logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

Chapter 2
Bahagyang umawang ang bibig ko at natulala na lang ako sa taglay niyang kakisigan at kaguwapuhan. Sa isang iglap, tila nilipad papalabas ng bintana ang sana ay sasabihin ko.
Because, why not? The guy standing right in front of me has a defined jaw, almond shaped eyes, pointed nose and red lips. Gulo-gulo ang maalon-alon niyang buhok.
Bumaba naman ang tingin ko mula sa mukha niya at napalunok na lang ako dahil tila may matigas na bagay na namumutok sa manggas ng kanyang suot na uniform. I must say that he has the muscles on the right places. Mas nakadagdag pa sa appeal niya ang pagkakabukas ng dalawang butones sa taas ng kanyang uniform. Hanggang sa napatingin naman ako sa kanyang kaliwang tainga dahil sa agaw pansin niyang itim na hikaw.
Teka, nasa langit na ba ko?
“Sa susunod tumingin ka nga sa dinaraanan mo.” Binunggo niya pa ang balikat ko bago siya nagdire-diretso ng pasok sa loob. Nagkasabay pala kami sa pinto papasok.
Napanguso ako. Palagi na lang ako nasasabihan ng linya na ‘yan!
Pero bigla naman akong natauhan nang dahil sa sinabi at ginawa niya.
Ang hard naman ni Kuya! Sayang, guwapo pa naman.
Teka, sino nga ba ‘yon? Parang ngayon ko lang ata siya nakita rito?
Napailing na lang ako at tuluyan ng pumasok sa loob.  Agad ko namang nakita si Bea na nakaupo malapit sa bintana sa dulong row. Nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa labas. Mukhang malalim ang iniisip. Bakante naman ang katabi niyang upuan na sa tingin ko ay ini-reserve niya talaga para sa ‘kin kaya dumiretso na ko roon.
Nang makaupo ay kinalabit ko si Bea. Halos mapatalon pa siya nang dahil sa sobrang gulat.
“Uy! Ayos ka lang ba? Sorry na! Binibiro lang naman kita kanina, eh!” Sasagot na sana siya ng may narinig kaming nagsalita. Sabay naman kaming napalingon sa katapat naming upuan.
“Hello! Ikaw ‘yong transferee, ‘di ba? Ako nga pala si Arianne. But you can call me Rian.” Sabay lahad ni Rian ng kanang kamay sa katabi niya. Napatingin naman ako sa kinausap niya.
Oh. So, transferee pala siya. Basta talaga guwapo ay hindi pinapalagpas ng babaeng ‘to.
Nasa katapat na row lang pala namin sila nakaupo. Hindi ko naman kasi agad napansin noong una. Bale nasa tapat ng bakanteng upuan sa kaliwa ko ang masungit na guwapo, habang nasa tapat ko naman si Rian.
Si Rian ay ex ni Bryan. Kaklase ko siya mula freshmen year kaya kilala ko na rin ang ugali niya. She's the captain of the volleyball team. Bagay na bagay silang dalawa ni Bryan kahit saang aspeto tingnan. May pagka-playgirl nga lang si Rian at serious type naman si Bryan. Ang pagkakaiba siguro nila ang isa sa mga naging dahilan kung bakit sila naghiwalay. Kawawa tuloy si Bryan dahil alam ko namang minahal niya talaga si Rian.
Pero mas okay na rin para sa ‘kin ang nangyari. Bryan deserves someone better. Hindi ko sinasabing ako ‘yon pero parang gano’n na nga.
“I'm not asking for your name,” malamig ang boses na sagot ni Kuyang transferee na hindi man lang lumingon kay Rian.
Napamaang na lang ako. Ang rude naman ng lalaking ito. But in fairness, he was the first guy I know who resist the one and only Arianne Valdez.
Magpapa-party na ba ko?
Natigil lang sila sa pag-uusap nang pumasok na ang magiging unang guro namin sa taon na ito. Hindi na ko nagulat nang makita na si Mr. Villanueva na naman ito. At dahil nga first day of class ay mawawala ba naman ang walang katapusan na introduce yourself?
Nakakaumay na nga dahil halos lahat naman kami rito ay magkakakilala na. Kaya tahimik na lang akong nakinig hanggang sa nakita kong tumayo at pumunta sa harap si guwapong transferee. Finally, I will get to know his name.
“My name is Tristan Michael Guevarra. 17. A transfer student.” Hindi ko alam kung bakit pero habang sinasabi niya ang mga salitang ‘yon ay sa ‘kin siya nakatingin. Na para bang sa ‘kin siya mismo nagpapakilala.
Napakurap naman ako at napaiwas na lang ng tingin dahil nakaramdam ako ng ilang. Wala na rin namang nasabi pa si Mr. Villanueva, kahit halata namang may gusto pa siyang itanong kanina.
Masasabi kong isa si Mr. Villanueva sa mga gurong hindi ko malilimutan dahil sa itinanong niya sa ‘kin last year sa klase namin.
Pero paano kung may makilala ka na isang lalaking mayroong paniniwala at pag-uugali na kabaliktaran ng sa ‘yo? Mahuhulog kaya ang loob mo sa isang katulad niya?
Hanggang ngayon tuloy ay napapaisip ako. Hindi pa naman kasi nangyayari ‘yon.
Pero paano nga kaya?
“Ang guwapo niya, no! Masungit nga lang. So nevermind na lang din,” bulong ko kay Bea nang makitang pabalik na ulit si Tristan sa puwesto niya.
Pero dahil mukhang hindi ako narinig ng magaling kong kaibigan ay nilingon ko siya.
“Be— okay ka lang?” Tulala kasi siya.
Hindi lang basta tulala, nakatulala siya kay Tristan! “Hoy, babae! Huwag mong sabihing tinamaan ka kaagad sa lalaking ‘yan?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Sa totoo lang ay gusto ko na talaga siyang magkaroon ng love life. Pero kung si Tristan lang din naman ay wag na pala!
She looked away. “H-hindi no! Asa.” Ang weird talaga ng kaibigan kong ‘to ngayon. Mayroon ba siya?
Hindi ko na lang siya kinulit hanggang sa magsimula ng magklase si Mr. Villanueva tungkol sa mga magiging topic namin for the whole school year. Tinatamad akong makinig kaya makikipagdaldalan na lang sana ko kay Bea. Ngunit natigilan ako nang mapansin na patingin-tingin siya kay Tristan na nakasubsob lang ang ulo sa ibabaw ng mesa.
Okay. Ano ba talagang mayroon?

Bình Luận Sách (22)

  • avatar
    Tixiah Pampilon

    pls

    20d

      0
  • avatar
    Vanz Maranga

    paano

    21d

      0
  • avatar
    MagdugoJohn michael

    wow that's amazing and so beautiful

    18/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất