logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 2 IKALAWA

Nakita ko naman ang libro ko na hawak niya.
Nanlaki ang mata ko ng punitin niya ang unang pahina.
Kaya dali dali akong tumakbo sakanya at hinila ang kamay niya para di niya mapunit ng tuluyan ang libro ko.
Maya maya ay binitawan niya kaya bumagsak sa sahig naging lukot lukot ang pahina
Inayos ko ang libro ko at hinarap siya. Sinampal ko siya ng malakas dahil sa ginawa niya.
"Hay*p ka! Ang kapal ng mukha mo! Sino ka ba? Pang-ilan ka lang naman sa mga naging asawa ng papa ko! kahit na anong gawin mo di mo mahihigitan ang pagmamahal ni papa sa mommy ko!" sigaw ko.
"Bea!" sigaw ni Papa. Kaya lumingon ako sakanya.
"Papa! Sinira nila ang libro ko pinagtutulungan nila ako papa! Sinasaktan nila ako kapag umaalis ka!" Umiiyak na sumbong ko dito. Pero akala ko ipagtatanggol niya ako, Sinampal lang niya ako.
Kotang kota na ako sa sampal nila! Pero hindi ko mapigilan ang masaktan dahil sarili kong ama ang nanakit sa akin ng ganito.
Lumingon ako kay Tita Tere na niyayakap ng kaniyang anak dahil nagpapanggap na nasasaktan dahil sa sampal at sinabi ko kanina. Walang wala yan sa sakit na dinanas ko habang nandito kayo sa puder namin.
Napakagaling na actress nito tsk.
"Ang kapal ng mukha mo gawin yan sa mama mo dahil lang sa walang kwentang libro!" sigaw ni papa.
"Papa hindi ko siya mama! kahit kailan di niya mapupunan ang pagmamahal saakin ng isang ina! Kahit kailan hindi ko siya ituturing na ina!" sigaw ko.
Kaya sinampal ulit ako ni papa pero sa kabila naman.
Hinang hina na ang katawan ko pero pinipilit ko pa ding tumayo.
"Talagang hindi ka niya anak hindi ka rin niya ituturing na anak dahil hindi rin kita anak!" sigaw ni papa sa akin kaya lumingon ako sakanya.
"Hon? Hindi mo siya anak? Pero paano?" tanong ni tita tere naiiyak pa din na sabi niya tss ang kapal ng mukha.
Kunwari ka pa pero tuwang tuwa ka naman.
"Anak siya sa ibang lalaki ni Berna dinala siya dito nung 5 years old palang siya pero tinaggap kita dahil unang pag ibig ko si Berna, ginawa ko lahat nagpanggap akong tanggap kita, Nang nabuntis si Berna natuwa kami dahil sa wakas ay magkakaanak na talaga kami. Pero dahil sa panganganak niya namatay siya kasama na din ang bata." sabi ni papa at nangingilid pa ang luha.
Samantalang ako hindi pa din makaget over, di pa din ako makapaniwala.
"P-pa nagkakamali ka h-hindi yan totoo diba?" umiiyak na sabi ko.
Tsaka namatay si Mama sa panganganak?
"Hindi ko kilala ang totoo mong ama, totoo ang sinasabi ko kaya tingin mo? Welcome ka pa din sa pamilyang ito?" tanong ni papa.
"hindi mo rin naman sila anak ah bakit mas tanggap mo sila kaysa saakin?" tanong ko kay papa.
"ewan hindi ko lang matanggap na anak ka sa ibang lalaki ng pinakamamahal kong asawa." sabi ni papa at tumalikod na samantalang ako dali daling umakyat sa kwarto ko nakasalubong ko naman si kuya pero nginitian ko lang to at pumasok na sa kwarto ko.
Hindi maganda ang dahilan ni papa. Pare pareho lang naman kaming hindi niya totoong anak. Pero mas pinili niya sila Tracy.
Umiyak lang ako ng umiyak.
Inayos ko ang libro ko nilagyan ko ng tape para di tuluyang mapunit.
Sana nandito na lang ako sa libro na to.
Sana makatakas ako sa reyalidad.
Sana makatanggap ako ng pagmamahal ng isang Ina.
Pagkatayo ko ay biglang umikot ang paligid ko. Napabagsak na lang ako at naramdaman kong nauntog ako sa isang gamit dito sa kwarto ko.
Bumukas naman ang pinto at nakita ko si Kuya Trev na papalapit sa
akin.
Ang everything went black...
Pagdilat ko ay tinignan ko ang paligid ko.
Paanong narito ako? Dinala ba ako nila papa dito? 
Nasa lapag ako nakahiga at tinigan ko ang paligid.
Takte ang ganda at ang aliwalas.
Tinignan ko ang suot ko na nakasuot ng isang gown ng pangprinsesa.
"a-anong nangyayari?nasaan ako? Tita? pa?Tracy?kuya! Saan kayo?" umiiyak na sabi ko.
Tumayo ako at pinagpag ang suot ko.
Paikot ikot lang ako hanggang sa makita ko ang puno na kukay asul ang mga dahon.
Bakit nang nakita ko ito ay gumagaan ang pakiramdam ko.
"Lady Blesithea Avery! Nandito ka lang pala hinahanap ka na ng iyong ina." sabi ng isang katulong ata?
Kaya hinila niya na ako papasok ng isang bahay.
"Queen Fereilla nandito na po ang inyong bunsong anak." nakayukong sabi ng babae na humila saakin.
"Maraming salamat Hera pakitawag naman si Lady Beryleper at ang Hari." sabi ng queen daw.
Queen Fereilla?
Lady Blesithea Avery? 
Lady Beryleper?
Ang Hari?
The Heck?!
I'm here inside of my book!
Hawak ko pa din ang bibig ko sa gulat habang nakatingin sa kaharap ko.
Anong kalokohan to? Nasaan ako? Panaginip to panaginip!
Sinampal ko naman ang sarili ko.
"Anak bakit mo sinasaktan ang iyong sarili?" takang tanong ng nasa harap ko na queen daw. 
Kita ko namang ang pag-alala sa mukha niya at hinawakan ang kamay ko.
"Bunso!" sigaw nung babae at niyakap ako.
Siya ba si Lady Beryleper? 
Oo nga siya ang Ate ni Blesithea sa kuwento.
"halika" sabi niya at hinila ako papunta yata sa isang kwarto. "Hihiramin ko lang po ang kapatid ko, Mahal na Ina."
"Napakagaling kong magpinta hindi ba blesi?" ngiting sabi niya.
Ano ba talaga ang nangyayari?
Ito yung kuwentong magagalit si Ate Beryl kay Blesi sa kadahilanang nagkagusto din si Blesi sa kasintahan ng kaniyang Ate. Magagalit si Beryl kaya may pinainom si Beryl sa bunsong kapatid na isang inumin.
Pagkagising ni Blesi ay naikulong si Beryl ng amang Hari dahil sa ginawa ni Beryl kay Blesi.
"Blesi? Ayos ka lang?" alalang tanong sa akin ni ate Beryl.
"Ah okay lang ako Ate tsaka yung painting? Napakaganda siguradong magugustuhan ito ng mga taong bayan." ngiting sabi ko.
"Pero hindi ko ito pwedeng ipakita sa mga taong bayan, Blesi, nakalimutan mo na ba? Hindi pabor si Ama sa aking hilig kaya isinisikreto natin ito hindi ba?" takang tanong niya.
Oo nga pala!
Grabe ka Bea! Paulit ulit mong binasa tapos makakalimutan mo?! 
Sa gitna ng kuwento ay malalaman ito ng ama ni Blesi at Beryl kaya dinagdagan niya ang parusa niya sa pangalawang anak.
Napagdesisyunan nila na ipakasal si Blesi kay Prince Ellio.
Si Prince Ellio ang prinsipe ng Kertuwa palace. Ito ay kasintahan ni Beryl. Nalaman ito ni Beryl kaya galit na galit siya kay Blesi.
Kaya babaguhin ko ang nakatadhana para kay Blesi. Sisiguraduhin kong ibibigay ko ang masayang ending kay Ate Beryl.
"Oo nga pala Ate nakalimutan ko ngunit napakaganda talaga ng iyong gawa." sabi ko. Hinawakan naman ni Ate ang kamay ko at ngiti siyang tumingin sa gawa niya.
"Ayos lang bunso baka madami ka lang inaalala halina at ihahatid na kita sa iyong silid." sabi niya.
"May iniisip lang po." ngiting saad ko.
"Kailangan mo ng magpahinga, ihahatid na kita sa iyong silid."
Pagkahatid sa akin ni ate Beryl sa kwarto ko ay nabighani ako sa ganda nito.
Hindi ito katulad ng kuwarto ko sa reality dahil yung kuwarto ko sa reyalidad ay parang tambakan ng lumang gamit. Ganun sila kasama.
Isinarado niya na ang pinto kaya humiga na ako sa kama, grabe ang lambot.
Nagulat ako ng may kumatok kaya nahulog ako sa sahig.
Ang lakas ng lagapok ko kaya naman ay dali-dali silang pumasok.
"Nako Lady Blesi anong nangyari?" alalang tanong ng isa sa maid at tinulungan ako makaupo sa upuan na malambot din.

Bình Luận Sách (7)

  • avatar
    Renar Cunanan

    knjjkkkkkjjkkkmnjj

    04/08

      0
  • avatar
    Cristin Macatunog Pajuelas

    Gusto ko mag basa niyo

    27/01

      0
  • avatar
    Dyolc Odanapmoca

    nc ganda ng kwento nyo

    14/08/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất