logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

5

HIS PoV
"'Wag kang mag-alala," napakislot ako nang may biglang magsalita sa tenga ko. Si Mil pala. "Napikon lang 'yan sa mga pinagsasasabi mo kanina," patuloy niya at sinenyas ang gawi ni Sia na ngayon ay nagda-drive, katabi ko.
Si Mil ang nasa likod ko habang si Jay naman ay katabi niya, nasa likod ni Sia at natutulog. Ang aso naman ay nakadapa sa paanan nila. Habang ang sanggol ay dala-dala ko.
May carseat pa rito kanina kaya lang inutusan niya sina Jay at Mil na ibaba 'yon. Habang ang stroller naman ay kaharap ni Jay. Ang parang bag naman na lalagyan daw ng sanggol ayon kay babae ang ginawang unan nito.  Ewan saan nila inilagay ang mga gamit nila, baka isinama do'n sa taong nasa compartment.
Alam ko, kung titignan sila sa likod para silang salmon. Ang liit naman kase ng kotse ni Sia.
Pwede naman sanang sa kanya-kanya kaming sasakyan. But she insisted for our safety.
Tsh, kung alam niya lang.
"Alam ko naman. Foul talaga 'yong sinabi ko. Nadala lang naman ako ng takot at gulat nang imbis na tanongin kung ayos ang lagay namin, ay parang inasar pa niya kami," sabi ko na half lie, half truth.
Hindi ako natakot kanina. Kung tutuusin ay kayang-kaya ko sila. Pero totoong gulat ako nang marinig ang naging tanong niya na, "baka napanis na laway niyo?"  Nairita talaga ako no'n. Tsh.
"Foul talaga! Aba! Kahit akong kaibigan niyan hindi siya napagsalitaan ng gano'n 'no? Magsorry ka sa kanya. Tumatanggap naman siguro 'yan ng gano'n," lumingon ako sa kanya.
" Siguro? Hindi ka sigurado?" Nagkibit balikat lang siya.
"Kaya nga siguro ang ginamit eh, hindi sigurado," nakasimangot na aniya.
"Tsh. Bakit?"
" Dahil hindi ko pa naman napikon 'yan. Palaging may pasensiya sa lahat 'yan. Sa 'yo lang ata wala." Nakangiwing aniya. Agad na sumama ang mukha ko. Napalingon ako sa katabi ko nang biglang tumukhim ito.
" I'm here, you know," mahina niyang bulong habang nasa daan ang tingin. Siguro ay dahil 'yon sa sugat niya na hanggang ngayon ay hindi parin nagagamot hanggang ngayon.
"H-hindi ka ba talaga magpapagamot? M-may alam ako sa first aid," alanganin kong sabi.
Ang totoo'y nagui-guilty parin ako sa mga sinabi ko. I'm ashamed of saying bad against the person who just saved us back there, even though I know I don't need it.
Malalim akong napabuntong hininga nang hindi man lang ito nag-abalang sagutin ako. Napatingin nalang ako sa labas saka napabuntong hininga ulit. Kailangan ko talagang magsorry sa kanya.
Asa'n na ba kami? Pasado alas onse na. Gaano ba 'yon kalayo? Tsh.
Walang traffic dahil masyadong maliit ang numero ng mga sasakyan. Malamig na rin ang simoy ng hangin.
Hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kanina.
Kung paano ako nasiyahan nang makita ko ang pikong mukha ni Sia habang inaasar ko siya.
Kung paano nangahas makipaglaban si Mil kay Sia na noon ay nakahawak sa sanggol.  Hindi ko akalain 'yon lalo pa't akala ko ay magkaibigan sila. 'Yon bang, kasangga at karamay parati ang isa't-isa.
Isa pa, pandak si Mil. Oo, pandak si Mil at feminine frame. Kaya hindi ko inaasahang maghahamon ng gano'n si Mil sa malaking si Sia.
Sa bilis nga ng pangyayari ay hindi na ako nagkainteres pa na pakinggang ang pinagsasasabi nila kanina. Tsh.
Hindi ko alam kung paano natutunan ni Mil ang mga pagsuntok at pagsipa niya kay Sia. Sa tagal ng panahon na magkasama kami ay ngayon ko lang nasaksihang nakipaglaban siya.
At mas gulat pa ako nang biglang dahan-dahang inalis ni Sia ang belt niya at itapon ang sanggol sa ere kasabay ng pagtaas at pagtanggal niya ng kanyang pang-itaas!
Totoong nanlaki ang mata ko at napamura nang makita ang katawan niya. Hell, her body is just amazing as I couldn't imagine.
Nakalimutan ko pa ang sanggol na inihagis niya at naalala lang no'ng nakita kong hawak na niya ito at balot na. Hindi ko alam paano niya naisip at naisagawa 'yon, na para bang normal lang 'yon na ginagawa ng mga tao sa mundong 'to.
Napatingin ako sa sanggol na ngayon ay nasa kandungan ko. Wala na ang telang nakabalot sa kanya, na talaga namang pinagmukha siyang larva kanina. Isinuot iyon ni Sia. Paano mo kinaya ang nanay na gaya niya? Ang malas mo naman.
Inilibot ko ang paningin sa loob ng sasakyan.  Si Sia na nakalaylay ang kaliwang kamay habang ang kanan ang nagmamaneho. Binibitawan niya ang manubela kapag kumakambyo.
Hindi naman ako natatakot sa ginagawa niya dahil mabagal lang naman ang pagpapatakbo niya.
Si Mil naman ay parang tulala. Malalim ang iniisip. Iniisip din kaya niya kung paano niya nagawang nakipaglaban kanina?
Habang ang pinsan ko naman ay tulog.
"K-kanina...foul 'yong sinabi ko. S-sorry. H-hindi ko sinsadya," nakayuko kong pangunguna.
"Hindi na kailangan."
"B-bakit?"
"Hindi ako tumatanggap ng sorry," a-ano?
"H-ha?" Tanging nasabi ko na ikinalingon nito sa 'kin sandali.
"Hindi ako tumatanggap ng sorry, dahil ako mismo ay hindi marunong mag sorry," anong klaseng paniniwala 'yon?! Ano naman kung hindi siya marunong magsorry!? Eh, sa..marunong ako eh!
"A-ah... gano'n ba. Edi b-binabawi ko na ang sorry ko," pero ang tapang ko ay sa loob lang, akala ko ay magrerespond siya pero pumuti nalang ang mata ko ay wala parin.
Kaya napagdesisyonan ko nalang ibaling sa labas ang paningin. Nagulat pa ako nang makita ang naglalakihang puno sa daan.
A-anong daan 'to?!
Hindi masyadong kita ang kapaligiran pero sigurado akong pinagshootingan na 'to ng horror films!
Madilim ang dulo. Maraming patay na damo. Nakakapanindig balahibo!
"M-malayo pa ba?" Tanong ko na nasa labas na ang tingin. Hindi ko lubos maisip kung bakit niya kami dinala sa ganitong lugar.
"Ala-una tayo makakarating," akala ko ay hindi niya ako sasagutin. Napabuntong hininga ako. Pahina-ng pahina ang boses niya at alas onse y media pa lang, baka hindi niya kayanin.
"K-kaya mo pa ba? G-gusto mo palitan kita."
"Hindi mo alam kung saan," iling niya.
"Edi, s-sabihin mo sa'kin. May GPS naman hindi ba?"
"Hindi ka makakapasok kung wala ako," muling iling niya.
"Ha? Eh, m-magpapalit lang naman tayo ng pwesto eh," pagpipilit ko. Pero nagulat ako nang bigla siyang pumreno!
"W-what is happening?!" Histerikal na sabat ni Mil. Mukhang kagigising lang mula sa pagkakawala.
"None," mahina at walang kaabog-abog na sagot ni Sia saka tingin sa 'kin. Tumingin ako sa salamin at nakitang pumikit si Mil.
"Alam mo kase. Kung sasabihin ko sa 'yo at magpapalit tayo ng pwesto, baka makatulog lang ako," saka niya iniwas ang tingin.
"Eh? Ano naman kung makatulog ka?" Mas mabuti nga 'yon para makapagpahinga ka.
"Baka kase..." Saka siya tumingin sa mga mata ko.  "Mamatay ako." What?! Anong nakamamatay sa pagtulog?
Napatingin ako sa sugat niya. Hindi 'yon gano'n ka klaro pero dahil sa malakas na agos ng dugo ay malalaman mo talaga na may sugat ang balikat niya. Ang lakas ng babaeng to. Kung iba 'yan, pass out na siguro.
"I-I.. I don't understand.." halos pabulong na iyong lumabas sa bibig ko.
"You don't have to..."
Hindi naman nakamamatay  ang pagtulog, pero siguro ayaw niyang matulog dahil sa sugat niya. Baka magising nalang siya nasa impyerno na siya o 'di kaya'y nasa langit na. Ano ba 'tong iniisip  ko?
Napailing nalang ako saka ibinalik sa daan ang paningin ko. Pero maya-maya lang ay napalingon na naman ako sa kanya nang magsalita siya.
"Kanina... Anong nangyari matapos akong pumunta sa garden?" Sabi niya kaya naging sariwa na naman sa isip ko ang mga ditalye tungkol sa tanong niya.
Ang pagtahol ng aso na siyang ikinatigil nilang dalawa sa paglaban sa isa't-isa isa. Ang pagmamadali niyang lumabas at daluhan ang aso niya, hindi alintana na baka mabangga niya ako.
Ang pagdating ng mga lalaking 'yon. Ang pakikipaglaban ni Mil sa kanila na para bang laro lang lahat para sa kan'ya.
"Hoy! Ano na?" Mahinang singhal niya na nagpabalik sa katinuan ko.
"Ah...m-matapos mong umalis, siya namang pagsulpot ng dalawa sa tatlong lalaki."
Tumango-tango siya "Tapos?" Sabi niya saka ibinalik ang tingin sa daan saka umusad muli ako naman ay yumuko at sinariwa ang mga nangyari kanina.
"Oh..may bisita pala tayo"  Sabi ni Mil nang walang habas na pumasok sa front door ang dalawang tao na pawang mga nakamaskarang itim.
Hindi pa ako makapaniwala sa narinig mula kay Mil. Bisita? 
Biglang nawala ang maarteng Mil at napalitan ng maangas na mapaglaro. Dahan-dahang lumakad siya papuntang sala kung saan nandoon ang manloloob.
Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Lumingon pa ako sa likod at nakita ang putlang-putla nang mukha ni Jay.
Nagulat pa ako nang makarating kami sa sala at may isa pa akong nakita na nakamaskara. Nakaupong pambabae kahit malaki ang katawan. Kaya lang maliit ang height niya, maypagkakuba rin. Pa'no siya nakapasok? Bintana, tsh.
"Anong kailangan ninyo? May pagkain pa kami rito, gusto niyo bang kumain muna?" Ano bang sinasabi niya?! Iniimbita niyang kumain ang mga intruder?! 
Hindi ko napigilan at sinugod ko siya. Hindi pwede ang inaasta niya.
"Ano ba? Hindi mo ba alam na pwede tayong patayin ng mga 'yan ngayon mismo?!" Inis na bulong ko sa kanya.
Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa mga mata ko.
"Alam ko ang ginagawa ko," seryosong aniya!
"Anong alam mong ginagawa mo? Pwede tayong mapahamak sa ginagawa mo!" Gigil na saad ko..
"Look, alam kong kaya mong lumaban. Kaya ko rin naman. Pero kung matinik ang mga 'yan, wala tayong magagawa kung hindi patagalin ang oras hanggang sa dumating si Sia,"  at bakit naman?! Pero bago ko pa man maisatinig 'yon ay sumingit na ang isa sa dalawang nakamask.
"Nasaan si Pigeon?" Pigeon? Sinong Pigeon?
"May inasikaso lang," parang wala lang na sagot ni Mil. Gusto ko siyang singhalan dahil sa katangahan niya.
Humigpit ang hawak ko sa sanggol at napaatras nang sumugod bigla ang isa kay Mil. Kinwelyuhan niya si Mil saka tinanong.
"Huling tanong, nasaan si Pigeon?" Imbis na matakot ay ngumisi lang si Mil.
"Lumilipad," otomatikong umigkas ang kamao ng kalaban papunta kay Mil na agad namang nasalo ng huli.
Pero sa kasamaang palad ay ginamit nito ang isa pang kamay para sapaking ang mukha ni Mil.
"FVCK!!!!! SIIIAAAHHHHHH!!!! HURRY AND GET THESE MOTHERFVCKERS OUT OF MY FREAKING HOUSE AND FVCKING THROW THEM TO HELL!!!" Biglang napakalakas na sigaw niya! Hindi ko natakpan ang tenga ko dahil nakahawak pa ang mga kamay ko sa bata.
Pero kahit gaano kalakas ang sigaw niyang 'yon ay hindi natinag ang sumugod sa kanya, dumalo pa ang isa kaya ngayon ay naging dalawa ang kalaban niya. Nagsukatan muna sila ng tingin bago nagpaikot-ikot hanggang sa sunod sunod nang napaulan ang mga ito ng sipa at suntok. Walang ibang nagagawa si Mil kung hindi ang ilagan at sanggain ang mga 'yon.
Gusto ko siyang tulungan pero hindi pwede dahil may dala akong sanggol. Si Jay naman ay putla parin at tulala pa, malala na.
"ARRAYY!! ARAY! ANO BA! ANG LIKOT NIYO! PINAGLIHI YATA KAYO SA KITI-KITI EH!" malakas na sigaw na naman ni Mil. And that caught them of guard kaya nasipa ni Mil ang mukha ng isa na ikinadaing nito.
"Stop" napatingin ako sa kanya nang bigla niya akong pahintuin sa pagsasalita."Agent ka ba?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko inaasahang 'yon ang magiging tanong niya.
"Base on your reaction, you are," tatango-tangong aniya.
"P-paano mo nalaman?" Hindi ko inaasahang gano'n kabilis niya akong matutukoy.
"Kanina, no'ng tignan kita sa mata. Hindi ka napakislot o nabigla."
"Eh? Ano naman?" Tumingin siya sandali sa 'kin bago ibaling muli sa kalsada ang tingin.
"Si Mil, napakislot siya no'ng unang beses ko siyang tignan sa mata. Gano'n din si Jay. At ang iba pang tinignan ko sa mata. Mga agent lang ang may kayang tumingin sa matatalim kong mata." Bumuntong hininga ako..bigla ay nakahinga ng maluwag nang parang unti-unting naging normal ang boses niya.
Ipagpatuloy mo lang ang pakikipag-usap sa kanya TH....
"That's not enough reason. Sabi nga nila, sa isang kumpol ng saging may isang hindi makakain," mayabang na dahilan ko pa at taas noong tumingin sa daan.
"Meron pa."
"Meron pa?" Balik ko ng tingin sa kanya.
Tumango siya. "Kanina, no'ng tinutukan kayo ng mga 'yon ng kutsilyo. Si Jay putlang putla eh, isa lang ang nakatutok sa kanya. Ikaw kutsilyo't baril na nga ang nakatutok sa'yo, wala paring bakas ng takot ang mukha mo."
Pinakatitigan ko siya. Paano niya naobserbahan 'yon? Totoong kulay gatas ang kutis ko kaya halos lahat ay inaakalang maputla ako. As in parang maputla talaga ako all the time. Kapag hindi mo kase sinipat ng maigi aakalain mo talagang maputla ako. Idag-dag mo pa ang hindi masyadong matingkad kong mga labi.
"Kung iniisip mo kung paano ko nalamang hindi ka namumutla," tumikhim siya "ang mga labi mo ang tinignan ko," napakunot-noo  ako.
"Grabeng observant ka pala. Ikaw palang ang makapagsabing hindi ako takot dahil sa labi ko ng gano'ng kadaling panahon." Lumingon siya sa'kin sandali saka ngumisi.
Magaling na observant ka, pero bakit wala akong makitang kahinahinala sa'yo maliban sa bilis ng pakikipaglaban mo at pagpatay mo?
Una pa lang alam ko na na alam niyang makipaglaban dahil sa body built niya. Pero hindi ko inaasahang gano'n siya kabilis tumakbo, tumapik ng kamay, sumuntok at magdisable ng baril. Lalo pa 'yong walang awa niyang pagpatay sa mag-ama.
"Don't underestimate me boy. I am far from that word," napangisi ako.
"Meron pa ba?" Tumango siya.
"Akala mo hindi ko napansin?" Nangunot ang noo ko.
"Ang ano?"
"Nakita mo kong pumatay, nakita mo kung gaanong karaming dugo ang nahawakan ko.. pero bakit sa huli, iba ang inuungot mo?"
"Woah..ang galing, nahagip mo pa 'yon? Tsh, mukhang detective ka ah?" Biro ko na ikinailing niya.
"Pumapatay ba ang mga detective? Teka, meron pa."
"Meron pa?!! Ilang meron pa ang sasabihin mo?"
"Wala na....Your footsteps. Walang maririnig na tunog ang mga hakbang mo."
"Then?"
"It's either, you're one hell of a dangerous man or an agent. Might as well, police/military officer pero madalang 'yon."
"At pa'no mo nasabing agent nga ako kung may tatlo naman palang pagpipilian?"
"Simply observing you. You don't own the same aura as me as you don't own the same aura as those intruders. So you're definitely not from our world but you're not afraid of me, Mil and those  three. So, that leaves me the choice of you, being an agent? Or a police/military officer? But then, your footsteps has no sound and police officers are often has sounds when they're walking, very few hasn't. And that leaves me the choice of you being an agent. Pwede ka rin namang detective kaya lang, kung detective ka, paniguradong hindi mo ipapagalaw ang mga bangkay kanina at tatawag ka kaagad ng mga pulis para ipakulong ako, dahil murder ang ginawa ko.l," taas noong aniya...bakit parang wala akong maintindihan? Teka, did she just say "our world"? What the hell?
"Our World?" I can't help but blurt out.
"Our world," paguulit niya. Ang sarap talagang kausap nito.
I sighed.
"I mean, what kind of world?"
"A world that full of adventures," kibit balikat niya.
"Adventures like?" Tumingin siya sa 'kin ng seryoso.
"Playing.... humans. Selling humans. Killing humans," halos panawan ako ng ulirat nang walang kaabog-abog niyang sabihin 'yon.
Underworld....
"What kind of Humans?" She just shrugged again like it's the most common thing in the world.
"Willing, blackmailed, sinners."
"How about innocents?"
"Nah...we don't associate with them. They're too weak. Well, for me. I don't know for the others"
"Para saan?"
"For money, ranks, fame and power...of course."
"Why are you saying this all to me?" Hindi ko mapigilang tanong. Akala ko kase magbubunot pa 'ko ng buto para lang makakuha ng impormasyon.
"Para makapagreport ka sa boss mo" I huffed immediately after hearing what she just said.
"Ha! Unbelievable! What kind of criminal are you?! You want me to report informations from you?! Is that even a criminal doing? At saka! Pa'no mo na naman nalamang kailangan kong mag report?!"
"Una, Hindi mo pa ako kilala, huwag kang manguna. Ikalawa, sabi ko naman sa'yo inoobserbahan kita."
"Buy you failed to observe one" napalingon siya sa'kin.
"What?" Takang tanong niya.
"You failed to observe that I like you" bahagya siyang napakurap.
"What's with the sudden confession?"  Bumuntong hininga siya. "Infatuation lang 'yan. Epekto lang 'yan ng kagandahan ko."
"Ha! Ang hangin mo!" Nalukot ang mukha ko .  Ang smooth ng pagkakasabi ko ng "I like you" tas gano'n lang? Aandaran ako ng infatuation?!  "Anong akala mo sa 'kin? Hindi marunong mag identify ng sariling nararamdaman?"
"Tsk, napakatalakero mo talaga. Parang hindi mo ko sinabihang malas ah?"
"Sorry na nga eh! Kung tinanggap mo lang sana 'yong sorry ko edi sana hindi mo na inulit-ulit pa!" Maktol ko pero ngumisi lang siya.
"Alam mo. Mahilig akong magbasa eh, to the point na pati online books ay binabasa ko. May character do'n, Maxpein ang pangalan. At some point, nakakarelate ako sa character niya. Magkaiba kami, magkaiba. Mabuti siya. Masama ako, pero may mga common characteristics kam,i" sumama ang mukha ko.
Ano namang pakealam ko do'n? Saka akala ko ba hindi siya criminal? Bakit inaamin niyang masama siya?! Ang gulo ng babaeng 'to!!
"Oh tapos?!"
"Sabi niya 'ang sorry nakakapagpagaan ng pakiramdam hindi nagtatama ng kamalian' hindi 'yan ang eksaktong pagkakasabi ni Maxpein pero 'yan ang pagkakaintindi ko" napakurap-kurap ako.
"Ang lalim naman no'n..." Tanging nasagot ko.
"Ang author no'n ang pinakaunang author na nagustuhan ko. Ilang beses ko na ngang binalik-balikan ang story na 'yon." Hindi siya nakangiti pero ramdam mo ang saya  niya.
"Bakit naman?" Pero hindi niya ako sinagot. "Hoy! Baket?!"
"Ano ba!"
"Hoy!"
" Ang kulit mo. Kitain ko na nga nanay mo" agad akong napangisi. Naalala niya pa ang sinabi ko sa kanya kanina? Hehehe!
"Kita mo 'to, handa naman palang maging asawa ko."
"Mali," agad akong napakunot-noo at tumingin sa kanya ng may pagtataka.
"Anong mali?"
"Kikitain ko nanay mo.." tapos tumigil siya.
"Oo nga!"
"Hindi para maging asawa mo"
"Eh para ano?!" Singhal ko. Pero ngumisi lang siya.
"Para ibalik ka sa tiyan ng nanay mo. Hehe."
What?!

Bình Luận Sách (20)

  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    wow.

    10/08

      0
  • avatar
    Prin Cess

    🤭❤️

    05/07

      0
  • avatar
    Jude Ezekiel Castor

    ok na

    13/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất