logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

Chapter 5
"Mommy bakit ka andito?" Pinagbuksan ko nang pinto si Mommy nang kumatok siya.
Mabuti na lang at tapos na ako maligo kaya desente na akong tingnan.
"Kakain na tayo, tara na." Nag aalangan pa si Mommy na sabihan ako dahil baka natatakot siya na mag freak out ako katulad ng una.
Tumango ako dito na bahagyang ikinagulat at ikinalaki nang mata niya.
Umakbay na ako sa Mommy ko at ako pa mismo ang humila sa kanya.
"Aba! Nasa good mood yata ang baby girl namin 'ah?" Ngi-ngiti ngiting saad nito na nagpapatianod lang sa akin.
"Ang ganda ganda mo talaga Mommy! Halatang nagmana ako sayo." Humagikhik ako sa sobrang tuwa dahil nagagandahan talaga ako sa kanila ni Ate Allison.
Sa aming tatlo, si Mommy Madison at si Ate Allison ang pinakamagkamukha. Nagtataka nga ako dahil napakalayo nang mukha ko sa kanilang dalawa. Even kay Daddy, hindi ko rin kamukha.
Naglaho ang nakangiting mukha ni Mommy at napalitan nang lungkot at kaba, kaya nag alala ako.
"Mommy, bakit nag iba mood mo?" Tinanggal ko na ang pagkaka akbay sa kanya at hinarap siya, tumigil muna kami sa hallway na wala masyadong dumadaan. Lunch na kasi.
"Wa-wala, ang ganda ganda mo kasi." Mommy said kaya napangiti na lang ako at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad papunta sa isang resto.
Nagtataka ako kung bakit hindi na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mukhang ang lalim ng iniisip niya.
Nakatitig lang ako kay Mommy habang naglalakad kami, "uhm, sanay ka na ba dito?" Kandaugaga si Mommy sa pagsasalita kaya napapatawa na lang ako.
Actually, kay mommy o kaya sa sahig lang ako tumitingin sa tuwing naglalakad kami. I don't want to mind others, mahihirapan at ako lang ang matatakot.
"Honestly, i am trying  my best to not to be afraid." Pagsasabi ko nang totoo.
"Don't worry, nandito lang kami saiyo, sumusuporta." Hinawakan na ni Mommy ang kamay ko hanggang sa makarating na kami sa seafood restaurant.
Nakapag order na pala si Ate Allison nang mga seafood dish. Nauna kasi siyang pumunta dito.
Nilanghap ko ang mga pagkain sa harapan ko, nang makarating kami sa table namin. Merong shrimp, crubs, seashell, grilled bangus, adobong pusit and may iba pa na hindi ko na mapangalanan. Natatakam na akong kumain.
Umupo ako sa tapat ng lamesang pang apat. Nasa harap ko ang magkatabing si Mommy at si Ate Allison.
Kumuha ako ng seashell dahil ang cute nitong tingnan, tahong yata tawag 'dyan? Nilagay ko na ito sa plato at sinamahan ko pa ng shrimp.
Isusubo ko na dapat ang hipon nang pigilan ako ni Ate, "hep hep! Pray first before anything else." Napapeace sign na lang ako sa kaharap ko at napatawa nang mahina.
"Oh! Sorry, i forgot. hehe!" Pinagsalikop ko na ang palad ko at si Mommy ang naglead ng prayer.
"Always remember to pray first before everything. He is the one who gave us a lot of blessing. So, be thankful!" Pangaral ni Mommy.
Nakasanayan na namin na kapag kumakain sa hapag kainan ay nagdarasal. Nagugutom lang talaga ako kanina kaya nakalimutan ko.
Matapos namin magdasal ay nagsimula na kaming kumain.
"Excited na akong makita kang pumasok sa isang unibersidad, Shanna." Kinain ko ang laman ng shell bago magsalita ay nilunok at nginuya ko muna nang mabuti.
"Excited na rin po akong makakita ng new environment." Saad ko
"After 11 months, Allison will be finally graduating." Napansin ko sa tono nang pananalita ni Mommy na parang may ipinapahiwatig siya.
After 11 months magpopropose na si Kuya Jackson. That's why excited si Mommy sa graduation dahil finally... May anak na siyang ikakasal.
"Mommy, mas excited ka pa saakin. Ang tagal pa!" Ani ni Ate na nakapout na ngayon.
"Ihhh! Naman kasi 'eh! Hindi na kasi ako mahihirapan at makakapagretired na ako sa kompanya." Saad naman ni Mommy.
Pinakatitigan ko ang usapan nilang mag ina. Sobrang close nila at sobrang magkamukhang magkamukha. Ampon siguro ako?
Hindi naman siguro 'no? Iba lang siguro talaga ang itsura ko sa kanilang dalawa.
Maputi si Mommy Madison at ang sabi niya half german daw siya kaya mestiza silang dalawa ni Ate Allison. 44 pa lang si Mommy at sobrang ganda pa rin. Walang kupas! Si Ate Allison ang younger self niya.
May pagkamorena ako, at singkit rin ang mata ko, maliit ang ilong at straight eyebrows, 5.6 ang height ko. At nasa 5.4 ang height ni Ate Allison.
Alam kong may ibig sabihin ang sinabi ni Mommy dahil hindi na rin siya makapaghintay na magpropose si Kuya Jackson kay Ate Allison. Hindi ni Mommy alam na narinig ko ang usapan nila ni Kuya Jack. Hihihi!
Nagpatuloy na ako sa pagkain ko ng seafood habang nakikinig sa kulitan ng mag ina.
"Shanna, bakit may pantal ka sa leeg?" Naningkit ang mata ni Ate Allison at itinuro pa ang leeg ko gamit ang hintuturo niya.
"Ha?" Kinapa ko ang leeg ko at bigla ko na lang kinamot ito dahil nangangati na.
Bakit ang kati? Tapos parang nahihirapan akong huminga. Marami siguro ako nakain tapos hindi pa ako umiinom ng tubig.
Kinamot ko na rin pati ang braso ko at may nakita rin akong mapupulang pantal. Ang rami!
Sobrang kati nang katawan ko pati yata ng mukha ko ay nangangati. My body is full of red circles. It's so itchy!
"Oh my gosh! May allergy ka sa seafoods?" Biglang tumayo si Ate Allison at hindi magkandaugaga sa paglapit saakin. Ganun na din si Mommy.
"Oh my! Let's go to the clinic."natataranta na rin si Mommy at inalalayan akong makatayo.
Nahihirapan na akong huminga, sa bawat pag-exhale ko ay siyang pagbagal ng hininga ko. Bumibigat ang talukap ng mga mata ko at bigla na lang nagdilim ang paningin ko.
Bago ako mawalan ng malay ay may sumalo sa akin mula sa pagbagsak.
...
Nagising ako at puting kisame ang unang tumambad saakin.
Pinilit kong tumayo kahit masama pa ang pakiramdam ko. May katabing  dextrose ang kama kaya kinuha ko iyon upang maging gabay ko sa pagtayo. Walang tao sa puting kwarto at puro gamot ang nasa table.
Nasa hospital yata ako. Bigla na lang ako nahimatay dahil sa paghirap sa paghinga.
Nang isinuot ko na ang slippers ko ay sakto namang bumukas ang pinto at pumasok dito ang babaeng naka uniporme na pang nurse.
"Ma'am inom po muna kayo nang gamot niyo." Nakangiting saad ng nurse na mukhang mas matanda lang saakin ng ilang taon. Lumapit siya sa side table at inilagay dun ang isang basong tubig at ang gamot.
Binuksan niya ang gamot at binigay saakin ang isang pirasong tableta, kinuha ko iyon. Inabot niya rin ang isang basong tubig at kinuha ko rin ito.
"Salamat. Anong nangyari?" Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, "nasaan sila Mommy?"
Umupo ako sa gilid ng kama at ininom ang binigay niyang gamot.
"Ahh, nandoon po sila sa may nurse station, nagbabayad po ng bill niyo." Tumango ako dahil sa sinabi niya.
"Ano bang nangyari saakin?"
"Isinugod po kayo dito ni Sir, wala po kayong malay at namamantal po ang balat niyo. Allergy po kayo sa kinain niyo na seafood at naparami ang kain niyo kaya lumala." Paliwanag nito na nakatayo lang sa harap ko.
Mukhang tapos na siya sa ginagawa niya dito at sinasagot na lang ang tanong ko.
Bakit may allergy ako sa seafood? Bakit hindi saakin pinaalala nila Mommy na may allergy pala ako dun?
"S-sir?" Nagtataka ako dahil isinugod daw ako dito ng sir.
"Si Sir Hanz po ang nagsugod sainyo dito." Sagot nito sa tanong ko.
"Sino si Hanz?"
"Hindi ko rin po kilala dahil narinig ko lang po sa mga kasamahan ko. Pero narinig ko po na isang turista din po dito sa bayan namin."
Aba'y chismosa rin pala ang nurse na ito 'no? Pero mabuti na yun dahil sinagot niya ang tanong ko.
"Salamat." Ngumiti ako sa nurse na nasa harap ko at ngumiti din siya saakin. Nagpaalam na siyang lalabas kaya tumango ako.
Ang hanz ba na iyon ang sumalo sa akin kanina mula sa pagkakatumba?
Ilang minuto pa ang lumipas at may bumukas na naman ng pinto. Iniluwal nito si Mommy na may dalang paper bag at si Ate Allison.
Mabilis silang lumapit saakin nang makitang gising na ako.
"Thank God your awake!"Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy pati na rin ni Ate.
Narinig ko pa ang pag iyak ni Mommy sa balikat ko, umiiyak na rin si Ate.
Kumalas na sila sa yakap at tiningnan ako nang mabuti.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Magsabi ka lang." Aligagang palingon lingon si Mommy sa kabuoan ko.
"I'm fine." Malumanay kong saad.
"May allergy ka pala hindi mo sinabi saakin." Bulong ni Mommy na narinig ko rin naman.
Bakit hindi nila alam kung may allergy ba ako o wala? Bakit parang wala silang alam tungkol saakin, na dapat ay alam ng pamilya.
"Hindi niyo ba alam na may allergy ako?" Tumingin ako sa kanilang dalawa at mukhang natauhan sila.
Nagbago ang itsura nila at mukhang natatakot sa kung anuman ang lalabas sa bibig nila. Pinagpapawisan na rin sila.
"Ah nakalimutan namin na may allergy k-ka pala sa seafood. Matagal na kasi simula nang huli kang kumain ka ng seafood, bata ka pa." Nauutal na paliwanag ni Mommy na nilalakumos na ang palad.
Nagdududa pa rin ako, ngunit mas pinili ko na lamang manahimik.
"I'm sorry, kasalanan ko. Nagpumilit pa kasi ako kumain sa seafood restaurant." Nakayuko na ngayon si Ate Allison at umiiyak na.
"Ate naman! Shh, wala kang kasalanan. Walang may kasalanan." Niyakap ko na silang dalawa.
"Sino pala nagdala saakin dito?" Tanong ko nang maalala ko ang sinabi kanina ng nurse.
"Hindi ko kilala, nang madala ka niya dito ay umalis na siya." Ani Ate Allison
Tumango tango ako. Sino kaya ang lalaking iyon?
Alanganing ngumiti saakin si Mommy at si Ate Allison na halata pa rin sa mga mukha ang kaba.
Madaling araw na ngayon kaya naman naisipan namin na ididischarge na ako mamayang umaga.
...
DALAWANG ARAW na ako nandito sa loob ng kwarto ko dito sa resort. Simula nang mangyari ang insidente at madala ako sa hospital dahil nagka allergy ako. Hindi ko na sinubukan pang lumabas. Natatakot ako na kapag lumabas ulit ako ay maging sagabal na naman ako kila Mommy.
Wala akong alam tungkol sa sarili ko. I don't even know what personality i have before. I don't know my dislikes and likes. Hindi ko alam kung ano pang pwedeng makapag pahamak saakin at sa pamilya ko dahil lang wala akong alam sa lahat.
Kung may Allergy pa ba ako sa ibang pagkain? Flowers, anything? Msy iba pa ba akong sakit? Asthma? May iba pa ba akong kinatatakutan? Maliban sa phobia kong ito?
Para akong bulag. Para akong may kapansanan. Para akong naglalakad sa madilim na lugar na walang kahit anong sign kung saan dapat pumunta. I am doomed! I am such a burden!
I heard the conversation of Ate and Mommy. They talking about my bill last day.
Ang sabi ni Mommy umutang daw siya kay Tito Ariel para sa pambayad sa bill ko sa hospital. Ang dala nilang budget ngayon ay sakto lang para sa 2 weeks naming bakasyon.
3 days pa lang kami dito ngunit puro pahamak na ang dala ko sa kanila. I saw how Mommy's face in trouble that time. Hindi kami mayaman kaya alam kong paminsan minsan ay kapos rin kami sa pera.
Sa tuwing inaaya nila akong lumabas ay tumatanggi na lang ako dahil baka ano na naman ang gawin ko. Hindi na nila ako pinilit at halata pa rin ang lungkot sa mukha nila.
Ako ang dahilan ng lungkot nila. Ako ang dahilan kung bakit sila nahihirapan ngayon. Pwede na ba akong umalis? Pwede na ba akong mawala.
I can't stand to be with them if all i caused them is pain. I am a trash! A burden!
Pumangalumbaba na lamang ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga taong nagpapakasaya kasama ang kanya kanyang pamilya, kaibigan.
Napapangiti na lamang ako dahil sa sobrang ganda ng tanawin mula dito. Hindi man ito ang may pinakamagandang view sa resort na ito. Atleast i have to see this beautiful sunset.
Hapon na ngayon at ang araw ay lumilisan na. Nagrereflect ang araw sa karagatan at kay gandang pagmasdan. Kulay kahel na ang kalangitan.
Sobrang ganda ng papalubog na araw. Gusto ko itong pagmasdan na maglaho.
I stand up and decided to go outside. Isinuot ko na ang tsinelas ko at lumabas na nang kwarto.
Nakasuot ako ng black jumpsuite at naglakad na sa hallway ng resort. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng resort na ito. Tsk!
Unti na lang ang tao pagkalabas ko ng resort. Ang iba ay naghahanda nang umalis sa tubig at ang iba ay naglalakad lakad na lang. Ngunit ang karamihan ay nakita ko sa mga resto dito.
Nasa loob ng kwarto nila si Mommy at si Ate Allison. Nag island hop sila kanina kaya napagod yata. Hindi na ako nakapagpaalam.
Naglakad lakad ako sa gilid ng dalam pasigan at sa buhangin lang ako nakatingin.
Gusto kong magpahangin at maglakad lakad dito, tutal unti lang ang tao.
Lumingon ako kung saan ako nanggaling at napansin ko na medyo malayo na ako sa resort.
May malaking resort rin ang nakatayo ngayon sa harap ko.
'Amour de gracias'
Mas malaki ito kesa sa mga resorts na nadaanan ko. Siguro ay mayayaman talaga ang mga nagbabakasyon dito.
Sa labas pa lang ay sobrang laki nang tingnan. Paano pa kaya sa loob? Sobrang ganda rin ng design nito at parang palasyo theme ito.
Nilingon ko ang dagat. Humakbang ako sa direksyon ng dagat at parang gusto kong maligo doon. Walang nang tao dito dahil lahat ay nasa loob na ng resort na iyan.
Nang hanggang bewang ko na ang tubig ay tumigil na ako sa paghakbang. Lumulutang ang suot kong dress kaya naman pinapalubog ko ito. Haysst! Wala sa plano kong maligo sa dagat pero here i am.
Nilubog ko ang buo kong katawan sa dagat at ikinalma ang lahat ng bigat na aking nararamdaman. Gusto ko muna magpahinga kahit sandali lang.
"Ate! Ate tama na HAHAHAHA! Ang lalaki na ng alon." Natatawang saad ng batang babaeng kasama ko.
Tinalsikan ko siya ng tubig dagat sa mukha at inakbayan. Sabay kaming lumubog dahil akbay ko siya. Pag ahon namin ay tumatawa ako sa reaksyon niya.
Mukhang nakainom siya ng tubig dagat. Hihi
Nagtalsikan pa kami ng tubig sa isa't isa.
"Ate Shanna, tara na umuwi na tayo. Tinatawag na tayo ni Lola, mangunguha pa tayo ng kamote sa bundok." Umahon na kami sa dagat at isinuot na ang tsinelas na sira sira na.
"Sana sa susunod makaligo na rin tayo sa swimming pool." Usal ko habang inaayos ang napigtas na tsinelas ng aking kapatid.
Haysst! Nasira na naman ang tsinelas niya. Gusto ko siyang bilhan ng bagong tsinelas para hindi na siya magtyaga dito.
"Wag kang mag aalala. Darating iyan sa tamang panahon. Sa ngayon, kailangan na natin pumunta sa bundok." Pagkatapos kong maayos ang tsinelas niya ay lumakad na kami.
Natanaw ko na ang bahay namin sa hindi kalayuan at isa lamang itong kubo. May kasamang lalaki si Lola.
Nang makalapit kami sa kanila ay nagmano kami kay Lola. Tumingin ako sa kasama niya. Biglang nanlamig ang buong katawan ko ng ngumisi siya saakin. Dahilan upang maglaho ang lahat at naging madilim na.

Bình Luận Sách (5)

  • avatar
    Cyrus Kim Daliva

    wow

    04/07

      0
  • avatar
    Rexie Benjamin

    Nakakakilabot at kwento at naaawa ako sa babae na gusto pang mabuhay, ang tiyuhin nya ay sobrang sama at nagawa nya iyon sa sarili niyang pamangkin, nakakakilabot ang kwento na parang nangyayari sa totoong buhay

    02/01

      0
  • avatar
    Elijah Monterde

    this is so nice

    07/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất