SEINA'S POINT OF VIEW "Okay, it's getting creepy.." sabi ko sa sarili ko at isinarado ang photo album. Itatanong ko ba kay mama kung bakit ganoon ang picture na iyon? Sobrang nakakabaliw lang talaga, like...hindi pa ako nagpupunta sa zoo at hindi din ako nagpapakulay ng buhok...and for the fact na sa Bulacan ang place na iyon, taga-Davao si mama, si papa naman ang Japan, how come na may naligaw na Bulacan? Baka nagka-amnesia ako? Napa-iling na lamang ako habang ibinabalik sa kahon ang photo album. Hindi ko alam kung dapat ko bang bigyan ng pansin ang bagay na 'to o kalimutan nalang. Ano namang mapapala ko kung tatanungin ko kay mama kung bakit kakaiba ang picture na iyon? Pero paniguradong hindi ako makakatulog ngayong gabi. Ang daming 'what if' sa utak ko na hindi ko alam kung paano mawawala. Dumapa na lamang ako sa kama at tumitig sa bintana, hindi pa ganoon kadilim sa labas dahil ala-sais palang naman ng hapon. Kinuha ko ang cellphone ko tsaka nag-open ng aking instagram account. Pero mas lalo akong nangamba ng may makitang isang post. "What the fudge..." wika ko sa sarili ko at makita ang post ni Maribelle na kasama si Kion, my boyfriend! Hindi ko alam kung anong ire-react ko, obvious naman na kailangan kong magalit pero tinatamad ako. Gets niyo? Ako din, hindi. Oo, naiinis ako. Bakit? Dahil si Maribelle 'yon. Ang binansagang 'Malandi of the Year'. Halos lahat yata ng lalaki sa school namin ay jinowa na niya, pati ba naman sa school ng boyfriend ko, maghahasik siya ng kalandian? *ting! Biglang nagpop-up ang isang message, galing iyon kay Kion. Walang alinlangan ko iyong binasa at nagulat pa dahil nasa labas daw siya ng bahay. Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana, hinawi ko ang kurtina at nakita ko doon na may naka-paradang motor sa tapat ng gate namin. "Aawayin ko ba siya?" tanong ko sa sarili ko. I mean, ibi-bring up ko ba 'yong post ni Maribelle? Bahala na, kung mag-aaway kami o wala lang ba. Sanay na naman ako eh. "Anak, si Kion yata iyong nasa labas," sabi ni mama ng makita ako. Tumango na lamang ako bilang tugon at nagdire-diretso na sa labas. Hanggang ngayon, may doubt parin ako sa sarili ko kung mahal ko ba talaga si Kion. Alam niyo kung bakit? Dapat galit ako eh, sino ba nama ang matutuwa kapag ang boyfriend mo ay may kasamang babae? Pero bakit ako? Parang wala lang. Hindi ko din alam, siguro dahil alam kong hindi iyon maiiwasan dahil isang campus hearthrob ang nabingwit ko? "Kion..." Dahil nakasandal ng patalikod si Kion ay hindi niya alam na nandito na ako, nagulat pa siya at bahagyang inayos ang helmet niya na nakapatong sa motor. "Uh Seina, busy ka ba?" tanong niya. "Bakit?" tipid na tugon ko. Bakit naman niya tinatanong kung busy ako? "Dinner date tayo." Natigilan ako sa sinabi niya. Date? "Mag-aaral pa ako eh, may test kami bukas."Hindi ko alam kung bakit tumanggi ako. I swear, wala yata ako sa sariling katinuan. Sino bang tatanggi sa isang Kion Castañeda? Syempre, for the first time in the history...ako. "Tulungan nalang kitang mag-review—" "Bakit hindi si Maribelle ang tulungan mo?" Natigilan siya sa sinabi ko. "Ilang babae pa ba ang kailangan kong kalabanin para lang ma-angkin ka ng tuluyan?" Sa totoo lang, lagi akong nakakaramdam ng insecurity, why? Dahil alam kong maraming lumalapit sa kanya at nagbibigay ng kung ano-ano. While me, nasa ibang school ako at konti lang ang time namin sa isa't-isa. Kung bibigyan niyo ako ng isang notebook para ilista ang mga babaeng nakakasalamuha at lumalandi kay Kion, kulang iyon. Kion is my second boyfriend. Sa totoo lang ay nahirapan pa akong tanggapin siya dahil na-trauma na ako sa first experience ko. Pero dahil niligawan niya ako ng anim na buwan, sinagot ko siya dahil nakita ko naman na mabait siya. Nagdududa nga ako sa sarili ko, baka kasi kaya ko siya sinagot ay para maging worth it iyong panliligaw niya. Alam ko naman na malaki ang magkakaiba ng 'gusto' at 'mahal'. "S-seina...birthday kasi niya kaya tinupad ko lang yung request—"Itinaas ko ang kamay ko, senyas iyon na tumigil siya sa pagsasalita. "Fine, request lang din naman ang gusto mo..."Nakita ko na nag-iba ang tingin niya at napalitan ng pagkalito."Cool off muna tayo, that's my request." "What? No!" pagtutol niya. "Why? You'll grant any request right? Tsaka temporary lang naman," sabi ko. Hindi ko alam kung ano bang kabaliwan ang request ko pero gusto ko nalang sumabay sa topak ko. "Seina naman..." "Within one week, kapag kinausap kita, ibig sabihin noon, na-miss kita pero kapag hindi..." Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil alam ko namang alam niya 'yon. Matagal ko na itong gustong gawin, siguro isa na din sa mga paraan para malaman ko kung hahanapin ba siya ng puso ko kapag nawala siya. I'm just 17, alam kong hindi pa final yung nararamdaman ko at pwede pang magbago pero... ...gusto kong malaman kung ano ba talaga si Kion. Just a crush or love? "I understand. Hihintayin kita ng isang linggo..." Bakas sa pananalita niya ang lungkot. "Baka bukas may kasama kang babae ha? Pero okay lang, malay mo may magustuhan ka." Pagbibiro ko. Who knows, may matipuhan siyang ibang girl na mas mahal niya kaysa sa akin. Hindi naman natin maiiwasan iyon, right? "N-no, walang iba Seina...ikaw lang. Promise." Napangiti ako sa sinabi niya. "That's my boy. Keep your promises okay?" Tumango siya at niyakap ako. Kion, he's 6 months younger than me. Noong una ay parang pangit naman tignan na mas matanda ako kaysa sa kanya pero hindi naman nagkakalayo ang edad namin. And our age? Hindi kagaya ng mga kabataan ngayon, we are more matured. Hindi naman ako papayagan ni mama na mag-boyfriend kung alam niyang hindi ko kaya i-handle ang mga problemang kakaharapin ko. Pero kung nandito si papa, paniguradong NBSB ako. "Ingat ka, okay? See you next week." Tama ba 'to? May part din sa puso ko na natatakot dahil baka mainip si Kion at mag-hanap ng iba pero one week lang naman eh. Dito ko na din siguro malalaman kung mahal niya ba talaga ako o props lang sa buhay niya.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
love it
18/08/2023
0excellent
08/07/2023
0good
07/04/2022
0Xem tất cả