logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 2

Nilibot ko ang aking paningin sa buong classroom. Naghahanap ng bagong mauupuan. Kaya lang isa nalang ang bakante. Napakamot ako sa ulo ko. Bakit diyan pa no? Umay!
Oo, bakit pa kasi d'yan. Kanina pa ako nayayamot dahil sa lahat ay bakit ba d'yan.
Habang papalapit ako sa kinaroroonan niya ay may naglalarong ngiti sa kanyang labi. Ngumuso ako at yumuko ng kunti para hindi ko makita ang nakakalokong ngiti niya.
Dahan dahan kong nilagay ang mga gamit ko sa katabing upuan ni Jovel. Sumipol sya na mas lalo lang akong nairita. Bakit ko pa kasing naisipang lumipat? Kung alam ko lang sana na sa tabi niya lang ang bakante edi sana hindi ko na lang tinuloy. Saka ampangit naman kung nakakapag excuse na ako saka uurong naman pala. Baka magalit teacher namin kaya pinanindigan ko nalang.
Oh, baka gusto mo nga talagang mapapalapit sa kanya, Alexa?
Hindi no?!  Palapit ka jan. Ayoko sa kanya! Ano ba 'yang pinagsasabi mo?
Akala ko ba crush mo siya?
Crush nga pero..... Ano? Anong crush. Hindu ko siya crush. Gagu.
Hmm, umamim din.
Sinabing hindi, no? Nanliit ang mga mata ko sa aking sariling isipan. Takteng buhay.
Napamura ako sa isipan ko. Tama na konsensiya ko at baka wala akong maisagot mamaya pag may quiz.
So far payapa naman ang bago kong upuan. Nakakapag focus na ako. Parang hangin lang naman siya sa gilid ko kasi hindi ko naman pinapansin. Walang dahilan para pansinin ko siya.
Sa oras ng uwian ay nahuli ulet ako dahil may inayos pa ako sa mga notes ko kanina. Habang busy ako sa pag arrange ng mga iyon ay nasitilian ang mga babae matapos kumidlat at kumulog.
Damnit! Parang uulan pa nga. Hinalughog ko ang buong sulok ng aking bag kung may makita ba akong payong pero WALA!
Lubos talaga pag minamalas ako.
"Ano ba yan ang lakas ng ulan!"
"May bagyo ata?"
"Oo meron dai! Nood naman ng balita minsan wag puro hentai!"
"Halaaaa, yung sinampay ko baka hindi nakuha ni Mama"
Binalewala ko ang mga reklamo ng mga schoolmates ko at sinuksok ang sarili sa waiting area para hintayin tumila ang ulan.
Maglalakad pa ako. Wala pa naman akong payong. Kung magpapaulan ako ay baka mabasa yung mga notebooks at papers ko. Hindi ko pa magamit bukas.
Niyakap ko ang aking bag na nasa harap ko ngayon. Lumalamig na rin.
Kailangan ko pa namang umuwi ng maaga. Baka nakauwi na sina Mama at Papa ngayon at wala pang niluto na pagkain. Alam kong si Kuya nasa gigs niya ulet ngayon.
Bumuntong hininga ako. Kailangan ko ng umuwi talaga. Mag iisang oras na ako dito. Malapit na mag alas sais. Magpapaulan nalang kaya ako?
Tatapak na sana ako sa basang semento ng paaralan ngunit may humawak sa akin. Agad akong napalingon doon.
"Alexa"
"Uh...oh, Jovel?"
Ningitian niya ako saka niya pinakita ang kanyang malaking payong na kulay Pink. Tumaas ang aking kilay sa payong na nilahad niya.
"Uhh ito gamitin mo 'to. Para hindi ka mabasa. Malayo pa yung inyo di ba?"
Nanuyo ang lalamunan ko at nalilito kong tatanggapin ko ba ang offer niya. Napalunok ako.
Ang OA ko naman. Nagmabuting loob lang iyong tao binibigyan ng malisya. Malala na talaga ako. Kakabasa ko ito ng mga romance e. Next time patayan naman babasahin ko ng sa ganon ay may alam alam din ako sa labanan. Hehe. Ang corny ko.
Nabuhayan ako ng tumaas ang kilay ni Jovel sa akin. Hinihintay ang aking sagot sa naging offer niya.
"Hala...ano....eh pano ka? Edi ikaw yung mababasa?"
"Malapit lang naman yung bahay namin e. Pwede akong umuwi kung kelan ko gusto. Kaya gamitin mo na yan baka mabasa ka at magkasakit. Hindi ka pa makapasok bukas. Sige ka"
Ayy kung ganon may saridon naman at iinom lang ako non at charan, mawawala na ang sakit ng ulo at hindi na lalagnatin.
"Seryoso ka? Yung mga kapatid mo?" Kasi nagdadalawang isip talaga ako.
"May sariling payong mga yun" lumingon pa siya sa bandang lugar kung saan ang classroom ng kanyang mga kapatid.
"Naku, sya sige salamat ah. Nakalimutan ko kasi talagang magdala ng payong. Nalimutan ko na tag ulan na pala. Sige sige mauna na ako. Ibabalik ko to bukas. Salamat ulet!"
Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad papalayo. Mahigpit ang hawak ko sa payong na pink. Gusto kong matawa. Bakit pink?
Ay baka nagkataon lang. Hindi naman iyon big deal, okay? Sadyang nabigla lang din ako sa pagpapakita niya ng magandang loob. I didn't expect that, tho.
Tahimik akong napatawa. Mabait naman pala ang kupal na iyon.
Dahil sa lakas ng ulan at hangin ay nabasa parin ang ilang parte ng katawan ko.
Payong lang naman kasi at hindi ko naman pwedeng kalabanin ang ulan at malakas talaga siya.
Tumutulo ang uniform ko nang dumating ako sa bahay. Sinalubong agad ako ni Mama ng tuwalya.
"Sa susunod kasi magdala ka ng raincoat saka payong nang sa ganon ay hindi ka mababasa. Oh tignan mo sobrang basa mo na. Magkakasakit ka na niyan. Ambilis bilis mo pa naman magkasakit. Ikaw talagang bata ka, hindi na nadadala"
Wow...nakakatouch naman itong si Mama. Ang dami ng sinasabi.
Napanguso nalang ako saka mabilis na naligo.

Bình Luận Sách (15)

  • avatar
    Ma Rhea

    wow ahh grbe

    18d

      0
  • avatar
    MarceloChristina

    How thrilling!

    27/04

      0
  • avatar
    Mark Dave Tarrazona

    wow

    29/03

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất