logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 5

Humarap at sumimangot ako sa kanya. Tinawanan niya naman ako. Lagi kong pinipigilan ang bibig ko na hindi makapagpalabas ng kung ano na maging dahilan ng pakikipag usap ko sa kanya. Ayoko. Ayokong kausapin siya ngayon.
"Tayo nalang?"
Tumango na lamang ako. Ayokong makipag usap.
"So tayo na?" Tanong niya ulet.
Kinunutan ko sya ng noo saka tumango ulet ako.
"Sure ka jan ah? Tayong dalawa na?"
" Oo nga! Tigas!" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili. Bakit ba paulit ulit. Ang tigas naman ng kukute niya at sa simpleng tango ay hindi niya maintindihan.
Humalakhak siya kasabay taas ng  kamay. Parang nagsurrender.
Napairap ako sa kawalan. Buset.
"Okay okay. So tayong dalawa."
Matamis na ngiti ang ginawad niya sa akin. Kaya inirapan ko siya.  Pinagsisihan ko pa tuloy iyong pag salita ko. Buti nalang hindi na siya nangulet at nagsimula na kami sa pag sagot ng math problems.
Matalino siya sa Math kaya hindi ako nahirapan. Halos siya na nga itong sumagot lahat at ako na lang iyong tiga rewrite para malinis naman tingnan.
Dapat lang na matalino siya 'no?
Nang natapos namin ay siya na ang pinapasa ko sa kay Sir Luna at nang makabalik na ako sa sarili kong upuan.
Nakita niya akong bumalik na sa upuan. Walang ekspressyon ang kanyang mukha. Hinayaan ko na lang siya sa buhay niya at niligpit ko ang mga gamit ko para mag ready sa susunod na sa subject.
Biglang nagdilim sa bandang armchair ko habang nagdodrawing ako ng design sa gilid ng notebook ko. Bumuntong hininga ako saka ko tiningala ang taong humarang sa ilaw dahilan para makain ako ng kanyang anino. Tumaas ang kilay ko sa kanya. Bumuntong hininga siya.
"Bakit ayaw mo'ko kausapin?" Malumanay ang kanyang boses. Saktong marinig ko lamang.
Maingay ang klase. Lumabas na kasi si sir Luna at naghintay nalang kami sa susunod na subject teacher. Nagkarambola ang mga kaklase ko. Nitake advantage ang ang oras para makapg chika sa kani kanilang mga kaibigan.
Tiningnan ko si Jovel at kumuha ng pirasong papel. Saka ako nagsulat doon.
"Ayokong kausap ka. Yun lang"
I know na pambata ang ganito pero ayoko talaga siyang kausapin. Nandidiri parin ako sa nangyari kanina.
Binigay ko iyon sa kanya at binasa niya naman agad iyon. Binalik niya ang kanyang tingin sa akin sabay nagsalita.
"Bakit nga?"
Pahaklit kong kinuha ang papel sa kanyang kamay at nagsulat ulet ng sasabihin ko sa kanya.
"Kasi may germs ang bibig mo. Ayokong mahawa."
Binasa niya ito at nanlaki ang kanyang mga mata. Ningisihan ko siya ng nakakaasar, tumalikod siya sabay tinakpan ang bibig.
"Bad breath, Xel?"
"What? Bobo!" Inis na sigaw ko sabay sa pagkakagulat ko sa kanyang sinabi. Bobo ampota. Akala ko kasi nakuha niya ang ibig kong sabihin na ayokong makipag usap sa kanya dahil nakipaghalikan siya sa kung sino. Kadiri!
"Ano pala?"
"WALA! MAGTOOTHBRUSH KA DUN! SAKA MO'KO KAUSAPIN. MAY GERMS YANG BIBIG MO. GERMS NONG BABAENG KAHALIKAN MO!"
Natahimik ang buong klase sa lakas ng pagsalita ko. Umakto akong walang nangyari at bumalik na sa pag susulat. Nabwesit na talaga ang buhay ko. Pang ilang katangahan ko na ba ito ngayong araw lang?
Naah. Tangina kasi. Ayan!
"Uuuuy~ nagseselos asawa ni Joveneil" kanytaw nila sa amin.
Anong asawa? Nababaliw na ba sila? Ilan nga ulet score nila sa pasulit kanina? Pag tungkol talaga sa landi landi ay ang bibilis nila, pero pag parte na ng klase tameme. Mabagal pa sa pagong. Landi lang kasi ang nasa kukute kaya ayan. Mga bwesit.
"Mga gago!" Singhal ko sa kanila pero mas lalo lang lumakas ang hilyawan. Nawalan ako ng gana sa lahat. Nakakairita.
"Bakit kasi nakipaghalikan sa iba si Jovel. Eh nandyan naman si Alexa. Yieieie" kantyaw ni Julius.
Inaasar nila kaming dalawa kaya mas lalo akong na bwesit. Mas lalo lang nila kaming inaasar. Bahala na nga lang kayo sa buhay niyo.
"Tigilan nyo nga ako." Saway ko sa kanila.
"Jovel! Magtoothbrush ka dun. Makakatikim ka sa commander mo" asar ng kaklase ko sa kanya.
Ngingisi ngisi naman ang malakang kupal. 
"Eto na nga. Maglilinis na. Akala ko talaga bad breath ako e." Sabay tawa niya. Pa kamot kamot pa siya sa batok niya habang lumalabas.
"Ulol" bulong ko sa sarili.
Ayokong inaasar ako lalo na sa mga ganitong bagay. It's kinda childish. At high school na kami, okay? Dapat seryoso na sana kaso mga immature ang mga kaklase ko. Talaga ba naman ganyan ang nasa utak nila kaya camote sila pagdating sa mga aralin.
Okay lang naman pag malandi ka pero dapat naman sana may ibubuga ka kahit konti sa klase, ano? Para hindi ka naman nakakahiya kung sakali.
Nakakaturn off ang mga babae o lalaki na ganyan. Na mas matalino sila sa harutan pero pagdating sa aralin ay....okay hindi nalang ako magsasalita.
Naupo ako sa upuan ko saka napabuntong hininga.
Hindi nawala sa isipan ko kung gaanong gamay ni Jovel ang pagsolve sa math kanina. Medyo mahina kasi ako sa subject na iyon kaya namamangha ako sa nakita kanina.

Bình Luận Sách (15)

  • avatar
    Ma Rhea

    wow ahh grbe

    18d

      0
  • avatar
    MarceloChristina

    How thrilling!

    27/04

      0
  • avatar
    Mark Dave Tarrazona

    wow

    29/03

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất