logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

6

HIS Pov
Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa balikat ko.
"Hmm.." ungol ko. Ansarap na ng tulog ko eh..
"Gising." I heard a soft voice whispering into my ears. That damn voice was so good to hear that it makes me want to force my self to be asleep again.
Pero hindi ko paman nagagawang matulog ulit ay nakaramdam na naman ako ng tapik. This time, hindi na sa balikat kung hindi sa pisngi na.
Makinis ang kamay, sino ba 'to?
Nagugustuhan ko ang kamay na tumatapik sa pisngi ko kaya hinuli ko 'yon saka pilit na inahaplos sa pisngi ko.
"W-what on earth is this man doing?" Bulong nito na ikinangiwi ko.
"Sino ka ba? Alam mo bang masarap na ang tulog ko?" Saka ko unti-unting iminulat ang mata ko pero hindi ko pa tinignan ang may-ari ng hawak kong palad. Para may thrill! Hehe!
"Insane..." Bulong na naman niya. Ah... napakasarap ng boses niya...
"Ano? Hindi ako baliw!" Maktol ko saka tumingin sa mukha ng kung sino man 'to--- "Sia?!" Napapatalong unas ko dahil sa pagkabigla nang mukha niya ang nabungaran ko!
Paanong siya 'yon?! Swear! Mamatay man ang mga patay! Napakalayo ng boses na narinig ko sa boses niya!
"Oh? 'Wag mo sabihing wala kang balak tanggalin ang napaka-higpit mong kapit sa kamay ko?" Napapahiya kong tinignan ang kamay na hawak ko, ito talaga 'yon eh. Paanong iba ang boses na narinig ko?
"Hoy! Ano ba!" Singhal niya na nagpukaw sa'kin. Kaya naman, napapahiya kong tinanggal ang pagkakakapit ko sa kamay niya.
Jesus! Siya ba talaga 'yon?! And did I really did it?! Such an embarrassing deed...damn Thunder!
Tahimik kong kinastigo ang sarili ko.
She glared at me like I am someone's murder case's culprit. "Nandito na tayo," hindi ko inaasahang aniya.
"T-talaga?" Tinignan niya 'ko ng hindi makapaniwalang mukha.
"Uulitin ko pa?" Pabalang na aniya na ikinanguso ko. I shook my head.
Tsh, hindi naman ako palangusong tao, seryoso ako eh! Kase agent ako! Trained ako! Pero bakit pagdating sa babaeng to, nagiging toddler ulit ako! Nakakapikon!
"Halika na.." pagkasabi niya no'n ay lumabas na siya ng sasakyan.
Napatingin ako sa bata na hanggang ngayon ay hawak ko parin pala.
"Buti hindi ka nahulog diyan? Hindi ka man lang kinuha ng ina mo, ang malas mo talaga ano?----Pag hindi ka pa lumabas diyan, ikaw ang mamalasin sa 'kin!" Biglang sigaw ni Sia. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang lumabas sa sasakyan.
Mahaba ang ngusong lumabas ako sa sasakyan. Ang brutal talaga ng babaeng 'to! Hindi na kataka-takang isa siyang kriminal.
Ang nakanguso kong mukha ay napalitan ng pagkamangha nang makita ang tinatapakan ko.
Mga damo. Malagong mga damo na may haba lang sigurong limang pulgada. Napakaganda.
Tumingin naman ako sa kanan ko, doon ko nakita ang mga malalagong punong kahoy. Kung hindi ako nagkakamali ay mga Cherry Blossoms ang tawag dito. Nakahanay ito sa gilid ng daan–––Ha? May ganito ba sa Pilipinas?! Wtf?!
At no'ng sipatin ko ang likod ng mga 'yon ay nasisiguro kong mga punong kahoy din iyon. Nang mapadpad ang mata ko sa kaliwa ay gano'n din ang nakita ko.
Pero isang bagay ang pinagtatakhan ko, madilim pa ang paligid. Paanong nakikita ko ang mga ito?
Kung hindi mo kasi titignan ang langit ay aakalain mo talagang umaga na.
Agad akong napatingin sa tabi ko nang may tumapik na naman sa balikat ko. Sa isip ko'y baka si Sia 'yon, kaya naman agad ko itong nilingon.
Pero gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang isang naka-itim na pandak na babae! Nakatingala ito sa'kin ng hindi kita ang mukha dahil sa buhok nitong nakatabing sa mukha!
B-black lady ba 'to? Pero bakit blonde!!? Sa mga horror films na napanood ko, lahat ng white at black  lady ay itim ang buhok!
"Sino ka?" Walang takot na tanong ko nang humupa ang pagkagulat ko.
Hindi naman kase nakakatakot ang itsura niya hindi rin nakakadiri. Makinis na balat at walang ni isang latay o bahid ng dugo.
"Ah, inutusan po ako ni Impress na dalhin ang mga gamit ninyo," malumanay na boses na sabi niya.
"S-sinong Impress?" Takang tanong ko.
Ang awkward naman makipag-usap sa walang mukha.
Napangiwi pa 'ko sa naisip ko. Bakit naman kase nakatabing sa mukha nito ang buhok nito? Tsh.
"Siya po," sinundan ko ng tingin ang kamay niyang nakaturo kung saan. To my surprise, si Sia ang itinuro niya. Na parang wala nalang sa kanya ang sugat niya. Hindi gaya kanina ay  hindi na nakalaylay ang kaliwang balikat niya. Umaakto siyang wala lang 'yon.
Hm...hindi ko pa alam ang totoong pangalan niya..might as well take this as an opportunity.
Hinarap ko ulit ang babae.
"A-anong pangalan niya?"
"Wala pong nakakaalam ng pangalan niya, Impress po, ang tawag ng lahat ng nandirito sa kanya."
What?!  Eh, bakit Sia ang pakilala niya sa 'min?! Siguro Impress talaga ang pangalan niya. Teka, pangdugtungin nga natin. Impress plus Sia. Impressia?! 'yon ba ang pangalan niya?! Ampangit!
"Eh, bakit naman inutusan ka niya? Ano ka ba niya?" Bahagya pa akong napaatras nang hawiin niya ang nakatabing sa mukha niya.
"Bata ka?!" Gulat na sigaw ko nang makita ko ang mukha niya! Bata! Bata talaga! Literal!
Ngumiti lang siya. Maganda siya. At pamilyar siya. Parang..nakita ko na siya, hindi ko lang matukoy kung saan.
"Akin na po. Asaan po ba ang mga gamit niyo?"
"Wala akong gamit," hindi kase kami nakadaan sa bahay ko nang sabihin kong nandon ang ina, ama, at kapatid ko.
Naiintindihan ko naman kung bakit mas pinili ni Sia na hindi dumaan do'n. Ayaw ko rin namang madamay ang pamilya ko. Saka sabi rin niya, hindi naman daw ako magtatagal dito.
Tsh, paniguradong gagawa sila ng paraan para linisin ang mga kuha ng cctv. Kaya nakakapagtakang ipinakuha pa niya ang gamit ko, eh si Jay at Mil lang naman ang meron no'n.
"Aira...what are you doing?" Kita ko kung paano siya tumayo ng tuwid nang marinig ang boses ni Sia. Nawala rin ang ngiti sa labi niya.
Ang mukhang enosenteng bata na nakita ko kanina ay dagling pinalitan ng dalagita. Seryosong dalagita.
Ganyan talaga siguro sila kapag naririnig ang boses ng boss nila. Pero para gawin niya 'yon, ibig sabihin lang ay natatakot siya kay Sia. O mas tamang sabihing natatakot silang lahat kay Sia.
Gaano ba kadelikado ang babaeng 'to, para matakot sa kaniya ang mga taohan niya? Engot! Natural lang na matakot sa kanya ang mga tauhan niya!
Humarap siya kay Sia na noon ay nasa gitnang gilid naming dalawa "Impress," sabi niya at tumungo pa. "Kinakausap ko lamang po ang inyong panauhin."
Bakit napakalalim naman? tsh..
"Hindi siya ang tinutukoy ko," para namang nalito si Aira. Pero nang ituro ni Sia si Mil na noon ay nasa harap ni Sia at nasa kanang gilid ko ay parang may narealise siya. "Silang dalawa."
Kumurap-kurap ito, na para bang hindi makapaniwalang nagkamali pala siya. Saka bumubuntong hiningang tumingin kay Sia.
"A-ah, sorry Impress, I didn't mean to be wrong. I'll go a head, if it's okay?" Masuyong aniya sa amo na tinanguan lang siya.
Kanina anlalim ng tagalog niya ah? Ba't ngayon, uminglis siya? Wierd.
Sinundan ko siya ng tingin. Parang nakita ko na talaga siya noon eh. Sa'n ba? Hindi ko matandaan.
Baka kahawig lang. Tatango-tango akong sumang-ayon sa huling naisip ko.
"Halika."
"N-nandyan ka na pala?" Gulat kong tugon kay Sia nang bumulong siya sa 'kin.
"Ano ba sa tingin mo?" Saka siya nagpamaunang lumakad. At...ambilis niya!
"Wait!---Sia!! A-ano ba!" Lumingon siya sa 'kin ng may pagkadisgusto ang mukha niya. Saka nag-iwas ng tingin sa 'kin.
"B-bakit?" Sinundan ko ang tingin niya at doon ko lang napagtantong napapalibutan pala kami ng mga tao!
Mga ngi-ngiting, tao! Natatabunan nila ang liwanag na ngayon, ay batid ko ng galing sa unahan namin.
Hindi ko maiwasang pandilatan sila ng mata dahil sa nakakailang na titig nila. Alam mong masaya sila dahil sa mga ngiti nila pero alam mo ring nanunukso sila dahil sa mga mata nila.
A-anong tinitingin-tingin niyo?!
Pakiramdam ko ay tumatagos sa katawan ko ang mga titig nila. Na para bang isa akong napakagandang bagay at sinusuri nila ng masaya.
Karamihan sa kanila ay mga babae. Mga babaeng, sing-edad lang siguro namin. At ang pinakabata siguro ay iyong dalagitang nakausap ko kanina. Ang mga lalaki naman ay gano'n din. Mga matitipuno at bata pa. Buti naman at hindi sila nagmanang lahat sa amo nila.
"Huwag mo nga akong tawaging Sia," mabilis akong napatingin sa kanya.
"Ano? Bakit?!" Ulol ba siya?! Anong gusto niyang itawag ko sa kan'ya kung 'yon ang pangalan niya?! HOY? tsh.
"Dahil hindi ko gusto," nakakunot noong aniya habang nakatingin na sa unahan namin.
"What?!" Takang tanong ko habang pinapaspasan ang paglalakad para makasabay sa kan'ya.
"Naasiwa ako."
"A-anong naaasiwa?! Bakit ka naasiwa?! Pangalan mo naman 'yon ah!" Masamang tingin ang ipinukol ko sa kan'ya pero nanatili  siyang walang emosyon.
Lumingon siya sa gawi ko pero wala sa akin ang paningin niya kung hindi ay naroon sa bata. "Pangalan ko nga 'yon pero napapalaswa kapag ikaw ang nagsabi."
Kanina asiwa lang ngayon malaswa na...lumalala ah?
"What?! Anong nakalaswa eh, ginaya ko lang naman ang pag-pronounce ni Mil no'ng ipinakilala ka niya kanina!" Totoo 'yon! Sa-yah ang pag-pronounce ni Mil kaya ginaya ko.
"Tsk. Hindi gano'n ang pag-pronounce no'n! Pastilan!" This time ay huminto siya kaya napahinto na rin ako.
Hinuli ko ang mata niya. "Eh, ano ba!?" Sagot ko kahit hindi ko naintindihan kong ano ang huli niyang sinabi.
"Airsia ang pangalan ko! Kaya Si-yah ang pag-pronounce no'n!" Mahinang singhal niya.
Aba! Anong malay ko!
"Eh bakit sila Mil sa-yah tawag sayo?!"
"Dahil 'yon na talaga tawag niya sa 'kin noon pa man!"
"At ako hindi pwedeng gano'n rin?!" Sinamaan na naman niya ako ng tingin.
"Dahil wierd sa pandinig ko kapag ikaw nagsasabi no'n!"
Ngayon wierd naman?!
"Wierd?! Ikaw ang wierd!" Tinignan niya lang ako ng mapang-uyam na tingin na may kasamang masamang tingin habang nakakunot-noo parin.
"Tsk," singhal niya saka siya umastang maglalakad na pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang siko niya gamit ang kaliwang kamay ko, huminto naman siya.
"Wait?" Napangisi ako.
"What?" Pikong tanong niya nang lingunin niya'ko.
"Ano nga ulit pangalan mo?" Nakangisi pa rin ako.
"Air---" pinutol ko siya.
"Air?! As in Hangin?!"
"Hmm" tango niya pa na mas lalong ikinalaki ng ngisi ko.
"Hangin!" Tawag ko sa kanya! Sumama naman kaagad ang mukha niya!
"What did you just called me?"
"Hangin!"
"Ulitin mo nga," parang nagtitimping aniya.
"Hangin!"
"Tibay, inulit pa talaga" umiling siya.
"Eh, sabi mo ulitin eh!" Lalong sumama ang mukha niya. Halos magdugtong na ang dalawang kilay niya.
Wahahaha
"Tonto!" Natatawang sinundan ko siya ng tingin nang magmartsa siya dahilan para unti-unting nahawi ang mga tao.
Wth? A-anong?!
Gulat na gulat ako to the point na hindi ko maigalaw ang mga paa ko para sumunod kay Air. Ayaw niya ng Sia eh, edi pagbigyan. Kapangalan na niya ngayon ang aso niya, HAHAHAHAH!
"W-wow," namamanghang usal ko nang makita kung gaano ka karangya at kaganda ang nasa harapan ko.
Amazing...
Napatingin ako sa mga tao. Ayon na sila, nakahilira, isa-isa. Kasama ng mga nakahilirang bulaklak at puno.
Wala sa sariling napatingin ako sa likod ko. Nahagip pa ng mga mata ko si Mil na ngi-ngiting nakatingin do'n.  Si Jay na nakakanganga at sayad panga habang nakatingin din do'n. At ang mga taong nakatingin sa 'kin ng may masayang mukha.
Bago ko nakita ang mataas na gate sa di kalayuan. Ang malaking parking space at nagagandahang sasakyan. Ang lupa na pinutol ng mga damo na nagsilbing daan---
Huamarap muli ako at tumingala
---Papunta sa fountain na nakikita ko ngayon.  Bilog ang fountain, at may nakatungtong na babae. Sa unang tingin ay aakalain mo talagang tao 'yon dahil sa mga detalye nito.
Armored woman, hanggang beywang na itim na buhok na parang inaanod pa ng malakas na hangin. Magandang katawan, magandang mukha. Kitang-kita ko ang walang emosyon niyang mukha at ang mga berdeng mata niya.
Silver ang kulay ang armor niya na may panloob na kulay brown at silk ang tela niyon. Maging ang telang nagsilbing skirt at boots niya ay gano'n din ang kulay. Sa magkabilang balikat, maging sa beywang ay may pulang tela.
Ang kaliwang kamay niya ay nakakuyom. Ang kanan naman ay nakataas, kapantay ng dibdib niya at may nakabalot na telang pula rin na halos sakupin na ang kanang braso niya.
Sa mga hintuturo niya ay may nakatungtong na agila, kulay puting agila na umaastang lumilipad.
Sa mga hintuturo, dulo ng skirt, sa armor na nasa balikat niya at maging sa mga mata niya ay umaagos doon ang kulay asul na tubig. Nagmistula tuloy siyang umiiyak.
Ang mas nakakatawa pa ay, kamukha niya si Air. Isa sa naiintindihan ko, dahil obviously, sa kanya ang lugar na ito. O baka siya talaga to?!
Tumingin ako sa babang gawi at doon ko lang napagtantong parang swimming pool na maliit pala ang kinatatayuan niya. Nagmistula siyang nakatungtong sa tubig. Sa gilid ng bilog na 'yon ay may mga nakatayong espada. Na nagsisilbing bakod.
May nakapalibot na kanal sa ilalim ng fountain. Nakakunekta sa magkabilang side. Kanan, at kaliwa na katagpo naman ng kanal na nakapalibot sa mansion na katulad ng nasa kilid ko ay nakasunod sa hanay ng mga kahoy at bulaklak.
Mula do'n sa kinatatayuan ko kanina ay puro damo na, patungo sa fountain hanggang sa mansyong nasa likod niyon.
Oo, a mansion! Napakalaking mansion! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng bahay na parang resort. Hindi tulad ng ibang mansion ay gawa ito sa babasagin. LAHAT ng dingding na nakikita ko ay babasagin at may kulay baby blue.
Hindi lang basta babasagin dahil may naglalakihang pattern din ito. Mga pattern na kulay navy blue. Hindi ko mawari kung ano-anong mga design 'yon. Pero hindi ko maitatangging isa 'yon sa nagpapabongga nitong mansion.
Pero kahit babasagin ay hindi parin nakikita kung ano man ang naroon sa loob niyon.
  Mukhang hexagon ang style ng mansion dahil tatlong sides na ang nakikita ko. Nakausli ang pintuan habang papasok naman ang dalawa pa. Mahirap ipaliwanag lahat ng detalyeng nakikita ko dahil bukod sa hindi ko pa nalilibot ang lugar ay parang nakalutang ang utak ko at hindi makapaglarawan ng maayos.
Napakalaki ng pintuan, malaki ang fountain, ngunit mas malaki ang pintuan ng bahay. At hindi 'yon katulad ng mga common na pintuan dahil katulad ng mga dingding ay babasagin din 'yon. Wala nga lang patterns at Plane navy blue ang kulay niyon.
Laking gulat ko pa nang biglang napunta sa harapan ko si Air at unti-unting nagbigay galang  sa pamamagitan ng pagyuko sa harapan ng fountain. San siya galing?! Nawala siya paningin ko kanina ah?
A-anong ginagawa niya? Bakit siya nagb-bow sa sarili niya?!
Halos lumuwa pa ang mata ko nang sumunod sa kanya si Mil! Na hindi ko man lang namalayang nakalagpas na pala sa 'kin! Ano namang gagawin niya?! Magba-bow din siya?!
WTF?! Nag-bow talaga siya!! Ang wierd nila! Sinong matino ang magba-bow sa estatwa?! Eh, kahit nga siguro ang rebolto ni Jose Rizal ay hindi pinagba-bow-an ng mga 'to!
Napalingon ako sa kaliwa ko at halos mapatalon pa 'ko ng makitang naroon si Jay! Nanlalaki rin ang mata niya kagaya ko. Pareho siguro naming hindi inaasahan ang mga nangyayari ngayon
"K-kanina ka pa riyan?!" Nanlalaki ang matang singhal ko. Napangiwi siya.
"Kanina pa, unggoy! Masyado kang nalunod sa isip mo kaya hindi mo na nalalaman ang paligid mo!" Gano'n ba talaga ako kalunod at hindi ko sila naramdaman man lang? Tsh.
Wag mo munang isipin 'yan TH! Ang isipin mo ay bakit nagba-bow si Air sa sarili niya!
Tama. Tama. Bakit nga ba? Aish! Siguro, ninuno niya 'yan? Mommy niya?! Pero posible bang maging exact replica ka ng mama mo?! Ano 'yon?! Walang contribution ang papa mo?
"Psst! Wala ba kayong balak pumasok?!" Natauhan ako dahil sa sigaw na 'yon. Si Mil pala. Ilang beses akong napakurap nang makitang wala na palang ibang tao ro'n maliban sa aming apat.
"Hoy? Ano na?" Si Mil.
Ang OA talaga ng babaeng 'to.
"Eto na!" Sigaw ni Jay saka ako hinawakan sa kwelyo at hinila papunta sa mansion.
"A-ano ba!" Naiiritang singhal ko sa kanya. Saka iginalaw-galaw ang balikat ko para palayain niya 'ko.
Wow... palayain... What a word.
"K-kaya kong maglakad! A-ano ba naman Tonio!"
"Don't call me that, idiot!" Saka niya ako binitawan. Napatingin pa 'ko sa kanya nang makita ko kung gaano ka seryoso ang mukha niya. Dahilan para may mapansin ako.
"Hindi ka na namumutla ah?" Inosenteng tugon ko. "Parang kanina lang mukha kang tuta na takot na takot," ngingisi-ngising segonda ko.
Kita ko kung paano sumama ang mukha niya, parang ano mang oras ay iiyak na siya.
Tsk...tsk..tsk...napakaisip bata, kaya ako nagiging isip bata dahil sa mokong na 'to eh.
"THUNDER THANE!!!!" Oppss...
Bago pa man niya ako madakip ay tumakbo na ako. Hindi inalintana ng dala kong nilalang ang aksiyon kong 'yun. Bagkos ay ngingiti-ngiti lang itong nakatingin sa'kin.
Tatawa-tawa akong tumakbo. Paniguradong pikon na pikon 'yon.
Hahahahahahah-----
Natigil ang pagtawa ko sa isip nang matapilok ako!
"A-aray, ang malas!" ungot ko.
"Tsk. Karma is bitch, eh??" Agad akong napatingin sa nagmamay-ari ng mapang-asar na boses na 'yon.
"Kung hindi mo 'ko tutulungan umalis ka d'yan!" Singhal ko.
"Do you need help?" Walang ganang aniya. Na para bang nakikipag-usap siya sa isang bagay na walang ka kwenta-kwenta!
"Obviously?!" Nakasimangot kong singhal.
Buong akala ko talaga ay hindi niya ako pagtutuunan ng pansin at bumalik na lang sa mansion. Pero no'ng maglahad siya ng kamay sa harapan ko ay narealise kong mali pala ako.
Mapapabuntong-hininga ako habang inaabot ang kamay niya. Pero no'ng maabot ko naman ang kamay niya ay wala naman siyang ginawa kung hindi ang tumunganga!
Tuloy ay ako parin ang nagdala sa bigat ko. Pakitang-tao! Tsh.... okay lang 'yan TH atleast may nakapitan..
Doon ko lang din nalaman na nasa paanan na pala kami ng Mansion. At natapilok ako dahil sa hagdan no'n.
Nang makatayo ako ay nakatingin  parin siya sa 'kin kaya tumingin din ako sa kanya. Nagtama ang mga mata namin, ibang iba talaga ang mata niya.
Aware ako sa napakaraming expression ng mga mata ko kaya madalas sa mga mission ay naka-shades ako o di kaya'y naka-cap para hindi makita ng kalaban iyon at magkaroon ng pagkakataong mabasa ang iniisip ko.
Ang sa kan'ya kase ay, walang emosyon. Wala ni katiting pero nakakalunod at nakakalungkot. Hindi ko alam, wala naman akong nakikitang emosyon ro'n pero nalulunod ako sa kalungkutang dala niyon.
Naputol lang ang pagtitinginan namin dahil sa isang tikhim.
"Magtititigan nalang kayo diyan? Aba! Sabihin niyo lang at isasara ko na itong pinto!" Agad akong napangiwi dahil tumalak na naman si Mil. Kaya wala kaming nagawa kung hindi ang pumasok sa loob.
"Wow!" This time ay hindi na ako ang nagsabi no'n kung hindi si Jay.
Alam ko kung bakit, napakalaki naman kase talaga ng bahay na 'to. Bahay pa ba 'to? Mansion pa ba to?
Nagsimulang maglakad ang dalawang babae kaya 'yon na rin ang ginawa ko.
Pagpasok palang kase namin ay bumungad na agad sa amin ang isang napakalaking hall. Ballroom hall. Marmol ang sahig at walang ni isang silya.
Sa dulo ay may double door. Regular siguro ang size at may nakasulat na office of the Impress.
Buti at malalaki ang letra, sinakop siguro ang buong pinto. Kase kung hindi ay nako, hindi ko mababasa ang naroon. Sa layo ba naman no'n.
Opisina siguro 'yon ni Air. Impress eh, kung hindi ako nagkakamali ay 'yon ang tinawag sa kanya ng batang babae kanina.
Wala ng ibang palapag sa itaas niyon at iyon lang ang nagsisilbing hinahati sa mga palapag na nandito kasabay ng pinto.
"Ito ang unang bulwagan," una?! So May ilan pa?! Ha! This is insane! "May Sampung palapag ito. At puro paikot. Bawat palapag ay may dalawampong kwarto. Sampo sa kanan gano'n din sa kaliwa. Pumili nalang kayo ng magiging kwarto, pero kung gusto niyong malapit sa akin ay doon kayo sa unang palapag na katabi ng pintuang 'yon" aniya saka itinuro ang dalawang gilid ng pintuan.
Tumingala ako habang naglalakad. Doon ko natagpuan ang mga naglalakihang chandelier. Kulay royal blue naman ang kulay no'n. Hindi ko magawang bilangin ang mga 'yon.
"Sige na, pumili na kayo. Sabihin n'yo lang anong palapag at kulay ng pintuan ang gusto niyo. Piliin niyo 'yong walang mga nakapaskil"
Napatingin ako sa mga pintuan, May mga pintuan nga na may nakapaskil. Iyon siguro ang mga may nagmamay-ari na.
Napatingin ulit ako sa tinuro niya kanina. May black na kwarto sa mismong gilid ng kanyang office.
"Do'n nalang ako," turo ko do'n, wala naman sigurong nagmamay-ari no'n.
"Hmmm..." Tango niya. Saka tumingin sa 'kin "akin na muna si Flea. Matulog na kayo. Si Mil nalang ang pipili ng kay Jay dahil tulala pa rin ang  mokong," ngingisi-ngising aniya.
Ngayon ko lang din nalamang natulala pala si Jay. So much unlikely of him.
Akala ko close sila? Ba't parang hindi pa nakaapak si Jay dito?
Napailing nalang ako saka ibinigay kay Air ang anak niya.
Matapos no'n ay pumasok ako sa kwarto ko. Hindi ko na tinignan ang mga designs at mga furniture. Ang alam ko lang, napakalaki niyon dahil hindi kakasya doon ang California king size bed kung hindi.
Pumunta agad ako sa kwarto ko at agad na humilata. Wala akong planong mag-shower. Masyadong maraming nangyari sa gabing to.
Napatingin ako sa kisame. Kasabay no'n ang pagragasa ng mga sinabi niya kanina.
"Hindi ako tumatanggap ng sorry, dahil Ako mismo ay hindi marunong mag sorry".
"Halata nga...sa pagkakasabi niya palang no'n, parang wala talagang makapagbabago sa kanya."
"Kung gusto mo nang mamatay humayo ka at wag kang sumama! And if you're thinking that you can rely on cops?! Think twice! Because they're all puppets of those who recently attacked us!"
"Humayo? Tsh...alam ko naman na may posibilidad na may mga tiwali talaga sa mga opisyales, pero puppets? Paano niya nalaman 'yon? Paano niya nasabi na para bang siguradong-sigurado siya sa bagay na 'yon? Kami nga ay napaka-ingat sa pag-iimbistiga dahil nakaka-awa ang mga enosenteng madadamay."
"Hindi mo pa ako kilala, huwag kang manguna."
"Sino ka ba talaga? Tsh, Hindi naman ako nangunguna ah? Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko sa kanya..."
"Ilagay mo 'yan sa compartment. Kapag namatay yan do'n, ililibing natin siya gamit ang pinakamagarang kabaong."
"Anong kulay naman?"
"Oo, madali nila akong mahanap pero hinding hindi magiging madali sa kanilang patayin ako! Tandaan mo! Higit pa sa siyam ang buhay ko!"
"Pusa lang?"
"Ayan, magkasama na kayo ng anak mo, hintayin niyo ko, magtutuos tayo sa impyerno."
"Dahil sa kasamaan niya, nalaman niya na kung saan ang destinasyon niya."
"Playing.... humans. Selling humans. Killing humans."
Matunog akong napangisi. Ngising nagpapakita na hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala.
Hindi ko alam kung paano niya pinalabas sa bibig niya ang mga katagang 'yon. Hindi ko alam paano niya nagawang umakto na parang wala lang matapos niyang patayin ang mag-ama.
Hindi normal sa akin ang pumatay, dahil nag-uutos lang ako ng mga papatay. Kase kahit masasamang nilalang ang pinapatay ko, nangiginig parin ako kapag ginagawa ko yon.
Napailing nalang ako..."Hindi ako makapaniwalang nagustuhan ko ang isang tulad mo."
Napailing muli ako, sobrang pagod na pagod ang utak ko ngayon pero ngayon ko lang narealise na kanina pa pala ako nagpapagulong-gulong sa kama.
Tsh...bakit naman kaya hindi ako makatulog?! Badtrip!
Wala sa sariling napatingin ako sa wall clock ng kwarto.
what the heck? 3 a.m. na pala?!
Pinilit ko pang matulog pero nang may marinig ako ay tuluyan nang nagising ang diwa ko.

Bình Luận Sách (20)

  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    wow.

    10/08

      0
  • avatar
    Prin Cess

    🤭❤️

    05/07

      0
  • avatar
    Jude Ezekiel Castor

    ok na

    13/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất