logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 6 VI - Home Coming

Blake's Pov
Habang nasa biyahe hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa babaeng nakasandal sa balikat ko. Tila wala parin itong ipinagbago magmula ng maraming taon ang nakalipas mula ng magkahiwalay kami.
<
"Tabachoy.." sabi ni Nics habang nakasandal sa pader ng classroom pagdating ko.
"H-Happy Valentine's Day." pautal niyang pagbati sakin at iniabot sa akin ang isang letter bago tumakbo papalayo sa akin.
Agad kong tiningnan ang binigay niyang letter at nakita kong may maliit na sticky note sa tabi nito
May surpise akong inihanda para sayo mamayang gabi, antayin mo nalang ako sa labas ng bahay niyo.
Lab you.
<
Mga ilang sandali pa ay nakarating na nga kami sa school at bumungad agad sa paningin ko ang tren na nagdala sa akin sa kinaroroonan ko ngayon, sa impyernong lugar na ito.
"Stick together team, hindi natin alam kung gaano kadaming zombie ang naririto." sabi ni Ronnie habang hawak ang isang kalibre 45 na baril at dahan dahang lumalapit sa kinaroroon ng tren.
Kasama kami ay tinitingnan din namin ang paligid ng tren.
--
"Walang susi, Blake!" sigaw ni Ronnie mula sa loob bagay na nagpaisip sa akin.
"Baka kasama ng susi ng pintuan ng Principal's Office ng eskwelahan." sabi ko na ikinatango nila.
"Kung ganoon ay mapipilitan tayong pasukin ang eskwehalan na ito at kunin ang susi kung saan man yung naroroon, Blake tutal ikaw ang mas nakakaalam nitong lugar ikaw muna ang mauna at aalalay kami sa iyo. Yung iba naman manatili nalang sa sasakyan at wag gagawa ng kung anumang ingay." sabi naman ni Marian na sinangayunan namin at dumiretso na kami sa loob at naiwan ang iba sa sasakyan, kasama ang wala paring malay na si Nics.
"Base sa pagkakatandaan ko ay nasa parteng iyon ang Principal's Office, magiingat kayo." sabi ko sa kanila sabay turo sa isang establisyimentong di kalayuan.
"Kung ganoon ay saan ka naman pupunta?" tanong naman ni Marian.
"Pupuntahan ko lang ang kaibigan ko." sagot ko naman ng di nagdalawang isip.
"Kung ganoon ay dalhin mo din itong sandatang nakita ko sa daan para makapag protekta sayo laban sa mga zombie na nasa paligid." sabi ni Migz at iniabot sa akin ang hawak niya.
"Ngunit paano naman kayo? Mapanganib din ang pupuntahan niyo." sabi ko na ikinangisi lang nito.
"Huwag kang magalala sa amin dahil higit sayo mas kaya naming protektahan ang sarili namin, basta magiingat ka nalang at bumalik ka ng ligtas dahil sayo lang umaasa yung nasa bus ngayon at nagpapahinga." sabi naman ni Ronnie na ikinangiti ko. Oo nga pala.
"Sige basta magingat din kayo." huling sinabi ko bago ko tinungo ang daan papunta sa Gymnasium ng eskwelahan. It's been long time, partner.
--
Pagkadating ko sa Gymnasium ay napansin kong tila walang nagbago buhat ng huli kaming pumunta dito, may mga bahid parin ng mga namuong dugo na natuyo mula sa labang nangyari dito.
Agad namang naglabasan ang mga zombie sa loob nito na tila ba nakaamoy ng pagkain na pupukaw sa kanilang gutom ng matagal na panahon, hanggang sa..
"R-Roberto." pautal kong sabi ng makita ko ang matalik kong kaibigan na buto't balat ang pangangatawan at maputla nitong kulay. Agad naman ako nitong napansin at tumakbong lumapit sa akin, agad ko naman itong naiwasan at nahawakan sa kanan nitong braso at.. walang habas ko na pinutol ito gamit ang gulok na ibinigay ni Migz kanina.
Sinubukan pa nitong lumaban hanggang sa maabot ko ang kabila nitong braso at pinutol din ito, kasabay ng pag agos ng malapot na animoy kulay itim na dugo.
Agad ko naman siyang hinawakan sa likod niya at inilagay sa unahan ko upang gawing pananggalang sa mga katulad nito.
"Pasensya na bro, babawi ako sayo pangako pagkatapos ng lahat." sabi ko at ngumiting umalis ng Gymnasium dala ang kaibigan kong walang mga braso at agad na dumiretso sa labasan.
--
"T-teka ano naman yan?! Anong balak mong gawin naman dyan sa zombie na yan? Papatayin mo kami!" sigaw ng isa sa mga kasamahan namin ng makita akong lumabas sa gate ng eskwelahan. Grabe ah, ang ooa naman pala ng mga to. Ginagalingan masyado sa pag acting mamamatay din naman sa next next chapters.
Ronnie's Pov
"Kaya nga kailangan natin ng iwasan lagyan ng buhok yung sabon, w-wewait lang ano naman to, Blake. Anong balak mo sa zombie na yan?" tanong ko pagkalabas namin sa gate matapos kunin ang susi sa Principal's Office ng eskwelahan.
"Naisip ko lang, gaya ng mga napapanood ko sa mga zombie movie nagagamit nila yung zombie as their protection dahil di naman nila inaatake yung kapwa nila." sagot naman nito na tinanguan ko. Fine wala naman akong iaangal, tutal siya naman bida sa istorya na to.
"Nga pala, nakuha ninyo ba?" tanong naman nito na ikinangiti ko.
"Walang kahirap hirap." sabi ni Marian at iwinawagayway pa ang susi nito.
"Okay, lets go. We meed to hurry at baka maabutan pa tayo ng grupo nila Marvin." sabi naman ni Migz at nagsi sakayan na kami sa tren at agad na pinaandar ito.
Good bye Sta. Cruzan.
--
Janna's Pov
"Hey Janna, tulala ka nanaman. Mukang malalim ang iniisip mo ah." sabi ng boses mula sa likod ko at paglingon ko ay nagulat ako na si Marcus ito at may hawak na dalawang kape.
"A-ahh pasensya na lutang lang." matipid kong sagot.
"Baka gutom ka lang siguro, oh eto kape inom ka na muna para mainitan yang sikmura mo. Mahirap talagang magadjust sa una, nakakapanibago syempre but time goes by and masasanay ka din. Maybe, this is the new normal now." sabi niya at iniabot sa akin yung isang kape na hawak niya at tinanggap ko naman ito.
--
Blake's Pov
Mga ilang oras na din ang nakalipas at patuloy parin sa pagbabaybay ng ruta ang tren na aming sinasakyan, habang malimit kong inoobserbahan ang lahat sa labas ay tila nasakop na nga ng mga zombie ang buong kapaligiran. Tila isang mundo ng mga buhay kasama ang mga buhay na patay na organismo na tatapos sa sangkalibutan.
The living pandemic.
"T-Taba." mahinang boses na narinig ko mula sa katabi ko.
"Nagising ka na pala." sabi ko at ngumiti sa kaniya. Agad naman akong tumayo at inabutan siya ng tubig mula sa mga bag na naiwan ng mga pasahero at pinainom ko siya.
"Nasaan si kuya?" una nitong tanong pagkatapos nitong umayos ng pagkakaupo, tila nawalan naman kami ng dila dahil walang sinuman ang makasagot sa tanong niya.
Tumingin ako kila Ronnie at Marian at nakita kong walang reaksyon sa mga mata nila. Paano ko ba sasabihin to?
"B-Blake nasaan si k..kuya?" pautal niya tanong ulit ngunit wala pading lumabas na salita sa bibig ko kundi ang malungkot na ekspresyon lang na alam kong madali niya ng makukuha ang ibig sabihin.
"T-teka hindi ito maaari, ang huling natatandaan ko ay nagharap kami. Naabot niya ako at sinakal ako sa leeg hanggang sa mawalan ako ng malay, at huling narinig ko ay ang pagdating ni." sabi niya kasabay ng pagpatak ng luha niya, dahan dahan itong tumulo pababa sa pisngi niya at wala man lang akong magawa para sa kanya.
"Patawad Nics, iniligtas ka lang niya laban kay Marvin. Mahal na mahal ka ng kuya mo, at hindi niya hahayaan na mapahamak ka sa kabila ng mga nangyari." sabi ko at pinunasan ko ang luhang patuloy parin sa pag agos at niyakap siya ng mahigpit upang magbigay ng pakikiramay.
"Katulad mo ay marami rin sa ating mga kasamahan ang nawala, pero isa lang maipapangako ko sayo. Nics, pagbabayarin natin ng malaki si Marvin, itataya ko pa ang buhay ko para lang mabulok siya sa impyerno." bulong ko dito at namayani na ang katahimikan sa loob ng tren sa buong biyahe.

Bình Luận Sách (111)

  • avatar
    Gab Angeles

    Napakagandang nakakatanging tula

    29d

      0
  • avatar
    Zlan Tanguin

    5000

    21/07

      0
  • avatar
    Aries John Odever

    very good story

    20/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất