logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7

"Vernon!"
I shouted to the sala na lumagom agad sa buong mansion.Where the hell is he?Bakit...bakit pa kase...
"Sumagot ka!"I exclaimed.
Mapapatay ako ni Pen kapag may nangyareng masama sakanya.And if he's sick for real,hindi ko mapapatawad kahit ang sarili ko.
"Ver--"
"Niña?"his voice echoed from somewhere.Nakita ko siyang tumatakbo pababa ng hagdan mula sa taas.
"Why are you shouting?"he asked habang kalmado lang na naglalakad palapit saakin.
Kunot noo ako pero naroon pa rin ang pag-aalala saakin.
"A-Are you okay?"the first thing I asked in front of him.
Natigil siya saglit bago umawang ang bibig.He chuckled a bit.
"Bakit ganyan ang itsura mo?"he asked as if he's the one who is worried of me dahil sa itsura ko.
Gosh!Of course I ran from one place bago ko marating ang paradahan.At tumakbo pa ako mula sa gate habang may takot saakin na baka kung anong nang nangyare sakaniya!
And now I'm seeing him okay,I think I'm going to put my adrenaline rush out myself.Nakakainis!
"I'm asking if you're okay!"iritado kong tanong.
"Bakit?Do I looked like I'm hurt or..something?"
"Anong sakit mo?"I asked again.
Tumaas ang isa niyang kilay bago nagkunot ng noo.
"Huh?Niña..anong sinasabi mo?"he chuckles a bit.
Tiningnan ko siya.He looked perfectly fine.Wala akong nakikitang kahit anong senyales ng kung anong sakit na tinutukoy ni Pen ma meron siya.Napahawak ako ng noo ko at hinanap ang couch.Pabagsak akong umupo doon habang siya ay nanatiling nakatayo sa gilid ko.
"So you're not sick.."I concluded.
Pakana nanaman ba ni Pen to?Siya pa ang may karapatan na bantaan ako?Ang galing din umarte ng isang yon!
"Sorry..pinag-alala ba kita?I didn't mean to make you come here in rush.What did she say?"
Nag-angat ako ng tingin sakanya as I get the key on my pocket.Tumayo ako para kunin ang kamay nya.I put the key on his palm at agad na naglakad paalis.
Anong gusto nyang sabihin ko?
Pakiramdam ko pinaglalaruan lang ako ng dalawa.They are making story to make me forget the past.Nakakatangina lang!
Hindi na biro ang ginagawa nila.If they want me back as I am the usual,pwede ko naman gawin iyon e!
Pero hindi iyon ganon kadali.
Hindi madaling makalimot.I forgive people,pero hindi talaga ganoon kadali na sabihing 'It is okay.'Buti sana kung hindi siya nangako.Buti sana kung joke iyon 'e hindi!
I texted Pen.
Me:
Tangina mo..
Penny:
Sorry na.He texted me na nalock raw siya doon,nag-over react lang siguro ako kaya...
Sobrang OA nya naman para bantaan pa ako!
Me:
Kaya ka nagsinungaling?
Gaga ka!Alam mo bang halos mamatay ako kakatakbo?
Nag-pop up ang name nya sa screen ko.I am walking away from the mansion para marating ang paradahan kung nasaan si Vince.I told him to wait for me dahil wala akong masasakyan kapag umalis siya agad.
I put my phone on my ears.
"Yan ang issue mo?Akala ko pa naman halos mamatay ka sa pag-alala sakanya!"bungad nya agad.
I gritted my teeth. "Syempre nag-alala rin ako!Pero hindi ako mamatay sa pag-aalala sakanya."
"Gan'on?Akala ko pa naman.."
I sighed. "Penelope,hindi biro ang ganyan.Don't you ever do this again.Kahit may galit ako sakanya,Vernon is still someone I know and always I would care about."
"Please stop teasing me with someone I don't really care about.."she mimicked my words before.
Napairap ako sa kawalan.This bitch is really pissing me big time.Bubunutan ko na 'to ng ngala-ngala.
"We're not okay,still.Wag kang feeling close diyan.."sabi ko sakanya.
I heard her laugh. "Grabe!Taas ng pride neto!."
I raised my brows at naghalukipkip doon habang naglalakad pa rin.
"Talaga!" Even I am not seeing her,I'm acting as if she's in front of me.I missed her.
"Sorry na nga.Hindi ko na uulitin,pramis."
"Che!"
She laugh again. "Tangina,ayaw pasuyo?"
"Ayaw.."sagot ko,beaming silently.
"Nagsosorry na nga ako!Is sorry not enough for you?"
I'm okay actually.Nagtampo lang ako sa mga sinabi nya saakin sa condo.Mabigat lang ang loob ko na sa kabila ng sinasabi kong ayokong makita si Vernon she still find ways para magkausap kaming dalawa.
I didn't hate Vernon for nothing.
I hate him for leaving me.And for being ruthless at first.Parang pinapakita nya saakin na wala akong karapatang magtampo o magalit man lang kapag may nagawa siyang mali.Alam nyang nagluluksa ako sa mga oras na yon.Alam nyang sya ang naging sandalan ko sa mga oras na iyon.Hinayaan niya akong mahulog sa mga gestures niya,and then what?
I didn't know why suddenly I feel anger towards the rain that time.Dahil ba sa bagyo na pumatay sa pamilya ko?I hated the wind also lalo na kapag tumatama ito sa mga puno.It has something I really hate,and that made me curious.
Bakit ako nag-aalab sa galit dahil lang doon?
"..I didn't mean to offend you by my actions.Hindi mo naman kase ako hinayaang mag-explain."dagdag nya.
At nag-explain naman siya.I sighed heavily.Nakikita ko na ang ilaw sa tricycle ni Vince.Hindi ko maaninag kung nasaan siya kaya nagpatuloy lang ako sa paglapit doon.
"Okay."sagot ko.
I heard her scoffed. "Yan lang sasabihin mo?"
"Wag ka ng maarte,Pen.I said okay and that's it."
"Wow!Ibang klase..less drama?"
I raised my eyeballs. "Just hang up,bitch.Email me the reports of marketing department later."
She chuckled.
"Yeah,yeah." Then I heard a beep.
Ibinalik ko ang phone ko sa bulsa habang malawak ang mga ngiti.I can't help myself not to smile.Wala lang,ang sarap lang ng pakiramdam ko ngayon.
Lumabas naman mula sa likod ng cab si Vince,holding his phone on his hands.
"Nasusunog?"biglang sambit nya habang kunot ang mga noo sa screen.
Nilapitan ko siya.Nakuha ko ang atensyon nya pero hindi pa rin maalis ang gulat sa mukha nya.Para siyang naestatwa sa takot at pawang may gustong ipaalam saakin.
"Yung unit mo..."he said.
Mabilis ang pagpapatakbo nya ng tricycle habang sobra ang kaba ko,not for my sake but for those other people.Palapit palang kami ay naririnig ko na ang authorities.They are saying something on the megaphones at kitang kita ko ang maitim na usok sa kabila ng madilim na paligid.
"Bilisan nyo!"
"Call the ambulance,please!Yung anak ko nasa loob pa!"
A loud shriek made my breath hitched.Hindi ko alam kung bababa pa ba ako ng cab dahil sa lakas ng apoy hindi ko na maaninag ang lahat dahil sa kapal ng usok.
"Diyan ka lang!"he told me bago itigil ang motor.
Bumaba si Vince ng tricycle at tumakbo agad doon.Napatingala ako sa unit ko.I can't find any signs of safety there,tupok na tupok na iyon.
Biglang sumagi sa isip ko ang naiwan ko kanina.
"Nakaamoy kami ng nasusunog na niluluto sa kabilang unit.I think it's unit 201.Pinuntahan namin yon but we saw gas leaking kaya tumakbo na kami!" I heard one said.
Natulala ako.Hindi alam kung anong gagawin.Nagsink in saakin ang numerong tinukoy nya.
"Sumabog iyon bago pa man namin mapindot ang alarm.Hindi namin alam ang gagawin!"
"Tumakbo lang kami pababa ng exit!We even thought we won't survive!"
That was my unit.
Iyon lang ang naisip ko.
"Mommy.."
Napabaling ako doon sa narinig.I saw a child holding a teddy bear na palinga-linga sa paligid.I think she's 8 or 9 years old.Her white dress were already stained with charcoal at madungis rin ang mukha nya.
Walang nakakapansin sakanya dahil bukod sa medyo maliit siya,everyone was busy running and screaming.She then started crying.
Agad akong bumaba ng cab.I ran towards her.Nang mapansin nya ang paglapit ko mas lalo siyang umiyak.
"Hey,halika!It's okay..Tahan na."I said at nag-squat sa harap nya.
She sobbed repeatedly bago nagsalita saakin.
"Si mommy.."she cried.
"Halika,doon tayo sa loob ng cab.Where's your mom?Naroon pa ba siya sa loob?Are you hurt?"sunod-sunod na tanong ko sakanya.
Pinauna ko siyang pumasok sa loob,then tumabi ako sakanya.Umiiyak pa rin siya at panay ang tanaw sa labas.
"Si mommy..she told me na tumakbo raw ako.Sabi nya susunod sya.."
"Alam mo ba kung saan siya ngayon?Saan mo siya huling nakita?"
Kinakabahan ako.Panay ang tingin ko sa labas,nagbabakasakaling may magulang na maghahanap sakanya.I see none but a crowded place,bombing fire fighters and authorities na hinaharangan ang mga taong nagpupumilit na pumasok.
Kasalanan ko 'to.Sa sobrang pagmamadali ko I forgot that I'm cooking at naiwan kong bukas ang stove.
Pakiramdam ko nakapatay ako.
"She's inside pa ate.."she sob.Agad na bumalik ang tingin ko sakanya.Natigilan ako saglit bago magbuga ng hangin.
"Oh my god.."I exclaimed.
Unti-unting bumagsak ang mga luha ko pababa ng aking pisngi.Ang bigat ng dibdib ko sa mga oras na 'to.What the fuck did I do?Bakit kailangang humantong sa ganito?
Paulit ulit ang pagbuga ko ng hangin for me to breath.I hold on this child's shoulder to comfort her.We both don't know kung ligtas na ba ang mommy nya but I'm hoping sa kabila ng nakikita kong tupok na ang buong building.I still believe...makakaligtas ang ilan sakanila.
"Niña!Where are you?!"
Si Vernon agad ang nakita ko na tumatakbo palapit doon sa nasusunog na building.Tulad ng ibang tao na nagpupumilit pumasok,pinigilan din siya ng mga pulis.
Hindi ko mapigilang mainis sakanya.
Because of my worries for you..because of that lie...because of you.Dinagdagan mo lang ang galit ko sayo.
I wiped my tears.
"Stay here.."I told her nang hindi siya tinintingnan.Bumaba ako ng cab at naglakad para lapitan siya.
"Vernon.."I called him.
Mabilis ang pagbaling nya saakin.
Gulat ang mga mukha ay agad nya akong niyakap.
"Thank God you're safe!"he said between his hug.Lumayo agad ako sakanya.
Medyo nabigla siya doon ngunit mas nangibabaw sakanya ang pag-aalala saakin.He searched for any bruises or wounds in my body.Nang makitang wala ay ibinalik nya ang tingin saken.
"Are you okay?"
I remained silent and looked at him seriously.Bahagyang gumalaw ang mga kilay nya tila tinatansya ang pinapakita kong emosyon.
Naiinis ako sakaniya.My anger for him became more deep and noxious.Pakiramdam ko,ano mang bagay ang mahawakan ko ngayon ay kaya kong ihampas sakanya.
I didn't felt so much anger before..nor for him.Hindi ko masasabing galit iyon dati.Just this day..ngayon ko napagtanto na galit nga ako sakanya.Galit ako kay Vernon..
The authority called me nang nalaman nilang ako ang nakatira doon sa unit 201.They interrogate me and I told them about the truth.Ilan sakanila halata ko ang pagdududa.Naiintindihan ko naman dahil parte iyon ng trabaho nila.Ang importante saken nagsabi ako ng totoo.
I left the child on their custody dahil wala naman akong maitutulong sakanya.Maski ako ay biktima ng sunog kaya kelangan kong maghanap ng matutuluyan ngayong gabi.The mother of that child didn't show kaya ang espikulasyon nila ay baka nasunog na ito.They choose not to tell the kids dahil baka mas lalo lang itong umiyak.I pity her...and felt sorry for her.
"Sa mansyon ka ba tutuloy?"he asked habang naglalakad kami palabas ng presinto.
Wala na ang apoy at tanging maitim na abo nalang ang makikita.Sunog pati ang mga bakal at basag ang mga salamin.May mga tao pa doon na nakikitingin at ang iba sakanila humihikbi.Agad kong iniwas ang tingin sakanila at dumeretso ng lakad papunta sa tricycle ni Vince,waiting for me on the other side of the street.
Biglang may humila sa braso ko kaya agad ko iyong iniwas sa hawak nya at hinarap siya.
"Ano ba?!" I hissed while trying not to make any scene with him.
Gulat ang mga tingin nya saakin.His mouth were parted as his brows begin to furrows.
"I'm just asking.Ano bang ikinagagalit mo?"tanong niya.Kalmado iyon pero halata ko ang inis sakanya.
"Wala kang pakealam kung sasagot ako o hindi.Can you just leave me alone?Bumalik ka na sa condo mo!"
When I'm about to turn my back on him hinila nya ulit ang braso ko upang maiharap muli ako sakanya.Again,I pushed his hands away.
"Bakit ka ba ganyan?Kung kausapin mo ako para bang hindi mo ako kilala!Are you mad at me?"
I cleared my throat. "Just..leave me alone,Vernon."
"Kinakausap kita,Niña.Maiintindihan ko naman kung sasabihin mo saakin!"
That rankled me.
Tiningnan ko siya ng masama.But despite of my anger,I tried so hard not to speak with it.
Despite of that time that he almost turn his back on me.
"Kung marunong kang umintindi ng sinasabi ko,aalis ka sa harapan ko."
Hindi nya inalis ang mga tingin saakin.Sobrang nagpipigil ako ngayon wag ko lang siyang masaktan.
"..I told you to leave me alone.If you won't,then let me be.Let me gaya ng ginawa mo.."my voice broke.
Nagulat siya doon,kahit ako nagulat din sa biglaang pagbasag ng boses ko dahil sa bigat ng emosyon.Naghalo-halo iyon kanina pa.Pity,sympathy and anger.Lumunok ako bago ako pumikit ng mariin.
"..parang awa mo na."

Bình Luận Sách (25)

  • avatar
    Zion Seannafair

    I love the story but not the storm lol. very good novel and is highly recommended to read.🤍

    23/04/2022

      0
  • avatar
    Fael Bautista

    good

    11d

      0
  • avatar
    Dhallen

    😍😍❤️❤️

    09/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất