logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 4 A visit to his Family

Blanko ang ekspresyon ng mukha ni Reese habang nakatingin sa monitor ng computer niya. Wala sa ginagawa niya ang utak niya ng mga oras na iyon, and her secretary Paige was looking worried at her natatanaw niya ang lukot nitong mukha mula sa glass wall ng opisina niya.
Ngunit wala siyang magawa sa babae. Maging sa mood niya ng mga oras na iyon. Her mind and body were still thinking about what happened last night. Lumipad ang tingin niya sa kanyang braso, wala nang sakit o anuman siyang nararamdaman doon ng mga oras na iyon. Ivan tooked it all away. When he l*ck*d that part of her body ay nawala na rin ang sugat niya doon. Even the wound in her forehead.
But before all of that happened ay isang katotohanan ang nalaman niya tungkol sa lalaki. He was not a human. Isa siyang bampira, hindi niya alam kung kung kailan at gaano na katagal na bampira ang lalaki. Was he like that noong mga High School pa sila? Hindi niya alam, tanging alam niya lang ay umiinom din ito ng dugo na katulad ng mga pinapatay nito.
At ang hindi rin niya maintindihan ay kung bakit nito pinapatay ang mga kauri nito. Alam niyang may rasun ito kung bakit nito ginagawa ang bagay na iyon, and she had to know why.
"Reese!" napapitlag siya sa malakas na boses ng ama niyang, nakatayo sa harapan niya ng mga oras na iyon. Kunot ang noo nito, bakas sa mukha nito ang pagka-irita at disgusto. Mabilis siyang tumayo mula sa kinauupuan at seryosong humarap dito.
"Where the heck is your mind!" singhal nito. Na kaagad namang ikinagulat niya. Alam niyang hindi niya ito narinig, but he doesn't have to shout at her na para bang ang laki, laki ng naging kasalanan niya.
Her father was never the sweet and kind father she always wanted. Malayo ito sa imahe ng amang ipininta niya sa utak niya. He would usually shout at her or scold her sa mga bagay na ayaw nito sa mga gawa niya. There was never a kind and light conversation between them. Nag-uusap lang sila ng patungkol sa trabaho at wala ng iba. He never invited her for a dinner o bumisita man lang sa bahay nito. She was just a nobody for him, tinanggap lang siya nito sa kompanya nito, dahil sa magandang background niya sa school at sa mga past works niya, ngunit bukod pa doon ay wala na itong pakialam sa kanya.
"I'm sorry Sir." Naikuom niya ang palad. She had to endure everything, kailangan niyang lunukin ang pride niya at buong pagkatao niya. Hindi lang naman para sa kanya ang ginagawa niyang iyon. It's for her, and her mother. Hindi siya papayag na wala siyang makuha dito kahit na singko. She worked really hard for her position at the company, ginugol niya ang halos buong buhay niya upang ilagay siya ng ama sa posisyon na iyon kahit pa bata pa siya at mas maraming pwede sa pwesto na iyon. She swallowed everything at hindi pa iyon ang oras para sumuko, o ilabas ang lahat ng kanyang hinanakit. She still had to endure a little longer.
"Finish the thing that I want you to finish! We will having a meeting tomorrow at ikaw ang gusto kong mag present ng bagong products ng kompanya." mahinahon na ang boses ng ama niya nang sabihin nito iyon, but her mind suddenly felt pressure. Hindi niya inaasahang sa kanya nito ibinigay ang trabahong para dapat sa isa nitong anak.
"Yes Sir." sagot lang niya, mula sa libo libong bagay na gusto niyang sabihin dito. Then he walked away from her office. Wala siyang nagawa, kundi ang sumang-ayon sa gusto nito. He was still the President at ayaw niyang mawalan ng trabaho.
"Ma'am. Ayos lang po kayo?" tanong ni Paige sa kanya. Tila mas maputla pa ito kesa sa kanya ng mga oras na iyon.
"Ayos lang, hindi kapa nasanay sa kanya" sagot niya lang sa babae. Saka niya muling binalingan ang ginagawa niya sa computer. She heaved a sighed, mukhang magiging boring na naman ang buong araw niya. That's what she thought.
Matapos niyang ma finallize ang presentation kinabukasan ay minabuti na muna ni Reese na uminom ng mainit na inumin na pampawala ng antok at boredom niya. She's gonna pull all night again at hindi magiging masaya sa kanya ang gabing iyon kung hindi siya mananatiling gising.
"Oo. Sabi nila bata daw yung natagpuang duguan dun sa rooftop. Hindi pa raw alam kung anong nangyari! Pero nakakatakot!" mula sa kinatatayuan niya ang dinig na dinig niya ang usapan ng mga empleyado na kasalukuyang nag memerienda. They were all talking about what happened last night at sigurado siyang isa sa mga guard ang nagkwento ng tungkol doon. It's a company policy na hindi pwedeng ipagsabi ang mga pribado at ganoong nangyari sa kompanya. But, someone broke that rule at mukhang alam na ng halos lahat sa opisina ang nangyari ng nagdaang gabi.
"I think people are talking about me" isang boses ang biglang nagsalita sa gilid niya. Isang batang babae ang nakatayo sa gilid niya. Kaagad na nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang pamilyar na mukha nito. It was the girl last night. Anong ginagawa nito sa kompanya ng ganoong oras?
"Relax you woman. Pinatawag ako ng ama mo dito, Wala akong gagawin sa'yo, 'cause he will kill me if I do anything to you. I am just here to get my money." anito sa kanya. Pagkatapos ay naglakad na ito patungo sa opisina ng kanyang ama.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ito doon at nakangiting tumingin sa kanya. Kasunod nito ang ama niya na diretso rin ang tingin sa kanya.
"Miss De Guzman in my office now!" utos ng ama niya. Kaagad namang binayo ng takot ang puso niya. Tiningnan niya ang batang babae, nakangiti pa rin ito saka sumunod din sa loob ng opisina ng kanyang ama.
"So, Miss De Guzman. Our client. Miss Camille wanted you to show her our products and how they were made. I want you to tour her in our Factory at ikaw na lang din ang bahalang magdala sa kanya sa pag-uwi. She was a daughter of one of our important client." utos ng kanyang ama. Kaagad namang nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa batang nakaupo sa Sofa ng opisina ng kanyang ama. She was a clever child, kung alam lang ng ama niya na muntik na nitong sipsipin ang dugo niya kagabi. Siguradong magugulat ang ama niya and would even to cancel his business with the girls family, ngunit wala siyang patunay na isang bampira ang batang kaharap nila ng mga oras na iyon at siguradong hindi rin ito aamin. Magmumukhang tanga lang siya doon, kaya wala siyang ibang choice kundi ang sundin ang utos ng kanyang ama. Hoping na makauwi pa siya ng buhay sa bahay nila.
"Aren't you going in?" tanong ni Camille sa kanya. Camille was the name of the girl na muntik ng inumin ang dugo niya kagabi lang. Matapos ang halos buong araw na pagsama niya dito ay may gana pa talaga itong yayain siya na pumasok sa bahay nito? She would never do that, mahal pa niya ang buhay niya and going inside their house is like a trap. Para na rin niyang inalagay ang sarili niya bilang hain sa buong pamilya.
"Tapos na ang trabaho ko dito. Na Hatid na kita." sagot niya dito. Ngunit, tila hindi man lang nito ang sinabi niya dahil bago paman siya makapasok muli ng sasakyan ay hinila na siya nito ng walang kahirap hirap, papasok sa bahay.
Kaagad siyang sinalubong ng mabangong halimuyak ng kung anong bulaklak, maaliwalas ang loob ng bahay the interior design was modern at pinaka importante ay maliwanag. Inaasahan niya na katulad din sa bahay ni Ivan ang settings ng bahay ni Camille. She thought vampires like, dark and creepy places just like Ivan's place, ngunit ibang iba ang atmosphere sa bahay kung saan siya nandoon ng mga oras na iyon.
"I'm glad you've made it!" bulalas ng isang babaeng nanggaling mula sa sigurado siya ay kusina ng bahay. She was wearing an apron at halatang may niluluto sa kusinang iyon.
Her face brigthened the room. Pakiwari niya ay isa itong artista o model. She was so beautiful but her eyes, looks familiar hindi lang niya maalala kung saan, kailan at kanino niya nakita ang katulad ng mga mata nito.
"You must be Reese? I'm Camille's mother. Charity, masaya ako na nakapunta ka kahit na alam kong pinilit ka lang nitong anak ko and she almost kill you, humihingi ako ng tawad sa bagay na iyon." anito sa kanya. She was quite surprised ng humingi ito ng tawad sa kanya. She thought, vampires are mean and coldhearted. She guess she was wrong.
"Salamat po, pero-"
"Oh, don't tell me na aalis ka na? Pasensya din, pero pipilitin din kitang manatili. I cooked a lot of food for all of us and I was so excited na makasama ka sa pagkain" giit ng babae. Hindi pa man niya nagagawang matapos ang sasabihin niya ay pinutol na nito iyon. Tumingin siya kay Camille the girl was looking at her, tila sinasabi nito na hindi magandang ideya na tanggihan niya ang ina nito.
Bumuntong hininga siya. She had no choice. Baka dahil sa pagtanggi niya ay hindi na talaga siya makaalis ng buhay mula sa bahay na iyon.
"Just stay here. Magbibihis lang ako." iginaya siya ni Camille sa kulay kremang sofa na nakalatag sa Ifmalawak na sala. Hindi niya alam ang dapat niyang ikilos at isipin ng mga oras na iyon. She was scared, ngunit hindi rin niya magawang tumakbo ng pinto palabas sa lugar na iyon. Hindi oobra ang bagay na iyon sa mga ito, walang wala siya sa bilis ng mga itong kumilos.
"A human in a vampire's house. Napakalakas din naman ng loob mo." Nagulat siya sa boses na biglang nagsalita sa kanyang likuran. Hindi na niya nagawang lingunin ang pinanggalingan ng boses na iyon, dahil sa isang iglap ay nasa mismong harapan na niya ang lalaki.
"You must be that Human." anito. His eyes was burning red. Hindi na niya kailangan pang tanungin dito, dahil sigurado na siyang isang bampira ang lalaki.
"Meron pa dito sa likuran. Babae" isa pang boses ang kanyang narinig sa kanyang likuran at nang lingunin niya iyon ay parehong mukha ang kanyang nakita. Muli niyang nilingon ang lalaking nasa harapan niya, he also had the same face at the guy in her back. They were identical twin.
"So? Reese, where is he?" tanong ng lalaking nasa harapan niya. Sino ang tinutukoy nitong 'He?'
"Oh, he's not coming. Alam na natin yun. Not even this human can bring him here!" sagot naman ng lalaking nasa likuran niya. Habang siya naman ay wala pa ring ideya kung sino ang tinutukoy ng mga ito.
"But. I think we're wrong." Sabat naman ng isa pang kambal. Then she saw Camille running down the stairs. Halos sabay, sabay ang mga itong tumingin sa pinto kung saan siya pumasok kanina. Napatingin din siya doon, nakita niya iyong bumukas at pumasok mula doon ang isang pamilyar na mukha.
"Ivan?" tanong niya. As she was looking at the guy, walking towards her. Ano ang ginagawa ng lalaki doon? Is he there to get her out of danger again? Hindi niya alam na malaya lang pala itong pumasok sa bahay ng mga bampirang kalaban nito.
"What the hell are you doing here?" kaagad na salubong ng lalaki sa kanya. He was just looking at her ng mga oras na iyon.
"Ahhhm, kasi-"
"Ivan! I'm glad you came!" bulalas ng ina ni Camille, matapos nitong makita si Ivan. Seryosong tingin naman ang naging tugon ng lalaki dito. His cold gazed rip even unto your very soul. Napakasakit ng tingin na ipinukol nito sa mga kasama nila sa salas na iyon. As if, they did something unforgivable to him.
"Let's go!" utos nito sa kanya, matapos ang ilang minutong katahimikan mula dito at sa mga kasama nito ng mga oras na iyon. His eyes was fixed on her again, ngunit hindi niya gusto ang paraan ng tingin nito, as if she did something wrong too.
"Pero-" nagulat siya ng hilahin siya bigla ng lalaki and all she can do was to do what he wants, 'cause compared being with him or being with Camille's family ay pipiliin niyang sumama sa lalaki. Niligtas na siya nito ng dalawang beses and she knew he would still do that. She was hoping that he would dahil kung hindi ay baka maging katapusan na ng buhay niya ang mga oras na iyon.
"Ivan! Get back here! You haven't been home for centuries!" isang boses ang kaagad na nagpatigil sa sana ay susunod na hakbang na sana ng lalaking may hawak sa kanya. Tumingin siya sa lalaki, his eyes was fixed on her at hindi niya alam kung humingingi ba ito ng tulong o nagsasabing tumakbo na siya.
"Are you trying to be a good father again?" sarkastikong tanong ni Ivan sa lalaking, pumanaog ng hagdan. Pakiwari niya ay kasing edad pa lang nila ang lalaking iyon.
"And you're been a rebellious son for centuries." natigilan siya. The moment na sinabi iyon ng lalaki ay kaagad na niyang naitindihan ang mga nangyayari ng mga oras na iyon.
"Son, you need to go home" sambit ni Charity. Muli siyang tumingin kay Ivan. He was not alone. He just chose to be alone for centuries.
He had his own family. Kaya pala pamilyar ang mga mata ni Charity sa kanya. It was the same eyes as his son Ivan.

Bình Luận Sách (11)

  • avatar
    Kely Añasco Lomocso

    I'm okay 😊

    24d

      0
  • avatar
    Ch Arm Gerona

    good story

    01/06

      0
  • avatar
    Joan Santos

    darating rin po ang panahon ay kaialangan natin magbago s bwat maling nagawa natin noon at kaya natin itong baguhin dahil ito ang mga gawa natin na kayang baguhin ng bawat tao kasi po may tinataaag po tayo isang pagkakamali molang ay para samga tao na hindi ka naiintindihan ay isng maling gawain na ang nakikita nila para syo dahil kilala ka nila bilang masamang tao at hindi campante kung paunti unting itatama ang pagkakamali natin ay kaya makita ng mga tao ang pagbabago mo sa bawat pagkakamali m

    11/03

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất