logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

03

Chapter Three.
It's been years but why am I still acting like this? Why it is so hard for me to accept the fact that I can't bring back the relationship that we had before?
I let out a sigh.
“Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?” 
Maya-maya ay nakita kong hinampas ni Tita Jules si Jiro. Napadaing naman ito sa sakit. Hindi naman halatang ayaw niya na ako rito 'no? 
Pinanlakihan niya pa ng mga mata si Jiro bago tumingin at lumapit sa akin. 
I bit my lower lip. Nakalimutan kong nasa harap pala kami ng hapag-kainan.
“Hindi mo ba type ang luto ko, Faye? Mayroon pa namang ibang ulam diyan sa ref, sandali at lulutuin ko.”
Agad akong tumayo at kumapit sa braso ni Tita Jules. “No need na po Tita! Ang sarap nga ng luto niyo eh, napapatanong talaga ako kung bakit hindi pa kayo nagtatayo ng restaurant!”
We both giggled. She gently pinched my cheeks and hugged me.
“Sus! Si Mommy naman naniwala agad, ayaw ka lang niyan masaktan kaya yan naggaganyan.” Singit ni Jiro.
Pinaningkitan ko siya ng mata. Kung malapit lang talaga siya sa akin ngayon ay paniguradong mahahampas ko na siya sa inis.
Matapos kumain ng dinner ay heto kami at nakaupo sa salas habang nanonood ng movie. Si Jiro naman ay naiwan sa kusina para maghugas ng mga plato na pinagkainan namin. Wala siyang nagawa nung siya ang utusan ni Tita eh.
“I'm glad napabisita ka rito. We missed you, Faye.”
Napangiti ako. I missed them too. Naalala ko nung doon pa ako tumutuloy sa condo ko sa Manila, palagi akong pinadadalhan ng foods ni Tita Jules every week. Walang palya iyon. I already told her not to worry about me kasi hindi ko naman pinapabayaan ang sarili kong magutom. But still, she insisted.
“Namiss ko rin po kayo.” Nakangiting sambit ko.
“So how's Manila? Are you staying here for good or vacation lang?”
Kinuha ko ang remote control para hinaan ang volume ng tv. “It's all still the same. Actually, I'm going back to Manila rin po agad after makabalik nila Mommy sa New York.” 
Natahimik ako saglit. Tita Jules curiously looked at me.
“Is there something wrong?”
I let out a sigh. “You know what Tita, I've been thinking to start my college life here. Gusto ko po sanang dito naman mag-aral. I don't think i will be able to handle things if babalik ulit ako ng Manila after what happened.. ” I trailed off. 
Her eyes brightened after hearing what I've said. Tingin ko mas natuon ang atensiyon niya sa mga nauna kong sinabi.
“That's good to know! But what's stopping you to move here, Faye? And what do you mean by you won't be able to handle things after what happened?”
Nakagat ko ang ibaba kong labi. Dapat ata siguro ay hindi ko na inopen-up ang tungkol doon? I don't think i can tell her the reason why i wanted to moved here in Baguio. Isa pa, hindi ko nga masabi kay Kuya Franco na i already ended things with Axel, kay Tita Jules pa kaya? I'm sure manggagalaiti lang siya sa galit at mabubuhay na naman ang pagiging man hater na nasa loob niya. 
I hated to lie when it comes to Tita Jules but, “I can't decide yet if dito ba ako mag-aaral since inaalala ko rin po si Jai. I don't want to leave her alone there.”
That's a big lie. Taliwas sa katotohanan ang mga sinabi ko. Desidido na talaga akong dito mag-aral. Pangalawa, it's true that i don't want to leave her pero maraming friends si Jai sa Manila, kaya alam kong she will never feel alone.  May sarili siyang circle of friends at ganoon rin ako. Ang pinagkaiba nga lang ay si Jai lang ang nakapaloob sa circle of friend ko. Siya lang. 
She nods and patted my shoulders. “Don't rush yourself, mahaba pa ang oras para pag-isipan 'yan. Basta huwag mong kalimutang dumaan dito bago ka umuwi sa Manila ha, i will cook something for you.”
My mood lifted up. I enveloped her into a tight hug. I'm glad hindi na siya nagtanong about sa kung ano man yung mga bagay na hindi ko kayang ihandle sa pagbalik ko sa Manila dahil if ever, i don't know what to answer. This is the first time na bumisita ako sa kanila after years na hindi ako pumunta rito sa Baguio and i can't help but to smile. Kahit na taon man ang lumipas ay ganoon pa rin ang trato nila sa akin.
“Naku Tita, baka magtampo na niyan ng sobra si Jiro at hindi na ako makabalik dito sa susunod.” Natatawang saad ko.
Sabay kaming nagtawanan ni Tita Jules. Parehas sila ng mata ni Jiro na kapag tumatawa ay halos mawala na. Mula sa peripheral vision ko ay kita ko ang pagsilip ni Jiro sa amin mula sa kusina.
“Naririnig ko kayo!”
I turned my gaze to Tita's direction. She placed her pointing finger to her lips telling me to stay quite. And then we both laugh silently. 
Bumalik na ulit kami sa panonood ng movie. Ilang beses na naming napanood ang movie na iyon pero ewan ko ba, palagi pa rin kaming umiiyak sa ending. Parang kanina lang ay grabe pa ang tawanan namin pero ngayon, para kaming nag-iiyakan dahil iniwan ng mga partner nila.
“Oh,” Napatingin ako kay Jiro na inaabot ang tissue box sa amin ni Tita Jules. Nakangiwi pa siyang tumingin sa namumugto naming mga mata habang kumakain ng chips.
Kinuha ko naman iyon tsaka inabot rin kay Tita Jules. After watching that tearjerker movie ay nagkuwentuhan pa kami saglit about sa nangyari sa graduation ni Kuya Franco kanina bago ako tuluyang magdecide na umuwi.
“Bisita ka ulit dito next time, Faye ha.” Nakangiting sambit ni Tita Jules.
“Anong Faye? Sino si Faye, Mommy? Faith kasi.” Napapakamot sa ulong sabi ni Jiro.
Natawa naman ako. Faye. Eversince bata pa kami ay ‘Faye’ na ang tawag sa akin ni Tita Jules. Hindi ko alam kung bakit 'yan ang tawag niya sa akin at kung tinamad lang ba siyang bigkasin ang letter T sa Faith kaya Faye na lang ang itinawag niya sa akin o ano eh. Hindi ko alam. Pero kahit ano man ang itawag niya sa akin ay okay lang.
“Oo tita, bibisita po ako ulit next time.” Nakangiting sambit ko.
I gave her a hug before leaving their house. Muntik ko pang makalimutan ibigay ang gift ko sa kaniyang flower vase na nabili ko kanina sa mall kasama si Jiro. Napayakap ulit siya sa akin ng mahigpit sa tuwa. 
“Happy yan? Palibhasa may madadagdag na naman sa kalat niya eh.”
Sabay kaming tumingin ng masama kay Jiro. 
Hinatid pa ako ni Jiro hanggang sa sakayan ng trycicle kahit na ang sabi ko ay huwag na. Ang dahilan niya? May bibilhin rin naman daw siya sa bandang labas ng subdivision nila, kahit na alam ko naman na palusot niya lang iyon.
“Parang ‘di ka naman mapakali diyan?”
Napaangat ako ng tingin. He's wearing his grey hoodie habang nakapamulsa sa shorts niya at napapahikab pa. Kasalukuyan kaming naghihintay ng trycicle na masasakyan. 
Napakamot ako sa kilay ko. “Ayoko pa umuwi sa bahay. Sa inyo na lang muna kaya ako magpalipas ng gabi?” Ngumiti pa ako ng malapad. Hoping he would say yes. 
“Talagang ikaw pa ang nag-suggest ah? Hindi mo man lang tinanong kung papayag ako?” Naiiritang anito. 
Umangat ang sulok ng labi ko. Hindi ko tuloy naiwasang mapairap. 
He folded his arms together and faced me. “Alam mo ayoko na sanang ibring-up pa 'to pero parang sumosobra ka naman ata, kulang na lang ikaw na ang pumalit sa akin bilang anak ni Juliana 'Jules' Pascual.”
Magsasalita pa sana ako pero hinarang niya na agad ang palad niya sa mukha ko. 
Akmang kukurutin ko na ang tagiliran niya pero mabilis niya itong sinalag gamit ang malalaki niyang kamay. I tried to touch his hair para guluhin ito pero sadyang matangkad siya kaya hindi ko ito naaabot ng agad-agad. Kaya't ang tanging nagawa ko na lang ay ang suntukin ng malakas ang braso niya. Pero mukhang bigo pa rin ako, parang wala lang iyon sa kaniya dahil patuloy lang siya sa pagtawa ng malakas. 
“Lagot ka sa'kin sa susunod! Babawi ako!” Rinig kong sigaw niya habang papalayo ang trycicle na sinasakyan ko. Nakita ko pang inangat niya ang middle finger niya at iwinagayway iyon sa ere. 
I also raised my middle finger to him.
Tanaw ko pa ang pagtawa at ang pigura niya bago ito unti-unting natabunan ng mga sasakyan. 
“Ganiyan na ba ang love languange ng mga Gen Z ngayon?”
Napatingin ako sa driver ng trycicle na nasa harapan ko nang marinig ko siyang magsalita. Mula sa salamin ay kitang-kita ko ang ngiti niyang abot na ata hanggang tainga. Naka-shades pa siya at may bandana sa ulo. Napatingin tuloy ako sa kalangitang binabalot na ng dilim. Sikat pa ang araw nang umalis ako sa resto kanina, pero ngayon buwan na lang ang nakalitaw sa kalangitan. 
Hindi ko siya masyadong narinig kanina dahil sa ingay ng mga sasakyan na ngayon ay medyo nabawasan na. 
“Po?” Nagtatakang tanong ko. 
“Ikaw siguro ang 'Jopay' ng buhay niya ano?” Nang-aasar pa ang ngiti nito.
Nag-loading pa sa isipan ko kung ano ba ang balak sabihin ni Manong pero unti-unti rin itong nagprocess sa utak ko nang marinig ko ang kantang 'Jopay' na kasalukuyan niyang pinapatugtog sa trycicle niya. 
Tinaas-taas pa nito ang kilay nito sabay kanta ng 'huwag ka ng mawala~' na sa tingin ko ay iyon lang ang lyrics na alam niya sa kanta dahil paulit-ulit niya lang itong sinasabi kahit na hindi na chorus part ang tumutugtog ngayon. 
Pilit na lamang akong ngumiti. Kinuha ko ang phone ko sa shoulder bag ko. Nakaturn-off ito the whole time mula nung pumunta ako kina Jiro kaya naman nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang missed calls and texts ni Kuya Franco 
sa akin.
Kuya Franco :
I'm really getting mad now, umuwi ka na.
That's his last text. Seven minutes ago. Bago pa iyon ay nakailang tanong na siya sa akin kung nasaan na ba ako at bakit bigla-bigla na lang akong umalis? Sinabi niya pa na kailangan ko na raw umuwi dahil kung hindi ay talagang makikita ko na ang mga damit ko sa labas ng bahay. And knowing my brother, he's definitely gonna do that if I'm not going to come back home anytime soon. 
Napabuntong hininga ako.
Kanina ang saya-saya ko. But now, knowing na babalik ako sa bahay at makikita ko na naman sila Mommy ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. I really don't know how to describe what I'm feeling right now. But one thing is for sure, i won't pretend to be happy around them. Alam nila kung ano ang nararamdaman ko pero pinipili nilang ipagsawalang bahala. Ayokong isipin nila na masaya ako sa mga nangyayari... na ayos lang sa akin lahat. Dahil kahit kailan ay hindi.
“Dito na lang po.” Sabi ko sa driver sabay abot ng bayad dito. “Salamat po.”
Napagdesisyunan ko na magpababa na lang dito sa tapat ng gate ng subdivision namin. Medyo malayo pa ang bahay namin pero gusto kong lakarin na lang mula rito.
Sobrang lamig ng simoy ng hangin at ang tahimik rin ng kapaligiran. Gabi na pero hindi naman ganoon kadilim ang dinaraanan ko dahil sa liwanag na nagmumula sa mga poste. Sana ganito na lang, tahimik... payapa.
Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang mga panahon na madalas akong magbike rito kasama si Kuya Franco. Parati kaming nag-uunahan pauwi sa bahay matapos namin maglaro sa park na narito lang rin sa loob ng subdivision namin. Tapos pag-uwi namin sa bahay ay kakain na lang kami ng meryenda na hinanda ni Mama Lourdes para sa amin. Kapag gabi naman ay sabay-sabay kaming manonood ng movie sa salas bago kami matulog.
Tipid akong ngumiti.
Parang gusto ko na lang bumalik sa mga panahong iyon. Walang problema at kung anong isipin. If only i could go back in time, kung pwede lang sana.
•••

Bình Luận Sách (13)

  • avatar
    Lyjud Bugat

    why give thr money

    14d

      0
  • avatar
    Jayson Patenia

    hi po pwede ba mag withdraw

    01/07

      0
  • avatar
    MATUGASJENESHEL

    nice story

    26/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất