"Hoy! Ano na? Ayos ka lang ba?" Nabalik ako sa realidad nang maramdaman ko ang isang mabigat na kamay sa aking braso. Nang iniangat ko ang aking tingin ay sumalubong sa akin ang nakakunot noo na pagmumukha ni Dim. Tumawa ako at bumalik sa ginagawa ko. "Sinong hindi aayos kung mukha mo ang sasalubong Arturo!" I glazed my cake using the chocolate ganache. Nagtiim bagang siya. "Stop calling me Arturo, ang baho kaya pakinggan!" Arturo Dimitrio Gozon, hindi ko alam kung kaibigan ko o kaaway. May itsura naman siya, 'yun nga lang ay mukhang pinaglihi sa sama ng loob dahil women hater and relationship hater! At mukhang sa akin pa binabaling ang sama niya ng loob sa mga babae! Ang bitter bitter pa! Mas lalo akong humalakhak. Binigyan niya ako ng matalim na tingin na mas lalong nakapagpalakas sa aking tawa. Gosh, I want to see his face! Panigurado iritang-irita na naman 'to sa akin. Naiimagine ko na nga ang nakangiwi niyang mga labi! Pero dahil sa mask na suot niya ay hindi ko makikita 'yon. Mamaya na lang siguro 'pag tapos ng shift namin. Binigyan ko siya ng mapaglarong mga tingin. "What's wrong with Arturo? Angas nga, eh." Kinopya ko ang tono niya kanina. Mapaglaro ngunit pinipilit na magmukhang galit. "Whatever you say, Alliesha Solemn Saranza!" pinal niyang sabi gamit ang pasigaw na tono. Ngumiwi ako habang pinagmamasdan siya na gawin ang plating ng dish na na-assign sa kaniya. Tingnan mo 'to. Hindi talaga titigil hanggang hindi makabawi, e. Gustong-gusto sa kahit anong paraan ay makakabawi, eh! Nang matapos ako sa ginagawa ko ay agad ko itong dinala sa harap para ma-serve na, at kumuha ulit ng panibagong order na lulutuin. Kung hindi dahil sa sakit ng aking katawan ay mukhang hindi ko mamamalayang halos maggagabi na pala. Mabilis na lumipas ang oras at tila hindi ko naramdaman ang pagtakbo nito dahil sa dami ng ginagawa sa kusina. "Out ka na, ah? Overtime?" I asked Dim as he cut the beef. Tumango ito. Nang ibuhos niya ang karne sa kawali ay malakas na apoy ang lumukob dito kasabay ng usok na lumabas doon, dahilan para huminto ako sa pagsasalita. "Gipit na ba?" halakhak ko. I observed him as I leaned on the sink. "Tantanan mo nga ako. Trip na trip mo ako, ha? Baka nafall ka na sa kagwapuhan ko." He chuckled. Tinaasan ko siya ng kilay at umaktong naduduwal na kan'ya namang tinawanan. Hindi na namin marinig ang isa't isa dahil sa ingay sa loob ng kusina. Ang ingay ng kumukulong mantika, sumabay pa ang pagtama ng kutsilyo sa cutting board. Ang araw ko ay inuubos ko sa pagluluto sa kusina, ibang iba sa ginagawa nila Papa. "Tapusin mo muna 'yan-" "Chef Saranza, tawag po kayo sa office." Kaming dalawa ni Dim ay napalingon sa waiter na tumawag sa akin. Tumango ako kasabay ng pag-aayos sa sarili. Tinanggal ko ang gloves na suot bago bigyan ng makahulugang ngiti si Dim. Tumango ito sa akin at saka ako nagpatuloy palabas. The cold breeze of the night hugged me. Unti-unti nang lumalalim ang gabi kung kaya'y unti-unti na ring nagiging presko ang hangin. Tinanggal ko ang aking suot na face shield at mask, kasabay no'n ang pagsalubong sa akin ng mga nagkakainang costumer. Every one are minding their own business. Ang tunog ng mga kubyertos at mahihinang usapan ang pumuno sa lugar. Tinanggal ko ang sumbrero ko bago magpatuloy. Our restaurant doesn't have an air conditioner, different types of wooden fan all you can see on ceiling. Nasa labas ito at imbis na mamahaling gamit ang nakapalibot sa kabuuan ay ibat-ibang halaman ang makikita. We don't have any chandeliers but surely we have fairy lights around the place. "Yes ma'am? Pinatawag niyo po ako?" Salubong ko. Bumuntong hininga siya at ihinilamos ang palad sa mukha. "Have a seat, Chef." I followed what she said. I observed her. Hindi pa nakakatagal ng ilang minuto ay alam kong may mali na sa bawat pangyayari. "I'm sorry to say this but Ms. Saranza... you're fired." Napakurap ako at napatigil sa aking kinauupuan. I didn't move a bit. "I tried everything to save you but I can't do anything about it, Alliesha. Look, I know you tried your best for this job, but I think your best is not enough. I'm sorry, Alliesha." I bit my lips. Tumayo ako at magalang na hinarap ang manager namin. "I understand, Ma'am." I don't want to asked why they fired me. Natatakot ako na malaman na nag-uumpisa na si Papa. I'm scared to face all of it. I just want to run away, trying to avoid all of my problems. Ano ba namang bago? Tss, gustong-gusto talaga ni Papa na nakokontrol niya ako, ha. "I'm happy to serve this restaurant, Ma'am. I hope we see each other in future. Good bye and thank you for the experience," I said as I take my path to exit her office. Tears filled my eyes. Naging malabo ang paningin ko pero wala akong pakialam do'n ngayon. Habang naglalakad ako ay halos hindi ko maramdaman ang sarili ko at tila nakalutang ako sa ere. Ni hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. I don't even have a direction at all. Kahit na hindi ako gano'n nagtagal sa lugar na 'to ay alam kong napamahal na ako rito. I met different types of people here. I experienced new things. This part of my life is like a roller coaster ride that I enjoyed, through up and downs. Dahil sa lugar na 'to ay nasubukan kong lumabas sa aking comfort zone. At sa isang iglap lang ay mawawala ng lahat ng 'to. I can't believe my own father take it all away from me. "Oh, shit!" Tili ko nang maramdaman ang pwersang bumunggo sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at hindi nakagalaw sa kinatatayuan. Ang tunog ng nabasag na mga baso ang nagpatigil sa lahat. Natauhan na lang ako nang maramdaman sa aking katawan ang lamig galing sa natapong juice. Napaawang ang aking labi habang pinoproseso sa utak ang nangyari. The blue lemonade stained my uniform. Maski ang waiter na nabangga ko ay basa na rin. When I lifted my eyes to the man who's sitting near from us, that's the time when I realized that I'm dead. Ang dibdib at braso niya ay basang-basa dahilan ng juice na umabot hanggang sa pantalon niya. Mabilis kong kinuha ang panyo ko at agad siyang dinaluhan. "I'm s-sorry, Sir! I'm really sorry," I said full of sincerity. He clenched his jaw. "Stop." I didn't know what to do. Ni hindi ko nga siya narinig. Nagpatuloy ako sa pagpupunas sa kaniya hanggang sa isang malakas na paghawak ang pumigil sa akin. It's his hand gripping my wrist. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang nangyari. Nalaglag ang panga ko habang nilalabanan ang tamad niyang mga tingin. What the fuck did I do?! Kumurap ako at nahihiyang napayuko. Shit! Nakaluhod ako sa kaniya at ang mga kamay ko ay halos lumapat na sa hita niya. Kung hindi niya ako pinigilan ay paniguradong napunasan ko na ang hita niya! And what I did is inappropriate! As fast as I can I stood up and fixed myself. "I'm really sorry," I said again. Pinanatili ko na nakatuon sa sahig ang aking mga mata. I don't think I have the audacity to look straight to his eyes after what I have done. Sinenyasan ko ang waiter na kumuha ng tissue na agad namang sinunod. "Sige po, Chef. Kami na po ang bahala rito. Baka kailanganin po kayo sa kusina." I smiled to him. "Pasensya na sa abala at salamat!" Halukipkip akong pumasok sa kusina. "Tss, ano na naman 'yang ginawa mo? You made a scene, Alli?" Hindi ako sumagot sa tanong ni Dim at nagpatuloy ako papunta sa aking locker. Ang init sa aking pisnge ay hindi pa rin nawawala. "Nakakahiya! I don't think I can leave this kitchen after what happened!" sagot ko kay Dim habang inuuntog ang sarili sa locker. Narinig ko ang paghalakhak niya. Mabilis ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. Tingnan mo 'to, akala ko ay mag-o-over time? Bakit bihis na bihis na s'ya? Ang mahaba niyang buhok ay nakatali na ng half ponytail. Ang damit niya ay pormadong-pormado na at hindi niya na rin suot ang uniporme namin. Ang matigas na pagtama ng bakal sa aking ulo ay hindi ko tinigilan. Mas nilakasan ko pa! Sa lahat naman kasi ng gagawin ko gano'ng katangahan pa! "Nag-sorry ka naman na, ah? Okay na 'yon. Tsaka, aksidente lang naman ang nangyari," pangaral niya. Ilang minuto na kaming nandirito at halos hindi ko siya pinapansin. Ang lahat ng sinasabi niya ay hindi pumapasok sa aking utak at tanging iniisip ko lang ay kung ano ang nagawa kong kaguluhan kanina. Maraming nakakita. Sigurado akong lahat sila ay may mga opinyon para do'n. The Chef is kneeling in front of her costumer?! Oh gosh, Alli! Ano ba 'tong iniisip ko! "You know what? I need to go home," deklara ko kay Dim at nagmamadaling nagpalit ng damit. Mas lalong hindi ko kakayaning magpatagal ako rito! Sa isang lugar kung saan ako napahiya. "Hoy, umuwi ka na agad, ah! Tawagan mo'ko kapag nakarating ka na!" "Yeah, yeah! I'm not your child!" sigaw ko pabalik kay Dim bago lumabas. Hindi naman naging mahaba ang gabi ko dahil nang makauwi ako ay agad din akong natulog. Kung hindi dahil sa pagod ko ay paniguradong aabutin ako ng madaling araw bago makatulog dahil sa kakaisip sa nangyari. "Oh, saan ka pupunta? Wala ka ng trabaho, ha!" I lifted my eyes and I saw Tita Amelia who's also getting ready for work. Sa kaniyang likuran ay nakasunod si Celyn. I raised my eyebrows to them. "I'm excited what will happen to you my dear sister. Lalo na't hindi mo sinunod ang gusto ni Papa. Slowly, you're tasting Papa's wrath," sabat ni Celyn. I didn't answer. Imbis, hinawi ko ang mahaba at straight kong buhok kasabay ng pagtalikod ko sa kanila. They don't deserve my time. Wala rin naman akong balak ibigay sa kanila 'yon. Ang aga-aga sisirain nila ang araw ko! I need to find a new job. That's my goal today. Mas lalo akong magiging kawawa kung ako mismo ay walang pinagkukuhanan ng pera pangtustos sa pang-araw-araw ko, kung sakali man. "I'm sorry Ma'am. We're not really hiring po, e." Mariin kong pinikit ang mata ko at sa huli ay pagbuntong hininga na lang ang nagawa. Nakakainis, sa totoo lang! Halos maghahapon na at hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahanap na trabaho? Ayaw ba nila sa akin? I can give what they are looking. Ilang taon na ako sa industriya ng pagluluto at may karanasan na. That's why I'm wondering why they're not accepting me! "Gusto ko po sanang mag-apply. Nakita ko po ito sa labas," umpisa ko nang makatapak ako sa panibagong restaurant. Ipinakita ko ang flyers nila na nangangailangan daw ng Chef. This is the 10th restaurant I tried. Ang mga nauna kong pinuntahan ay malalaking hotel at restaurant. Sinubukan kong pumunta sa maliliit at nag-uumpisa pa lang na restaurant at hotel pero ni isa sa mga 'yon ay walang tumanggap. Bwisit na buhay 'to, ang sarap tapusin. Char, may pangarap pa ako. "Sa'n po 'yong manager niyo?" I asked being impatient. Nanlalagkit na ang buong katawan ko. Ang ilang hibla sa aking buhok ay basa na dahil sa pawis ko. Maski ang panloob kong damit ay ramdam kong basang-basa na rin sa pawis. I just want to have a job as a cook. Umalis ang babaeng nasa harapan ko at wala pang minuto ay bumalik siya kasama ang isa pang babae na kung titingnan ay mas matanda sa akin. "Balak ko po sanang mag-apply," ulit ko at inabot ang resume ko. She smiled sweetly to me as she slowly opened the brown envelope. The manager read my information. Ang babae na tumawag sa kaniya ay nakikitingin din. Napansin kong tinawag niya pa ang isa pa sa mga staff. The three of them gathered to my resume. Ang isa ay bumulong sa manager at napansin kong kumunot ang noo niya. "I'm sorry Ms. Saranza, we're not hiring. Just a week ago we got already a chef. Nawala sa isip ko. Pasensya ka na." Humalakhak siya at ang mga kasama niya sa likuran ay mahihinang nagtatawanan din at nakikisabay sa boss nila. "Po? E, ang sabi po sa flyers niyo ay hiring po kayo? Paano po nangyari 'yon?" I asked trying to sound polite but ended up being sound frustrated. I can't believe it. Parang noong nakaraang bwan lang ang mismong mga restaurant ang lumalapit sa akin, ngayon ay ako na ang naghahabol! "I'm sorry talaga Ms. Saranza. Maybe you should try on other restaurants," mahinhin na sabi pa ng manager. Tumango ako at bagsak balikat na tinungo ang daan papalabas. I fixed my posture as I confident entered the last place I will try today. This is the last on my list. I need to look presentable as much as possible. Hindi ito normal na hotel lang. Ang hotel na ito ay kasama sa kinikilalang pinaka maganda at malaking hotel sa bansa. "I'm sorry but I think the position is not for you, Ms. Saranza." Pigil hininga ako na tumayo. My plan is to get a job today, but I think I can't do it. Para sana sa sunod ang p-problemahin ko na lang ay ang lugar kung saan ako pwedeng tumira. I'm doing this just in case something will happen and I have a place to go. Magmumukhang kawawa ako kapag sa oras na paalisin ako sa bahay ay wala akong mapupuntahan. Wala rin kaming bahay ni Mama dahil naibenta ko na para sa ilang gastusin. Ngayon na wala pang ginagawang kilos si Papa sa mga Guevarra ay dapat ako ang gumalaw. Dahil sa oras na ginawa niya na ang mga plano niya laban sa mga Guevarra ay tiyak na ako ang masasakal at maiipit sa sitwasyon. Am I really tasting my father's wrath? Kasi kung oo man ay mukhang kawawa ako sa mga susunod. Ngayong nag-uumpisa pa lamang siya ay halos wala ng matira sa akin. Paa "I understand, Ma'am." Nang makalabas ako sa opisina ay doon ko lang naramdaman ang lahat. Different emotions I can feel at the same time. Anger, frustration, and sadness. I started to doubt myself. Mataas ang tingin ko sa mga restaurant at hotel na sinubukan kong pag-apply-an, pero mukhang bumaba ang lahat ng 'yon dahil sa nangyari. Hindi ko inakala na gano'n kadali utusan ang mga ito, na sa simpleng gusto lang ni Papa ay masusunod na. Mukhang nagkamali ako ng iniisip. "This is fine. Ano naman kung wala kang trabaho, Alli?" pagkausap ko sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha sa salamin. I have some money but I think that's not enough. Sa totoo lang ay kaya kong magtayo ng sariling negosyo. But I really don't want to enter the business industry. Ang gusto ko ay payapa at masaya akong nagluluto lang. Ayokong mamoblema sa negosyo ko kung sakali man. Nanginginig na ang aking labi at ang aking mata ay unti-unti nang nanlalabo. Tears escaped from my eyes. Pinawi ko ang luha ko at inipon ang lahat ng lakas bago lumabas sa restroom. I confidently walked. Ang mataas na takong ko ay naglilikha ng ingay sa bawat hakbang na pinapakawalan ko. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay mabilis akong napahinto. Familiar face made me stilled on my place. Nanliit ang mata ko habang pilit na inaalala ang mukha ng nasa harapan ko. Siya nga! S'ya 'yong lalaking natapunan din ng juice kahapon. What he's doing here? Ang isang gabi dito ay halos ilang araw kong pagtatrabahuhan bago mapantayan. Pero siya ay mukhang patambay-tambay lang dito? Mukhang hindi ko naman pala marereach ang level nito. "One americano, please," I ordered. Sinadya kong hintayin ang order ko sa counter, kahit na pilit akong pinapaupo ng cashier at sinabing ihahatid na lang sa akin. Habang mas tumatagal ang pagdating ng order ko ay mas nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang lamig sa aking kamay kanina ay mukhang kumalat na sa kabuuan ng katawan ko. I starting to panicked knowing my order will be here in any minute right now. Bakit ba ako kinakabahan? Mag-so-sorry lang naman, ah? Nang makarating ako sa pwesto niya ay tumikhim ako. When our eyes met I almost lost my balance. The coldness in his stares are travelling through my whole body making me shivered. Na para bang ang isang tao na kagaya niya ay dapat binibigyan ng galang at respeto. I don't know what I'm saying but that's what I felt towards him. He intimidates me. Na kapag nasa tabi ka niya ay tiyak na manliliit ka sa sarili mo. Ang tindig pa lang ng kaniyang katawan, e! Malamig na aura ang bumabalot sa kaniya. "Do you need something, miss?" His voice screams authority. He raised his eyebrows to me as he stopped typing to his laptop. Maingat kong inilapag sa tapat niya ang kape at madali akong umupo sa upuan sa harap niya. I gave him sweet smile. Trying to get jolly to mask up my nervous. "Don't you remember me? Ako yung nakatapon ng juice sa'yo kahapon. At aksidenteng nakita kita rito. So here, it's my peace offering," panimula ko tukoy sa kape na ibinigay. Pilit kong nilalabanan ng matamis at mainit na ngiti ang kaniyang malamig na tingin sa akin iniisip na kaya kong malusaw ang lamig na bumabalot sa mga ito. "I'm sorry ulit," ulit ko. I saw how the side his lips turned up. "Are you one of my stalker?" he asked full of arrogance. Nanlaki ang mga mata ko at gulat na gulat na itinuro ang sarili. "Me?" I mouthed. "Sabagay, ano pa nga bang bago? Women flock to me, willing to do anything just to have me. Desperate for the gain will get. And you? You're nothing different with them. Edi sana hindi mo na ako binalikan at kinalimutan mo na lang ang nangyari kahapon? Right?" He have a looks, okay? But I will never be like his women. Manghahabol na nga lang ako ng lalaki sa isa pang gaya niya na sobrang yabang. No thanks na lang, 'no! "Hoy, wala akong balak gawin 'yon, 'no! Alam mo Sir, pogi ka, e. 'Yon nga lang, nasobrahan ka sa yabang. I'm here to apply. Nasaktuhan lang na nakita kita," I fired to him. "Tsk, bawas pogi points ang pagiging mayabang!" Iling ko habang binibigyan siya ng mapaglarong tingin. Tumikhim siya at inayos ang kaniyang pustura. Kinuha niya ang tasa na binigay ko at sumimsim do'n. "So, did you get the job?" he asked using his bored tone. "No." Ang makapal niyang kilay ay tumaas at nanunudyong binalingan ako ng tingin. "I see. In the first place they wouldn't hire people like you. Like you, who doesn't know how to do her work right. People like you whose unprofessional. Hindi na ako magtataka kung bakit natanggal ka sa pinagtatrabahuhan mo." Natigil ako sa kinauupuan ko at maski ang paghinga ko ay napigilan ko rin. My smile slowly fades as I gave him disgusting look. "Believe want you want to believe, Sir. I'm done here. I should go now. Again, I'm sorry for what happened yesterday." Tumayo ako at mabilis na nagmartsa palabas. Women flock with him? Mukhang totoo nga dahil pagkatayo ko palang ay iba't ibang mapanuring mga mata ang sumalubong sa akin. Ang iba ay tila pinag-uusapan pa kami, bubulong at titingin sa amin. Gosh, why would they want a man like him? Masyado siyang mapagmataas at tila maliit ang tingin sa kapwa. Kung gano'n ang makakausap ko ay salamat na lang. Mabuti na lang at 'yon na ang huling pagkikita namin dahil nakakasuka ang ugali niya!
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
i love the story❤💚
05/05/2022
0it's a great story
12/07/2024
0The best
16/05/2024
0Xem tất cả