logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

04

Chapter Four.
“Just don't do that again, talagang magagalit na ako sa'yo.” 
Tamad akong tumingin sa direksyon ni Kuya Franco. Nakatayo siya sa tapat ng pintuan ng kwarto ko. Nakahalukipkip siya habang bakas ang inis sa mga mata nito. 
I yawned. “Alin ba do'n? Yung umalis ako without telling you? Or yung iniwan kitang mag-isa kasama sila?”
“Both.” He answered. 
Bumangon ako sa pagkakahiga sa aking kama. I looked at Kuya Franco and tapped the side of my bed telling him to sit beside me. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama nang umupo siya. 
“I'm sorry, I just— I can't bear it anymore.” I said with my teary-eyes. 
Parang sumisikip ang dibdib ko. I don't want to cry. Ayokong makita ni Kuya Franco na nagiging mahina na naman ako. Ayoko. I'm trying my best not to cry, pero hindi ko na kinaya. My own eyes betrayed me as my tears quickly rushed down through my cheeks. 
I felt his hand on my shoulder, patting me gently. “I know... It's been a tough day for us huh? Anong gusto mong food? Do you want me to cook something for y—”
“Miss ko na si Daddy...” Sambit ko habang umiiyak. 
Nangungulila ako sa presensiya niya. The only thing that can make me feel connected to him even though he's not around me is my crossed-heart pendant necklace. Pero nagawa ko pang maiwala iyon. That was his gift to me on my 8th birthday and I should've been more careful not to break nor lose it, but I failed. 
Hinalughog ko na ang lahat ng gamit ko pati na ang bawat sulok ng bahay thinking na baka na-misplaced ko lang ito rito, but, I haven't found anything. I also tried tracing back the places that I've went to pero wala pa rin.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Kuya Franco. I know that he's trying his best not to cry too. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya and to my surprise I saw him smiling. I expected him to cry louder than I am, pero wala man lang bakas ng luha sa mga mata niya. 
“Talo ka na naman sa'kin.” He smiled bitterly. 
My brows furrowed. “What?”
Pinunasan ko ang magkabilang pisngi kong basang-basa na ng luha gamit ang palad ko. Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. 
“He's definitely gonna scold me from up there dahil umiiyak ka. Sa lahat ay ayaw niyang nakikita tayong umiiyak 'di ba?” He reached for my hands to held it tightly. 
I pouted. The memories of those days instantly flashed back to me. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Naalala ko ang ginawa naming agreement ni Kuya Franco noong mga bata pa lamang kami. Everytime that we have a fight, kung sino ang unang umiyak ang siyang talo. Daddy hates to see us both crying lalo na kung kasalanan namin kung bakit kami umiiyak. Nadudurog ang puso niya kapag nakikita niya kaming umiiyak at nasasaktan. 
I plastered a bitter smile on my face. “Lumpia.” I said. 
I saw him looked at me with confusion pero hindi nagtagal ay napangiti rin siya. 
“Galing ka ba ng birthday party?” Natatawang tanong nito. 
I rolled my eyes. “Nagcrave lang ako, masama ba?” 
Tumayo siya ng tuwid at umaktong sundalo para sumaludo sa akin. “Give me 20 minutes, ma'am.” 
Naningkit ang mata ko. “Make it 10.” 
Napaangat naman ang kilay nito sa sinabi ko. “Sure, then, fried hotdog po ang iseserve ko sa inyo.” Mapang-asar siyang ngumiti sa akin kaya't hindi ko maiwasang tumawa. 
A silence occupied the room for minutes. 
Tipid akong ngumiti. “Thank you, Kuya.” 
He smiled to me and gave me a thumbs up. Maya-maya pa ay narinig kong tumunog ang telepono ni Kuya Franco. He immediately get it in his pocket. Natigilan siya saglit pero agad niya naman itong nabawi ng ngiti. 
“Tawagin kita mamaya kapag nakaluto na ako.” Kuya Franco said before shutting my door close. 
 I was so thankful that he became my brother at kahit kailan ay hindi ko hiniling na sana hindi na lang siya ang naging Kuya ko. Kahit na madalas kaming mag-away sa mga simpleng bagay ay hindi naman dumarating sa point na nagsisiraan na kami sa ibang mga tao tulad nalang ng mga magkakapatid na madalas kong mapanood sa mga teleseryeng ipinapalabas sa tv. Siya na ata ang pinakaunderstanding at striktong Kuya ang nakilala ko. Napangiti ako dahil kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko kanina. 
••• 
Lumipas pa ang isang linggo bago tuluyang bumalik sa New York sina Mommy. They'd spent those past few days here in Baguio just to explore the city. Isang beses lang akong sumama sa kanila para pumunta sa Mines View Park na kilalang-kilala bilang isa sa mga tourist spots dito sa Baguio. Matapos non, ay hindi na ako sumama pa ulit. Ang kasama nila palagi sa mga lakad nila ay si Kuya Franco na wala namang choice kun'di ang samahan sila. Hindi man niya sabihin sa akin ay alam kong napipilitan lang din siya. 
I remember the time when he texted me just to ask what am I doing. 
To: Kuya Franco 
Naghuhugas ng plato. Why? 
From: Kuya Franco 
Wow, sipag naman niyan. Baka pag-uwi ko nakahanda na dinner ko ah, huwag ka na mag-abala nakakahiya nemen. 
The corner of my lips rosed. 
To: Kuya Franco 
I'll never do that. Btw, u okay there? 
From: Kuya Franco 
Sent a photo.
They're having a great time here, i guess. 
Napataas ang kilay ko sa picture na sinend niya. It's a selfie. Naka-thumbs up siya habang hawak ang isa pang phone na sa tingin ko ay kay Mommy. 
To: Kuya Franco 
Ayos ah, ginawang photographer. Eh ikaw Kuya? Nag-eenjoy ka ba?
Ginawa na ngang tourist guide, naging instant photographer pa, ampucha naman. 
Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang kalagayan niya that's why I asked him worriedly. Hindi ako makapagpatuloy sa paghuhugas ng mga plato dahil sa tagal niyang magreply sa message ko. Nakikita ko lang ang tatlong dot na nagw-wave continuously tapos maya-maya ay magsstop na, tapos magw-wave na naman ito ulit. 
I found out the reason why nang makauwi siya sa bahay later that day. Low battery na pala ang phone niya pero nilalaban niya pa rin. When he was about to send his reply to my message ay tuluyan na raw itong nagpower-off. 
Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang pagkatok ni Kuya Franco sa pintuan ng kwarto ko. After knocking, dahan-dahan pa niyang binuksan ang pinto. 
“Are you done?”Tanong niya. 
I nodded. Sinukbit ko ang bag ko sa aking balikat at saka tumayo. I looked at myself in the mirror. I'm wearing my blue denim shirtdress and a pair of white shoes. Ang tagal ko na rin itong hindi naisusuot. Kung dati ay hanggang binti ko pa ito, ngayon ay above the knee na.
Sinikop ko ang buhok ko at ginawa itong ponytail. Mahaba na rin ang buhok kong hanggang siko pero wala akong balak na paiklian iyon. I just love how healthy and long my hair is. I never tried to dye my hair pati na rin ang iparebond ito. Unat naman na ito, so, there's no point para magparebond pa ako. I think the last time i went to a salon is to make my hair short, that was probably years ago. And i would never do that again. Never. 
“Sure ka na ba talaga diyan, girl?” Napatingin ako sa kaibigan kong si Jaimee na halos malukot na ang mukha habang inaabot sa akin ang mga gamit kong nakalagay sa kahon. 
Ngumiti ako. “I'm still deciding pa, but, we'll see.” Sagot ko.
Huminto siya sa ginagawa para taasan ako ng kilay. Parang naghihintay pa siya sa mga susunod kong sasabihin. 
“Anong we'll see? Akala ko naman kaya ka umuwi ngayon dito sa Manila kasi malapit na magstart yung enrollment. Yun pala hahakutin mo na lahat ng gamit mo dito sa condo dahil doon ka na sa Baguio mag-aaral! Nakakaloka ka!” Hinawakan niya pa ang sentido niyang sumasakit na ata mula pa kanina.
Nagpatuloy siya sa pagbuhat sa mga kahon para ilagay iyon sa compartment ng kotse ni Kuya Franco. Nakakunot ang noo niya at matatalim ang tingin sa akin. Hindi naman halatang labag sa loob niya ang pagtulong 'no? 
Pasulyap-sulyap ang tingin niya sa akin na para bang hinihintay niya akong magsalita. She looks frustrated na animo'y may kung ano siyang dapat na sabihin or what. Tinaasan ko siya ng kilay. 
She rolled her eyes to me. “May problema ba? Bakit all of a sudden doon ka na sa Baguio mag-aaral?” Tanong ni niya.
I let out a sigh. Parehas kaming tumigil sa ginagawa matapos naming mailagay ang lahat ng gamit ko sa kotse. Sa mga tingin pa lang ni Jai ay alam ko ng may alam siya about sa break-up namin ni Axel. Hinihintay niya lang na ako ang magsabi. Pero hindi ko kaya, hindi muna ngayon. 
“Itatry ko lang naman kung maganda ba mag-aral doon, tsaka mas maganda kaya ang klima don 'no!” Sagot ko.  
Napabuntong-hininga naman siya. Umangat ang sulok ng labi niya at saka lumapit sa akin para yakapin ako ng mahigpit. Nakaramdan ako ng kung anong kirot sa puso ko. 
Gusto ko munang subukan kung kaya ko bang mag-isa. I don't want to be a burden to her anymore. Simula pa noon ay lagi niyang iniisip ang kapakanan ko. Palaging ako muna bago siya sa lahat ng bagay. Ramdam kong limited ang galaw at oras niya kapag kasama ako. She can't hang out together with her friends without me, kasi ayaw niyang maramdaman ko na naleleft out ako kapag kasama sila. I've always appreciate the things the she did for me, pero masyado na akong nagiging dependent sa kaniya. Panahon na para tumayo ako sa sarili kong mga paa. 
“Love you, ingat ka!” Sambit niya sa akin bago kami tuluyang umalis sa condo.
To: Jai
Love you, Jai, thank you. 
From: Jai
Mwa. One call away lang ako lagi, remember that. 
Napangiti ako habang binabasa ang text message niya. I was so lucky to have a best friend like her. 
After bumalik nila Mommy sa New York ay nag-usap na kami ni Kuya regarding this. He also likes the idea of me studying and staying with him here in Baguio. Sa lahat ata ng desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko ay ito lang ang pinaboran niya. 
“Drive thru tayo?” Tanong ni Kuya Franco na nakatingin sa akin mula sa rear-view mirror ng kotse.
Tumango lang ako bilang sagot. Hinayaan kong si Kuya Franco ang mamili ng order ko. Hindi pa naman kasi ako nakakaramdam ng gutom at ayoko pang kumain.
Nasa Baguio na kami ngayon pero preoccupied pa rin ang isipan ko ng mga bagay-bagay sa Manila. Napapatanong rin ako sa sarili ko kung bakit nga ba ako nagdecide na sa Baguio na lang mag-aral? Pero kahit na subukan kong ilihis ang mga sagot ko ay alam ko namang isa lang ang dahilan ng lahat ng ito.
Si Axel.
He's the reason why I moved here in Baguio. At siya rin ang rason sa lahat ng mga maling desisyon na nagawa ko sa buhay ko. Every fucking day at school was a nightmare for me. Ako lagi ang laman ng usapan sa campus everytime na nakikita nilang may bagong kalandiang babae si Axel even though we're still together. Kasalanan ko rin naman, I forced to keep my eyes shut. Tangina. Nakakabulag nga naman magmahal.
That time when he ditched me at prom night. Nag-text siya sa akin telling me to wait him at my condo unit dahil susunduin niya ako para sabay kaming pumunta sa school. Sa sobrang inip ko nga bumaba na ako sa lobby para pag dating niya ay dumiretso na kami ng school. But hours have passed, walang Axel na dumating.
Pinalipas ko pa rin. Bullshit. I thought, maybe, nawalan lang siya ng gas kaya hindi siya nakapunta? Baka nagkasakit? Baka naaksidente na siya while driving? Or may masamang nangyari na sa kaniya along the way? I spammed him with text messages and calls. Nagrring ito pero walang sumasagot. I waited for minutes, hours, and days pero walang response. Nabalitaan ko na lang na he's already going out with another girl. Sinabi sa akin ni Jai.
Ilang araw ko rin iyong iniyakan. Siya ang unang tao na nagparamdam sa akin ng pagmamahal at atensiyon. Pero na realize ko na hindi iyon totoo. Sadyang marupok at mahina lang ang puso ko noong mga panahong iyon. I became desperate and martyr para sa kaniya. Paulit-ulit kong pinatawad at paulit-ulit rin akong ginago.
Hanggang sa dumating yung time na nauntog ata ako sa pader? It felt like my inner soul has woken up. Natauhan ako bigla. I cut the ties between me and the people whom made me feel that I am the worst person in this world. Kaya wala akong kaibigan maliban kay Jai. I've been playing and acting dumb for fucking 2 years. At sa dalawang taon na iyon wala akong ibang ginawa kun'di saktan ang sarili ko ng paulit-ulit. 
“Fuck you! You made my life fucked up!” I slapped his cheeks as hard as I can. Over and over again hanggang sa maramdaman ko ang pamamanhid ng magkabilang palad ko.
Wala siyang ginawa. Hinayaan niya lang akong gawin iyon sa kaniya. 
Until now, whenever I'm recalling those times hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Masaktan hindi dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa akin, kun'di sa mga sugat na iniwan niya sa puso ko. Sariwa parin. Hinihintay ko pa rin ang panahon kung kailan ito tuluyang hihilom.
I don't think I will be able to love the same way again. Hindi ko na siguro kayang magmahal ng buo. Hindi ko na siguro kayang magtiwala ulit. He build this monsters inside me and I won't ever let this thing to control over me. 
“Tulog mantika naman 'to.” Rinig kong sabi ng pamilyar na boses.
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko pero agad rin akong napapikit sa silaw na nagmumula sa bintana. I immediately blocked the sunlight striking into my face using my hand.
I rolled over the right side of my bed kung saan hindi ako nasisikatan ng araw. I burried my face into my pillow. Antok pa ako.
“Pasara nga, nakakasilaw.” I growled.
Naramdaman kong gumaan ang kabilang side ng kama. “Thank—what?! Jiro!”
Instead of closing the blinds of the window he widely opened it. Aakalain kong nasa langit na ako dahil sa tindi ng liwanag nito. Nakita ko pa ang pigura niyang humarang sa liwanag na nagmumula sa bintana. Nakatayo siya sa harapan ko. 
“Faith Desirae Alejandro, sinusundo na kita... It's me Sr. Pedro.”
Kunot-noo ko siyang tinignan. Napakurap pa ako ng dalawang beses at saka sinamaan siya ng tingin. Hinampas niya ako ng unan sa likod bago ito tumakbo papalabas ng kwarto ko.
Napabangon ako sa sigaw niya habang lakad-takbo ang ginagawa niyang pagbaba sa hagdan. Automatikong kinuha ng mga kamay ko ang cellphone kong nakapatong sa bedside table para tignan ang oras at ang araw ngayon.
Namilog ang mga mata ko nang makita ang petsa.
•••

Bình Luận Sách (13)

  • avatar
    Lyjud Bugat

    why give thr money

    14d

      0
  • avatar
    Jayson Patenia

    hi po pwede ba mag withdraw

    01/07

      0
  • avatar
    MATUGASJENESHEL

    nice story

    26/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất