logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 6

Solana
Dalawang araw na akong nasa bundok kung saan tanaw ko ang puting bahay na pinagdalhan sa akin ni Dark. Kung titingnan sa labas ay parang isa lamang iyong resthouse at hindi mo mahuhulaan na mga gunggong ang nasa loob no'n. Hindi ko pa ulit nakikita si Dark na pumasok doon.
Ngumunguya ako ng bubble gum na kinuha ang telescope nang marinig kong may dumating na sasakyan. Kitang-kita ko ang isang itim na van na pumasok. May lumabas doong mga tauhan at kita kong may inilabas silang malalaki at itim na mga bag.
"Tsk tsk." Sa tinagal-tagal ko ng nagtatrabaho bilang detective ay alam ko na kung ano-ano ang laman niyon. Kung hindi illegal na droga ay mga bomba at mga baril.
Ibang klase ka talaga Reed Sullivan. Sa kabila ng pagiging sikat at pinakamayamang businessman sa bansa ay marami ka palang bahong itinatago. Kunwaring inosente sa labas ng kabila nitong mundo, ngunit isa pa lang demonyo sa totoong buhay.
"Bwisit ka."
Kumilos ako at kinuha ang flashlight, dala ang camera at telescope sa maliit na backpack na dala ko. Tinahak ko ang masukal na daan pababa.
"Bwisit," reklamo ko nang mapadausdos ako at makudkod sa bato ang bukong-bukong ko. "Bwisit talaga."
Tumayo ako at nagpatuloy sa pagbaba hanggang sa magkaroon na ako nang maayos na pwesto at makita mula dito ang bahay. Nagkubli ako sa isang malaking puno at kinuha ang camera.
May isa pang bag na inilabas ang mga ito at nakuhanan ko 'yon ng litrato.
"Nagkita ulit tayo, detective."
Natigilan ako at lihim na napamura. Kinabahan ako pero hindi ko pinahalata. Nilingon ko ang nagsalita na parang hindi ako nagulat.
"Ikaw pala Tyler, kamusta?" ngumunguyang tanong ko. Bwisit, hindi ko manlang naramdaman na mayroon palang papalapit. Magaling sila ah, pero hindi na ako nagtataka, matalino talaga ang mga kriminal.
"Mukhang naliligaw ka."
Napangisi ako. "Walang naliligaw sa teritoryo ng mga kriminal."
"Sa pagkakaalam ko ay binigyan ka na ng babala, na kapag nagawi ka pa ulit sa lugar na ito ay hindi ka na makakaalis pa. Sinayang mo ang pagkakataon mo detective."
Nakipagtitigan ako kay Tyler. "Sa pagkakaalam ko rin ay nagbigay ako ng babala, na pagsisisihan niyo na hinayaan niyo akong humihinga."
Kitang-kita ko ang pag-tiim ng kaniyang bagang.
"Oh." Inilahad ko sa kaniya ang mga kamay ko. "Talian mo na."
Napatingin si Tyler sa kamay ko sabay tingin ulit sa mukha ko.
"Sige na, talian mo na, iyong mahigpit para hindi ako makawala," pang-iinsulto ko.
"Masyado kang mayabang."
"Tsk, ang dami mong puna." Nakipag-sukatan ako ng tingin sa kaniya. "Ano na? Tititigan mo na lang ba ako? Alam kong maganda ako pero wala akong planong makipag-ibigan sa mga oras na 'to," ngumisi pa ako.
Hindi umimik si Tyler, imbis ay pinusasan na lang niya ang kamay ko.
"Hayyy, ibang klase. Ganiyan ba kayo kabagal? Nakakainip. Isinuko ko na nga ang sarili ko, nakukuha niyo pang tumitig?"
"Manahimik ka."
"Tsk." Tumingin ako sa likuran niya. "Tara na?" Napangisi ako sa nakikitang inis sa mukha niya kaya mas lalo ko pa s'yang ininis. "Sige, ako na ang mauuna." Tatawa-tawa akong lumakad habang ngumunguya pa rin ng chewing gum.
Tinulak-tulak niya ako nang makalabas na kami sa bundok at andito na kami sa kapatagan.
"Bilisan mo," utos ni Tyler.
Hindi ako sumagot, imbis ay tumingin-tingin ako sa paligid habang naglalakad.
"Hayyy, hindi ko talaga akalain na mapupunta na naman ako sa lungga ng mga duwag na 'to," bulong ko.
"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo detective."
Napatingin ako sa gilid ko nang may magsalita.
"Bagong mukha, mukhang interesting ito," anas ko na mukhang hindi nito inasahan.
"Busalan mo 'yan. Masyadong mayabang."
Sinunod naman ni Tyler ang inutos nito. Hindi naman ako nagprotesta. Inobliga ko pa ang sarili kong ngumanga. Ewan ko ba kung bakit natutuwa akong makita silang mainis at mainsulto.
Matapos akong busalan sa bibig ay tinulak-tulak na naman ako ni Tyler. At mas malakas pa ang ginawa nitong pagtulak papasok sa kwarto kaya't napaluhod ako at napangiwi nang masaktan ang paa kong may sugat.
"We meet again, detective."
Tumayo ako at hinarap ang hayop na si Dark.
Tumayo rin ito at marahas na tinanggal ang busal ko sa bibig.
"Oo nga e," mayabang na sabi ko.
"Hindi ko inaasahan na ngayon ka na magpapakita. Nakapagpaalam ka na ba sa kaibigan mo?"
Naiyukom ko ang palad ko at matalim s'yang tiningnan. "Oo, at oras mo naman para ikaw ang paglamayan."
Natawa ito at inabot ang buhok kong tumabon sa kabilang mukha ko.
"Easy ka lang. Hindi gano'n kadali ang gusto mong mangyari, detective."
Napaurong ako nang ilapit niya ang mukha niya sa tainga ko. "Dahil kapag nangyari 'yon, sabay tayo."
Hindi ako kumilos kahit sobra na akong naaasiwa sa sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin. Patatagan na lang ng loob.
Maya-maya'y bumakas ang pinto at nakita kong lumapit si Tyler at may sinabi kay Dark na hindi ko narinig. At sa nakikita kong reaksiyon sa kaniyang mukha ay nasisiguro kong masamang balita.
Napangisi ako habang tinitingnan itong umalis.
Kumilos naman ako paupo sa lapag at isinandal ang sarili sa malamig na dingding sabay tingin sa naiwang si Tyler.
"Mukhang nagsisimula na ang malas niyo," pang-aasar ko na mukhang epektibo.
"Manahimik ka kung ayaw mong masaktan."
"Hayyyy..." Tumahimik na lang ako. Iba ang galit sa kaniyang mga mata kaya naman tinikom ko na lang ang bibig ko. Alam ko naman ang limitasyon ng kayabangan ko. Tsk tsk tsk.
*-*-*-*-*-*
Dark
Dali-dali akong lumabas nang sabihin sa akin ni Tyler na nandito si Wade. Pagkalabas ko ay nakita ko nga s'ya at galit na galit niya akong sinalubong. Hindi ako nag-react nang kuwelyuhan niya ako.
"Pumatay ka?" galit niyang tanong.
Hinawakan ko ang kamay niya at tanggalin iyon sa pagkakuwelyo sa akin. "Wala kang pakialam kung pumatay man ako o hindi. Hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon kung haharang sila sa dinaraanan ko."
"Galit ka dahil pinatay nila si Sofia, pero ngayon ay katulad ka na rin nila. Tumigil ka na sa ginagawa mo Reed!"
Galit ang mga mata kong tiningnan si Wade. "Ikaw ang tumigil. Umalis ka na dito. Bumalik ka na sa Amerika!"
"Bumalik? Pinapaalis mo ako dahil ayaw mo akong masangkot sa gulong pinasok mo, 'yon ba?"
Napatingin ako sa kaniya at purong galit at hinanakit ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Pero dahil sa ginagawa mo ngayon ay mas lalo lang akong mapapahamak. Pareho tayong mapapahamak!"
"Tumigil ka."
"Ikaw ang tumigil. Hindi lahat ng makakabangga mo ay kaya mo."
Napatiim-bagang ako.
"Isang detective ang binangga mo ngayon at nasisiguro kong hindi lang basta detective. Pinapahamak mo ang sarili mo, pinapahamak mo rin ako."
Nagtatanong ang mga mata ko s'yang tiningnan.
Umiling si Wade. "Siguro naman ay alam mong ugali lang ang pinagkaiba nating dalawa."
Naiyukom ko ang palad ko.
"Umalis ka na."
"Sumama ka sa'kin. Iwan mo na ang lahat ng 'to."
"Sinabi ng umalis ka na!"
"Ano ba Reed!"
Binalingan ko si Dante at iba pang mga tauhan. "Ilabas niyo s'ya." At saka ako tumigil sa tabi ni Wade. "Umalis ka na ng bansa at h'wag ka ng bumalik pa." Nilagpasan ko s'ya at mabilis na umakyat at bumalik kung nasaan si Solana.
Dali-dali ko s'yang nilapitan at kinuwelyuhan at hinila patayo. Mas lalo pa akong nakaramdam ng galit nang makitang wala manlang reaksiyon ang kaniyang mukha.
"Ano?" walang kwenta niyang tanong. "Mukhang galit na galit ka yata? Binomba ba ang mga tauhan mo?"
Pabalang ko s'yang binitawan.
"Sinabi ko naman sa'yong h'wag na h'wag ka ng makikialam," tiim-bagang kong saad.
"Hindi ko na kasalanan 'yon, kasalanan mo na 'yon dahil binuhay mo pa ako."
"Puta!" Nasuntok ko ang dingding sa may ulo niya na hindi manlang niya ikinagulat.
"Ano pang ginagawa mo? Narito na ako sa teritoryo mo, bakit hindi mo pa ako tanggalin sa landas mo nang sa gano'n ay wala ng humarang sa'yo? Hindi mo ako mapapakinabangan katulad ng pinaplano mo dahil ang trabaho ko, manghuli ng kriminal na kagaya mo."
Talagang sinasagad ako ng babaeng ito.
"Huwag na huwag kang magkakamali. Hawak ko pa rin ang buhay ng kambal mo." Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya nang banggitin ko 'yon. "Maging kapaki-pakinabang ka kung gusto mong maabutan ng buhay ang kakambal mo."
"Tsk, bakit? Ano sa palagay mo ang makukuha mo sa'kin? Gagamitin mo ako para pagtakpan ang kawalang-hiyaan mo kapalit ng buhay ng kakambal ko? Sa tingin ko naman ay kayang-kaya mong itaguyod ang negosyo mo ng wala ako kaya ano ang silbi ng isang detective na planong sirain ang repustasyon mo?"
Lumakad ako papalapit sa kaniya. "Tama ka, gusto kong maka-trabaho ka."
Natawa ito. "Nahihibang ka na."
"Ngunit sa palagay ko ay hindi ka naman makakatanggi." Mas lumapit pa ako sa kaniya at agad napatingin sa kaniyang mapupulang labi. Agad nawala ang paghuhurumintado ng sistema ko.
Napangisi ako nang biglang bumigat ang kaniyang paghinga at kahit nakatingin s'ya sa'kin para ipakitang hindi s'ya natatakot ay kitang-kita ko pa rin iyon sa kaniyang mga mata.
"Kahit tumanggi ka, ay wala ka pa ring magagawa," saad ko at agad s'yang sinunggaban ng marahas na halik. Sisiguraduhin kong kusa siyang makikipag-trabaho sa akin hanggang sa mawala na sa landas ko si Simon.
Kung tutuusin ay kayang-kaya kong patayin si Solana sa mga oras na ito pero gagamitin ko pa s'ya hanggang sa mga oras na 'yon. Dahil nasisiguro kong oras na mawala si Solana ay magkalalamat na rin ang illegal na negosyo ko.
Maipanghaharang ko s'ya sa mga pulis na magtatangka na mag-imbistiga.
At may isa pang dahilan kung bakit hindi ko s'ya magawang buharin sa landas ko.
Binuhat ko s'ya at inupo sa bangko.
Masama ang tingin niya sa'kin pero nababasa ko pa rin sa kilos niya na hindi niya ako kayang tanggihan.

Bình Luận Sách (8)

  • avatar
    DumaPrincess Marry Joy

    argh bitin naman autor huhu😭

    21/06

      0
  • avatar
    Kg Cabotaje

    okay

    29/10

      0
  • avatar
    DampAk

    keep going making any story☺

    09/07/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất