Halos matawa na lang ako nang matagpuan ko ang sarili ko sa labas ng opisina ni Phoenix. Woah, mukhang balak ni Papa ay araw-arawin ko ang pagpunta rito, ha! Bumuntong hininga ako bago buksan ang pinto. Nang magtama ang mga mata namin ay agad kong napansin ang pagsalubong ng kilay niya. I shrugged my shoulders as I continued walking. Ang ganda naman ng pagbungad niya sa akin! "Yes, Mr. Agustin. I will take a look on your proposal..." May iba pa siyang sinabi sa kausap niya sa telepono pero hindi ko na 'yon pinansin at diretso akong sumalampak sa sofa. Ang dala-dala kong paper bag ay ipinatong ko sa lamesa. Kung uuwi naman ako ay nag-aksaya lang ako ng gas? Wala na nga akong pera gano'n pa ang gagawin ko. Dapat sulitin ko na lang din ang pagpunta ko rito, ano! I raised my eyebrows just like what he did earlier. Mas lalong kumunot ang noo niya pero patuloy pa rin ito sa pakikipag-usap sa telepono. Malambing ko siyang nginitian bago alisin ang mga tingin sa kaniya. Bahala siya mainis sa akin! "What the hell?!" salubong ni Phoenix pagbaba na pagbaba niya sa tawag niya. "Who said that you're welcome in my office, at ginawa mo ng tambayan 'to?" Umayos ako ng upo at mapaglarong binalingan siya ng tingin. "Kung hindi naman pala ako welcome bakit hindi mo ako i-ban sa office mo?" I asked. He pulled his necktie to loosen it. "Kapag pumupunta naman ako hindi naman ako hinaharang ng secretary mo, 'no!" Dugtong ko pa. Kung gusto niya i-ban niya pa ako sa buong building na 'to nang may maidahilan ako kay Papa. Edi mas payapa ang buhay naming dalawa. Hinilot niya ang sintido niya at malakas na nagpakawala ng buntong hininga. Pero maya-maya ay humalakhak siya. "What else should I expect? Wala ka ring kinaibahan sa ibang babae. All of you want my attention." He smirked at me. Nanliit ang mga mata ko at pilit na tinatakpan ng sarkastikong tawa ang inis ko. "Yeah, I want your attention, Sir," I said as I gave him a sweet smile. Ang yabang! Ano, gwapong gwapo na ba sa sarili? Eh, kung titingnan mas gwapo pa nga si Dimitri sa kaniya, eh! Madali kong inayos ang sarili ko at tumayo na. Kinuha ko ang paper bag na naglalaman ng pagkain at mabilis na lumapit sa kaniya. "So, expect me to be here tomorrow and the next other day. Here's your lunch that my father gave. Pero kung ayaw mo niyan, pwedeng-pwede mo naman itapon." Inilapag ko sa harap niya ito at bago pa ako tuluyang talikuran siya ay kumaway muna ako. At talagang iniisip kong makakatagal ako sa ugali nito? Tss, ugali niya patapon. Hindi dahil mayroon siya ng lahat ng bagay ay ipagmamayabang niya na, ano! Ano pa nga ba ang gagawin ko? Edi sabayan siya. Mas lalo ko siyang iinisin para lang may pagkaabalahan ako. Oo, ginagamit ko siya, pero at least hindi gaya ng iniisip niya. Na ang tanging gusto ko ay ang pera at yaman nila. Si Papa ang may gusto no'n, at hindi ako. Nang makaalis ako sa kumpanya nila ay hinayaan kong ubusin ang oras ko sa labas hanggang sa maghating gabi na. I really don't want to see Papa today. Kinabukasan ay tili ni Celyn ang gumising sa akin. "What the fuck?! Tigilan mo ako! Alis!" I shouted. Hindi pa man siya nakakapasok sa kwarto ko pero amoy na amoy ko na ang kaniyang matapang na pabango. Kaya nakakairita 'to kasama, eh! Ang sasakit sa ilong ng pabango. "Wake up, Alliesha! Come on, open this door!" Tili niya na hindi ko pinansin. Kinuha ko ang kumot ko at mas itinaklob pa iyon sa katawan ko. It's just fucking six in the morning! Ang aga-aga pa! "Papa! Alli won't listen to me!" rinig kong sigaw pa niya bago lamunin ng katahimikan ang labas. Ang akala ko ay payapa na ako ngunit wala pang minuto ang lumilipas nang marinig ko ang mga tunog ng susi. Mayamaya pa ay naramdaman ko ang paghila ng kumot sa aking katawan. "What the fuck, Alli?! You're not a fucking teenager para pilitin pang bumangon!" Hinayaan ko siyang kunin ang kumot at nanatiling nakapikit ang aking mata. Kung ano-ano ang pinagsasabi niya sa patili na boses, nang hindi ko na nakayanan ay padabog akong bumangon. "Punyeta! Ito, tatayo na. Tigilan mo na ako!" I shouted to her as I went to the bathroom. Naging mabilis ako sa pag-aasikaso ko at mabilis na bumaba patungo sa kanila. Ano na naman ba kasing kailangan nila? "I heard the Guevarra's are preparing for a party this month?" I rolled my eyes as I heard their topic. Ingit na ingit, ha. Magpaparty na lang din kaya sila? Kairita. "Ano na naman 'to?" padabog kong tanong nang makuha ko ang paper bag. Ayoko talagang lumabas ng bahay. Gusto ko lang humiga sa kama maghapon at magkulong sa kwarto ko. "That's a breakfast for Phoenix. Galing 'yan sa isang sikat at mahal na restaurant sa Manila," sagot ni Papa. I chuckled. Maski kung saan galing ay kailangan pang banggitin? Opss, lowkey panunumbat? Hindi nila alam itatapon lang din naman 'to mamaya. "Hindi ka ba magpapalit ng damit mo, hija? Mukhang 'yan ang pinangtulog mo?" Celyn laughed to what her mother said. "Or maybe she just don't have a good fashion sense in her body? Pa'no ka magugustuhan ni Phoenix n'yan?" I rolled my eyes to them as I leave the dining room. Tss, eh sa tinatamad ako magbihis. At least nakaligo, ayos na 'yon. At saka maayos naman ang damit ko, hindi nga lang kasing bongga ng damit nila. Mabibigat at mabibilis ang hakbang na pinakawalan ko nang makatapak ako sa kumpanya ng Guevarra. Halos yumuko na ako para lang hindi ako mapansin ng iba. Magulo ang pagkakatali ng buhok ko. Tanging jogging pants at crop top na sweater lang ang suot ko. "Thanks," I said to his secretary as she let me in. Nang makapasok ako sa opisina ni Phoenix ay agad kong iniwasan ang tingin niya. "You're here again?" he asked. I rolled my eyes. Hindi ako sumagot at mabilis lang na inilapag ang paper bag sa lamesa niya at dumiretso sa sofa sa harap niya. "Like what I said if you don't want to eat that just throw it away." Napag-utusan lang naman ako rito, 'no. Sumalampak ako sa sofa at komportable na nahiga rito, ng hindi siya binabalingan ng tingin. "Kung mahihiga ka lang pala d'yan, bakit hindi ka na lang umuwi?" Usisa niya pa. Ramdam ko ang kaniyang tingin sa akin. Napansin ko ring napahinto siya sa ginagawa niya. I put my earpods and began to find a good song. Mas tinatamad naman akong umuwi, lalo na't ang layo ng binyahe ko makapunta lang dito. "Shh, I'm sleepy. Tsaka hindi mo ba alam kung ilang minuto ang naubos ko para lang makapunta rito, tapos papauwiin mo agad ako. Ang aga-aga pa, nakakatamad." Hindi ko na siya pinansin at pinikit na ang aking mata. Pinilit kong hindi pansinin ang kaniyang mga tingin sa akin. Bago pa ako tuluyang hatakin ng antok ay narinig ko ang tunog ng aircon. This is the only way I know to get comfortable with him. Ang hindi isipin na kabilang siya sa mga matataas na tao sa bansa at isa lamang siyang ordinaryong tao gaya ko. Tingin ko kapag inisip kong sikat siya at marami nang narating sa buhay ay mahihiya na lang akong harapin siya. At lahat ng ipinapakita kong ugali sa kaniya ngayon ay mga ugali ko na tanging malapit lang sa akin ang nakakakita, na hindi ko inaasahan. Kung tutuusin ay naiilang ako, siguro ay sa kagustuhan kong maging kumportable sa kaniya ay hindi niya iyon gano napapansin. Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang pagvivibrate ng aking cellphone sa aking bulsa. Agad kong kinuha ito ang pangalan ni Dim ang tumambad. "What do you need?" Bungad ko na hindi pa tumatayo sa pagkakahiga. He requested a video call that I answered immediately. Napansin ko rin na nakasara ang mga bintana sa opisina ni Phoenix at ang ibang ilaw ay naka-dim. "Come over to my condo. I cooked something and I don't think I can finished this. Kung gusto mo balutan kita?" seryosong salubong ni Dim sa akin. I almost laughed when I heard him sighed. Ni hindi niya ako matapunan ng tingin dahil seryoso siya sa paghahalo na ginagawa niya. Pero agad siyang napatigil nang mapansing iba ang aking background. "What the fuck, Alliesha?!" He raised his eyebrows to me as he put down his spatula. Inirapan ko siya kasabay sa paglingon ko kay Phoenix. Tss, tingnan mo at parang wala ngang pake na nandito ako. Tutok na tutok siya sa kaniyang laptop habang ang kaniyang mukha ay walang ekspresyon. "Where the hell are you? Lakas pa ng loob mong mahiga! I know that place isn't your room!" "Ang dami mong alam. Aga-aga nambubulabog, ah!" I cut to his words. Good thing Phoenix can't hear Dim because of my earpods. Himalang niyaya niya ako kumain at siya pa mismo ang magluluto. Eh, ang dalang-dalang nitong manlibre. Sa aming dalawa siya ang pinakaburaot. "Bilisan mo na kasi! Antayin kita rito," he said before ending the call. Nang makabangon ako ay agad kong sinuklay ang aking buhok gamit ang aking daliri. "Alis na ako, bye! See you tomorrow, Sir!" I mocked Phoenix. And before he answered I slammed the door immediately. Patakbo kong tinungo ang parking lot at agad na dumiretso kay Dim. Nang makarating ako ay punong puno ang kaniyang lamesa ng pagkain, ang sabi niya ay ibibigay niya ang iba sa kasamahan niya sa trabaho. Hindi ako nagtagal kila Dimitri dahil may aasikasuhin daw siya, at maiiwan akong mag-isa sa condo niya kung gano'n. No thanks na lang. Ano gagawin ko ro'n kung wala naman akong makakasama? Naging mabilis ang mga araw na halos inubos ko na ang mga ito sa kakabisita sa opisina ni Phoenix. Halos mag-iilang linggo na rin ang lumipas simula noong nagkakilala kami ni Phoenix. So far, so good natagalan ko ang ugali niya. "Ano?" I asked to Phoenix. I raised my eyebrows. Naibaba ko ang cellphone ko at saka siya binalingan. Walang emosyon itong nakatingin sa akin. Tss, hanggang ngayon ay katapat niya pa rin ang laptop niya. Feel ko nga sobrang importante ng laman ng mga ito sa kaniya, eh. "Hindi ka talaga napapagod, ano? You're wasting your time here," Phoenix said. Nagkibit balikat ako at hindi sumagot. Wala naman kasi akong ibang pupuntahan maliban sa opisina niya lang. Kung hindi ako sa kanya mangungulit kay Dim naman. Pinagmasdan ko siyang nagtitipa sa kaniyang laptop bago tumayo. "You're leaving?" He asked not removing his eyes to the screen of his laptop. "Anong ako? Sasama ka, 'no!" I demanded. Mabilis kong hinawakan ang palapulsuhan niya at hinila siya palabas sa opisina niya. "Fuck! What are you doing?!" Halos marinig sa kabuhan ng floor ang kaniyang boses na hindi ko pinansin. Nang madaanan namin ang lamesa ng sekretarya niya ay tila nagulat pa ito sa nakita. I smiled awkwardly to her. Doon ko lang napagtanto kung ano ang itsura ni Phoenix. Hawak-hawak ko ang palapulsuhan niya at dahil sa bilis ko ay halos makaladkad ko na siya. Hindi ko alam kung sadyang malakas lang ba ako o ano, pero natagpuan ko na lang ang sarili ko sa cafeteria ng kumpanya, kaharap si Phoenix. Hindi ko alam na mahihila ko agad siya rito ng gano'n lang kadali. "Anong pumasok sa isip mo at hinila mo ako rito? Are you out of your mind? I'm doing paper works in office, that I need to present for the meeting tomorrow." Madiin ang bawat letrang lumalabas sa kaniyang bibig. Ang kaniyang kamao ay nakakuyom din. Inirapan ko siya. Bakit siya nagpahila kung ayaw niya pala? Dapat tinanggal niya yung kamay ko kanina sa pagkakahawak sa kaniya. Kayang-kaya niya naman, eh. I sipped to my hot chocolate before facing him. "Just bored." Full of playfulness in my voice. "Come on, eat your food. Nagsasayang ka lang ng pagkain, e," asar ko pa na sinadya kong lakasan para marinig ng mga empleyadong malapit sa amin. "If you just want to eat why didn't you tell me? Nang makapag-utos na lang tayo para dalhin sa taas. Hindi 'yong aabalahin mo pa ako," hirit niya pa. I gave him a smile and didn't said anything. Kinalaunan ay unti-unti rin niyang kinain ang ice cream na in-order ko para sa kaniya. Inilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng lugar, at unang sumalubong sa akin ay ang mga mapanuring tingin ng karamihan. Kumpara kanina ay mas marami ang taong nasa loob ng cafeteria. They are all eyeing me, with Phoenix and giving me a questioning look. "I thought Mr. Guevarra hate going out to his office and socializing with his employee?" Rinig kong bulong ng babaeng hindi kalayuan sa amin. Sinipat ko ng tingin si Phoenix na nasa harapan ko. Tutok na tutok siya sa kaniyang cellphone at panay ang tipa rito. "Woah, you hate going out to your office? Eh, ba't nandito ka?" I mocked to him making the girl shut her mouth. Sinamaan niya ako ng tingin at tumikhim. "Here's the invitation for your family. Mom and Dad wants to see you and your family at the party," he said as he pushes the invitation towards me. Tumayo siya at nauna nang naglakad. Ngunit bago pa siya makaalis ay narinig kong bumulong siya na hindi ko na ginantihan. "You're annoying." Nanatili akong nakaupo at tulalang pinagmasdan ang invitation. Bumuntong hininga ako bago buksan ito. 28th of this month is his mother's birthday. And that's three days from now. This is what Papa's talking about? I bit my lip as I read the information about it. It's a formal party, and as I know about that there's a lot of media there. Kung papipiliin ako ay hindi ako pupunta. What if magdahilan na lang ako? But that's unprofessional. Hays, bahala na nga. Bakit ba maski 'to ay prinoproblema ko. Tumayo ako at mabilis na naglakad pasunod kay Phoenix.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
i love the story❤💚
05/05/2022
0it's a great story
12/07/2024
0The best
16/05/2024
0Xem tất cả