logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

Isang buwan mula nung engagement party, AV called me to remind na sa bahay mag dinner to celebrate mom's birthday. Nakasanayan naming tatlo na mag dinner sa bahay tuwing sasapit ang araw na ito. Kahit naman hindi masyadong naimik sakin si mom gusto nya pa rin nandoon ako sa kaarawan nya.
Matapos mag ayos excited kong kinuha ang gift ko for her. I brought this last week and it was expensive kaya almost one year din akong nag ipon. This Louis Vuitton Kusama Pumpkin Jewel bag ay nagkakahalaga ng 6,502,977.91 pesos. Last year nakita ko si mom na tinitingnan yung bag na ito kaya hindi ako nagdalawang isip na bilhin for her.
Maluwag ang trapiko kaya wala pang isang oras ay nakarating din ako sa bahay, and besides di naman kalayuan ang Makati sa Bacoor. Dire diretso akong pumasok ng bahay pagka baba ng kotse. Nadatnan ko si AV na nasa sala kaya nilapitan ko ito.
"What's wrong?" tanong ko nung umiwas ito sa beso ko. Umiling lang ito at sya na mismo ang bumeso sa akin. Kibit balikat akong umalis para dumeretso sa kusina.
"Ate"
Napalingon ako nang tawagin ako nito ngunit umiling lamang sya nung tanungin ko kung bakit. Weird kasi parang may gusto syang sabihin na hindi nya masabi. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito. Marahil ay may favor na naman itong hihingin sakin at nahihiya lang magsabi. Pagdating sa kusina natagpuan ko si mom na nakatalikod habang nagluluto. Nag alinlangan pa akong tawagin ito dahil sa sitwasyon naming dalawa. Matapos ang ilang minutong pagtunganga ay nagkalakas din ako ng loob na tawagin ito.
"Happy Birthday Mom" , Lumingon ito nang batiin ako. Bahagya akong ngumiti noong iabot ko sa kanya ang gift ko. Tumingin mula ito sa akin bago abutin ang regalo ko.
"Thanks" , saad nito sa mababang tono. Sinundan ko sya ng tingin habang naglalakad ito pataas. Pagkababa nito sa kusina ay hindi na nya dala ang regalo ko. Lihim akong napangiti kasi kahit na cold sya sakin pinapahalagan parin nito ang mga bigay ko.
Sinindihan ni AV ang cake, tapos kinantahan namin si mom. Pagka wish nito ay pumalakpak pa kaming dalawa. Nagsimula ng magsandok si mom ng foods for her at kay AV. Nagsandok na rin ako ng para sa akin. Kung noon ay nasasaktan ako sa tuwing pagsisilbihan nya ang kapatid ko while cold sya sakin, ngayon ay bale wala na ito.
Nagprisinta si AV na kumuha ng wine. Hindi nito ako pinansin nung sabihin kong ako na. Di rin nito ako tiningnan sa halip ay agad na tumayo. Napahawak ito sa sintido nya. Lumapit kami sa kanya upang sanay alalayan sya nang bigla itong natumba. Nasa likod nya ako kaya agad ko itong nasalo. Pinagtulungan namin syang buhatin papuntang kotse. Sa katarantahan ay di ko pa agad nahagilap ang susi. Bakas ang pag aalala sa mukha ni mom habang yapos nito si AV. Pinaharurot ko agad ang sasakyan papunta sa pinaka malapit na hospital.
Sa ER ito idineretso pagkarating namin. Hindi mapalagay si mom at pabalik balik lang ito sa may pinto. Bumili ako ng tubig para sa kanya ngunit hindi nya naman ininom. Ilang saglit lang ay lumabas narin ang doktor.
"Family of the patient?" mahinanong tanong nito
Lumapit kami ni mom sa kanya para kamustahin ang sitwasyon ni AV. Wala naman daw itong kahit anong sakit basta iwasan lang daw ma stress dahil makakasama ito sa sitwasyon nya.
"sitwasyon?" nagtataka kong tanong sa doktora
"Yes po, almost two weeks preggy po ang pasyente, gaya po ng sabi ko iwas stress lang po si mommy para healthy si baby ano po, congrats and dont forget to buy those vitamins na nireseta ko", masayang sabi nito bago tuluyang umalis.
Naiwan kaming tulala ni mom at hindi makapaniwala sa narinig. Makalipas ng ilang minuto ay napagpasyahan kong pumasok habang nakatulala parin si mom. Tumingin agad si AV pagkabukas ko ng pinto.
"Im sorry ate, hindi ko sinasadya" umiiyak nitong sabi. Hinawakan pa nito ang aking kamay na lalong nagpahabag sakin. Niyakap ko ito ng mahigpit at hinagod ang likod nito. Lumakas ang pag iyak nito habang patuloy na humihingi ng tawad sa akin. Nangako kasi sya noon na magtatapos muna sya ng pag aaral bago magkipag relasyon. Sayang nga lamang dahil anim na buwan na lang at makakapagtapos na ito sa kursong Bachelor of Science in Interior Design.
Nagulat kami sa biglang pagbukas ng pinto. It was mom na nanlilisik ang mata. Uminom muna ito bago tuluyang nagsalita.
"Sinong ama ng dinadala mo" mahinahon ngunit madiin nitong sabi
Kumalas si AV sa yakap nito sakin. Umiiling ito habang patuloy na tumatangis. Niyakap ko ulit ito ngunit hinaltak ako ni mom palayo dito. Wala akong nagawa kundi pumunta na lang sa likuran nya. Wala paring imik si AV kahit mukhang napipikon na si mom sa kanya.
"Tell me Abierzha Valine, ISAA.. " nangangatal at halos pasigaw na sambit nito. Lalo iyong nagpalakas ng iyak ni AV. Alam nya kasing once na magbilang si mom hindi namin magugustuhan ang sunod na gagawin nito.
"I can't, isa itong malaking pagkakamali", humihikbing sagot nya kay mom.
"Hindi ako papayag na lumaking walang ama yang batang nasa sinapupunan mo...
" Ano na lang sasabihin ng mga tao.. na ikaw ang nagbabayad ng kasalanan ng walangya nyong ama?" galit na galit na sabi ni mom. Nakatingin ito ng masama kay AV habang nanginginig pa. Hinagod ko ang likod nito at pinainom ng tubig para pakalmahin.
"Iharap mo sakin ang lalaking iyon nang sa madaling panahon ay makasal na kayo; hindi ka karma ni Amiervien! di ako makakapayag" pagkasabi noon ay padabog na ibinagsak ni mom ang pinto. Humagulhol ng iyak ang kapatid ko nang maiwan kami roon. Wala akong nagawa kundi yakapin lamang siya ng mahigpit.
"At..tee.. im.. sor.. sorry" nangangatal na sambit nito . Umiling iling pa sya habang patuloy na humihingi ng tawad sa kabila ng kanyang pag iyak. Gustuhin ko mang tanungin kung sino ang nakabuntis sa kanya ay di ko ginawa. Alam kong hindi pa sya handa para doon. Kumalas ako sa yakap nang maramdamang nag vi vibrate ang telepono ko.
"Babe naiwan ko ba dyan yung usb ko?" it was Svett. Nung nakaraan ay palagi itong busy sa trabaho kaya bihira kaming mag usap. Last month pa ang huling punta nito sa unit kaya hindi ko mawari kung may naimis ba ako na ganun. Lumayo muna ako kay AV para kausapin si Svett. Sinabi ko rito na i check nya na lang sa unit dahil nasa hospital pa ako. Nag aalala itong nagtanong ng kung ano ano kaya sinabi kong my sis fainted kaya kami naririto. Kumalma naman ito matapos noon at sinabing didiretso sya dito to bring foods.
Pagkababa ko ng tawag ay binalikan ko agad si AV. Nakatulog na ito sa pag iyak. Inayos ko ang pwesto nya at pinahid ang luhang nasa pisngi nito. Pinagmamasdan ko pa ito ng biglang pumasok si mom. Bakas sa mata nito ang pag iyak. Marahil na saktan sya ng sobra sa pag iisip na pinagbabayaran ni AV ang kasalanan ni dad. Gustuhin ko mang yakapan sya ay di ko magawa, alam ko namang iwas parin ito sa akin. Napagpasyahan kong lumabas na lang para mag pahangin.
Nakaupo lang ako sa bench habang pinagmamasdan ang mga dumadaan. Masyado akong naaliw sa pagmumuni muni at di na malayang isang oras na pala ang lumipas. Sa bungad ay may natanaw akong pamilyar na pigura. It was Svett my fiance kaya naman nag atubili akong lumapit dito. Inabutan agad ako ng chucky bago ginulo ang buhok ko matapos ko syang yakapin. Naka akbay sya sakin habang naglalakad kami papuntang room ni AV. Nag kwento rin ito tungkol sa lakad nila ni marcus. Pagdating sa tapat ng room ay naulinigan naming kinakausap ni mom si AV. Hindi muna kami pumasok to give them privacy.
"Sinabi ko ng i cant nga e mom wag mo ipilit, ayaw ko silang masira, ayokong masaktan si ate..
"Isa itong malaking pag kakamali", napalakas ang boses ni AV kaya napatayo ako nung marinig ang linyang iyon.
"masaktan? masira?" taka kong ulit sa narinig habang nakatingin kay Svett. Sa di malamang dahilan ay bigla itong namutla. Sumibol ang kaba sa aking sistema.
"Abierzha what do you mean?" sigaw na tanong ni mom na lalong nagbigay kaba sa akin.
"Tama kayo ng iniisip, it was him Mom boyfriend ni ate o should i say fiance nya Mom ang ama nito"
Kasabay ng pagbitaw ng linya na yun ang pagbagsak ng luha ko. Nanatili akong nakatitig kay Svett at umaasang ipagtatanggol nito ang sarili nya. Ngunit nanatili itong walang imik hanggang sa may luha naring pumatak mula sa kanya. Isang malakas na sampal ang aking pinakawalan. Nanlalabo man ang patingin dulot ng luha ay hindi ko itong ininda. Patakbo kong nilisan ang pwestong iyon. Ngayon alam ko na kung ano ang pakiramdam ang malagay sa sitwasyon ni mom noon.

Bình Luận Sách (10)

  • avatar
    Jessabel Escotal

    500

    19d

      0
  • avatar
    CorsigaMark anthony

    ♥️♥️♥️

    29/06

      0
  • avatar
    MalonzoKelly Grace

    good job

    22/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất