logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

4

A/N:
PLEASE BE WARNED ABOUT THIS CHAPTER'S CONTENT. IF YOU DON'T WANT OR YOU'RE NOT COMFORTABLE OF READING FIGHTING SCENES OR KILLING SCENES, PLEASE DO SKIP THIS CHAPTER.
------------------------
HER PoV
Tahimik kaming kumakain nang mapatingin ako sa katabi ko. Hawak pa rin niya ang sanggol na nakalagay sa mga hita niya ng pahiga. Inaaalalayan ng kanang kamay dahil ang isa ay ginagamit nito sa pagkain.
Hindi ko lubos maisip kung bakit hindi pa niya inilapag ang sanggol at mas pinili niyang pahirapan ang sarili. Hindi siya makakain ng husto dahil sa iisang kamay na gamit niya. Kinailangan niya pang yumuko at ilapit ng husto ang mukha sa kinakainan.
Maya-maya pa'y naramdaman siguro niyang may nakatitig sa kanya kaya inangat niya ang ulo sa dereksiyon ko. Nakakatuwa ang dagling pagsalubong ng kilay at pagkunot ng noon niya nang makitang ako ang nakatingin sa kanya.
"What? Hindi ba masarap?" Masungit na tanong niya. Tsk, parang bata.
Tumango-tango ako "Masarap"
Ang totoo'y, pangatlong kain ko na 'to. Ang sarap ng luto ng lalaking 'to. I'm wondering if he's also a chef. Babayaran ko siya para maging cook ko, lalo pa't paborito ko ang adobo.
"Eh, ba't ka nakatingin sa 'kin?" Saka siya ngumisi. Nawala ang gitla sa noo at naging pilyo ang mga kilay. "I know I am beyond handsome but starring at someone without their consent is very uncomfortable, y'know"
"You're so full of yourself y'know" sagot ko, ginaya ang tuno ng kanyangsalita. Kapagkuwa'y tumingin sa dereksiyon ng dalawang may sarili rin palang mundo
"I'm just stating the truth, baby," ngumiwi ako nang sinabayan pa niya ng kindat ang banat niya. Ganito ba talaga ang mga lalaki ngayon?
"Hindi ako bata. Kita mo 'yang nasa kandungan mo? Anak ko 'yan, kaya 'wag mo kong tawaging bata dahil ako ang nagpo-produce ng bata," litanya ko pa.
"Tsh, alam ko naman. Hindi mo lang alam ang salitang biro," nguso niya. Saka biglang inilibot ang mga mata. "Anong ginagawa niyan?" Sinundan ko ang tingin niya at napagtantong sa aso ko siya nakatingin.
"Ah, tinitignan niya ang paligid. Kung safe ba tayo rito."
"Ha? Hindi ba tayo safe rito?" I shrugged.
"Kaya nga chini-check niya."
"Is it a female?" Tanong na naman niya. Konti nalang iisipin ko nang reporter to.
"No."
"A male?" Gusto ko siyang sapakin. Walang common sense anak ng!
"Bakla siguro," sarkastiko kong ani saka nagpatuloy sa pagkain.
Nang matapos ako ay hindi parin siya tapos. Hindi ba nangangalay ang isang 'to?
Inilahad ko sakanya ang dalawang kamay ko. Bahagya pa akong nakayuko. "A-ano na namang gagawin ko diyan?!" Singhal niya.
"Ang high blood mo."
"Ano nga?!" Napangiwi ako.
"'Wag ka ngang sumigaw...kapag nagising 'yan, itatapon kita sa basurahan. Hindi ka ba nangangalay?" Bumuntong hininga ako. "Akin na ang bata para makakain ka na ng maayos. Saka baka nangangalay ka na," bahagya pa akong napaatras nang bigla niya akong dinuro gamit ang kutsara habang may letrang O sa bibig niya.
"Concerned ka sa 'kin no?!" Wala talagang common sense. Kailangan ba talaga sabihin lahat?
"Mas concerned ako sa anak ko. Tuwing yuyuko ka ay naiipit ang kawawang nilalang...akin na," iginalaw-galaw ko ang mga kamay ko.
"Aminin mo munang concerned ka sa 'kin!" Parang batang aniya.
"Big deal ba 'yon?" Lukot ang mukhang bato ko.
"Oo! Sa 'kin! Hehe! Kaya sige na! Dali na!" Parang batang pumapadyak pa ang paa niya. Hindi ko alam na may tao palang ganito ka isip bata.
"Oo nga"
"A-anong oo nga?!"
"Concerned na 'ko sa'yo. Kaya akin na" tinangka kong kunin ulit ang bata pero tinapik niya ang mga kamay ko.
"Parang napipilitan ka lang eh" nguso niya.
"Eh, pinipilit mo naman talaga ako ah?!" Pikong singhal ko.
"Wala kang awa!"
"Oo, at kapag hindi mo ibibigay sa 'kin ang bata, sisiguradohin kong mata mo ang luluwa" pananakot ko.
"Ang brutal mo!" Saka niya padaklot na ibinigay sa 'kin ang bata. Saka padabog na kumain. 'Yon bang dinig na dinig mo ang lagapakan ng mga utensils na ginagamit niya.
"Oy! Nag-aaway na naman ba kayo?" Si Mil. Tapos na rin pala siyang kumain. Napatingin ako sa plato niya. Napakalinis. At kasalukuyan niya pa 'yong pinupunasan ng tissue. Napaka-arte.
"Hindi!" Malakas na sigaw ni Kulog.
"Sia?" Baling ni Mil sa 'kin para sa kompermasyon.
Napabuntong hininga ako"Nagkapikonan lang-"
"Dahil brutal ka!!" Singit ni Kulog.
"Tumahimik ka!" Singhal ko rin.
"Ikaw ang tumahimik! Wala kang puso! Huhuhu" Hindi ko na siya pinansin bagkos ay tumingin ako kay Mil na nakangiwing pinakatitigan si Kulog.
"Ganyan ba talaga 'yang isang 'yan? Napakaisip bata. Nakakaubos ng pasensya." Iiling-iling kong pangunguna. Na para bang hindi 'yon maririnig ng pinag-uusapan namin.k
"Hindi naman ganyan 'yan. Seryoso nga siya eh. Hindi ko alam kung anong nangyari. Duda ko ay sinapian 'yan." I huffed. Seryoso? Sa lagay niyang 'yan?!
"Amaw" bulong ko. "Siyanga pala, uuwi na kami. Salamat sa pagkain" akmang lalabas na ako sa dining room nang bigla siyang nagsalita.
"T-teka...Teka..akala ko ba ay isasama mo 'ko? Sabi mo pa nga ay magimpake ako?" Nagtatakang aniya.
"Ah, 'yon ba? Akala ko kase ikaw lang mag-isa dito. Eh, may mga kasama ka pala. Wag nalang."
"What the? How could you?! Why!?! Tell me?!"
"Magiging sabit sila sa plano ko. At ngayon ko lang napagtantong, pwede ka rin palang maging isa ro'n"
"Ha! You want me to bang your head?! Huh?! You're pissing me! Bawiin mo 'yong sinabi mo!"
"I won't, bye" saka ako muling tumalikod. Pero hindi paman ako nakakaisang hakbang ay naramdaman ko nang may humila ng buhok ko.
"Ano ba!" Mahinang singhal ko kay Mil nang makaharap ako ulit sa kanya.
"Hindi ka aalis!" Napailag ako ng wala sa oras nang bigla siyang nagpakawala ng mga suntok.
"Aalis ako" matigas na sagot ko na nagpahinto sa kanya.
Ngumisi siya "aalis ka kapag natalo mo 'ko"
"You seriously think you can fight me and win after? Are you nuts?" Isa 'to sa Hindi ko gustong katangian ni Mil. In order to defy my orders, lalabanan niya ako. Na kahit kailan man ay hindi nangyari dahil parating ako ang nananalo.
"I am perfectly sane, Sia! Come, and let's see how productive we became" Puno ng kompyansang aniya.
"Don't do this Mil. You'll just end up hurt"
"You're afraid to hurt me?! Aba, lumambot ka yata ngayon ah? 'wag kang mag-alala, patitigasin ulit kita" nagtagis ang bagang ko nang sunod-sunod siyang nagpaulan ng sipa at suntok.
Ilag papuntang kanan o kaliwa. Atras. Talon. Ikot. 'Yan lang ang nagagawa ko. Nagsisi tuloy ako na kinuha ko si Flea kay Kulog.
"Mil! For Pete's sake! I have my child on me!" Pero hindi parin siya nagpatinag. Katigasan ng ulo.
"Mil! Ano ba! Tumigil ka!" Sigaw ni Kulog. Pero walang pake sa sigaw niya si Mil.
"M-mil...m-may bata siyang d-dala. Ano ka ba!" Halos mapatanga ako nang biglang huminto si Mil nang marinig ang nagsusumamong tinig ni Jay. Anak ng...
Napangisi ako nang makaisip ako ng plano. Kailangang maibigay ko ang bata kay kulog para hindi na ako mahirapan. Kaya lang ang layo niya sa pwesto namin.
Tumingin ako kay Mil. Saka dahan-dahang hinubad ang belt na suot ko. Bumuntong hininga ako bago inihagis sa ere ang hawak kong sanggol kasabay ng pagtaas ko ng pang-itaas kong damit.
"What the fuck?!"
"Waohhhhh!!"
"What the heck?!"
Mabuti talaga at nagsports bra ako. Tsktsktsk..
Sabay na palahaw nilang tatlo na hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin dahil hinihintay kong lumanding ang bata sa telang hawak ko.
Nang lumanding ito ay kaagad kong ipinulupot sa katawan nito ang tela. To the point na walang ibang nakalabas na part kung hindi ang ulo lang. Sa paraang 'to, nasisiguro kong hindi mababalian ng ano mang parte ng katawan ang anak ko.
Pagkatapos ay tumingin ako kay Mil na hanggang ngayon ay nanlalaki parin ang mata saka siya nginisihan.
"Sugod" kasabay ng pagkakasabi ko no'n ay siya namang paghagis ko sa bata papunta kay kulog. Dinig ko ang reklamo nito na hinaluan ng palahaw ng sanggol. Pasensya na anak, may aasikasuhin lang si mommy.
"Hindi ko inakalang gagawa ka ng gano'n Sia." Hindi ko siya pinansin. Siya ang May gusto nito.
"Sugod Mil" 'yon lang at nagumpisa na ang salagan, suntukan, sipaan, daingan at ilagan.
Malakas sumuntok si Mil. Kaya lang, balewala ang lakas niya sa bilis ng pag-ilag ko. Hindi ko man aminin ay malaki talaga ang pinagbago niya. Naging mas maganda siya, mas naging mabilis, mas malakas kumpara noon. Kaya lang, hindi ko alam bakit sa height siya'y pinagkaitan.
She tried to puch me near the jaw but I easily dodged it. Saka ko hinuli ang kamao niya at pinilipit iyon. Alam niya namang hindi siya mananalo sa 'kin eh. Ano sa akala niya ang ginagawa ko habang nandito siya? Nagtake-advantage pa talaga, tanga.
Mabilis kaming napahinto at napatingin sa gawi ng garden nang marinig namin ang tahol ni Air, ang aso ko. Bigla ay lumukob sa sistema ko ang pagkabahala.
Hindi ako nag-aksaya ng panahon. Tumakbo agad ako sa garden area at hinanap ang aso ko. Nakita ko siya sa gitna habang tahol ng tahol. Agad ko itong dinaluhan at hinimas ang balhibo
"Hey, buddy. What's wrong huh?" Pero hindi parin ito nagpatinag sa pagtahol habang nasa bahay ang tingin.
Anong nangyayari?
Tumingin ako sa paligid pero ni isa man at wala akong makitang kahinahinala.
Sigurado akong may nakapasok. Hindi kase madalas tumahol si Air. Tumatahol lang siya kapag gutom at nakakita ng pagkain o di naman kaya'y may nakita siyang hindi kaaya-aya.
Paniguradong hindi naman ito gutom dahil alam kong nagpakasawa ito kanina ro'n sa compartment. Kaya ako nagmadaling lumabas kanina no'ng sinabi ni Jay na isinara niya ang compartment dahil nando'n ang aso ko.
Gunggong 'yon, hindi man lang sinilip kung anong laman ng compartment ko. Tsk, pag talaga nadatnan kong patay ang aso ko,isasama ko talaga siya sa hukay.
Hindi pwedeng mamatay ang aso ko ng gano'n lang. Sa mga panahong nag-iisa ako, siya ang naging karamay ko. Saka...matalino ang asong 'to, trained din.
"FVCK!!!!! SIIIAAAHHHHHH!!!! HURRY AND GET THESE MOTHERFVCKERS OUT OF MY FREAKING HOUSE AND FVCKING THROW THEM TO HELL!!!" Malakas na sigaw ni Mil ang pumukaw sa pag-iisip.
Bakit nga ba hindi ako pumasok agad sa bahay. The fact that Air is howling hard while facing the house means something might happened there. Damn, Sia. You're such a great imbecile!
Napailing nalang ako sa kabobohan ko. Walang nagawa kung hindi ang mabilis na pagpasok muli sa bahay. I did hope to see them where I left them but to my dismay, I didn't saw anyone in the dining area.
Asa'n sila?
As if on cue, umalingaw-ngaw na naman ang boses ni Mil.
"ARRAYY!! ARAY! ANO BA! ANG LIKOT NIYO! PINAGLIHI YATA KAYO SA KITI-KITI EH!" Nanggaling 'yon sa sala.
Saktong hindi nakasarado ang doorknob ng kusina kaya nakalabas ako ng hindi nila napapansin.
Pumunta ako sa likod ng TV. Kailangan ko munang timbangin ang sitwasyon para makagalaw ako ayon sa solusyon.
Nakarinig ako ng mga pagdaing na hindi ko matukoy kung sino.
"Tama na 'yan" Sabi ng isang napakalaking boses. Tsk, malaki ang boses ko pero triple siguro niyon ang kanya. Mabilis ang salita ah? Takte, mga hapon pa siguro to.
Pagkatapos sabihin ng lalaki 'yon ay nakarinig ako ng mga paang tamatakbo.
Out of curiosity, sinilip ko kung ano ang nangyayari. Doon nabungaran ko ang putlang pulta na mukha ni Jay. What shocked me the most is that, Jay is being hostage. May malaking lalaki sa likod niya na siyang may hawak ng kutsilyong nakatutok sa leeg niya.
Nakaharap si Jay sa pwesto ko pero wala sa pwesto ko ang tingin niya. Sinundan ko 'yon at nakita ko si Mil. Nakatalikod ito sa gitna namin ni Jay habang nakatingin sa bahagi na nasisiguro kong kinalalagyan ng sofa.
Agad na hinanap ng mata ko si Kulog at nang makitang malayo siya kay Jay at Mil ay umosbong na naman ang kaba ko. Bahagya siyang papagitnaan ng hagdanan at front door.
May nakatutok na kutsilyo sa bata habang baril naman ang nakatutok sa ulo niya. Bigla ay nawalan ako ng lakas. Anong gagawin ko?
Mabuti sana kung puro kutsilyo lang ang nakatutok sa kanila. Mas maliit ang porsyentong mamatay sila, eh may baril. Mas madaling makapatay ang bala.
Takte, mukhang napurol na ata utak ko ah? Sa tanang buhay ko ngayon lang ako hindi makapag-isip ng sa tingin ko ay akma sa sitwasyon. Palagi akong may solusyon, bakit ngayon hindi ako makapagdesisyon?
Natutulirong napayuko ako kasabay ng napakalalim na buntong hiningang ginawa ko. I've been in the worse. But why does it still feel to be my first?
Ano to?
Bote, puno. Ano namang laman nito? Binuksan ko 'yon saka tinignan kung anong laman.
Tequila?! What the?
Napalunok ako. Hindi ako masyado kung uminom pero kailangan ko ng pampakalma. Not thinking twice linag-ok ko ang alak. Ubos!
Napangiwi ako. Ampait! Anak ng kagang!
Dagli akong napatayo nang marinig ko ang palahaw ng sanggol at nakahinga ng maluwag nang mawala ito agad.
Diyos ko. Alam kong kung magmura ako ay wagas. Pero ngayon lang ako hihiling, ibinigay mo siya sa 'kin, sana wag mo nang kunin ha? Hehe...
Nang maramdamang wala na pait sa lalamunan ay lumabas ako at buong tapang na tumabi kay Mil. Hm...mukhang umipekto ang alak.
Nakalagay ang kamay sa likod na nagsalita ako habang nakay Kulog ang paningin ko "Oh, May bisita ka pala, Mil?" Pero bago pa man makasagot si Mil sa 'kin ay may sumingit na.
"At sino ka naman?!" 'Yon 'yong boses kanina. Lumingon ako kung saan nakaharap si Mil. Doon ko nakita ang isang maliit na lalaki. Nakapangdekwatrong pambabae. At tulad ng dalawang may hostages, naka bonet din siya ng itim. Tinatakpan ang mukha niya.
Eto ba talaga ang nagsalita? Ang liit na tao naman nito para sa napakalaking boses?
Napangiwi ako. "Ikaw? Sino ka ba?" Saka ako pasempleng bumulong sa katabi ko. "Kilos" mukhang nakuha naman niya ito dahil umalis siya kaagad sa kinatatayuan. Leaving me with this bastard.
"Ikaw tinatanong ko!" Siya nga.
"Obviously, hindi ko gustong sumagot. Ano bang kailangan niyo?"
"Hindi ano kung hindi sino" hindi ko man nakikita ay batid kong nakangisi siya.
"Oh, eh, sino ba?"
"Magpakilala ka muna!"
"Sagutin mo ang tanong ko, sasagutin ko tanong mo, ano?"
"Sige!"
"Sino ang kailangan niyo?"
"Pigeon" matunong akong napangisi. Tanga. Hindi nila alam kung anong itsura ng target nila?
"Nasaan si Pigeon?" Woah...tanga talaga.
Napailing ako bago sumagot "sinong Pigeon ba? May alaga akong kalapati, 'yon ba?"
"Tao! Hindi ibon ang hinahanap ko!"
"Oh?? Aanhin niyo ba 'yang Pigeon na 'yan?"
"Bakit may pakialam ka?!"
"Wala akong pake. Hindi lahat ng nagtatanong may pake"
"Eh, bakit nagtatanong ka pa?"
"Nagtatanong ka rin naman ah?" Nakakalokong sagot ko. Dahilan para tumayo siya at sumugod sa'kin. Dinig ko pa ang singhap ni Mil nang kwelyuhan ako no'ng maliit na lalaki.
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa likod ko. But I am really hoping for the best.
Yumuko ako sa kanya saka ngumisi "Ako si Pigeon, next time, sana man lang makilala niyo na ako. Masakit sa puso eh" saka ko siya hinead bang gamit ang mismong ulo ko rin.
Nawalan siya ng balance kaya madali kong nahawakan ang dalawang kamay niya at ilagay iyon sa likod ng pwersahan saka ko hinugot ang baril ba nasa bulsa niya at itinutok sa ulo niya.
Ngayon ay dinig na dinig ko na ang mga sigaw ni Mil. Paniguradong nakikipaglaban na siya.
"Sa susunod na maglalagay ka ng baril sa bulsa, siguradohin mong ikaw lang ang makakagamit ha? Baka iba ang makakuha at mapatay ka.." bulong ko dito. "Napakaliit mo pero napakalakas ng loob mong huntingin si Pigeon, alam mo bang isang pitik ko maaari kang tumilapon papuntang impyerno?"
Hindi parin ito sumagot. Panay lang ang mahihinang ungol na pinapakawalan, nasasaktan sa mahigpit na paghawak ko.
Inangat ko ang paningin ko at doon ko napagtantong wala nang nakatutok kay kulog at sa bata.
Kung gano'n...asaan ang lalaking kanina lang ay nasa likod niya?!
Napamura ako nang makita 'yon na lumalakad papunta sa gawi nila Mil na hanggang ngayon ay naglalaban parin. Takte.
Mabilis kong iniumpog ang baril sa ulo ng maliit kaya mabilis din itong nakatulog. Saka malalaking hakbang na lumakad ako papunta sa lalaki na ngayon ay itinataas na ang baril papunta kay Mil.
Dagli kong dinaklot ang braso nito at pinaharap sa 'kin. Kinuha ko mula sa kanya ang baril at dagling dinisable 'yon maging ang kutsilyo saka initsa ang mga 'yon kay Mil bago padarag na hinila ito sa paanan ng hagdan.
"Takpan niyo mga mata niyo!" Sigaw ko. Kita kong sinunod ako kaagad ni Jay pero si Kulog ay nanatiling nakatingin sa 'kin gamit ang mapangbusisi niyang mukha.
Hindi ko na sila pingtuunan ng pansin at hinawakan nalang sa ulo ang lalaking hawak ko saka sunod sunod na iniumpog ang ulo nito sa hawakan ng hagdanan hanggang sa mawalan ito ng hininga.
"Tang-ina mo...ikaw ang dahilan kung ba't ako kinabahan ng husto"
Kasabay din no'n ang pagtumba ng kalaban ni Mil. Wala siyang malay pero sigurado akong may buhay pa. Napalingon ako kay Kulog, ang inaasahan ko ay manlalaki ang mga mata niya dahil nakita lang naman niyang may pumatay sa harap niya.
Pero nakakapagtakang, paghanga pa ang nakita ko sa mukha niya. Seriously?!
"Aahhhhhh!!!! Pinatay mo ang anak ko! Papatayin kita!!!" Buhay pa pala 'to?
Hindi ko na hinayaang siya pa na makatayo ulit. Sinakyan ko siya saka sinakal nang parang demonyong humalakhak siya.
"Kahit patayin mo 'ko ngayon, mahahanap at mahahanap ka parin nila!" Pagkatapos sabihin 'yon ay humalakhak na naman siya. Baliw na, wala nang pag-asa.
"Inutil! Oo, madali nila akong mahanap pero hinding hindi magiging madali sa kanilang patayin ako! Tandaan mo! Higit pa sa siyam ang buhay ko!" Saka ko ipinutok ang baril at agad itong inihagis sa kung saan. Napangiwi pa ako nang katalsikan ako ng dugo niya.
"Ayan, magkasama na kayo ng anak mo, hintayin niyo ko, magtutuos tayo sa impyerno" 'yon lang saka tumayo na ako. At binalingan si Mil.
"Sia!" Sigaw ni Kulog pero huli na.
Saktong pagharap ko sa kinaroroonan niya ay siyang pagbalatay ng sakit sa sistema ko. Sapo-sapo ko ang balikat ko dahil sa sakit.
"Ano ba 'yan Mil?! Akala ko ba tulog na yan?!" Sigaw ko. Buong akala ko kanina ay tulog na ang kalaban ni Mil kanina! Kamalas-malasang sa kanya pala napunta ang baril na hinagis ko.
"Ngayon, tulog na." Anunsiyo niya nang pokpokin niya ito gamit ng baril niya. At tumingin sa'kin ng may mga matang humihingi ng tawad na ikinailing ko nalang.
"Ilagay mo 'yan sa compartment. Kapag mamatay yan do'n, ililibing natin siya gamit ang pinakamagarang kabaong" saka ko kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa.
"Clean my mess" 'yon lang at ibinaba ko na ang tawag.
"baka napanis na laway niyo?" Tanging sabi ko sa dalawa.
"H-ha?" 'yon lang ang naging tugong ni Jay. Kawawa 'to kapag sinaktan ng jowa niya, ang tagal makamove on eh.
"Yan?! Yan talaga ang sasabihin mo?!" Biglang singhal ni Kulog. Anong problema nito?
"Eh? Ano ba dapat?"
"Dapat?! Tinatanong pa ba 'yan?! Alam mo?! Wala kang kaconcern-concern sa katawan!" Napangiwi ako.
Eh sino ba kaseng may sabi na meron? Ikaw lang naman! Gunggong! Kung makapilit kanina, ganyan pala sasabihin ngayon. Sinong abnormal sa'tin ngayon?
"Tsk, hindi nga man lang kayo nagpasalamat eh"
"Ha! Anong ipagpapasalamat ko?! Ang dumating ka kaya nagkagulo?!" Hindi ako makasagot.
"Oh? Ano?! Hindi ka makapagsalita?! Alam mo, bagay lang sayo yang sugat mo eh! Ikaw lang din naman ang dahilan niyan! Dapat lang sa'yo yan! Madidis-appoint sayo ang nanay mo! She didn't raised you well!" And that hit me. Sumugod ako sa kanya at kinwelyuhan siya.
"A-anong karapatan mong insultuhin ng ganyan ang Ina ko?! Ha! Wala kang alam! Wala!" Sigaw ko.
"Sia! Ano ba! Tama na! Baka mapano yang anak mo!" Agad akong napalayo at napasipat sa anak ko sa sigaw na 'yon ni Mil. Kinuha ko siya kay Kulog at inihele.
"Kung gusto niyo pang mabuhay, at wag mandamay ng ibang tao. Mag-impake kayo! O di kaya'y dumaan tayo sa mga bahay niyo" saka ko tiim na tinignan so Kulog. "Kung gusto mo nang mamatay humayo ka at wag kang sumama! And if you're thinking that you can rely on cops?! Think twice! Because they're all puppets of those who recently attacked us!"
Ha! Ako pa talaga ang sinabihan niya ng gano'n?! Tarantadong nilalang!

Bình Luận Sách (20)

  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    wow.

    10/08

      0
  • avatar
    Prin Cess

    🤭❤️

    05/07

      0
  • avatar
    Jude Ezekiel Castor

    ok na

    13/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất