logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

I threw myself to the sofa. I just finished cleaning, Forest. Pagod na pagod ako dahil palagi siyang mahirap paliguin. Para siyang bulate sa sobrang likot.
Kakauwi ko pa lang kanina mula university at agad ko ring nilinis si Forest. When was the last time she smells good? Last Sunday pa 'ata. Naging busy kasi ako sa schoolworks. Nagkaroon kami ng konting projects, pero hindi naman ganun ka hassle. Naalala ko tuloy yung nangyari noong Monday last week.
Jusko!
Si Kheir yung sumalubong sa 'kin kasi siya pala ang apo ni Lola Therna!
Kaya rin pala natagalan muna bago ako sinalubong ni Lola sa gate dahil bigla daw siyang tinawag ng kalikasan.
Natagalan si Kheir sa pagsalubong sa 'kin dahil naka headset daw siya sa kwarto niya, kaya hindi niya narinig na may tao pala sa labas. He also mentioned that the man who was shouting at me was actually living alone, kaya palagi raw yun high blood.
Pagpasok ko sa bahay nila ay nag-usap-usap lang kami sa sala nila habang kumakain ng niluto ni Lola na pancit.
Nalaman ko ring Educational Course pala ang kinuha ni Kheir kahit Architect yung Mama niya at Engineer naman yung Papa niya. Minsan lang rin sila kumpleto sa bahay nila dahil malayo yung trinatrabahuan nung parents niya.
Nung oras na nakikain ako kila Lola ay tatlo lang kaming nandun kaya medyo tahimik.
Kami nga lang ni Lola ang nag-uusap dahil nanatiling nakikinig si Kheir, pero sumasagot naman siya pag binabalingan siya ng tingin. Ilang beses rin nagtama yung paningin namin pero sabay rin kaming iiwas. Para kaming eye shy.
When Kheir excused himself for a bit, Lola mentioned to me that Kheir isn't normally like that. She said, he wasn't the silent type! I doubt that. Nagsasalita lang naman siya kung kailangan.
A loud bark interrupted my reminiscing. Ano naman problema nito? Wala namang ibang tao dito bukod sa 'kin, ah. Hindi kaya... Umiling ako. Wala naman sigurong multo dito.
Huwebes na ngayon at sa lumipas na linggo at apat na araw ay wala namang espesyal na nangyari.
Yolo didn't get tired of bugging me in school for a week! At first, I kept shoving him away, but then I got tired because he was so persistent in being friends with me.
Kaya noong Martes ay hindi ko na rin siya pinagtabuyan. Ako lang rin naman ang mapapagod. We always ate our lunch and spend our class together, since, coincidently we actually have the same course, Veterinary Medicine.
Minsan, anim kaming magkakasabay na kumain, sila Ely yung apat. But since si Yoli lang naman yung ka-course ko, siya yung madalas kong kasabay.
I didn't follow my parents path, which is doctor for people. Good thing my parents supported my dream to be an animal doctor.
Kada Lunes at Biyernes lang kami magkaka-blockmate nila Ely at Kheir dahil yun lang naman ang Culinary date schedule. Well except, kung yun talaga ang course mo.
Both Ely and Shekinah are Modeling. Legal Management kay Louise at Business Management naman kay Nessa.
Kheir attends Educational Course, while Engineering for Tyn. Both Yolo and I are Medicine. Minsan lang kami nagkikita dahil nga magkakaiba kami ng mga kurso.
Another continuous bark snapped me. Kelan ba 'to titigil?
"Forest, manahimik ka!" Malakas kong sigaw.
I know dogs don't understand words. But they do understand tone of words. Kapag sinigawan mo sila ay minsan magagalit at minsan matatahimik. Pero kung mahinahon ang tono mo ay maglalambing sila.
Patuloy pa rin si Forest sa pagtahol kaya hindi na ako nakapagtimpi at nilapitan siya. My brows furrowed when I saw a black fur cat in front of her, licking his paws.
Actually, hindi ako sure kung lalaki ba siya. Yung balahibo niya bandang leeg ay kulay puti pero hanggang baba lang yun ng ulo niya, hindi aabot sa ibabaw.
The cat was sitting unbothered, not minding, Forest, who was barking at him!
My eyes widened, when I saw mud footprints all over the floor! Siguradong hindi si Forest ang salarin dahil nakatali siya at kakatapos ko palang siyang paliguin.
My eyes landed on the black cat. Napasinghap ako ng malakas. Its feet are also black but it didn't cover the wetness from the mud.
Buti na lang at hindi ito nagalit ng bigla ko na lang siya hinawakan at dinala sa banyo para linisin. Mas lumakas yung pagtahol ni Forest ng makitang papalayo ako sa kaniya, dala ang pusa. Napairap ako. Selosa!
Pagkarating sa loob ng banyo ay agad ko ring sinimulan sa paglinis sa kanya. I rubbed his body gently with the soap and water. Naturo na sa amin kung paano magpaligo ng mga hayop, kaya hindi ako nahirapan. Parang nga 'tong walang pakialam kahit anong gawin sa kaniya!
Sino bang amo nito? Ba't hindi inalagaan ng maayos? Pinabayaan lang niyang palaboy-laboy dito! Pa'no na lang kung may mga tao pala na mahilig manakit ng mga hayop? God.
Matapos ko siyang paliguan ay ipinunas ko sa kanya yung towel ni Forest. Pagkatapos ay pinatuyo ko siya sa isang bagong laba na towel.
Nang makitang medyo tuyo na siya, ay saka ko lang naalala na may mga dumi pala sa sahig dahil sa pusang 'to. I sighed loudly. Bagsakan naman 'ata ang mga nangyayari ngayon?
"Malas..."
Ipinasok ko muna yung pusa sa dog cage ni Forest, at kinuha ang mop sa labas para gamitin sa paglinis. Mas binilisan ko ang pagkilos ng maramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Kailangan ko ng chibug!
"At gutom."
Pagkatapos ko maglinis ay agad kong nilantakan ang natitirang spaghetti na bigay ni Lola Therna kahapon.
Alas otso umuuwi sila Mama kaya sabay-sabay kaming kumakain ng panghapunan araw-araw. Pwera na lang kung sobrang late sila umuuwi dahil kung ganun, ay kumakain na lang ako mag-isa. Marunong naman ako magluto, kaya minsan hindi problema ang ulam.
Ang problema lang ay madali akong matakot pag mag-isa lang ako dito. Limang araw palang kami dito sa Carpila, kaya hindi pa ako nasasanay.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong lumabas papunta sa katabi ng bahay namin, kay Ate Venus. Hindi naman kami masyadong close dahil yung naging una at huli naming pag-uusap ay kahapon pa ng umaga.
Binigyan rin kasi ni Lola Therna ng spaghetti, at nagkataon pang sabay kami lumabas ng bahay. And because my parents already left for work, I'm the one who received the food. Nagpakilala rin kami sa isa't-isa ni Ate Venus at nalaman kong 24 years old na siya, not in a relationship, and currently working on a company in the city beside Carpila.
Mag-isa rin siyang nakatira sa bahay niya. And I'm actually wondering why she's living here, if she can rent a house in the city where she works. It will be much more convenient if her house is near her workplace. I shook my head. Not of my business.
Nang makarating sa tapat ng bahay niya ay agad akong kumatok. Naghintay pa ako ng ilang segundo bago ako pagbuksan ng pinto ni Ate Venus.
My real intention of going here temporarily vanished, when I noticed her eyes being slightly red. Umiyak ba siya?
"Are you okay, Ate Venus?" I slowly asked with a hint of concern.
Paulit-ulit siyang tumango na parang hindi ako ang kinukumbinsi niya, kundi ang kaniya sarili mismo.
"Y-yes, I'm F-fine..." suminghot siya ng isang beses bago magpatuloy. "Medyo masama lang ang pakiramdam ko, but I can manage." Ngumiti siya sa akin.
"Ganun po ba,"
"Mm, ano nga pala ang sadya mo rito, Vion?" Oo nga pala.
"Hihingi po sana ako ng konting cat food ni Winter, pero kung okay lang naman po." Mahinang saad ko.
Winter yung pangalan ng puting pusa niya. Masungit yun at palagi akong sinusubukang kalmutin. Kay Ate Venus lang 'ata siya nagiging mabait!
Baka gutom na rin yung pusa na nasa bahay, kaya hihingi ako ng makakain niya. Hindi ko rin alam kung may amo ba siya o wala. Baka mamaya, kung pabayaan ko naman siya ay baka mabundol siya o ano.
"May pusa ka rin pala?" Tanong niya habang nakakunot ang kilay, nagtataka. "Pero okay lang, bibili na rin kasi ako bukas ng cat food."
Napakamot ako sa ulo. "Thank you po. Pero wala po akong pusa, nakita ko lang kanina sa bahay."
"Ah," tumango siya sa akin kahit naguguluhan pa rin at bumalik sa loob para kunin ang hinihingi ko.
Mag-isa lang siyang nakatira dito kaya hindi ito ganun kalaki. Sakto lang para sa isa o dalawang tao.
"Oh, eto," She handed me a small plastic bag with the cat food inside. "That's only the cat food left. But, you don't have to worry, Vion. Bibili naman ako bukas."
Tumango ako. "Thanks again, Ate Venus. Pahinga po muna kayo, una na po ako."
She waved her hand. Nang makarating na ako sa harap ng bahay namin ay saka lang niya sinarado ang kanyang pinto.
Hindi man kami ganun ka-close, ay nag-aalala pa rin ako sa kanya. Alam ko namang hindi dahil may sakit siya kaya naging ganun yung mata niya. I'm pretty sure, she cried. I just don't know the why. I just hope she'll be okay sooner than later.
Nang makapasok sa bahay agad ko rin pinakain yung pusa. Ayoko siyang bigyan ng pangalan, dahil baka meron siyang amo at binigyan na pala siya ng pangalan.
I glared at Forest, who's started barking loudly again. As if nakakaintindi siya sa pinapahiwatig ng mukha ko.
Binigyan ko na rin siya ng dog food dahil baka gutom na pala 'to. Hindi naman ako nagkamali, dahil ilang segundo lang ang binilang ay agad rin niya ito naubos.
Mag-amo nga tayo.
Pumunta akong kwarto para magpahinga. Hindi lang naman ang mga malapit nang mamatay ang kailangan ng pahinga! Pati na rin ang mga pagod kagaya ko!
Nakatulog ako ng mga treinta minutos and immediately go to my ig. Napakunot ang noo ko ng makitang nagmessage sa 'kin si Grauntes. Ano naman ang kailangan nito sa 'kin.
Yolo_vin: Vion, may napili ka na bang lulutuin para bukas sa Culinary natin?
My mouth gaped in shock. I slapped my cheeks. Ngayon ko lang naalala! Buti na lang at naisipan kong buksan ang mga dms ko at baka wala akong maluto bukas!
Binitawan ko yung phone ko at tumingala sa kisame. Dessert yung gagawin namin, kaya baka coconut pie yung gawin ko. Pwede ring salad o 'di kaya... Napangiti ako ng malaki.
I quickly grabbed my phone to type a reply.
Vionsrehariz: I'll go with mango float.
I'll make mango float tomorrow! It's easy, simple, but perfect dessert. Not to mention, that it's also one of my favourite foods.
Buti na lang at isang kutsara lang ang kakainin ni Chef Kyle, at ang lahat na matitira ay para na sa amin. I smiled widely because of excitement but it instantly vanished.
Sana naman hindi mapalpak this time.
Malakas akong napabuntong-hininga. Sino namang demonyo ang nagsingit nito sa isipan ko.
Yolo_vin: Bongga ng sa'yo, teh.
Wait. Did I read it right? Kelan pa siya nagsalita ng parang bakla? I shook my head. Baka trip niya lang.
Dahil wala naman akong mareply sa kanya ay nag scroll naman ako sa mga ig posts, nang bigla kong naalala si Kheir.
Vionsrehariz: May ig si Kheir?
Yolo_vin: Pinapaselos mo 'ata ako? Kidding. Meron, just search Kheir Rontero. It'll show.
Rontero pala ang apelyido niya?
Vionsrehariz: Thanks.
I immediately search his name and like Grauntes said, nagpakita rin ito. Iisa lang naman ang nakapangalan na Kheir Rontero dito, eh.
Kheir Rontero
4,078 followers 205 following
Aba't. Famous ang lolo niyo! Samantalang ako, 1k plus lang 'ata ang followers. Yung following ko naman ay mas marami pa sa followers ko. Fina-follow back ko kasi lahat!
I scrolled downwards and a particular post got my attention.
'I miss you, Cathy. Come home, please.'
2,981 likes 1,540 comments
I gritted my teeth. Walang hiya! Nakipagnakawan pa ng tingin sa 'kin, eh, meron na pala siyang girlfriend! O baka nga fiancee na sila ng Cathy na yan!
Pag makita ko talaga ang pagmumukha niya, sisiguraduhin kong magkakadaplis ang mala-anghel niyang kutis! Napasigaw ako sa inis.
Nagulat ako ng makaring ng malakas na katok sa pintuan ng kwarto ko.
"Vion!" I sighed in relief when I realized it was my Mom. "Okay ka lang diyan? May problema ka ba?" Patuloy pa rin si Mama sa pagkatok kaya lumapit ako para pagbuksan siya.
"Okay lang ako, Ma." Mahina kong sagot habang nakayuko.
Bakit ba ako ganito ka apektado? It's just Kheir. Not a big deal.
Napahinga siya ng maluwag. "Akala ko pa naman ano na ang nangyari sa'yo," tumalikod siya sa 'kin. "Maghapunan na tayo."
Sumunod ako sa kaniya papuntang kusina. Akala ko kailangan pa namin magluto ng ulam, pero buti na lang at nakabili sila Papa habang pauwi dito. Meron rin namang tirang ulam kagabi, ni-microwave ni Mama yun at nagsimula na kaming kumain.
Mukha silang pagod na pagod dahil sa mga mata nila. Si Papa, humihikab kada ilang minuto, si Mama naman... ganun rin.
"Oo nga pala," Dad started. "May itim na pusa sa cage ni Forest. Kanino yun?"
His eyes directly landed on me, while Mom sipped first in her glass of water before she gave her attention to me. Lumikot yung mata ko, nag-aalangan.
I faked a cough. "Uhm, nakita ko lang po yan sa living area, tinatahol ni Forest."
They both nod at the same time, urging me to narrate more.
"Madumi po kasi yung paa niya kaya, pinaliguan ko. Pagkatapos ko pong paliguan ay nilagay ko muna siya sa cage ni Forest para hindi na naman lumabas at magkadumi. Humingi naman rin po ako kay Ate Venus ng cat food para sa kanya."
Mom softly looked me in the eyes. "Vion, I know you have soft spot for animals, but you can't just cage a cat if it's not yours to begin with." Napayuko ako.
Tama si Mama. Hindi ko namang intensyon ikulong yung pusa para sa random na rason. Nag-aalala lang ako dahil baka kung anong mangyari sa kanya habang nasa labas!
"Tama yung Mama mo, Vion. Pa'no na lang kung kanina pa pala hinahanap yung pusa ng amo niya? What will you do to find the owner?" Dad asked.
"Pero hindi naman po tayo sigurado, kung meron talaga siyang am-"
"I know this kind of cat," Dad interject. "Mahal 'to, kaya imposibleng wala 'tong may-ari." Mom nodded, sumasang-ayon.
"Pasensya na po," I said, almost barely heard.
Mom held my hand. "You're already twenty, so I know you already know how to handle things on your own."
Tumango ako ng paulit-ulit.
"Don't be selfish. Always, understand on both sides. May amo rin ang pusa."
Pagkatapos ng hapunan namin ay naging magaan yung pakiramdam ko. I'm really happy that I have them as my lovely parents. I really hope to spend my time with them longer.
Nang oras na para matulog ay naalala ko na naman yung ig post ni Kheir. Sino si Cathy? Sa BC Univ rin ba siya nag-aaral? Third year rin? Mas matangkad ba siya kaysa sa 'kin? I laughed sarcastically. I probably looked crazy right now.
Ano bang paki ko kay Kheir at Cathy? They can marry if they want!
Ilang minuto kong sinubukang makatulog, pero gising pa talaga ang diwa ko kaya kinuha ko yung phone ko at nagscroll sa instagram.
Kheir Rontero followed you.
What the Hell?!
Para masiguro kung namamalikmata ba ako ay ni-refresh ko yung notification.
My eyes widened, when the notification vanished, after I refreshed! Lumalabo na ba yung mata ko? Kailangan ko na bang magsuot ng glasses?!
Para masiguro ay ni-dm ko si Kheir.
Vionsrehariz: Aksidente mo lang napindot?
Akala ko hindi siya magre-reply dahil ilang minuto akong naghintay ay wala pa rin. Pero agad akong napaupo nang nagreply siya.
Kheirontero: Ang alin?
My brows furrowed. So, mata ko talaga ang may problema?
Vionsrehariz: Yung pag-follow mo sa 'kin.
Kheirontero: No.
Ha?
Kheir Rontero followed you.
Eto na naman. Baka namamalik-mata lang ako ngayon hindi ako makatulog! Paasa lang ang peg.
Kheirontero: There, hindi na yan aksidente.
Magrereply na sana ako para tanungin siya kung ano ang ibig niyang sabihin pero agad rin akong tumigil nang mag send ulit siya.
Kheirontero: I'm now intentional to you.
"Ano daw? May sumapi ba sa kaniya?" Bulong kong tanong sa sarili.
Khierontero: Uhm, just a reminder, dessert yung gagawin natin bukas ng hapon.
Vionsrehariz: Alam ko na yan, di na kailangang ipaalala.
Napatawa ako sa sarili. Parang di ako pinaalala ni Grauntes kanina, ah!
Kheirontero: Well, there's a saying 'when you like someone, remind them.'
Like?! Ano to? Typo?!
Kheirontero: Oh shit! Can instagram unsend messages?
Kheirontero: Fuck, forget it.
I bit my lip to stifle my smile.
Vionsrehariz: Gusto mo pala ako?

Bình Luận Sách (16)

  • avatar
    Ezekiel Luciano

    Sobrang ganda ng kwento may napupulot na aral

    31/07

      0
  • avatar
    JoAnjo

    nice

    31/07

      0
  • avatar
    eroyjohn paul

    Ang Ganda nang kwento

    23/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất