logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

06 : Flowers

Napabuga ako ng hangin nang makita ko ang sampung estudyante ko sa likod ng mga bakal na kulungan. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang reaksyon habang magkakahiwalay na nakaupo sa sahig. Most of them are bored and some are even actually enjoying the area. Napapailing na lang ako habang tinitingnan sila.
"Ms. Danshel?" bigla ay lumapit sa amin ang isang pulis. "Mga estudyante mo ho ba ang mga batang ito?"
Kaagad naman akong napatango sa tanong ng pulis sa akin. Mabilis ko pang muling sinimplehan ng tingin ang mga estudyante ko.
"They are." 
"Good then. Kayo po ang una kong kinontak sapagkat walang immediate family ang lahat ng estudyante mo. No guardians and they told me you are the only one they know. But then they did so much trouble. Nasunog ang isang zoo killing all the exotic and rare animals inside. Kailangan pa po nating makipag-usap sa may-ari ng zoo to what we can do about the incident. They've caused a major fire including a rental building and a hotel. Nagtresspass din sila sa isang government property---"
"I'll pay for the damages." Putol ni Harold saka hinarap ang pulis na kausap namin. "Let them go."
Nag-aalangan ang pulis nang tumingin kay Harold. Napabuntong-hininga naman ako lalo.
"But sir the damages costs millions. Are you sure---"
"Are you deaf?" asik ni Harold sa kaniya.
Maya-maya pa ay tumango naman ang pulis. Nag-aalalangan pa ito kung ano ang irereact sa inasal ni Harold. Mas lalo tuloy akong napabuntong-hininga.
"Okay po. Kailangan ko lang po kayong makausap para masettle na lahat. This way po."
Tiningnan muna ako ni Harold bago ito sumama sa pulis. Napamura naman kaagad ako saka sinamaan ko ng tingin ang direksyon ng mga estudyante ko. Queenzlette, Depp, and Joker even smiled at me while Kris waved a little.
May lakas pa talaga sila ng loob? Tss.
Anong ginawa nila para makulong sa headquarters ng mga normal na pulis? I can't believe I'm seeing this. I can't believe I am here getting them out of jail. They are not normal people. Isang kisapmata lang ay kayang-kaya nilang takasan ang mga nagawa nila and not even bother me to get them out of jail.
Nakailang mura muna ako bago makalapit sa kanila. Napahawak pa ako sa bakal at isa-isang tiningnan silang lahat. My baby won't like this if she knows about this thing in the future. Tiningnan ko muna sila nang hindi makapaniwala bago ako magsalita. Napapangiti pa nga ako nang mapakla dahil sa mga tinging ipinupukol nila sa akin.
"I can't believe you are gifted with such abilities but it didn't come along with brains on how to use it. What a mess." Asik ko sa kanila. "You could at least use your abilities not to get caught if you caused too much ruckus! You can get out of that fucking place when there are stupid human police officers."
"Professor Dana, didn't you tell us not to use our abilities to harm anyone again? It's you who sent us the rules. It's you that made us become official criminals. Ikaw ang dahilan kung bakit narito kami at na---"
"So, kasalanan ko?"
"Opo." mabilis na sambit ni Loro. "You said we can't abuse our powers."
"I appreciate the opo but Loro you could have at least used your gift to know that the police are going to handcuff you."
"Fine."
Katahimikan ang namayani sandali sa kabuuan ng kulungan. Ang mga ilang nakakarinig ay naguguluhan sa mga sinasabi ko pati na rin sa nagaganap na usapan namin. Ang ilan nga ay tinitingnan kami nang hindi kaakit-akit. Animo ba ay kaagad kaming kinikilatis.
"It's not even half an hour have passed yet and then you'll end up getting jailed? Wow. Stupid peculiars."
Napapailing na lang ako habang sinusubukang kumalma sa sitwasyon. Muli ko pa silang pinasadahan ng tingin isa-isa.
"Come out. Umuwi na kayo."
Naunang kumilos si Joker pagkatapos ng sinabi ko. Hinawakan niya ang pinto ng kulungan kung saan naroroon ang key hole. Isinalpak niya ang kaniyang daliri roon at ilang mahinang pagpitik ng mga bakal ang narinig namin bago bumukas ang pinto.
"Finally."
Nauna na ring lumabas si Joker kasunod ang ilan. Maya-maya ang dumating na rin sina Harold papabalik kasama ang pulis. Iwinawagayway pa nga nito ang susi sa ere at nang makita kami ay napanganga ito.
"H-heto po ang s-susi." nauutal niyang sambit habang hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang nasasaksihan.
Nagtataka ang tingin niya habang lumalabas isa-isa ang mga estudyante ko sa kulungan. Hindi siya makapaniwala hanggang ngayon.
"I hope you get a good afternoon, sir." sambit ni Harold sa pulis.
Nakita namin ang bahagyang pagtapik ni Harold sa likod ng pulis saka ang ngiti nito. Sandali lang iyon saka mabilis nang tumingin sa akin.
"Let's go, Mrs. Park." Sambit nito saka tumingin pa sa mga estudyante ko. "Go home, kids. There will be no classes for now. Professor Dana needs rest."
Hindi na niya ako binigyang muli ng pagkakataong makausap ang mga estudyante ko saka hinawakan na niya ang aking kamay. Marahan niya akong inaya papalabas ng headquarters at isinakay na sa kotse niya. Sinuotan niya rin ako ng seatbelt saka pinaandar na ang kotse.
"They are my students, not yours. You don't have the right to tell me what I should do with them or what I'll say to them." Sambit ko.
"Oh, that's a rude way of saying thank you after I paid for their mess and driving you all the way here." mahinahon niyang sambit na natatawa pa.
Imbes na pansinin ko siya ay sinilip ko na lang ng pasimple ang mga estudyante kong naiwan sa labas ng headquarters. All of them have different reactions to what happened. Hindi ko alam ngayon kung ano ang isusunod nilang gawin. Ayon sa nakikita ko, they failed their first quiz and I don't know kung uuwi na ba sila o ipagpapatuloy ang ginagawa.
"Mrs. Park, huwag mong masyadong abusuhin ang katawan mo. Buntis ka. Pregnant women needs rest. You shouldn't be handling those students now. You should be focusing yourself to become a mother kasi araw na lang ang bibilangin at manganganak ka na. You don't want your child to be like them in the future---"
"What's wrong about being like them, Harold?"
"Everything."
"I was once like them. You were once like them." Napatingin na ako sa kaniya sa pagkakataong ito. "Wala tayong pinagkaiba sa kanila. They all have their reasons, too. They all have emotions."
Naitigil ni Harold ang kotse dahil sa sinabi ko. Napatingin siya sa akin na para bang mali ang naririnig niyang mga salita mula sa akin. He even cussed this time.
"Mrs. Park, let's get everything straight, okay? You're a mother now. Iyong mga ginagawa mo noon hindi mo na pwedeng gawin ngayon. Exposing yourself to dangers and stress like that won't be no good for the child---"
"Hindi pa man nabubuo ang anak ko, she's already in danger."
"But this is fucking serious, Mrs. Park! Marami ang nagbabanta sa anak ninyo. Marami ang may ayaw sa pagkakabuo niyan and you being stubborn as hell, it won't help. Mrs. Park, even the untamed peculiars won't want a connection with all of us. Hindi mo ba naiisip? It's just a matter of time. They won't stay still knowing that there would be a living proof that will connect their race to us."
"You are right. Marami ngang nagbabanta sa anak ko. I received that fucking flower again at ni wala akong clue kung sino ang nagpapadala noon sa akin inside my fucking room. Alam mo iyong ipinagtataka ko? If that sender wants me or my child to die, it can kill me while I am asleep instead of just putting that darn flower in my room. Harold, I am not that stupid."
"Hindi nga iyon ang ka--"
"Ihatid mo na ako sa bahay. Ayaw ko nang makipagtalo. Pagod na ako."
Wala nang nagawa si Harold sa sinabi ko kung hindi ang ipagpatuloy na lang ang pagmamaneho niya. Hindi na rin niya ipinilit pa sa akin ang mga gusto niyang sabihin ngayon sapagkat alam niyang hindi rin siya mananalo sa akin.
Tahimik kaming dalawa habang nasa biyahe. Hindi na siya nag-imik pa na mas nakatahimik sa mundo namin. Nakatingin lang ako sa daan habang umaandar ang sasakyan. Dinala naman niya ako sa bahay nang matiwasay. Matapos iyon ay pinauwi ko na rin siya kakaagad. He didn't even say a word bago siya umalis. Pagkaupo na pagkaupo ko naman sa kama ay kaagad akong napamura.
What's with everyone today?
Bibigyan ba talaga nila ako ng sakit sa ulo? Tangina. I've been in so much headaches lately. Bakit ayaw pa rin akong tigilan?
Napabuntong-hininga na rin ako. Mabilis na nakaayos ng pagkakahiga saka tinitigan ang kisame habang hinihimas ang tiyan ko. Hindi ko sigurado kung makakatulog ako ngunit pipilitin ko.
"You saw your father, right baby?" Kinakausap ko ngayon ang umbok ng tiyan ko. Napapangiti pa at maya-maya ay naluluha na. "I do hope he's okay."
~~~~
Mga pagtapak ng paa ang naririnig ko. Hindi mula sa marami ngunit sa iisang lalaki lamang. Isang pares ng pamilyar na paa ang naglalakad papalayo sa akin. Naglalakad ito sa gitna ng mga puting buhangin papalapit sa isang pares rin ng mga paang pamilyar din sa akin.
Harold?
"You're here--"
"Bes! Bes! Labas ka na dali!"
Napabalikwas ako ng bangon sa boses na iyon. Ilang sunod-sunod na pagkatok pa ang sumunod kong narinig saka ang boses ni Jaya. Napamura naman ako. Kaagad kong nahimas ang tiyan ko at napangiti.
"Good morning, love." sambit ko.
"Bes, tangina! Alas diyes na!" Sigaw ni Jaya sa labas.
Sinamaan ko naman ng tingin ang pintuan kung saan nasa kabila noon si Jaya. Kahit hindi ko nakikita ang hitsura niya ay alam na alam kong inis na inis na ito lalo na at nagmumura na ito.
"You have to see this---"
"Oo na! Lalabas na letse ka!" Hiyaw ko.
Umayos naman na ako ng pagkakatayo. Doon ko lang napansin ang bukas na bintana pati na rin ang gumagalaw pang kurtina. Napakunot-noo ako.
Someone was here.
Hindi ko na lang pinansin iyon saka kakaagad na lumabas para puntahan si Jaya. I shouldn't have given them spare keys para hindi sila makapasok ng bahay ko nang basta-basta. Nakabusangot siya nang makita ako at pagbuksan ko siya ng pinto. Kaagad naman akong napamura sa hawak-hawak niyang maliit na paso kung saan makikita ang isang itim na bulaklak.
"How---"
"Creepy, right?" She laughed nervously. "You received flowers like this every month for seven months straight. Nakita ko 'to sa pinto bago ako magbukas. Bakit late yata ngayo---"
"No." Kaagad kong inagaw kay Jaya ang paso. "May nakuha na ako kahapon. This is the second time this month. Weird."
Napaisip naman si Jaya. Mabilis akong pumasok sa kuwarto saka kinuha ang kaparehong paso na nakuha ni Jaya ngayon.
"This never happened before." Si Jaya ang nagsalita at nakasunod na pala sa akin. "What is really happening?"
Napamura na lang ako sa iniisip. Inilapag ko na rin ang isa pang paso saka naupo na sa kama. Bumuntong-hininga na rin ako. Nagkakatinginan kami ni Jaya habang walang maisip na gagawin sa ngayon.
"Wala ka bang pasok?" asik ko na lang sa kaniya. "Bakit ke-aga-aga ay nandito ka sa bahay ko?"
"Tss. May pasok ako. Kakadismiss ko lang ng klase ko ay dito na ako dumiretso ng punta. I felt like natutulog ka na naman ng sobra-sobra and I am right. Sabi rin kasi ni Harold bisitahin kita para mapanatag ang loob niya. Don't worry, bukas si Lala naman ang nandito."
"Papasok ako bukas. Sinong may sabing hindi?"
"Kaming tatlo. Bakit?" Napapataas ang kilay ni Jaya habang tinitingnan ako. Animo ba ay sasabunutan niya pa nga ako ngayon ngunit pabiro lang. "This is not for you, bes. Kung inaakala mong concerned kami sa iyo, ulol ka. Hindi sa'yo, okay? Sa baby kami concerned hindi sa iyo. Kapal naman ng mukha mo."
"Whatever."
"Tss. Labas ka na. May dala akong pagkain."
Nauna nang lumabas si Jaya at ni hindi na ako hinintay. Malamang ay pupunta na iyon sa kusina para ihanda ang mga dala niyang pagkain. Ako naman ay naiwan sa kwartong nagbabalik-balik ang tingin sa itim na bulaklak at bukas na bintana.
Two people was here.
Isa ang dumaan sa bintana ko at isa ang naglagay ng bulaklak sa may pinto. Napamura na lang muli ako bago mag-ayos ng sarili. Iniiwasan kong mag-isip na naman ng mga negatibo ngunit hindi ko talaga magawa. Then suddenly, what Harold said came to my mind again.
"They won't stay still knowing that there would be a living proof that will connect their race to us."
"No way,"

Bình Luận Sách (75)

  • avatar
    Leemen Hoo

    high

    16d

      0
  • avatar
    Patrick Chavez

    papa

    25d

      0
  • avatar
    Ren Mahusay

    good excellent

    02/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất