logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

7

HIS PoV
"Bukas pala ang pinto ko."
Dahil sa mga yabag na 'yon ay napagpasyahan kong sumilip sa labas ng pinto ko.
Napakunot ang noo ko nang makita ko si Air. Palakad-lakad siya sa harap ng malaking pinto na katabi ng silid ko at parang napakalalim ng iniisip.
Kunot na kunot ang noo niya at salubong na salubong ang mga kilay niya. Nakaladlad pa rin ang mahabang buhok niya na ngayon ay pinagmumukha siyang baliw sa pagkabuhag-hag niyon.
Naka pantulog na rin siya taliwas ko na hanggang ngayon ay suot pa rin ang suot ko kanina.
Anong nangyayari sa kaniya?
Isinandal ko ang bandang likod ko sa gilid ang pinto ko at nang hindi makatiis ay nagsalita na ako.
"What's your problem woman?" Halatang hindi niya alam na nandito ako dahil bahagya pa siyang napaatras at nanlalaki ang matang napatingin sa gawi ko.
"Y-you...w-what are you doing there?!" Biglang singhal niya na ikinangiwi ko lang.
"Seeing you in that state makes me think.." inilagay ko pa ang kanang kamay ko sa baba ko habang ang kaliwa naman ay nakalagay sa siko ko. Umaastang seryosong nag-iisip.
"O-of what?!"
"Are you somehow... related to sadako?"
"What the fck Thompson!!" Pilit kong siniseryoso ang mukha ko kahit sa totoo ay gustong-gusto ko ng tumawa hindi lang dahil sa mukha niya kundi dahil na rin sa accent niya.
Ngumiti ako ng napakatamis-tamis. "Are you referring to me or to yourself?" Sabi ko dahilan para mas lalong lumaki ang mga mata niya.
"Of course I'm pointing you here! Why would I call myself a Thompson?!" Mas lalong lumaki ang ngiti ko na mas nagpabusangot sa mukha niya.
"'Cause you'll soon to be a Thompson," napatulala siya. Kaya malutong akong natawa.
"Hahaha! You can't sleep, yeah?" Doon lang siya natauhan at binato ako ng napakasamang tingin.
Hindi siya sumagot kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya matapos kong isara ang pinto ko.
Sinadya ko talagang sa kanang gilid niya ako pumunta para pag-umatras siya eh, makakapasok siya sa room niya.
It's obvious that she can't sleep, pagod na ang mga mata niya pero ang diwa niya ay hindi pa.
Pasulong ako ng pasulong siya naman eh atras ng atras.
"W-what are you planning?!" A chuckle scaped from my lips when I heard how she tried hard to be an intimidating person as she is but didn't came out well.
Hindi ko siya sinagot hanggang sa marating namin ang gilid ng kama niya dahilan para mawalan siya ng balanse at napa-upo sa kama at naitukod ang dalawang siko rito. Dahilan para umusli ang maliit na parte ng benda sa balikat niya.
Ang bilis niya namang gamotin 'yon?
Nang hindi makontento ay mas lumapit pa ako sa kaniya. Damn it!
Hinayaan ko ang sarili kong gawin ang sa ngayon ay pinakagusto ko.
Hinalikan ko siya.
Her red lips are so soft that I can't even compare it to those marshmallows I'm always craving from now and then.
She didn't do any move so I decided to do whatever my system want. I gently moved my lips. Letting out my tongue to knock into her first intrance.
At first she didn't grant that wish of mine but as the time passes by she did. I was happy, hindi ito ang unang pagkakataong may nahalikan ako pero ni isa man sa kanila ay hindi ako nakaramdam ng ganito.
Napangiti ako ng sabayan niya ang galaw ko. Unti-unti ay napahiga kami sa kama. Siya sa ilalim ko habang ako nasa ibabaw niya.
Unti-unti kong ibinaba ang mga kamay ko papunta sa beywang niya, kasabay ng unti-unti ring pagbabang mga halik ko sa mga panga niya.
"Hm----" I was about to hear her moan but suddenly a loud cry filled the room.
Nanlalaki ang matang itinulak niya ako ng bahagya. "Pastilan!"
Napasimangot naman ako... natauhan tuloy!! Tsh!
Napalingon ako sa crib na nasa gilid ng kama. Nandito pala ang anak niya! Aish!
Lumingon ako sa kanya. "May pantulog ka pa ba?" Nakasimangot pa ring tanong ko.
"Ewan ko! Lumayas ka diyan sa ibabaw ko! Gunggong ka!" Natauhan na talaga siya! Huhu!
Tumayo ako siya naman ay gano'n din at agad na dinaluhan ang anak niya.
"Oo na! Maliligo muna 'ko."
"Walang nagtatanong!" Pabalang na aniya na ikinasama ng tingin ko sa kaniya.
Pero binalewala niya lang 'yon. Kamot-kamot ko ang batok ko habang papasok sa bathroom niya.
"H-hoy! Anong ginagawa mo diyan!?" Pigil niya sa 'kin pero hindi ko siya nilingon.
Nang matapos akong maligo ay wala na ang iyak ng sanggol. Dumako ang tingin ko sa kama. Nando'n si Air, naramdaman niya siguro ang tingin ko kaya napatingin siya sa 'kin. Natawa pa 'ko nang dagli niyang tinakpan ang mga mata niya.
"Why are you wearing like that?! Wait! Why are you still here!?" Napangiwi ako sa lakas ng boses niya.
"Anong masama sa pagsusuot ng towel? May abs naman ako ah? Dapat nga maging proud ka, isa ka sa mga babaeng nakakita ng katawan ko!" Doon niya tinanggal ang mga kamay sa mata niya saka deretsong tumingin sa mga mata ko habang humahangos at pulang-pula.
"Anong abs?! Anong abs?! You're really out of your mind, Thompson! Get the hell out of here before I decide to rip your bones into pieces and crash your so called abs with my strong fists!" Mas lalong napangiti ako na mas lalong ikinairita naman ng mukha niya.
"Sus...gusto mo lang akong mahawakan eh! Saka tigil-tigilan mo nga 'yang pang-i-ingles mo! Nakakarindi sa tenga!"
"Get out!" Pero umiling lang ako saka pumunta sa napakalaking blue closet niya.
Hindi niya naman talaga gusto ang color blue, ano? Ang bahay niya ay gawa sa naglalakihan at nagkakapalang babasagin na kulay blue, ang chandelier na kulay blue ang inside terrace na kulay blue, kwarto niyang kulay blue. Ewan ko nga at bakit hindi kulay blue ang mga lampshades at bombilya rito.
"Hey! What are you doing there?! Don't touch any of my things Kulog!" Nangi-ngiting lumingon ako sa kanya.
"Great! Kulog na tawag mo sa'kin hangin!...haha! Penge muna ko ng pantulog ha? Wala akong gamit eh," malokong sabi ko.
"Anong walang gamit?! For your fvcking information Mr.! Each of every room here has its own double door closet which has clothes for girls, boys and even clothes for children!" Sigaw na naman niya!
"Anong gusto mo? Lumabas ako rito ng nakaganito?" Turo ko sa hubad barong katawan ko.
Ayun na naman ang pagsasalubong ng mga kilay niya at ang pagdilim ng mukha niya!
"Hindi ba obvious?! Gunggong ka talaga! Ano naman kung lumabas kang nakaganiyan?! Ginusto mo 'yan kaya panindigan mo!" Napasimangot ako.
"Wala ka bang konsensiya?! A-alam mo bang paglumabas ako sa pintong 'yan ay malaki ang posibilidad na mapahamak ako?!" Turo ko pa pinto.
"Ah talaga?! Ano namang mangyayari sa'yo aber?!"
"Pwede akong dumugin dahil sa kagwapohan ko at mas malala pa ay baka rape-in ako----ARAYYY!!!" Biglang angal ko nang suntukin niya ako sa mukha!
Damn! Totoo ngang malakas ang suntok niya! Dumugo ata labi ko ah? Sa bagay, nakapatay nga siya ng dalawa eh, ano pa bang pinagtatakhan ko?
"Ayan! Lumayas ka rito dahil wala na akong panahon para malaman ang mga walang kakwenta-kwentang bagay mula sa'yo! Kapag hindi ka pa lumabas ngayon, ang kinabukasan mo na ang sisirain ko!"
Dahil sa sinabi niya ay mabilis akong lumabas sa silid niya habang hawak-hawak ang kinabukasan ko!
Sa personality niya, malabong hindi niya gawin ang mga banta niya! Walang awa!
"Maiba....taya!
"Ikaw taya!"
"Ikaw na!"
"Habulin mo kami....bleeehhh!"
Nakangiti kong pinanood ang mga batang naglalaro sa labas. Kitang kita ang saya sa mga mukha nila. Kung paano silang tumakbo ng nakangiti at kung paano nila asarin ang isa't isa.
Lumingon ako nang may maramdaman ako sa gilid ko. "What are you doing here?"
Lumingon siya sa 'kin. "Am I banned to be here?" Saglit pa akong natigilan sa wala g kaemo-emosyong tanong niya.
Tsh... mukhang nakatulog siya ng mahimbing ah?
"O-of course not. I'm just curious what purpose you have to visit me here" pinilit kong hindi mautal dahil sa lalim na ipinukol niyang tingin sa 'kin.
"I don't have one except that, I want to watch those kids having fun," pagkatapos sabihin 'yon ay lumingon siya sa mga bata.
"Can't you watch them in your own room?" I sarcastically said.
I thought she would be irritated but to my surprise, she just gave me a smirk. Tsh. Kailan ba 'to matututong ngumiti?
"I can," saka siya muling bumaling sa 'kin at nagtama ang mga paningin namin. "But not this close," wala akong ibang nakikita sa mga mata niya kung hindi ang matingkad na berdeng kulay no'n at ang sarili kong repleksyon.
"W-why? You know, you can just go out there and watch them closely." Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam sa'n galing ang tanong kong 'yon.
Ngayon ko lang nalaman... nakakahiya pala 'yong ginawa ko kagabi--kanina pala. Tsh.
"I can't."
"Why? There's nothing to be afraid in doing that."
"For me there's nothing, but for them there is." aware ako sa klase ng tinging ipinupukol niya sa 'kin. Nanunuot iyon sa sistema ko. Matalas pero hindi nakakatakot. O ako lang ang hindi natatakot?
"W-what?"
"Simple... they're all afraid of me," dahil do'n ay napagaling ako sa kanya ng wala sa oras.
"What? Why?"
"Because of my character. My emotionless face, rough look and all. Sabi ko naman sa 'yo diba, ikaw palang ang nakasalubong ko na hindi man lang nagulat, napakislot o natakot."
"Then...why are you still here to watch them?"
"Because... whenever I watch them, a memory of mine comes," this time ay pareho na kaming dalawa na nakatanaw sa mga batang naghahabol-habolan.
Pareho pala tayo....
"W-what is it?" Pero hindi niya 'ko sinagot at tumingin lang sa paligid.
"Nakikita mo 'yang daan na 'yan?" Turo niya sa daang matuwid na halos katapat lang ng room na 'to.
Parang nakahinga naman ako ng maluwag nang magtagalog siya. Napakawalang kwenta kase talaga ng British accent niya!
Kahapon ko pa 'yan napansin eh, hindi ko nga lang masyadong napagtuunan dahil mas marami ang sinabi niya gamit ang Tagalog.
Buti talaga at walang accent ang Tagalog niya, medyo may kalaliman nga lang. Pero naiintindihan naman kesa sa English niya na hihingalin ka kakahabol sa mga pinagsasasabi niya.
"Anong meron dyan?" Nalilitong tanong ko pa.
"Nakita mo 'yang mga kabahayan na 'yan?" turo niya pa do'n sa parang village. Hindi ko nga maintindihan kung paano nasagot no'n ang tanong ko.
"Ano ngang meron dyan?"
"D'yan nakatira 'yang mga batang 'yan?" inginuso niya ang mga batang nag-lalaro sa harap namin.
"Eh bakit nandito 'yang mga 'yan?"
"Ewan ko," kibit balikat niyang sagot. "Basta tuwing alas otso ng umaga lalo na pagkatapos nilang magsimba ay napapanood ko silang maglaro diyan," patuloy niya pa.
"Buti naman at hindi ka naiingayan sa kanila," nilingon niya ako.
"Maiingay ang mga bata, oo. Pero hindi ako naiingayan sa kanila dahil bata sila."
"Ha?! Hindi na naman kita maintindihan!" Napangiwi siya.
"Ang sabi ko, maiingay sila pero hindi ako naiingayan sa kanila. In short, iniintindi ko sila," saka siya matunog na napangisi. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan?"
"H-hindi eh.. napakalalim naman kasi," kamot batok kong tugon.
Tumango tango siya saka Isinandal sa terrace ang dalawang siko at pinagsikop ang mga kamay "Sanay naman na akong hindi naiintindihan at palaging ako ang umiintindi."
Walang emosyon ang mukha niya maging ang mga mata niya. Ewan kung paano pero parang naramdaman ko rin ang lungkot na dinadala niya.
Ginaya ko ang posisyon niya, ngayon ay pareho na kaming nakatanaw sa mga bata.
"You're sad," I uttered those words before I even knew it.
"So what if I am?"
"I-I know this is too early but, know that y-you can cry on me," wala akong ibang maisip para maconfort ka eh..
"I can't even cry on myself, how can I cry on you?" Napalingon ako sa kaniya.
Ano?!
"Aish! Bahala ka nga! Ako na nga nagmamagandang loob dito eh!" Doon siya lumingon sa akin ng may ngisi sa mukha.
"Hindi ko naman kasi hinihingi ang napakagandang loob mo. Halika na..." Saka siya humakbang patungo sa pinto ko.
"Saan naman?!"
"Masyado kang iritado. Nagugutom ka na siguro. Kaya halika na, mag-breakfast na tayo," nakangiwi naman ako nang tumunog ang tiyan ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.
No'ng mismong pagkalabas namin sa pinto ay tumambad sa harapan namin 'yong babae. Iyon bang nanghingi ng gamit ko kahit wala naman?
"Ate.." luminga-linga ako sa paligid saka ko ulit siya tinignan.
"Sino'ng ate mo?" Tanong ko pero hindi niya man lang ako pinansin.
Pinakatitigan ko siya. Hindi niya inaangat ang ulo niya at nakayuko lang.
"Thompson," napalingon ako bigla kay Hangin nang tawagin niya ang apilido ko.
"B-bakit?" Doon ko lang napansing nakatingin siya sa babae.
"Kunin mo si Flea" alam kong ang sanggol ang tinutukoy niya, sinabi sa 'kin nila Mil ang pangalan ng bata.
"H-ha?" Lumingon siya sa 'kin. Ayon na naman ang pagkadisgusto sa mukha niya.
"Bingi ka ba? Lumayas ka riyan sa likuran ko at kunin mo si Flea!" Naiinis pang singhal niya.
"P-papasok ako sa k-kwarto m-mo?" Nauutal at hindi siguradong tanong ko dahil baka bigla na lang mag-apoy ang mga matatalim na mata niya na ngayon ay nakatutok sa akin at masunog ako sa mismong pwesto ko.
"Gusto mo ihatid pa kita?! Asa'n na ang lakas ng loob na ginamit mo kagabing gunggong ka?!" Sigaw niya sa mismong mukha ko na ikinakamot ulo ko na lang.
"Parati nalang akong gunggong sa paningin mo!" Nakasimangot na sagot ko sa kaniya.
"Dahil iyon ka!"
"Brutal ka naman!"
"Aalis ka ba o hindi?!"
"Hindi!!!!" Malakas na sigaw ko pero ayon na ang mga paa ko, nag-uunahan na sa pagtakbo.
Nang makapasok sa kwarto ay napanguso ako. "Ano naman kaya ang gagawin niya ro'n sa batang 'yon?" Mahinang bulong ko sa sarili ko.
Baka pagagalitan niya. Hala! Thane! Dapat hindi mo sila iniwan! Aish!! Kung hindi ako lalayas do'n baka ako ang tustahin ng brutal na 'yon! I'm just saving my precious life and my handsome face!
Sapo-sapo ko ang noo ko hanggang sa makita ko ang natutulog pa na sanggol. Tiyak na niligoan na ito ni Air dahil basa pa ang makapal na buhok nito.
Halos kasing tulad lang ng suot nito kahapon ang suot nito ngayon. Nakaputi lahat. Pati gloves and medyas.
Dahan-dahan kong inangat mula sa crib si Flea. Siniguro kong ang kanan kong kamay ang nakasapo sa likod ng ulo niya habang ang isa naman ay nakayapos sa katawan niya.
May denodonate-an kase ang pamilya ko na bagong tayo lang na amponan at karamihan sa mga bata ro'n ay dalawang buwan hanggang limang taong gulang lang. Kaya kahit papaano ay may alam ako sa pag-aalaga ng mga bata.
Nang mailabas ko ang bata mula sa crib ay pahiga ko naman itong inilagay sa braso ko. Hindi pwede ang posisyon niya kanina, baka malingat ako at mabitawan ang likod ng ulo nito at mabalian pa.
Lumabas ako habang karga-karga ang sanggol. Napapangiti pa ako sa tuwing mumulat ang mga mata nitong kulay asul katulad ng akin.
"Naks naman!! Hands on na hands on tayo pre ah?!" Nawala ang ngiti ko at biglang napalitan ang pagkasimangot nang biglang sumulpot sa gilid ko ang butihin kong pinsan.
"A-ano na naman ba?!" Pabulong na singhal ko.
"Woah...easy, napaghahalataan ka tuloy! Para namang kanina pa kita kinukulit niyan! FYI lang ha? Ngayon lang ako naka-recover sa traumang binigay ng mga kriminal na 'yon kaya ngayon lang uli ako mangungulit!" Walang prenong aniya kaya mas lalo akong napasimangot.
"Dapat nga hindi ka na bumalik sa pagiging makulit," iiling-iling kong tugon.
"Ha?! Edi wala nang magpapasaya sa'yo?! Hindi ka pa naman crinush back ng crush mo! HAHAHAHAH---"
Bagay na bagay talaga kayo ni Mil.
"Ano na naman ba 'yan Jay?!" Akmang sisipain ko siya but as if on cue ay dumating ang tagapagrescue ni Tonio! Sino? Edi si Merlia Ilondra Losiano! Ano? Get's niyo? Pati talaga pagkakaroon ng acrostic nicknames nila ay sasabihin sa 'yong bagay sila! Kainggit 'di ba?
Sana lahat
Hope all
Sana all
Hope lahat
Wish all
Wish lahat
"Wala!" Sagot ni Jay. Saka nagpamaunang maglakad.
"Anong wala?!" Sigaw na naman ni Mil.
"Wala! As in WALA kang pakealam!" I chuckled. Dahil do'n sa sinabi niya ay dali-daling hinablot siya ni Mil at sinapok!
Ngi-ngisi ngising pinakatitigan ko silang dalawa.
"Konting bagay pinag-aawayan. Tsk, pusta ako. Kapag naging sila tiyak na maraming magaganap na hiwalayan," halos mapatalon ako nang bigla nalang sumulpot at nagsalita si Air sa gilid ko!
Asa'n na kaya 'yong bata? I mean 'yong dalagita! Aish!
"Bakit ka naman nanggugulat?!" Nginiwian niya lang ako.
"Hindi ako nanggugulat, ikaw d'yan ang bigla nalang nagugulat..halika na," saka siya naglakad palabas.
"Teka!" Huminto naman siya at lumingon muli sa kinaroroonan ko. "Ano naman 'yang dala mo?"
May dala kase siyang hindi kalakihan na bayong! Pero hindi ko alam kung para saan at kung anong naroon.
Itinaas niya pa 'yon at parang nagtataka pang tumingin do'n at saka tumingin sa akin ulit.
Ayan na naman po siya sa pagiging wirdo niya....
"Mga gamit 'to ni Flea...hindi mo alam?"
"For the second time! Magtatanong ba ako kung alam ko?!" Ngumiwi siya.
"Ewan ko? Ako ba ikaw??"
"Arrgghhh!! Wala kang kwenta!!" Pikon kong tugon!
"Tsk...halika na. Gutom na 'ko eh. " Saka niya ako sinenyasang lumapit sa kaniya na ginawa ko naman agad.
Mahirap na baka ma gunggong na naman ako...
Pero nang makalapit ako sa kanya ay mabilis niyang inilagay ang kanang kamay niya sa likod ko! Nagmukha tuloy siyang nakayakap sa beywang ko!
Napalunok ako ng maraming beses bago bahagyang yumuko. "A-anong ginagawa mo?" Pero ngumisi lang siya!
"Ayaw mo ba?" Nakakalokong aniya.
"H-hindi! I mean! Sige lang! A-alam ko namang gwapong-gwapo ako ngayon eh kaya ka nagkakaganyan! Hahaha!" Saka ko siya inakbayan gamit ang kanan kong kamay.
Akala ko ay lalayo siya sa 'kin dahil sa sinabi ko but to my surprise, she pinched my side!
"A-ano ba?!" Iritado kong sabi. Nakikiliti ako eh!
"Tsk. Lumakad na nga tayo.." parang wala lang na aniya saka ako pilit na dinala sa paglalakad niya.
Tanaw ko pa sa harap naman ang dalawa. No'ng makalabas kami ay lumiko sila kanan habang panay parin ang bangayan at patungo sila sa likod ng...mansion?
Susunod na sana ako sa kanila nang biglang may humila sa akin!
"Ano na naman Hangin?!"
Tsh....hindi niya ba alam na dala ko ang anak niya?! Pa'no kung natumba kami?! Edi napahamak pa ang bata!
"Halika rito...rito tayo dumaan sa kaliwa," iginiya niya ako papunta sa likod ng mansion. Nagtatakang binalingan ko siya habang binabagtas namin ang mga damo na korteng daanan.
"Ha?! Saan ba kase tayo pupunta?!" Kita ko kung paano siya huminga ng malalim bago ako sinagot.
"'Yong mga kabahayan kanina? Naalala mo? Do'n tayo pupunta," pagkasabi niya noon ay itinuro niya ang mga bahay na tinanaw namin kanina.
"A-ano namang gagawin natin do'n?! Ang sabi mo ay gutom ka na 'di ba?! Bakit diyan tayo papunta?!" Ang akala ko kasi ay sa isang napakagarbong restaurant kami pupunta dahil wala namang kusina ang mansion niya.
Tsh.. mansion nga! Wala namang kusina!
"Ang dami mo talagang tanong ano? Kaya nga tayo pupunta ro'n dahil kakain tayo."
"Saan naman tayo kakain diyan?! Mangangatok tayo sa mga bahay at magtatanong kung pwede ba tayong sa kanila makikain?!" Bigla ay huminto siya kaya napahinto rin ako.
"Pwede bang?" Huminto siya sa pagsasalita at humugot ng hininga saka marahas na ibinuga 'yon "Maglakad ka na lang at tumigil ka sa katatanong mo?" Saka siya lumakad na naman kaya napasabay na naman ako!
"Magandang araw po sa inyo!!!" Agad akong napalingon sa gilid ni Air nang may maliliit na boses akong narinig.
Nandito pa pala 'tong mga batang 'to?
Oo! Sila 'yong mga batang panay laro kanina! Napakunot ako ng noo at nagsalubong ang kilay kong bumulong kay Air.
"Ang sabi mo ay takot ang mga 'yan sa 'yo?---ah...hehe..good morning din kids!" Pilit na bati ko sa mga ito nang mahagip ko ang ngingiti-ngiting mga mukha nila.
Hindi man lang niya binalingan ang mga bata at lumakad lang ng lumakad kaya nadala ako. Hindi na ako lumingon pa sa mga bata. Okay na siguro 'yong ginawa kong pagngiti sa kanila.
"Oy!" Bahagya ko siyang binangga sa balikat kaya napatingala siya sa 'kin. "Ano na?"
"Totoo ang sinabi ko."
"Eh, bakit bumati sila sa 'yo?!"
"Hindi sila sa akin bumati, sa 'yo."
Ano bang pinagsasasabi nito?
"Ano?!"
"Bakit ba nagtatanong ka tapos hindi mo iniintindi ang sagot sa 'yo?!" Singhal din niya.
"Tsh...halika na nga lang! Papanaw ako sa kawalan mo ng kwentang kausap eh!"
Kung ano ang nadaanan namin kaninang umaga ay 'yon din ang dinaanan namin ngayon. Kaliwa't kanan ang mga bulaklak at nagtataasang punong kahoy, tuloy ay napakapresko ng hangin at ang sarap hingahan.
Habang naglalakad kami ay walang umiimik sa amin hanggang sa makarating kami sa mga kumpol na bahay. Lahat ng kabahayan ay pareho ang desenyo maging ng kulay at sakto lang ang laki.
"Buenas Días Señorita!!" Biglang sigaw ng isang babae sa unahan namin!
Malaki siyang babae...as in! Malaki talaga! Namimilipit sa bilbil, halatang hindi pa gano'n ka tanda at...nakadipa pa ang dalawang kamay niya na maihahalintulad sa mga braso ng mga baboy ng lola ko!
A-ano raw??
"Buenas Días Leona!" Nakangising bati rin ni Hangin!
Nagtatakang tinignan ko sila.
"Como estás señorita?" Ngingiti-ngiting sabi ng babae.
"What do you think?" Biglang walang ganang sagot ni Hangin na ikinalingon ko sa kaniya.
"A-ano ka ba?!" Singhal ko kahit hindi ko naman talaga alam kung anong sinabi no'ng babae.
"Ohh, At sino naman itong binatang kasama mo Empress? Hi! I'm Leona Anastasia De Lapad! You can call me Leona! Or better yet, call me baby!" Tapos ay humagikhik siya.
Lapad? WTH?!
Hindi siya sinagot ni Hangin kaya nagpasiya na akong i-abot sa kaniya ang kamay ko.
"Hi, I'm Thunder Thompson. Nice meeting you" May ngiting pakilala ko. Tinanggap naman niya ang kamay ko at parang kilig na kilig pa siya habang ginagawa niya 'yon saka siya tumingin sa mukha ko.
"Hermoso..." bulong niya pa. Hindi ko naman alam kung ano 'yon!
"Asawa ko siya, Leona..." Biglang nabitawan no'ng babae ang kamay ko. Habang ako naman ay nanlalaki ang mga matang tinignan ko si Hangin.
"A-anong pinagsasasabi mo?" Siniguro kong siya lang ang nakarinig no'n pero as usual, hindi na naman niya ako sinagot!
Napatingin ako sa babae. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa! At inagawan ng sangkaterbang pangkain sa itsura niya.
Dahan-dahan niyang itinuro ang sanggol na hawak ko at napatakip sa bibig niya at para bang ano mang oras ay hahagulhol siya.
Hala..anong nangyayari sa kaniya?
"A-at anak ninyo ang batang ito?!" Biglang malakas na aniya!
"Hm." Tinanguan lang siya ni Hangin! Na siyang ikinagulat ko rin!
Seryoso ba talaga siya sa mga pinagsasabi niya?!
"Uwaaahhhhhhhhh!" palahaw niya bigla saka tumakbo papasok sa isang bahay habang sinasabing "Mama!!! Papa!!!!!! Sinaktan ako ni Señorita!!!!!!!"
Pagkasabi niya noon ay lumabas naman ang isang babae't lalaki. Mukhang mag-asawa sila at sila ang tinatawag na mama at papa ng babae.
Isa lang ang masasabi ko.
Pamilya De Lapad ngang talaga sila...

Bình Luận Sách (20)

  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    wow.

    10/08

      0
  • avatar
    Prin Cess

    🤭❤️

    05/07

      0
  • avatar
    Jude Ezekiel Castor

    ok na

    13/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất