logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter Seven

----------
Bandang alas-siyete na ng umaga nang umalis si Bae kyun. Mga ilang minuto din ang nakaraan at pumasok si Jenny na pulang-pula ang mga mata na parang wala sa sarili. Hindi nga niya kami napansin.
Pinagmasdan ko siya ng mabuti.
May kakaiba akong napansin sa paglalakad niya. Pagod na pagod na humiga siya sa kama at ilang sandali pa lang ay nakatulog na agad siya.
Nagpaalam sa akin si Betty na mauuna ng maligo kaya doon ako nakakita ng panahon na pagmasdan ng mabuti ang maliit na tattoo sa leeg niya. Hinawakan ko iyon at napagtantong hindi iyon original na tattoo kundi isa iyong parang stamp lamang na kulay green kung titingnan. At parang may kung anong malambot na bagay sa loob ng balat niya.
Binasa ko ng kaunting laway ang daliri ko at sinubukan iyong burahin pero hindi ko mabura. Aakalain ng iba na totoong tattoo iyon pero hindi.
Pansin kung parang bagong stamp lang iyon dahil hindi iyon katulad noong unang kita ko sa tattoo niya na medyo nabubura na. Pinagmasdan kung mabuti ang sobrang liit na numerong nakalagay doon.
#125?
Sigurado akong hindi iyon tattoo ng isang grupo dahil may number sign na nakalagay.
Kung ganon, ano iyon? Numero ng pagbilang?
Umalis na ako sa kama ni Jenny nang marinig kong pinatay na ni Betty ang shower sa loob ng CR na nasa room namin.
Plano namin na bibili ng damit para gamitin namin mamayang gabi sa gaganaping welcome party.
"Hindi ba natin isasama si Jenny?" Tanong ko kay Betty na nagpupunas pa ng buhok gamit ang tuwalya.
"Huwag na. Sigurado akong may magagamit na siya. Si Jenny pa. Nakikipag-inuman na naman siguro iyan kasama sina Han-na."
Tumatango-tango ako at lumabas na ng kwarto. Nasa huling bahagi ng mga magkasunod na kwarto ang shower room sa floor na ito.
Sinadya kong dito maligo dahil may plano ako at isa pa safe dito dahil alam ko ng walang kahit na anong CCTV dito. Chi-neck ko na ito noong minsang nag-cr ako dito ng hating-gabi.
Iisang lugar lang ang nakikita kong may maraming CCTV camera at iyon ay ang lugar na may mga maraming kahoy.
Lihim kong pinagmamasdan ang bawat kanang leeg ng mga babae na nakakasabay ko sa loob at ang halos lahat sa kanila ay may mga tattoo sa kanang leeg.
"Ano 'yang nasa leeg mo? Kailan ka pa nagpatattoo?" sabi nong babae na nakakasigurado akong nasa first year pa lang.
"Anong tattoo? Hindi naman ako nagpatattoo."
Itinuro ng babae ang tattoo na nakikita niya.
"Ayan oh, hindi mo ba nakikita?"
Halos kasing laki lang kasi iyon ng limang sentimong barya.
Umiling ang babaeng may tattoo bilang sagot. Hindi niya nakikita ang sariling tattoo sa leeg niya pero kitang-kita ko at ng babae?
"Ayan palagi ka kasing nakikipag-inuman at lasing na umuwi kaya hindi mo na alam kung anong pinanggagawa nila sa'yo."
Pinagmasdan ko ang mga mata niya. Dry iyon at parang malabo kung tingnan. At tulad ng kay Jenny ay parang bago din ang tattoo niya.
Pinagmasdan ko iyong mabuti at napansin kong ibang numero din ang nakasulat doon.
#113?
Tama nga ang hinala ko hindi iyon tatak ng isang grupo ng gang. Kundi tatak iyon ng pagbilang.
Lumapit ako sa kanila at tinanong ang babae kung nakikita ba niya ang mga iilang strand ng buhok na nalaglag malapit sa lababo.
Tumango naman siya.
Wala namang problema sa mga mata niya pero bakit hindi nila nakikita ang sarili nilang mga tattoo sa leeg nila?
Si Betty.
Kailangan kong komprontahin si Betty. Nagmadali akong lumabas at pumasok sa kwarto namin. Bihis na bihis na siya ng makapasok ako.
Hindi dito ang tamang lugar para tanungin ko siya tungkol doon kaya hindi ko muna siya tinanong.
Nang makabihis na kami ay pumunta muna kami sa principal's office para kukuha ng consent na pwede kaming makalabas ng paaralan. Nagpasalamat kami at masayang nagpaalam sa principal. Naglakad pa kami ng limang daang metro sa isang tahimik na kalsada bago kami nakapara ng taxi sa isang malaking crossing.
This school is really something.
Pagpasok namin sa mall ay sinadya kong dumaan muna kami sa may Ladies comfort room saka ko siya mabilis na hinila sa isa sa mga cubicle doon. Kanina ko pa kasing napapansin na may sumusunod sa amin. Puwersahan ko siyang tinulak sa may dingding at tiningnan ang tattoo niya sa leeg. Hindi na ako nagulat pa ng makita ko ang maliit na bagay sa tainga niya.
Mabilis kong kinuha ang earpiece na nakita ko.
Spy.
"A-anong ginagawa mo?"
"Sabihin mo sa akin. Nakikita mo ba ang maliit na tattoo sa leeg mo?"
"A-a-anong pinagsasabi mo?"
"Huwag kang magmaang-maangan, Betty. Alam kong nakikita mo ang tattoo diyan sa leeg mo. Umamin ka."
Yumuko siya at maya-maya pa ay dahan-dahang tumango pagkalipas ng ilang segundo. Alam kong nakikita niya iyon dahil iba ang mata niya sa mata ng ibang kababaihang may tattoo sa leeg.
"Anong misyon mo sa paaralang iyon?" Tanong ko.
"Gusto ko lang naman na mahanap ang nawawala kong kapatid." naiiyak na sabi niya.
Natigilan ako nang mapagtantong seryoso siya sa sinasabi niya at dahan-dahang ibinaba ang braso ko na nasa leeg niya.
"Kapatid?" Tanong ko.
"Actually twin sister ko siya. Nagpaalam lang siya na sasama daw siya sa camping nila pero pagkatapos no'n ay hindi na siya bumalik pa. May pakiramdam ako na nasa paaralan lang siya. Nararamdaman ko iyon pero hindi ko lang alam kung saan ko siya makikita. Alam kong napapansin mo 'yong sumusunod na sasakyan sa atin kanina. Isa iyong private detective na hi-nire ng pamilya ko."
Alam ko na 'yon.
"Hindi ka dapat pumasok sa paaralang ito. Paano kung makuha ka din nila?" Sabi ko.
"Kaya nga palaging nasa tabi natin si Bae kyun eh."
Kumunot ang noo ko.
"Bae kyun? Bakit anong alam niya dito? Anong koneksiyon mo sa kanya?"
"Pinsan ko siya. Isa din siya sa naghahanap ng hustisya sa nawawala kong kapatid."
Ngayon alam ko na kung bakit kapit-tuko sa amin si Bae kyun.
"Pero kahit na. Alam mo namang hindi palaging nasa tabi natin si Bae kyun."
"May chip ako na nakalagay sa katawan ko kaya mabilis lang nila akong mahahanap kung sakali mang hindi nila ako makakausap tuwing gabi. Ikaw? Anong misyon mo sa paaralang 'yon?"
Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya. Alam kong hindi siya nagsisinungaling.
"May importanteng tao lang akong dapat protektahan." sagot ko na lang maya-maya.
"Ehh." parang hindi makapaniwala na sabi niya.
"Anong iniisip mo?" Tanong ko na pinaningkitan pa siya ng mga mata habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Nagbibiro ka ba?"
"Aish tumahimik ka na. Basta ito lang masasabi ko sa'yo huwag kang basta-bastang sasama-sama kay Jenny. May pakiramdam ako sa Han-na na yon. At 'wag na 'wag mong sasabihin sa kapit-tuko mong pinsan ang tungkol sa misyon ko."
"Oo na. Kahit na pagsabihan ko iyon ay hindi naman iyon maniniwala sa misyon mo."
"Nilo-look down mo ba ako?"
"Hindi naman. Pero dapat kang mag-iingat dahil sariwa ka sa mga mata ng dalawang leader ng gang sa loob ng paaralan."
"Sariwa? Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noo ulit na tanong ko.
"Ayan nga ang sinasabi ko. Kaya hirap akong paniwalaan na misyon mo ay ang magprotekta ng importanteng tao sa loob ng paaralan."
"Huwag ka ng madaming satsat. Sagutin mo na ang tanong ko."
"Madali nilang malalaman na isa kang v*rgin dahil wala ka nito." turo niya sa tatttoo niya sa leeg.
Parehong-pareho iyon sa tattoo ni Jenny at sa ibang mga babae na nakikita ko pero kung pagmamasdan mong mabuti ay may malaki iyong pagkakaiba dahil hindi numero ang nakasulat doon kundi initial ng isang pangalan.
Inis akong bumuga ng hangin dahil sa sinabi niya.
Kamanyakan!
Hindi ko siya pinansin at lumabas na ng cubicle. Sinilip ko ang detective na sinasabi niya na nakatayo sa tapat ng ladies cr na parang hindi mapakali.
Tsk tsk palpak na detective.
Bago lumingon ang sinasabi niyang detective ay hinila ko siya ulit pabalik sa loob.
"O, ano na naman?"
"Wala kang dapat na pagsabihan tungkol sa akin kahit pa diyan sa detective na yan."
"Pero mas nakakabuti iyon–"
"Huwag nga sabi eh. Tatabasin ko 'yang dila mo. Tandaan mo 'yan." pananakot ko sa kanya.
"Oo na. Nakakatakot ka naman. Pero sigurado ka ba talaga sa sinasabi mo sa misyon mo? Paano magiging taga-protekta ang model na katulad mo sa isang delikadong lugar?"
Maririnig ko ulit 'yan ng isang beses ay matatawa na talaga ako. Paniwalang-paniwala talaga siya sa false identity ko.
"Marami ka pang hindi alam sa akin kaya tumahimik ka."
"Oo na po. Pero alam mo sa iyo ko lang sasabihin 'to." bigla siyang sumeryoso kaya na-curious naman ako.
"Ano?"
"Ang gwapo ng detective na hi-nire nila mama para sa akin at alam mo bang hindi lang siya basta detective? Marunong din siya ng judo, taekwondo at karate."
Bwesit akala ko kung ano na! Lumalandi lang pala!
"Wala akong pakialam. Kung hindi siya kumakain ng bala ay hindi siya magtatagal sa trabaho niya."
"Uy, grabe ka. Ang harsh mo sa crush ko."
Tsk tsk bakit ito pa ang napili nilang ipasok sa paaralan kung ganitong lalaki lang ang katapat nito para malimutan ang dapat niyang gawin?
"Iyong totoo pinili mo ba ang detective na 'yan para makamit ang hustisya sa nawawala mong kapatid o para mabusog ang mga mata mo sa tuwing makikita mo siya? Halika na kailangan na nating pumili ng damit na susuotin natin mamaya. Hindi tayo pwedeng umuwi ng madilim-dilim na dahil delikado."

Bình Luận Sách (136)

  • avatar
    Versoza Joey

    gandaaaaa tlga

    7d

      0
  • avatar
    Ramos Gabriel

    nice

    01/11

      0
  • avatar
    Shanny Lou

    niceee

    28/10

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất