logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 7

Dumiretso na ako agad sa library pagkatapos. Pagdating ko ay nandoon na siya at nakaupo sa malapit sa counter ng librariaN at abalang nag-ii-stamp ng mga libro.

Parang classroom lang din ang library namin. Mas mataas lang ang ceiling nito kumpara sa mga classrooms. Kahoy ang mga book shelves sa may dulo ng room at may pitong puting lamesa at taglimang upuan doon. Lubos naming pinagpapasalamat na may nag-donate ng library sa school namin kaso bihira lang din magamit ng mga estudyante dahil marami naman kaming textbooks na ipinapahiram sa mga estudyante at ibabalik pagkatpos ng school year. Kaya kapag pabaya ang estudyante sa mga libro, mahihirapan siya magpapirma ng clearance sa librarian namin na pinaglihi sa sama ng loob.

Isa pang pagkakaiba ng library from the rest of the rooms ay naka-elevate ang bintana nito. Pa-rectangle at may glass pane na bahagyang nakabukas. Ito ay para hindi gaanong ma-distract ang mga mag-aaral sa mga ingay galing sa labas.

“Sumipot siya,” pabulong kong sabi.

Dumadagundong ang dibdib ko sa kaba habang naglalakad palapit sa kaniya. Yung kaninang tapang na ipiankita ko sa Guidance Office ay napalitan ng kaduwagan ngayon. Inilapag ang bag ko sa ibabaw ng table ngunit natabig ko ang paa ng lamesa na pinagkakapatungan ng mga librong inaayos niya. Dahil nga patung-patong ang mga iyon ay madali itong nagsipaghulugan sa sahig. Natigil siya sa pag-stamp sa mga libro at binigyan na naman ako ng death glare.

“S-sorry!” nauutal kong paghingi ng dispensa.

“What was that? Anong nangyari, Mr. Castro?” ani Mrs. Divinagracia, ang librarian ng school. Lumapit siya sa amin at nagsimulang manermon.

“Mr. Castro, kapag may na-damage na books, you'll pay for those and madadagdagan ang days of punishment mo. Clear? And please, this is a library kaya observe silence,” panenermon nitong muli kay Rain.

“Ms. De Mesa, right?” baling sa akin ng librarian. “Ikaw ang mag-a-arrange ng mga libro sa shelves after malagyan ni Mr. Castro ng mga stamps. Here are the guide kung saan dapat nakalagay ang bawat books. Per category ang shelves, so, please check properly.” Inabot niya sa akin ang isang small notebook at doon nakasulat ang title ng libro at kung saan category ito kabilang.

Sinimulan namin pareho gawin ang iniutos ng librarian. Pilit kong iniiwas ang sarili ko sa kaniya dahil baka anong gawin niya sa akin. Abala ako sa pag-aayos ng mga libro sa shelf sa isang sulok nang lumapit si Rain sa may tagiliran ko. Ipinatong niya ang kamay niya sa may bookshelf at inilapit ang mukha sa akin.

“6:30 p.m. at the covered court later.”

Nanigas ang buo kong katawan sa sobrang lalim ng boses ng pagkakasabi niya ng mga katagang iyon. Hindi ko na nagawang sumagot dahil bigla siyang naglaho. Pilit kong kinakalma ang sarili ko ngunit halos mabitiwan ko na ang mga dala kong libro. Gusto ko nang umuwi. Natatakot na ako. Minadali ko ang pag-aayos ng mga aklat at nagpaalam na sa librarian. Hindi ko na matanaw si Rain kahit saang sulok ng library.

Paglabas ko ng pinto ay agad akong tumakbo. Madilim na sa labas dahil mag-aalas syete na. Nang halos malapit na ako sa dulo ng corridor ay isang malakas na hatak ang nagpatigil sa akin sa pagtakbo.

“Where do you think you’re going?”

Boses pa lang niya ay alam ko na kung sino iyon. Kahit hindi ko na siya maaninag, alam na alam ko na. Nagpumiglas ako at napaatras. Kung bakit ba naman kasi walang guard na naliligaw sa gawi namin nang ganitong oras, eh! “Rain, please. Huwag mo akong sasaktan! Parang awa mo na,” pagmamakaawa ko habang paatras ako nang paatras para makalayo sa kaniya.

Siya namang marahang paglapit nito sa akin. Ang mga kamay niya ay nasa likuran niya at hindi nito inaalis sa akin ang mga titig. Wala na akong maatrasan dahil pader na ang nasa likuran ko.

‘Jas, katapusan mo na! Help!’

“Unang araw pa lang . . . I already warned you to stop messing up with me. You ignored my warnings. You keep getting into my nerves. Inubos mo ang pasensya ko, Jasmine De Mesa.”

Muli niya akong hinawakan sa may pulso at itinulak sa may pader. Napapikit na lamang ako habang nag-uunahan na ang mga luha ko sa pag-agos at naghintay sa susunod na gagawin ni Rain. Sa pagkakataong ito ay wala akong mapaghugutan ng lakas. Nawala ang tapang ko sa pagharap sa mga ganitong sitwasyon. Kung si Dyanggo ito, malamang ay kanina pa ako nakatakas. Pero pagdating kay Rain, nanlalambot ako sa takot. May kung ano sa pagkatao niya na sobrang dilim.

“Sinong andiyan? Hoy! Bakit may estudyante pa rito? Umuwi na kayo!”

Isang boses sa malayo ang bumasag ng katahimikan ng lugar. Napadilat ako at naaninag ang guwardiya ng school namin na papalapit sa kinaroroonan namin. Nakita kong napalingon si Rain.

Bago pa man makalapit ang guard ay binulungan niya ako. “Subukan mong magsumbong. You know what’s gonna happen.” Inakbayan niya ako at iniharap sa guard. In an instant nagbago ang aura niya. “Hi, manong guard! Sinundo ko lang po ang girlfriend ko. Ginabi na kasi sa library,” nakangiti niyang sabi.

Ibang-iba ang awra na ito ni Rain. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang gano’n. Pero ang ngiting iyon ay sobrang nakakatakot. Ngayon lang ako natakot sa isang taong ngumingiti.

Tila naman nakahinga nang maayos ang guard. “Ah, ganoon ba? Sige, umuwi na kayong dalawa ng girlfriend mo at gabi na. Baka mapahamak pa kayo sa daan.” Matapos iyon ay tumalikod na ito sa amin at bumalik sa pagroronda sa campus. Pagkalayo ng guard ay iniharap ako ni Rain sa kaniya.

“I know you’ve read the letter, Jasmine. This will be the last time that we’re gonna talk about it. Forget everything and live as if nothing happened. Maliwanag?” seryoso nitong sabi.

Hindi agad ako nakapagsalita. Para akong naputulan ng dila. Nanghihina na rin ako at para na akong mawawalan ng malay.

“. . . or else, I will make your life a living hell,” huli nitong sabi bago tuluyang umalis.
"Nandito na po ako." matamlay kong sabi na nagpalingon sa kanilang dalawa. Kasalukuyan silang nasa sala at nanunuod ng balita kasama si papa.
"Susmaryosep Min ano nangyari sayong bata ka?! Ba't para kang nakakita ng multo?! Namumutla ka!" pagsita ni mama sa akin nang makalapit ito at mapagmasdan ang kabuuhan ko.
'Magsusumbong ba ako? Pero, kanino ba talagang kasalanan kung bakit nangyayari sa akin ito??
"Huy! Ano??! Para kang na-nuno diyan tinatanong kita bakit ka may mga sugat sa katawan!" Ang marahang pagyugyog ni mama sa akin ang nagpabalik sa akin sa realidad. Nag flashback kasi sa utak ko na naman yung nangyari kanina.
"Mm. Wala po ma sumama lang po pakiramdam ko gawa ng masamang panahon." palusot ko. Nakakunot lang noo ni mama sa paliwanag ko samantalang si papa ay nakamasid lang ngunit bumalik din ulit sa panonood ng TV.
"Sus! Pumasok ka sa banyo at maghilamos." utos niya.
Hindi ko na nagawa ang inutos ni mama dahil pagdikit ng likod ko sa higaan ay agad na akong nakatulog. Pakiramdam ko nakipag rambulan ako sa kanto dahil pagod na pagod ang katawan at isip ko ngayon.
Hindi ko na alam kung paano ko pa siya haharapin bukas.

Bình Luận Sách (30)

  • avatar
    Ehem Embroid Overruns

    good story

    23/06/2023

      0
  • avatar
    Athanasius

    Kudos to the author for creating this amazing story!💚💚

    20/04/2022

      0
  • avatar
    Migothecat

    highly recommended 💜 keep it up miss author

    14/04/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất