logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 3 Ang Love letter ni Barbara

Barbara's POV
***
[Earlier]
Dahan-dahan kong pinuputol ang isang tangkay ng Dama de Noche. Nag-iingat ako na hindi ako makita ng aking nanay na binabawasan ang mga alaga niyang bulaklak. Napahinga ako ng malalim nang mabali ko na ang tangkay nito nang walang naririnig na sigaw mula sa nanay ko.
Ngunit, napawi ang ngisi ko nang tumambad sa 'kin ang nakapamaywang kong nanay. Paktay ka Barbara!
"At saan mo balak magpunta at dala-dala mo 'yang bulaklak?"
Napakamot nalang ako sa aking ulo at binigyan ng alanganing ngiti si mama.
"Ma, isa lang naman e. Ibibigay ko lang sa nililigawan ko. Kay Clark my labs," ani ko bago ko ipinagdikit ang aking mga kamay na tila nagdadasal.
Nanlaki naman ang mga mata ng nanay ko at 'di makapaniwala akong tinitigan.
"Hoy! Ikaw na bata ka! Kababae mong tao 'tapos ikaw ang manliligaw?!" At saka niya ako hinampas sa braso. Huminga pa ng malalim si mama bgo nanggagalaiting kinurot ako sa gilid ng aking baywang. "At tama ba iyong narinig ko? Clark? Iyon iyong anak ng amo mo na taga-Maynila 'di ba?!"
Tumango naman 'agad ako. Hinahaplos ko pa ang braso ko na nahampas ng galit na galit kong ina.
"Ano bang gagawin ko sa 'yo, Barbara?! Itigil mo 'yang kahibangan mo, maaari ba? Mayaman ang Clark na 'yon! Isa pa, taga-Maynila iyon, Barbara! Sa tingin mo ba seryosohin no'n ang isang probinsyanang 'tulad mo? Hay nako!"
Sa dami ng sinabi ni mama ay binigyan ko lang siya ng ngiti. Sunod ay niyakap ko siya. Isinandal ko pa ang aking ulo sa kaniyang dibdib.
"Ma, chillax ka lang. Tingin ko naman ay iba si Clark sa mga taga-Maynila at mayayamang tao na alam natin. At saka, liligawan ko ba s'ya kung hindi s'ya ang tamang lalaki? Ayoko lang na maging single habangbuhay kaya ako na ang nanligaw," ani ko bago tiningala ang aking ina. Napabuntong hininga siya sa sinabi ko.
"Baliw ka talagang bata ka! Ano naman---"
"Ma naman. Sa panahon ngayon, kung pabebe ka, mauubusan ka ng katadhana. Saka, gusto ko po talaga s'ya e."
Naiiling nalang akong tiningnan ni Mama. Hinila niya pa ang dulo ng buhok ko na ikinadaing ko naman.
"Hindi pa rin ako sang-ayon. Anak, napakaguwapo ng taong gusto mo. Sa tingin mo ba paglalaanan ka niya ng pansin."
Noo ko naman ang nangunot sa sinabi ng nanay ko.
"Sinasabi mo ba na pangit ako, Ma?!"
"Hindi naman sa ganoon, anak. Pero hindi ka rin naman maganda 'di ba?"
-------------
Nakabusangot ang mukha ko habang patungo sa bahay nila Clark. Naiinis pa rin ako sa naging usapan namin ng ina ko bago ako umalis ng bahay. Kung p'wede lang manapak ng nanay, ginawa ko na kanina.
"Pst! Barbs!"
Lumingon ako sa tumawag sa 'kin at kaagad napanguso nang makita ko si Maya. Isa pa itong kaibigan kong 'to. Hadlang sa pag-iibigan namin ni Clark my labs.
Nailing ako nang nagtataka niyang tiningnan ang hawak kong Dama de Noche.
"Para kay Sir Clark?"
Tumango nalang ako. Naiiling nalang niya akong tiningnan 'tapos ay umalis na. Bakit ba lahat sila tutol sa panliligaw at pag-ibig ko para kay Clark my labs!? Nagmamahal lang naman ako at walang masama ro'n.
Mula sa nakasimangot kong mukha ay kaagad akong ngumiti nang makarating sa mansyon nila Clark. Tinanguan pa ako ng mga nakasalubong kong katrabaho habang paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Dumiretso ako sa silid ni my labs at kaagad na kumatok nang marating ko ito.
"Pasok!" sigaw niya mula sa loob.
Binuksan ko naman ang pintuan dahil 'di naman naka-lock. Nakatingin pa ako sa sahig pagpasok ko dahil kinakabahan ako.
"Maid?"
Dahil sa pagtawag niya ay kinailangan kong mag-angat ng tingin. Pag-angat ko ng aking mga tingin ay abs na nangungusap na naman ni my labs ang sumalubong sa 'kin. Naka-boxer shorts s'ya 'tapos ay hubad baro na naman. Basa pa ang kaniyang buhok at nakakaakit iyong ngiti niya para sa akin. Napalunok muna ako bago ginawa ang pakay ko.
"Ah eh... Para sa 'yo, Clark!" At inilahad ko ang bagay na nais kong ibigay sa kaniya.
Lumapit naman s'ya sa 'kin at kinuha ang hawak kong Dama de Noche.
"Thank you, Maid. Iyon lang ba ang sadya mo?"
Hindi ako makapagfocus sa sinasabi niya dahil nagmumura iyong nakalantad niyang abs. Sabi pa nga sa 'kin no'ng abs niya, 'P*tang ina mo, Barbara! Abs ako! Tumingin ka rito!'
Kaya ayon. 'Yong mga mata ko ay nakapako ng tingin sa maangas niyang abs. Bakit kasi s'ya naka-topless?!
"Hey, Maid! Stop drooling on my body. Kapag napasagot mo 'ko, mahahawakan mo rin 'yan."
Nabaling ang tingin ko sa mukha ni Clark dahil sa sinabi nyya.
"Talaga?! Kahit unlimited hawak?!" naniniguradong tanong ko.
Natawa naman siya sa sinabi ko. Ngunit sa halip na mainis dahil tinatawanan niya ako, lalo lang akong nabighani. Napaka-sexy naman kasi ng kaniyang tawa. Nakakabasa ng panty!
"Oo ba! Kahit tikman mo pa e." At kinindatan niya pa ako. Napahinga naman ako ng malalim para mas pahabain ang nauubos kong pagtitimpi. Baka sunggaban ko nalang si my labs bigla. Nako talaga! Sisiguraduhin kong mapapagod siya! Napangisi ako sa aking naisip.
"Pero seryoso nga, Maid. Ibibigay mo lang ba talaga 'tong bulaklak kaya----"
"Nako! Hindi lang 'yan 'yong ibibigay ko. Ito rin, my labs."
Iniabot ko sa kan'ya 'yong love letter na isinulat ko kagabi. Nagtataka naman niya itong kinuha. May pagtatanong sa mukha niya pero 'di ko na iyon pinansin at tumalikod na para lumabas. Grabe kahit naman malakas ang loob ko, may hiya pa rin ako sa katawan. Ang awkward kayang makita iyong reaction ng taong mahal mo habang binabasa iyong love letter na binigay mo sa kan'ya.
"Where are you going?"
Napatigil ako sa akmang paglabas ng kaniyang silid.
"May trabaho pa kasi ako sa baba, Clark. Ano..." mahina ang boses ko at nakayuko pa ako. Kailan pa ako naging matimtimang dalaga?
"Stay," aniya.
Para naman akong asong sumunod sa sinabi niya. Muli akong humarap sa kan'ya at nanatili sa loob ng silid gaya ng utos niya. Nakayuko lang ako. Kasi nahihiya talaga ako.
"Now Maid. What is this? Love letter?"
Nag-init naman ang mga pisngi ko dahil sa tanong niya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya bago tumango bilang sagot.
Naiiling naman niya akong tiningnan bago isinuksok ang binigay kong bulaklak sa likod ng kaniyang tainga. 'Tapos no'n ay binuksan niya na ang letter kong nasa loob pa ng envelope na pink.
"Is this love letter a part of 'You Courting Me'?" Tumango ulit ako sa tanong niya. "Oh well. Let's see. Dear my labs," panimula niya na ikinalaki ng mga mga mata ko. Babasahin niya talaga ng malakas habang nandito ako?!
"My labs! 'Wag mong basahin!" pigil ko sa kaniya na ikinaangat naman ng tingin niya mula sa sulat papunta sa 'kin. Kumunot ang kaniyang noo.
"Anong gagawin ko rito kung 'di ko babasahin?"
Pilosopo din pala 'tong my labs ko.
"Ibig kong sabihin, 'wag mong basahin ng malakas."
Ngumisi lang siya sa 'kin 'tapos ay naupo sa kaniyang kama.
"Dear My labs..."
"Naman e!"
Mas lumawak lang ang kaniyang ngisi bago ako sinulyapan. Itinapat niya pa ang kaniyang hintuturo sa labi niya na sumisenyas na huwag akong maingay.
"Huwag ka maingay, Maid. Sige ka, maiinis ako," babala niya bago ibinalik ang atensyon sa sulat.
Ayoko naman siyang mainis kaya shut up nalang ako.
"Dear my labs... Noong unang beses kitang makita, alam kong ikaw na ang tadhana ko," panimula ni Clark bago napataas ang kaniyang kilay. "Seryoso 'to? Tadhana 'agad ang tingin mo sa 'kin, Maid?"
"Oo na! Puwede bang basahin mo nalang," ungot ko na ikinatawa niya naman.
Bakit ba lalo lang akong kinikilig kapag natatawa s'ya sa 'kin?
"Ok, itutuloy ko na. Kaya nga, agad akong nagpunta sa simbahan at nanghingi ng sign. Kapag nakakulay pink ka sa sunod na beses na makita kita at kapag may binigay ka sa 'kin na kahit ano, kahit piso pa 'yan. Ibig sabibin no'n, itinadhana tayong dalawa." Napailing si Clark bago bumaling sa akin. "Natupad ba 'to?"
Hindi ko nalang s'ya sinagot at nanatiling nakayuko. Bakit ba kasi ayaw niya nalang basahin ng tuloy-tuloy at tahimik?
"Kulang ang sabihing nagulat ako nang matupad ang lahat ng signs na hiningi ko. Sunod kitang nakita sa tapat ng gate ninyo, nakapink kang shirt at boxer shorts 'tapos ay may hawak kang napakalaking teddy bear. Nagulat ako nang balingan mo ako ng tingin ng araw na iyon. 'Tapos ay lumapit ka at ibinigay mo sa 'kin 'yong teddy bear. Iyon ang araw na nahulog ako sa 'yo, my labs."
Nang matapos niya nang basahin ang unang paragraph ng love letter ko, saka lang ako nag-angat ng tingin. Sinalubong niya ang tingin ko. Bigla naman akong nailang sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Iba iyon. Tila may nais siyang sabihin sa 'kin.
Huminga s'ya ng malalim 'tapos ay nag-iwas ng tingin sa akin. Akala ko ay itutuloy niya ang pagbasa ng malakas sa aking sulat pero hindi. Tahimik lang niyang ipinagpatuloy ang pagbabasa. Habang ako ay nakatitig lang sa kan'ya.
Ilang buntong hininga ang pinakawalan niya at ilang pagkunot ng noo ang nakita ko habang binabasa niya ang aking sulat. Matapos niya itong basahin, ay muli siyang nag-angat ng tingin sa 'kin.
"Kakaiba ka, Barbara."
Natigilan ako sa sinabi niya. Napakaseryoso niya habang tinitingnan niya ako ng mataman. Para bang ngayon lang s'ya nakakita ng 'tulad ko.
"Bakit naman ako kakaiba? Kasi nahuhumaling ka na sa kagandahan ko at tinatamaan ka na ng kamandag ko?" Ibinaba taas ko pa ang aking mga kilay.
Dinaan ko nalang sa biro ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaniyang sinabi. Ngumiti lang naman si Clark sa banat ko.
"Seriously, you are different, Maid." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano bang gusto niyang iparating? "Pa'no kung saktan lang kita?"
Natigilan ako sa naging tanong niya. Ano? Saktan? Ako? Niya?
"Barbara, paano kung masaktan lang kita? Pa'no kung hindi pala ako ang taong nakatadhana para sa 'yo?"
Huminga ako ng malalim at tinignan nang diretso sa kanyang mga mata si Clark. Nakatayo na siya sa harapan ko.
"Kung ikaw man ang maling tao at masasaktan mo lang ako. E 'di ikaw na 'yong maling tao. E 'di saktan mo na ako. Ang mahalaga lang naman para sa 'kin ay mahal kita at sinusubukan ko ngayon na ipaglaban 'tong pagmamahal ko para sa 'yo." Ngumiti ako sa kaniya bago ko inabot ang isa niyang kamay. "Tumaya ako at kung matalo man ako sa sitwasyong 'to, e 'di iiyak ako 'tapos mag mu-move on. Iyon lang ang mahalaga sa 'kin, Clark. Mahal kita at susubukan kong maging sapat ang pag-ibig kong 'to para sa ating dalawa."
Mataman lang akong tinitingan ni Clark at gano'n din ako sa kan'ya. Ipaglalaban ko 'to. Dahil ako si Barbara Magpakatapang. Ipinanganak akong palaban at matapang. Hindi ako susuko kay Clark my labs hangga't 'di pa nauubos ang mga Galawan 101 ko.

Bình Luận Sách (59)

  • avatar
    MiñozaJenilyn

    THIS STORY IS BEAUTIFULLY CREATED AND I LOVE THE CHARACTERS 🥰 LOVE IT~

    02/05/2022

      0
  • avatar
    NavarroJayvhimae

    Isang malakas na palakpak! Para sa Author! 💘

    16/04/2022

      1
  • avatar
    CabanillaMalyn

    so nice

    22/03

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất