat ako, "Hindi ko alam. Hanapin mo sa classroom ni ate Maya, baka nandoon," nakita ko ang pagkunot ng magandang kilay niya.
Sobrang nagagandahan talaga ako sa kilay niya, sakto lang hindi ganoon kakapal. Straight lang na bumagay talaga sa kanya. But if I say that to him right now—which I know I will never—I bet he would tease me about it. He loves hearing praises, especially if it’s about his appearance.
"Saan ba 'yon? Can you lead the way?"
Natigilan ako sa narinig. His voice was soft and calm. I always admire that part of his personality. Palabiro siya, oo, pero salungat 'yon ng boses niya.
Hindi agad ako nakasagot kaya narinig ko ang mahinang pagtawa niya, "I'll wait for you here. Ano bang gagawin mo sa faculty?" he asked.
"Ha? I'll go get my... Ano, phone!" nautal ako. That was so unnecessary!
I heard his low laugh as he stared into my eyes. His smile remained after. Marahang tinanguan niya naman ako at iginiya ang faculty. I looked at him, trying to read what could be running in his mind right now by the way he act but to no avail, I just found myself almost smiling the way he did.
His laugh filled my ears once more before I started walking. He does love teasing, doesn’t he?
"Okay. Hintayin kita dito sa labas." he nodded and motioned me to go now. “Hindi ko naman pagdarasal na madapa ka, don’t worry,” nang lingunin ko siyang muli, malokong ngiti ang nakalitaw sa mga labi niya.
“Gago ka ba?”
“Medyo. Punta ka na baka lalo kang madapa kung tititigan mo lang ako,” he chuckled. His tone was so annoying.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tinalikuran na siya doon, bago pa ako sumabog sa inis. He sure do know how to annoy someone, huh? What a talent he got there. Not even impressive enough.
Pinalo ko ang ulo sa kung ano-anong iniisip at sinimulang suungin ang dagat ng tao sa loob ng faculty. But the thought of that guy, Alaric, can’t seem to escape my mind. Nakagat ko na lamang ang labi.
His flowery words complement his annoying smile which always got me. I can’t deny girls flock to him because of that trait. He rejects most of them for unknown reasons. No one knows, even his friends.
Gusto kong isipin na baka kasi baliko siya kaya laging tinatanggihan ang mga babae pero parang hindi naman. Though, the thought always cross my mind, he may be gay? Nangiti ako sa naisip.
I don’t know but seeing him as gay sounds cute. I don’t see gays as taboo but they’re amazing people, really. Kung iisipin, bagay ang ugali ni Alaric sa mga usual na ganon ang pagkatao. Hindi na tuloy nawala ang ngiti ko.
“Plus the fact that he's surrounded by mostly us, his girl friends…” I whispered.
Natawa ako sa naisip ko. I don’t even want to deny I did have a crush on him during freshman year. It lasted for weeks only. I can’t even remember the feeling now. Saka kung maging dedikado man ako sa crush feeling na iyon hanggang sa magtagal, hindi rin naman iyon masusuklian ni Alaric.
As I said, he rejects. Never flirts.
"Sir! 'Yung phone ko po, kukunin ko na," tawag ko sa adviser namin na nasa dulo pa ng faculty. “Wait… Excuse me…” pilit kong siningit ang sarili.
I winced when I felt like I was crashed. Grabe naman sila! Atat na atat ba silang makuha ang phone nila? Hindi man lang magdahan-dahan, may natamaan na ata ako.
Nangunot lamang ang noo ko sa nangyari at hindi na sinubukan pang alamin kung sino iyon.
"Ate Maya!" gulat kong dinaluhan ang babaeng nasa likod ko, halos matumba na. "Hala, sorry. Nagtutulakan kasi sila."
She smiled at me. Hindi ko na napigilan ang mahawa sa mga ngiti niya. Ate Maya is Crestina’s cousin, also close to my heart. She’s the sweetest person I’ve ever met.
"May iniligay lang ako rito. Hindi mo kasama si Tina ngayon, ah?" she said.
Umiling ako, "Alaric’s also looking for her. I thought you might know where she could have been since she’s usually in your classroom, ‘diba ate?”
"Ah, oo! Naalala ko ngang nagpaalam siya sa akin kanina na may kukunin sa mga gamit ko. Maybe she’s there, alam mo naman kung paano pumunta, ‘no?” I nodded smiling.
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng faculty nang makuha ko ang phone. Sinusundan niya lang ako habang ginagawa ko iyon kanina. She was patiently waiting.
“I just have to finish something, are you going to join them for lunch?”
Umiling ako. Hinanap agad ng mga mata ko si Alaric dahil sabi niya hihintayin niya lang ako sa labas ng faculty. Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni ate Maya pero ang pagkakaintindi ko ay susunod na lang daw siya sa amin kung makakahabol pa siya.
Hindi ko na lang sinabi na wala naman akong balak sumabay sa kanila na kumain ng lunch ngayon.
“Una na ako, ate!”
“Sige, pasabi nalang kay Tina ‘yung sinabi ko, ah? Ingat!”
Hindi pa rin mahagip ng mga mata ni Alaric ang presensya ko. I walked leisurely as I near him, trying to admire his look from the back. His clean-cut hair looks delicate as it dances with the soft wind.
"Hey," I called to catch his attention. Natawa ako ng mahina nang hanapin nito ang pinanggalingan ng boses. “Hey, Alaric!” Tuluyan na akong lumapit sa kanya, sinalubong naman ako nito ng nakakunot ang noo.
“Done? Tara na, hahanapin pa natin si Tina.” he lightly tapped my shoulder as he initiated the walk.
Marahang tango ang ginawa ko kahit pa nakatalikod na siya sa akin. Stunned to even utter any word. Yeah, well, him and his way to crawl inside a girl’s heart. Akala mo hindi sophomore! Ilang taon palang siya kung umasta parang ilang taon nang playboy.
He would stop and glance back at me as we walk. Nangungunot na lamang ang noo ko tuwing gagawin niya iyon. Nahuhuli ako sa lakad, iyon ang nangyayari. Paminsan-minsan siyang lumilingon sa gawi ko at tumitigil dahilan para mapatigil din ako.
“Ano ba? Maglakad ka lang nga!”
He chuckled, “Halika kasi rito, nahuhuli kang maglakad. It doesn’t look nice.”
I stood there as he walk to me, grabbing my wrist and pulling me to his side. Nagsimula kaming maglakad nang sabay habang ako ay nanatiling nakatingin sa kaniya. His brows were now frowned, almost knitting each other, his hands still holding my wrist.
“Which building was it again? Marian building, tama?” binalingan ako nito, taas ang isang kilay.
I blink a couple of times as our eyes meet abruptly. Nataranta ako, “H-Ha? What w-were you saying?”
“Which building?” he let out a low chuckle, releasing my wrist from his hold. Iginiya nito ang building na nasa harap namin kasama ng kaniyang mapang-asar na ngisi.
Kumulo ang inis sa akin. Oh yeah, he’s happy because I stuttered again, right? Dyan naman siya masaya eh. Kapag nakikita niyang ilang ako sa kanya. I rolled my eyes, not minding if he sees it.
“Ako na nga ang mauuna na maglakad!” Padabog ko siyang iniwan doon hanggang sa makarating kami sa classroom ni ate Maya.
"Tina!" I called her as I open the door. “Hinahanap kita! Nandito ka lang pala, kung hindi ko pa nasalubong si ate Maya baka naikot ko na buong campus!” kinurot ko ang tagiliran niya.
“Ah! Maaga akong umalis sa classroom kanina—oh! Al, nandito ka pala. Hindi ka kasi kapansin-pansin sorry my false hehe.”
“Wow sino ka ba?”
Napuno ng tawanan ang silid. Alaric was smiling as she tease him. Ang tanging katapat nito pagdating sa asaran, si Tina. Her jokes are full of humor and were never corny. Kahit si Alaric ay laging napapatawa nito, siya na rin mismo nagsabi na magaling magjoke si Tina.
“Sinama ko na, hinahanap ka rin,” I jerked my thumb towards him.
"Sasabay ka rin ba ng lunch, Al?" she asked him.
He nodded, hands in his pockets as he walked to one of the room’s armchairs. Inupuan nito iyon at nag-angat ng tingin. Our eyes met once again, this time he nodded at me and mouthed the seat beside him.
“Upo ka muna. Matagal pa ‘yang si Tina,” he gave me a shrug, tapping the seat.
Nanginig naman ang paghinga ko. Hindi mapakali maging ang mga kamay. Napabaling ako kay Tina na tinalikuran na pala kaming dalawa. I am suppose to leave after bringing him here, bakit nandito pa rin ako?
“Saglit lang, ah? Kunin ko lang ‘yung kailangan ko!” Tina walked to the back part of the room. Nanatili ang mga mata ko sa kanya na para bang doon ako interesado.
Hindi ko naman masabi na iiwan ko na sila kasi wala naman akong balak sumabay na kumain. Not that I don’t want to eat with them. I just have things to prioritize before minding my lunch.
“I said you should sit, she will take a while… Tignan mo lumabas pa,” he mouthed the door that slowly swung as it closed.
Sinundan ko naman ng tingin iyon. Nibbling on my lower lip, I tried collecting courage to talk.
This is what I’m saying that I and this guy doesn’t talk that much. When we do it will just be full of teasing and annoyance. Gaya na lang kanina, gustong-gusto niya kapag ilang ako sa kanya. Alam niyang wala akong masabi at laging nauutal para lang may masabi.
And I hate the way I can’t even stop myself from doing so, ending up satisfying him with that reaction. Nanatili akong nakatayo at hindi sinunod ang sinabi nitong umupo sa tabi niya.
“Hindi rin ako magtatagal, aalis na ako,”
“I said she will take a while. Sit.”
“Ano ako, aso?” I rolled my eyes, whispering the words he unfortunately heard.
"Slight?" he tried, I just glared at him. "Just sit," aniya. Narinig ko ang pagtayo nito.
Paglingon ko ay inaayos niya ang dalawang upuan, the other was kind of slanted a bit while the other was in front of it. He neared me, gripping my arms with his wide smile.
“Umupo ka. Baka hindi mo kasi maintindihan ‘yung salitang ‘sit’.” Hinila niya ako paupo sa upuang nakatagilid. “‘Yan… Simple lang.”
Nangunot nang bahagya ang noo ko dahil sa inasta nito. Grabe? Hindi naman ako bobo para hindi maintindihan ang salitang ‘sit’! Nalukot ang mukha ko dahil paulit-ulit na naglalaro sa utak ang sinabi niyang ‘yon.
“What’s with the face, Eliana?” Kalaunan ay bumalik na uli si Tina sa harap namin. “Para kang natatae na gutom na ewan!”
I straightened my face, “Nothing. You done?” she nodded.
Tumayo na rin agad ako. Nahagip ng mata ko ang marahang pag-iling ni Alaric at ang kanyang pag ngiwi, tila dismayado. Hindi ko nalang siya pinansin at nilapitan si Tina. I actually thought of borrowing some of her art materials today. I might continue my art project.
Marami talaga akong gagawin, kaya wala na rin akong panahon para kumain. I know eating is important I just don’t have the time now.
“Aalis din ako, hindi ako sasabay ngayon. I’ll just borrow some of your art materials,” nilapitan ko ang bag niya. “Tatapusin ko lang ‘yung project natin sa arts.”
“Ha? Hindi ka sasabay, kailan ba deadline non?”
I shrugged, nilingon ko saglit si Alaric na nakahilig na ngayon sa pinto. “Sa Wednesday na kasi deadline, hindi ko pa tapos.”
“Wednesday!”
Narinig ko ang sarkastikong halakhak ni Alaric. Mabagal ang lakad nito tungo sa amin ni Tina. Kunot naman ang noo kong tinitigan ang reaksyong nakuha sa kanya.
His smirk was sarcastic. Brows are almost frowning plus the way he repeated the word I said was unnecessary.
“Yes, sa Miyerkules. Baka hindi mo kasi alam ang salitang ‘Wednesday?’” I sarcastically throw back the way he teased me kanina.
"Umm.. Hindi ka kakain?" tanong sa akin ni Tina. Umiling ako. "You'll skip lunch today just for a project?" tinaasan niya ako ng kilay.
Tinanguan ko siya na may halong irap, "Oo nga! Deadline na 'yun—"
"On Wednesday.” naputol ang sinasabi ko nang magsalita si Alaric. I gritted my teeth in annoyance as I glare at him. "Sa susunod na araw naman deadline, then eat lunch. You don't need to skip a meal." mas maliwanag na sabi niya.
I opened my mouth to talk but nothing came. Pinanlakihan ako ng mata ni Tina nang lingunin ko siya. She motioned Alaric who was still and quiet, he was frowning now.
Gusto kong tumanggi at sabihing gagawin ko nalang talaga yung project. Pero alam kong pipilitin nila ako kasi sa susunod na araw pa naman talaga iyon. What else can I say when I know a part of me admits he is right?

Bình Luận Sách (169)

  • avatar
    LO YD

    idiid9eiejdjdjfir9e9e9uduchbchfjfjdudidieiwoejncbcvncjdiisxnxnxidieiwowowoueurryhdyfufchbcbcbcbcnvhddjsjjdjfjcjrjeurodijcjvvhchcjfjruriufigjifirueudhdchcbcbcbcbcbcbcbcbcchdhdjddudiduddiudididdididiidididididjdjjficifjcjfjfjfhhfjjfjfjfjjfurieurieirieudjshncbcnchchchfhfuieisidyfueieidiufjfueididufjdhchcnchchdieueieieidjfufhfjfjfurufbfhchcufurjeididnhfurirurufufbcbbcb fjchc cbb j cjdn j  广金鈥火木木木木朳金金爕弓5了4弓4夠用觼預觤承孑豫金金 娣金金金都夠了了夠了夠弓5鯇93竹547林林木星光線條件反射說是說是個性感情報道德語4氣法國總統我要讓我想6法到場合併吞噬,窙你想像是誰知會上面板子

    3d

      0
  • avatar
    Joshriel Binay-an

    Jajahdjsusjdbbxbswh

    6d

      0
  • avatar
    Roland Pagmanoja

    500

    6d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất