Chapter 6 PUNONG-PUNO ng mga estudyante ang hallway sa registrar building ng Divine Community College para sa mga ilang estudyanteng na-late sa pag-enroll at ilang magpapalit ng school. Isa si Zedi ang nakikipagsiksikan, pumila ng maaga para lang mapalitan ang isang schedule niya sa subject at halos magdadalawang linggo na bago niya napansin ito kaya sobra ang pagsisisi niya dahil sumabay pa siya sa dagsa ng mga ibang estudyante, samu’t sari rin ang ingay sa paligid. Mabuti na lamang at nakapasok siya agad sa DCC dahil new students siya ro’n, kahit pa paano’y masaya siya dahil na credits ng unibersidad na yon ang mga dati niyang subject sa St. Agustin at tuloy siya sa third year level. “Ms. Domingues!” Sigaw nong babaeng nakasalamin nong sumilip ito sa pila habang hawak ang papel muli itong pumasok. “Present, madam!” Sabay taas ng kamay niya saka siya sumunod sa loob kaya bumungad sa kanya ang malamig na silid at humahalo ang mga pabangon ng mga employer sa registrar building. Sumunod lang siya hanggang sa makarating sila sa table ng babae na may nakapatong na registrar sa table nito. Inabot sa kanya nong babaeng nakasalamin na may suot na maroon polo shirt na uniporme ng mga nagtatrabaho sa unibersidad pag tuwing Wednesday, may katabaan ang babae, mababa at katandaan. Hindi ito nakangiti kaya na intimidate si Zedi sa matandang babae. Inabot nito kay Zedi ang papel at nasilip ng dalagang ayos na ang lahat ng mga subject niya ngunit may dalawa. “Okay na ba yan?” Masungit na tanong nito kay Zedi. Huminga ng malalim ang dalaga ng mapansin niyang may ilang mahahaba ang vacant niya bago ang sunod na klase niya. “Okay na po ito,” agad na sagot ni Zedi, “salamat po,” saka siya umalis. Pagbukas niya ng pintuan saktong may narinig siyang boses na dumaan, agad niyang sinundan ang direksyon ng boses, napakunot-noo siya lalo na’t pamilyar ito. “Hello…oo nga sabi, pupunta ako…mamaya na nagmamadali ako.” Nakita niya ang pamilyar na likod habang may katawagan sa phone nito habang nakasuot ng unipormeng pang students chef na kulay puti habang may design na maroon sa likod nito. “Aki?” Papalayo na ang binata ngunit napaisip siya, ‘paano naman siya mapupunta rito?’ Nakatingin pa rin siya sa binata hanggang sa matakpan na ito ng mga dumadagsang estudyante sa hallway. Tumalikod na siya at naglakad sa kanan para dumiretso sa kanyang unang klase. NANG makapagpaalam ang professor nila sa unang klase agad na lumapit ang isa niyang kaklase at naging kaibigan, si Lennon. Mahilig itong magsuot ng fedora hat at mga layer style na damit kahit hindi naman air con ang buong school. Si Lennon ang humatak sa kanya para makilala pa ang ilang kaibigan nito, madali lang siyang naka-get along sa grupo lalo na’t hindi nito pinaramdam sa kanya na bago pa lang siya o hindi siya belong. Halos magdadalawang linggo na simula nang makilala niya ang mga bago niyang kaibigan sa DCC. “Punta tayo canteen,” yaya ng binata sa kanya, “andoon sila David at saka darating yung isang kaibigan namin para makilala mo, isang linggong hindi yon pumasok kasi kagaling pa lang sa hospital.” “Sino nga uli ‘yon?” Kunot-noong tanong ni Zedi. “Si Villalobos,” parang batang excited si Lennon, ilang inches lang ang tangkad ng binata sa kanya at mas madalas niya itong kasama kesa sa ilan sa bagong grupong kinabibilangan dahil halos magkaparehas sila ng section na professor na pinapasukan at parehas sila ng kursong kinukuha. “Villalobos,” pag-uulit ni Zedi dahil mahilig tawagin ni Lennon ang mga kaibigan nito sa apelyido. Lumabas na sila ng silid at nakipagsabayan sa ilang estudyanteng naglalakad sa hallway. Wavy ang buhok ng binata na kulay blonde ang buhok, para itong koreano sa style lalo na ang mukha nito na walang ka-pores-pores sa mukha. Katulad ng dati kung ano-ano ang kinikwento ni Lennon, tungkol sa pag-modelling niya sa isang hindi kilalang studio at clothing line ng maliliit na business at kung saan gagamitin ang perang makukuha dahil gusto nitong makapag-publish ng sariling libro. Si Zedi ang madalas na nakikinig kahit ang ilan ay paulit-ulit ang kwento nito. Kailangan pa nilang dumaan sa isang department building bago makarating sa main building ng paaralan, naroon ang main library, ang clinic, ang tambayan at ang canteen nila. Dahil third day of second week sa first month ng semester, marami pa ring estudyante. “Na saan ba sila?” Kailangan pang tumingkayad ni Zedi para lang makita ang mga kaibigan. “Ayon sila,” sabay turo sa isang gilid, hinatak siya sa kamay ni Lennon kaya nagpadala na lamang siya rito lalo na’t maraming tao at nagsasabay-sabay ang ingay ng mga estudyante dagdag pang sa ganu’ng oras nagsasabay-sabay ang vacant ng ilan. “Hello, Zedi,” bati ni Rina sa lamesang hinintuan nila habang nasa gitna ng grupo dahil dalawa lang silang babae sa grupo ngunit nong wala si Zedi, nag-iisang prinsesa si Rina sa grupo. Tumango naman sila David, Xavier sa kanya habang nakipag-fist bump naman si Kalix kay Lennon na halos kasunod ng binata sa ugali. Panganay sa grupo at animoy kuya si David habang si Zedi ang pinakabata sa lahat, sunod si Lennon. May mga nakahandang pagkain na sa maroon na lamesa habang may nakaguhit doon na emblem ng paaralan at pangalan nito. Kasintahan ni Xavier si David ngunit hindi sila gaanong clingy at nagpapakita ng sweetness sa grupo lalo na’t napapaligiran sila ng mga tao dahil lowkey couple sila kung tatawagin at mas gusto nilang ganu’n sila. “Kumusta na, Zedi? Napalitan mo na ba ang schedule mo?” Tanong ni David habang kumakain ng fries, si David din ang mas madalas na nakakaalam ng mga problema ng bawat isa at nag-inform ng ilang bagay lalo na’t SSG vice president ito. Habang si Villalobos na hinihintay nila na isa rin sa grupo’y nanliligaw kay Rina noong mga first year lamang sila samantalang kaibigan lang ang turing ni Rina sa kanya ngunit patuloy pa rin ang binata sa gusto niyang mangyari kahit pa may kasintahan na ang dalaga sa ibang departaminto. “Yep, okay na siya buti nga nakausap ko ng maayos, minsan pa naman masungit yon,” pabirong sagot ni Zedi. Nakikipagkulitan naman si Kalix at Lennon nang may magsalita sa likuran niya kaya halos napalingon ito sa likuran niya, umayos naman ng upo si Zedi at napasulyap sa direksyon nu’n ngunit unti-unti namilog ang mga mata niya nang makilala niya kung sino ito. ‘Akaki?’ Hindi nagawang maibuka ni Zedi ang bibig niya, nagkatitigan sila ngunit ang mga titig ng binata sa kanyang parang hindi siya kilala, naupo ito sa tabi ni Rina at Kalix saka muling sumulyap sa kanya. “Oo nga---” naputol ang sasabihin ni Lennon ng magsalita ang bagong dating na binata. “Sino siya?” Tanong ni Akaki. May kung anong kumurot sa puso ni Zedi, ‘hindi niya ako nakikilala? Ilang linggo lang ang lumipas nong huli kaming nagkita at nagkilala, ganu’n ba ako kadali makalimutan? Pero siya si Akaki eh...’ “Yon nga sasabihin ko, siya si Lezedi o Zedi for short, new friends natin, ang new baby ng grupo, Zedi, ang cook ng grupo si Akakios o Akaki,” masayang pakilala ni Lennon sa kanilang dalawa ngunit halata kay Akaki na hindi ito interesado at pinagkaabalahan ng kausapin si Rina. ‘Bakit ganu’n?’ Lahat ng excitement ni Zedi ay biglang nawala, ang dami niyang tanong, hindi alam ng bago niyang grupo na kilala na niya noon pa ang binata, hindi naman niya kailangan ikwento. Nagkunwari na lamang siyang okay lang at nakikipagbiruan paminsan-minsan kila Lennon pero sa loob-loob niya may kung anong lungkot ang nararamdaman niya. “Punta kayo, guys, mamaya sa bahay birthday pala ng aso ni mama gusto niya may handaan,” pagyaya ni Kalix sa kanila. “Paano mahal na mahal ni mama mo yung aso ninyo kesa sa ‘yo,” pangbibiro naman ni Lennon. “Sige ba join kami,” sabi ni Rina. “Sundo-sundo na lang para isang car na lang ang gamitin natin,” wika ni Xavier. “Wow, guys! Mas kompleto pa tayo sa birthday ng aso ni mama kesa nong birthday ko last year,” nagkukunwaring nagtatampong si Kalix. Hindi naman mawala ang tawa ni Lennon sa lamesa nila dahil doon. “Okay ka lang?” Napunta naman kay Zedi ang atensyon ng magtanong si David kay Zedi. “Huh?” Isa-isa niyang tinitigan ang mga kaibigan bago siya huminto sandali kay Akaki, umiwas ng tingin at ngumiti, “oo naman, sorry may inaalala lang pero okay lang ako.” NAGDADALAWANG isip si Zedi kung sasama siya sa grupo, parang nag-aalangan na siyang sumama lalo na’t na andyan si Akaki na hindi man lang siya naalala ngunit nangako na siya sa grupo lalo na kay Lennon na namimilit pa kanina sa klase niya nang malamang nagdadalawang isip siya. Napalingon siya sa pinto nang marinig niya ang katok, “andyan na ang sundo mo, anak!” Sigaw ng anak mama niya mula sa labas. Naglakad siya patungo sa bintana at hinawi ang kurtina para masilip ang labas nang makita ang kotse ni Xavier na nakaparada sa tapat ng bahay nila. Huminga ng malalim at pinakalma bago siya lumabas ng silid. “Mag-iingat kayo,” paalala ng ina niya nang makababa siya at naghihintay sa labas. “Yes, ma,” sagot niya saka niya binigyan ng halik sa pisngi ito. “Mag-text ka pag may kailangan ka,” pahabol pa nito bago siya tuluyang lumabas ng bahay nila at ng gate. Dumiretso na siya sa kotse nang mapansin niyang bahagyang bukas na ang passenger seat kaya binuksan niya ito ng tuluyan para ro’n na sumakay ngunit nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makitang nasa si Akaki ang nasa driver seat at nakahawak sa manebila. “Sakay ka na, dyan ka na umupo kasi wala naman gustong umupo dyan,” wika ni Lennon, “or should I say ayaw nilang tumabi kay Aki,” sabay tawa nito. Muli siyang napasulyap kay Akaki na nakatingin na sa unahan, “sakay na.” Saka lang siya na alerto at napasakay agad ng magsalita ito. Sinara niya ang pinto nito, saka binuksan ni Akaki ang makina ng sasakyan at nagmaneho. Habang nasa biyahe rinig niya ang asaran ng mga kaibigan nila sa likod habang pakiramdam ni Zedi na ang sikip nilang dalawa kahit maluwag naman ang puwesto niya. Hindi rin siya gaanong kumikilos sa kinauupuan niya. “Okay ka lang?” Nanlaki ang mga mata ng Zedi nang marinig niyang nagsalita si Akaki sa tabi niya, bumibilis ang tibok ng puso niya, muli niyang pinakalma ang sarili niya. “Oo,” halos pabulong niyang sagot. Hindi na sila nagkibuan hanggang sa makarating sila ng bahay nila Kalix. Huminto ang kotse sa isang two storey house na may malawak na gate at mataas na mga pader na napapalibutan ng mga vine plants at bulaklak. Naghahalo ang cream and white color ng bahay. Doon napagtanto na mayaman nga si Kalix ngunit hindi ito nagpapakita na mayaman siya lalo na’t parang si Lennon ito kumilos na isip bata. Pinagbuksan sila nito ng gate at agad na pinapasok. Nagkalat ang mga nakaparadang nagmamahalang kotse sa loob ng compound kila Kalix, sa may veranda pa lang makikita ang ilang bisitang naka-formal attire at kung todo suot ng alahas. “Wow, Kalix, aso lang yan,” sabay tawa ni Lennon si Kalix na nakasuot pa ng kulay blue back shirt na naka-tuck-in sa gray slacks na tinupi ng isa dulo at high-top sneaks. “Hindi ka naman nagsabing may attire pala,” dagdag pang biro ni David. “Oo na, masaya na ba kayo? Pasok na kayo, guys, nasa loob na si Rina kanina pa,” yaya ni Kalix sa kanila. Agad namang umakbay si Lennon sa kanya at doon lang napagtanto dahil occupied ang utak niya kay Akaki na hindi pala nila kasama si Rina. Pagkapasok nila sa loob, nagkalat din ang mga indoor plants, mga minimalist design painting at mga furniture at mas nangingibabaw ang yellow-green at white na kulay ng indoor color. May ilang bisita at may mga dala ring breed na aso. Sumalubong naman si Rina na galing sa kusina na nakasuot ng dress na pink at doll shoes kaya nagmumukhang Japanese girl lalo na’t straight ang buhok nitong hanggang balikat at may full bangs pa. Agad na sinalubong ng ngiti ang grupo at yinakap naman si Zedi saka ito bumitaw. “Ang tagal ninyo ah,” wika nito. “Ang tagal kasi magmaneho ni Aki,” biro na naman ni Lennon. May isang matandang babaeng lumapit sa kanila na sobrang pati at pumapares ang dress nitong yellow green sa kulay ng damit nong bahay nila Kalix habang yakap-yakap ang maliit na babaeng Chihuahua habang may pink na damit na parang pang ballet. “Andyan na pala ang ibang friends mo, dalhin mo sila ro’n sa garden natin at saka bigyan mo na rin ng pagkain,” utos nito sa anak na hindi pa rin mawala ang ngiti na parang pang artista na hindi naman gaanong pansin ang katandaan lalo na sa kutis nito, “enjoy lang kayo ah, huwag kayong mahiya.” “Naku, salamat po.” “Salamat po.” Sabay-sabay nilang sabi bago sila iniwan ng ina ni Kalix. “Halika na kayo, guys,” yaya ni Kalix kila Zedi kaya sumunod naman silang lahat sa binata hanggang sa makalabas sila sa hardin, doon mas marami pang mga halaman, may isang mahabang lamesa kung saan naka-display ang mga pagkain na animoy um-attend sila ng isang buffet party dahil sa mga nakahaing pagkain. “Wow ah,” hindi maiwasang mamanghang ni Xavier. “Wait lang, guys, may sasagutin lang akong tawag,” saka pinakita ni Rina ang phone niya habang nakarehistro ro’n ang salitang babe, “kuhaan mo na lang ako, Zedi, ng kahit sandwich…” saka ito umalis bago pa man makasagot si Zedi. Hindi alam ni Zedi kong alin ang kukunin niya o pipiliin sa mga ito para kay Rina lalo na’t maraming uring sandwich ang naroon kaya pumili na lang siya ng pwedeng makain ng kaibigan. Nang makakuha sila ng puwesto nila agad namang bumalik si Rina at inabot ang sandwich mula sa plato ni Zedi para kainin, ngunit unang kata at nguya pa lamang ni Rina nang may makagat siyang bawal sa kanya, agad siyang dinapuan ng takot at nabitawan ang sandwich na hawak kaya napasulyap si Zedi sa nalaglag ng dalaga at mukha nito, nabigla siya nang namumutla na ito. “Okay ka lang, Rina?” Nag-aalala niyang tanong habang namimilog ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Isa-isa napunta ang atensyon ng mga kasamahan nila kay Zedi at Rina lalo na si Akaki nang mapansin niya ang sintomas. Kinuha ni Akaki at binuklat nang makita ang sandwich nito’y may halong peanut butter, agad niyang pinanlisikan ng mga mata si Zedi kaya nabigla ang dalaga at hindi alam ang gagawin. “Anong ginawa mo? Hindi mo ba alam na bawal sa kanya ang peanut, kaibigan ka ba talaga?” Nabigla si Zedi at nanlaki ang mga mata sa mga narinig niya kay Akaki, hindi niya alam kung anong uunahin niya, kung ang takot ba sa nangyari kay Rina o ang panunumbat ni Akaki, kaya lalo siyang napatanong kung talaga bang ang binata niyang nakilala sa Irosin ang nakakausap niya? Agad na dinaluhan ni David si Rina at kinuha ang emergency kit nito sa bag para kay Rina saka ito pinainim kay Rina ang gamot nang mailuwa ang naisubong pagkain. Nakuha nila ang atensyon ng ilang bisita at may ilang nagbubulungan, pakiramdam ni Zedi nakatingin sa kanya ang lahat at nanliliit sa mga titig ng lahat. Tumawag naman ng tulong si Kalix kaya may dumating na katulong para daluhan si Rina. “Mas maganda po kung mapatingin ang kaibigan mo sabi ni madam,” wika ng dalagang katulong kay Kalix kaya inalalayan ni Kalix si Rina. Ngunit agad na binawi ni Akaki si Rina kay Kalix, “ako na, papatayin ata ng isa ninyong kaibigan si Rina, sa susunod alamin niya mga bawal sa mga kaibigan niya para hindi siya nakaperwisyo,” galit na wika ni Akaki bago sila umalis kasama si Rina. Hindi maintindihan ni Zedi ang sarili, nagluluha ang mga mata niya ngunit pinipigilan niyang mas makakuha ng atensyon, may kung anong bumabara sa lalamunan niya, nananuyo at hindi man lang niya naipagtanggol ang sarili sa biglaang pangyayari. Dinaluhan siya ni Lennon at saka tinapik-tapik sa likod, “huwag mo na ‘yon isipin, oa lang talaga si Aki pagdating kay Rina, wala kang kasalanan.” Nanginginig ang kamay ni Zedi sa lap niya at nawalan na ng gana, “gu-gusto ko ng umuwi,” doon lang siya naglakas nang loob magsabi gamit ang basag niyang boses kaya naramdaman din ng mga naiwan sa kanila ang nararamdaman niya. “Sige, ako na ang maghahatid sa kanya, guys,” wika ni Xavier. Tumango naman si David na nagkaintindihan na ang magkasintahan. “Sorry,” bulong niya ni Zedi. “Halika, Zedi,” pagyaya ni Xavier sa dalaga.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
so much fun with your time
30/01/2025
0maayos nman siya basahin
05/09/2024
0salamat
07/07/2024
0Xem tất cả