logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

02

It's our last subject. Abnormal Psychology. This is my favorite subject sa course ko. Pumasok na si Ms. Rieyn.
"Good afternoon IA," bati niya sa amin. She's entering with books on her arm, sobra na naman siguro ang lesson namin ngayon.
"The topic for today is all about Mood Disorders and Suicide" panimula niya.
Kaya paborito ko ito dahil dito natutonan namin maintindihan kung bakit nagbabago ng mood ang mga tao at bakit din nila naisipan gawin ang suicide. Suicide is not really good in our lives. It's not a kind of joke.
"Mood disorders are those in which extreme variations in mood either low or high are the predominant feature" Ms. Said, sinulat ko iyon sa notebook ko.
"Most people with mood disorders have some form of depressive disorder dysthymia or major depression" pagpapatuloy niya.
Napa-isip ako ro'n. I remember, someone told me about depression or kung paano natin malalaman na depress na iyong tao.
He said, the hopeless outlook is the first sign na depress ang tao, Mood disorders is the major depression, well, many of us know that depression is a cruel disease that can effect anyone. The other one was losing interest sa mga bagay na rati mo nang ginagawa, mga dati mong nakasanayan na nawawalan ka na ng interest gawin. Mahirap ma depress, I have been there and I'm scared that I will come to that again. I hate depression.
"Okay, class dismiss" teka, hindi ba ako nakinig? Umalis na si Miss kaya lumingon ako kay Yancy. Hindi ko narinig ang sinabi ni Ms.
"Anong sabi?" tanong ko.
"We have assignments, hindi ka na naman nakinig, kung saan mo na naman nilagay utak mo." Umirap siya pagkatapos niyang sabihin iyon.
I sighed, sabay kaming tumayo. "Anong assignment natin?" tanong ko ulit.
"I will send to the group chat later but for now I need to go, pinapauwi na agad ako ni Dad" Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Me too, may e-memeet daw kami ni Kuya, utos ni Dad" said Mary. I looked at them, so maiiwan ako?.
"Ikaw renz?" Lumingon ako kay Renz.
"I need to go na rin, may date ako." Nang mata namin sa kanya, at napa-awang ang labi.
"Date?!" sigaw naming tatlo.
"Yeah, si John." si Angelo?!
"My brother?!" Mary asked. Tumawa naman si Renz.
"Hindi si Angelo, jusko! 'Yong isang John na kaibigan ng Kuya mo." pagpapaliwanag niya. Akala ko naman si Angelo, hindi ko maisip na lalaki ang gusto niya kung nagkataon.
Tumango ako sa kanila. "Sige uwi na rin ako," sabi ko.
"Sabi ni Steve 'di ba he will fetch you?" Yancy asked. Oonga pala, Tinignan ko ang phone ko at may text nga galing sa kanya.
"Nasa parking lot na raw siya," I said. They all nodded at nagsimula na kaming umalis.
"Taray, ang gwapo talaga ni Steve," puri ni Renz.
"Sinundo ka pa, ang swerte naman," segunda ni Mary.
"Nako, siguradohin niya lang na hindi ka mahihirapan d'yan sa trabaho mo." paalala ni Yancy.
"Sino bang mahihirapan sa pagiging girlfriend ni Steve Wilkerson, I stalked him kanina habang nag-di-discuss si miss, he's so sikat naman pala, nag mo-model din siya." Mahabang sabi ni Renz. Nang stalk pa talaga imbes na makinig, well sabagay hindi rin naman ako nakinig kanina kung ano ang ibang diniscuss ni miss.
Lagot pala ako nito, sikat siya at ako'y isang hamak na babae lang, hindi mayaman. Marami palang fan girls si sugar daddy. Napangiwi na lang ako nang naisip na para siyang sugar daddy sa akin. Shit, I can't imagine it properly.
Nakarating na kami sa parking lot at nakita ko na ang kotse niya. Some students look at him, kinikilig pa nga habang pinagmasdan siya. Agaw pansin naman kasi ang ka-gwapohan ng isang 'to.
Nilingon niya ako at naglakad siya papunta sa akin. Tumili naman si Mary at Renz nang nakalapit na siya. Hindi ako makagalaw habang naglalakad siya. Para siyang anghel na bumaba sa lupa, ang gwapo!
"Let's go," he said. Napakurap-kurap ako, hindi ako makaiwas ng tingin. Nakatulala sa kaniya na para bang siya ang nakikita ko ngayon. Ang gwapo niya! He's wearing a simple maroon long sleeve and maong pants.
"A-ah, s-saan?" I saw him smirked. Shit, bakit ba ako nauutal?
"Anywhere," he answered. Tiningnan ko sila Yancy.
"Mauna na ako," paalam ko. Tumango lang din naman sila sabay at ngumiti maliban kay Yancy.
"Saan ba tayo?" I asked him pero seryuso lang siyang nakatingin sa harap.
"Sa mall, bibili tayo ng mga damit mo, ang panget ng mga suot mo e." Wow lang ah. Humarap ako sa kaniya. Napaka!
"Ang kapal mo naman sir, simple is beauty!" I said at umirap.
"Simple pero wala kang beauty," teka bakit siya nang-aasar ngayon.
"Excuse me lang ah, maganda ako." I said while pouting.
"Don't do that again," sabi niya at kinagat ang ibabang labi, napa-kunot ang noo ko.
"What?" I asked.
"Pouting, don't do that again, hindi bagay." ang kapal niya talaga!.
Bakit ba ganito ang boss ko. hindi ko na siya kinausap hanggang sa huminto siya sa parking lot ng isang mall. hindi ko na siya inantay lumabas kaya ako na ang nauna.
"Antayin mo ako, baka maligaw ka." sabi niya sa likod ko. Duh, hindi naman ako boba para maligaw sa mall 'no, mahirap ako pero nakakapunta naman ako sa mga ganitong lugar. ginagawa niya talaga akong ignorante!
Nagsabay na kaming naglakad. Hanggang dito ba naman pinagtitinginan pa rin siya. Nakakahiya naman pala 'yong suot ko, simple lang ang suot niya pero nagmumukha na s'yang mayaman, ako, simple nga lang pero nagmumukhang mahirap. hustisya naman!
Nauna na siyang naglakad kaya nakasunod lang ako sa kanya. Kahit nakatalikod siya bakit ang gwapo pa rin tignan. Nasa labas siguro to no'ng nagpa-ulan ng ka-gwapohan ang Panginoon. At bakit ba kanina ko pa ito pinupuri, my gosh Grasya!.
Huminto siya sa isang store na puro damit, halatang pang-mayaman. Ano naman ipambibili ko rito?
"Bakit tayo andito?" tanong ko.
"Bibili nga ng damit, halata naman nagtatanong pa." bakit ba ang sunit ng isang ito.
"Wala akong pera, hindi ko afford ang mga paninda rito," sabi ko sabay talikod.
"Sino bang nagsabi na ikaw bibili?" tanong niya naman. Nanlaki ang mata ko, dahil sa naisip ko.
"Gosh! Ikaw ang bibili? Hindi mo sinabi na nagsusuot ka ng mga ganitong damit!" sabi ko sa kanya. He clenched his jaw at tinignan ako ng masama, napalunok naman ako dahil sa titig niya.
"Tanga mo, sabi ko 'di ba kanina bibili tayo ng damin mo, kaya ako ang magbabayad, bilisan mo na mamili ka ro'n." bakit ka galit? Psh. Hinayaan ko na siyang umupo sa sofa rito.
"Boss amo," tawag ko. Napataas ang tingin niya.
"What did you call me?" he asked.
"Boss amo," ulit ko, mas lalong kumunot ang noo niya.
"Is that your endearment to me?" tanong niya naman, anong endearment pinagsasabi nito?
"Of course not, boss amo, kasi boss kita amo pa, hindi mo ba alam 'yon?" asar ko pa
"Call me love, not that shi." Napa-awang ang labi ko.
"A-anong love? Hindi naman tayo nagmamahalan." hindi ko maisip 'yon ah. Ngumisi naman siya, kinalibutan tuloy ako.
"Then love me," feeling ko tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan sa sinabi niya. Kaloka.
"Ewan ko sa'yo Wilkerson, mamimili na ako ng damit, buset." Tumayo na ako and as he is.
"Sasamahan na kita," he said. Kumuha siya ng basket. Pinagmasdan ko lang siya, napapailing sa lalaking 'to.
Nagsimula na akong namili ga mga damit, lahat ng mga nahawakan ko palang nilagay ni Steve sa basket, hindi ko pa nga nasusukat eh.
"Bakit mo nilalagay agad? Sayang kapag hindi kasya sa akin, hindi ko pa iyan nasusukat." inis kong sabi. Tumigil naman siya sa paglalakad at nilingon ako.
"Kasya sa'yo 'yan, base naman sa kinuha mo, malilit t'saka payat ka parang bata kaya kasya 'yan." Napahilamos ako sa huli niyang sinabi, bata?
"Anong bata?" tanong ko, para ba akong bata? Tinignan niya naman ako sa mata at bumaba sa dibdib ko kaya agad ko iyong tinakpan kahit I'm wearing fitted shirt naman. He just chuckled.
"Ang liit kasi, kaya para kang bata." Natatawa niyang wika. Pakiramdam ko uminit ang pisnge ko dahil sa sinabi niya.
"Pervert!" I almost slap him pero natigilan din, tumalikod ako sa kaniya. I looked at my chest, damn you Steve! May laman, kahit kaunti lang.
I heard his foot steps. nang nasa tabi ko na siya at nagsalita na naman ng hindi ka aya-aya.
"We can do something for that,"
"You know, para lumaki." sinundan pa nga, hinarap ko siya at tinignan ng masama.
"Boss amo, ang bastos mo po." inosente kong sabi. ngumiti naman siya at umiling.
"Are you still virgin?" Agad kong tinakpan ang bibig niya. Tumingin ako sa paligid kong may nakarinig ba.
"Bakit ba ang daldal mo? Pwede ba manahimik ka muna baka maisipan kong mag-resign sa trabaho na ito!" sabi ko at inalis na ang kamay na nakatakip sa bibig niya. Hindi bagay sa kanya ang pagiging madaldal!
Natapos naman kami kaya binayaran niya na lahat ng nasa basket. Nakakahiya 'yong mga tinginan ng mga tao rito.
Pumasok kami sa isang magarbong restaurant sa loob ng mall na 'to at nagsimula na rin kumain para sa lunch. Nahihiya pa ako pero dahil gutom na, inalis ko iyon. Walang hiya-hiya sa taong gutom.
"Sa Sabado dadalhin na kita sa amin," bigla niyang sabi kaya napatigil ako sa pag-nguya.
"Agad-agad?" tanong. Bigla akong natakot.
"Yeah, my lolo asked it again about my girlfriend." he simply said. Sa Sabado pa iyon pero bigla akong kinabahan. Paano kapag nagkamali ako.
"Anong gagawin ko?" tanong ko. Lunes palang ngayon huwag ka munang kabahan, Grasya.
"Ang maging girlfriend ko lang, huwag kang mag-alala naroon naman ako." pampalakas loob niya kahit wala namang nagawa para lumakas ang loob ko.
"Malamang dapat naroon ka, baka magkamali ako."
"Kung magkakamali ka paparusahan kita." Gulat akong tumingin sa kanya.
"Anong paparusahan?" tanong ko.
"I will punish you," sabi niya, nagtataka ako sa parusang sinasabi niya. ang brutal naman pala ng boss amo kong ito.
"Anong parusa? Bakit mo ako paparusahan? Hindi ba pwedeng pag-usapan nalang?" sunod-sunod kong tanong.
"P'wede naman tayong mag-usap lang" Nakahinga ako ng maluwag do'n.
"Mabuti, mag-uusap lang kapag nagkamali ako." sabi ko naman. Pinagpatuoy ko na lang ang pagkain ko.
"Mag-uusap sa kwarto ko at doon ka paparusahan." Bigla akong nasamid.
"What the!" I shouted, wala na atang pake kung may ibang tao man.
"Kidding, basta huwag kang magkakamali. Hindi mo magugustohan ang gagawin ko." seryuso niyang wika. Kinakabahan na nga ako sa sabado, mas lalo pang kinabahan sa sinabi niya. this guy is getting on my nerve!
Natapos kami kaya ihahatid niya na ako pauwi. Habang nasa byahe iniisip ko pa rin ang pamilya niya.
"Nakakatakot ba ang pamilya mo?" tanong ko.
"Medyo?" hindi siya sure ah.
"Medyo? Hindi ka sure, ano nga?" tanong ko.
"Hindi ko alam, mabait naman siguro?" hindi niya pa rin sure, mas lalo tuloy akong kinabahan.
"Ako ang bahala sa'yo," okay fine, siya ang bahala sa akin. Kinakabahan lang ako nab aka pumalpak.
"We're here,"
"Thank you," I said. Bumaba naman siya at binuksan ang likod sa kotse, kinuha niya ang mga nabili namin at inabot sa akin.
"Wear nice on Saturday, I will not see you tomorrow to Friday, so see you on Saturday." sabi niya. Para naman akong nalungkot na hindi ko siya makikita ng ilang araw.
I just nodded at kinuha na ang mga paper bags.
"Okay, thank you and take care." He just nodded at pumasok na sa kotse. Tinignan ko lang siyang unti-unting nawala sa paningin ko. I sighed. Bakit ako nalulungkot na hindi siya makita bukas hanggang Friday? Gosh Grace, huwag gano'n, bawal 'yon.
Pumasok na ako sa loob at nagpahinga na. Bukas ko nalang iisipin ang tungkol sa Sabado.
Biglang sumagi sa isip ko si Kuya, nasaan kaya siya rito sa Manila. Maayos kaya ang lagay niya? Kilala niya kaya ako? Iniisip niya rin ba na may kapatid pa siya?
***
Gumising ako kinabuksan na masakit ang ulo. Dahan-dahan akong bumangon dahil nahihilo ako. Ano bang ginawa ko kahapon? Kumain lang naman, nasa mall lang naman pero bakit nahihilo na naman ako.
Pumunta na ako sa kusina para magluto dahil may pasok pa ako. Bitbit ko ang plato pero hindi ako mapakali dahil nanginginig ang kamay kasabay ang pagsakit ng ulo ko. What happened to me? Hindi ko kayang kumilos nang mabilis dahil sobrang sakit talaga. Nabagsak ko ang plato at napahawak ako sa ulo ko, napaupo sa sahig, napa sabunot sa ulo nang naramdaman na sumobra ang sakit.
Tumayo ako dahan-dahan papunta sa lamesa na nasa tabi ng kama ko, tatawagan ko nalang si Yancy sasabihin kong hindi ako papasok. Nang hawak ko na any cellphone, nangingig pa rin ang kamay ko.
"Hello, saan ka na girl?" bungad niya.
"Hindi muna ako papasok ngayon," sabi ko.
"Huh? Bakit? Okay ka lang ba?" sunod-sunod niyang tanong.
"Sumakit ulo ko, pasabi nalang sa mga prof natin hindi ako makakapasok." I said.
"Pupuntahan ka namin after class, magpahinga ka lang at uminom ka ng gamot."
Umu-o nalang ako at ibinaba na ang cellphone. Bakit sobrang sakit ng ulo ko? Napahiga ako sa kama, hinayaan ang sarinig makapag pahinga.
Nang dumating ang hapon nakarinig na ako ng katok sa pinto. Nawala na rin naman unti ang sakit kaya tumayo ako para pagbuksan kung sino man ang kumatok.
Bumungad sa akin ang mukha ng tatlo.
Pumasok naman sila agad. Sunod-sunod na ang mga tanong nila pero hindi ako makasagot.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Renz.
"Paanong masakit?" Si Mary.
"Dadalhin ka namin sa hospital para ma check-up 'yan." Umiling ako sa sinabi ni Yancy. Hindi naman kailangan.
"Wala akong pera, migrane lang ito, maayos rin." sabi ko. Pero bigla akong sumigaw at napahawak sa ulo ko. Shit, what the fuck is happening to?
"Let's go Grace, hindi na 'yan maganda, pupunta tayo sa hospital." sabi ni Yancy. Hindi na ako makapagsalita, hinayaan ko na lang na alalayan nila ako.
Pinasok ako sa kotse ni Renz. Nasa harap si Mary at kami ni Yancy ang nasa likod. Napahawak pa rin ako sa ulo ko.
Dumating kami sa hospital. Kausap ko ngayon ang Doctor pagkatapos niya akong e check up. Naiwan ang tatlo sa labas.
"Miss Alvarez," tawag sakin ng Doctor kaya umupo ako sa harap ng lamesa niya.
"Doc, ano po bang meron?" kinakabahan kong anong.
"Miss Alvarez, are you with your family?" she asked. Umiling ako.
"Mag-isa lang po ako." sagot ko sa kanya.
Bakas naman sa mukha niya ang lungkot. Hindi dapat kayo malungkot, hindi dapat kayo maawa sa akin.
"Your condition is not good, kapag lumala pa ito delikado na." sabi niya. Nagugulohan tuloy ako.
"Ano pong ibig n'yong sabihin?"
Hinawakan niya ang kamay. Umiwas ako ng tingin nang makitang malungkot na naman ang kanyang mukha.
"Doc, tell me,"
"You have a brain cancer Miss Alvarez."

Bình Luận Sách (107)

  • avatar
    Metis Tales

    npaka painful pero gnun tlga.. sad but happy in da heart. high five po.

    26/07/2022

      2
  • avatar
    BustosRichelle

    gusto ko lang Naman magbasa e,bat mo ko pinapaiyak author😭😭😭

    29/07

      0
  • avatar
    Marivic Malate Cater

    lo...kkaiyak ung wkas

    09/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất