logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 4

JASMINE’S POV:
Pilit kong pinaglabanan ang takot na naramdaman ko dahil sa natuklasan ko. Mga ilang minuto ko pang tinitigan ang lukot-lukot na papel bago ko maalalang five minutes lang pala ang allowed time sa amin kapag magbabanyo kaya dali-dali kong Ipinamulsa ang sulat ni Rain at saka kumaripas pabalik ng classroom.
Pagbalik ko ay nag-a-announce na si Ma'am Alvi na may short quiz daw after ng board exercise kaya nakalimutan ko pansamantala ang sulat ni Rain at dali-daling nagbasa ng mga notes sa lecture namin today. Pero balewala rin kasi wala nang ibang laman ang utak ko kundi ang sulat kamay ni Rain sa isang nakalukot na papel. Ang ending tuloy three over ten ang score ko.

Ang mas nakakahiya pa, ang way namin ng pagpasa ng quiz paper ay tatawagin ni ma'am ang highest to lowest. So, ayun, inabot ko ang quiz paper ko sa kaniya nang nakayuko. Dyahe!

Summer,
I’m sorry, I killed you.

Summer,
I’m sorry, I killed you.

I’m sorry, I killed you.

“I Killed you . . .”

Bumalik sa isip ko ang sulat ni Rain nang makaupo ako after ko mag-submit ng papel. Buong hapon akong walang naintindihan sa klase. Naglalakad na ako palabas ng school after dismissal nang may humablot sa kamay ko mula sa likuran. Laking gulat ko nang makita ko ang nanlilisik na mata ni Rain at mas humigpit ang pagkakahawak nito sa pulsuhan ko.

“A-aray! Rain, nasasaktan ako!” daing ko habang pilit na inaalis ang kamay niya.

Imbes na bitawan niya ako ay mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya. Feeling ko mababali na buto ko. “Where is it?” galit nitong tanong.

“A-ang alin ba? Aray, Rain, masakit na talaga!”

Mas naging mabalasik pa ang mga mata nito at mas lumalim ang boses sa muli niyang pagsasalita. “The paper. Where. Is. It?!” Madiin ang bawat salitang sinambit niya na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko.

Kahit na nababalot ako ng takot, naisip ko bigla na iyong sulat na nabasa ko kanina ang tinutukoy niya.

“T-tinapon ko na kanina. A-akala ko kasi basura lang,” mangiyak-ngiyak ko nang palusot pero hindi ko na kayang tumitig pa sa nanlilisik niyang mga mata. Kahit nakasalamin siya ay tumatagos ang mga titig niya sa kaluluwa ko.

Palibhasa’y kokonti na lang ang tao sa campus ngayon kung kaya’t walang umaawat kay Rain sa ginagawa nito sa akin.

Padarag niya akong binitiwan at bago siya umalis ay muli siyang nagbanta. “Stop messing up with me. This is your second warning, Jasmine De Mesa.”
“Rain!” Malakas na tawag ko sa pangalan niya subalit hindi niya ako nililingon. Nanatili lang itong nakatingin sa taong nasa unahan namin. Halos mamaos na ako kakasigaw ngunit tila walang nakakarinig.

Mayamaya pa'y isang nakakatakot na tawa ang pinakawalan ng lalaking nasa harapan ni Rain at kasunod nito ang pag-alingawngaw ng sunod-sunod na putok ng baril at ang dahan-dahang pagbagsak ng katawan niya sa sahig.

Sa huling pagkakataon ay nilingon niya ako. Pilit siyang ngumiti kahit na umaagos na ang masaganang dugo sa kaniyang dibdib at ulo.
Nagising akong habol ang hininga ko at parang uhaw na uhaw. Namamasa rin ang gilid ng mga mata ko na tila kagagaling ko lang sa pag-iyak. Sobrang weird ng panaginip na iyon kaya't naisipan kong ikwento sa dalawa nang recess time na namin. Ngunit hindi ko na sinabi ang tungkol sa nangyari kahapon dahil baka kung anong gawin nila kay Rain, lalo na si Aemie. Ayaw na ayaw pa naman niyang naaagrabiyado ako ng kahit na sino.

“Ang weird nga, Jassybabe. Like kakikilala niyo pa lang ni Rain tapos may ganyan ka nang dream about him? Mukhang tinamaan na ni Cupid ang frenny natin, Belle!” pang-aasar ni Aemie na sinamaan ko ng tingin.

“Gaga! Cupid ka diyan. Pinagsasabi mo, Aems?” masungit na tugon ko sabay kagat sa chicken sandwich na pabaon sa akin ni mama.

Tiningnan ko naman si Belle na kanina pa malalim ang iniisip habang nagdadaldalan kami ni Aemie dito.

Bahagya ko siyang siniko. “Wuy! Ba't parang nanuno ka diyan? Ang tahimik mo, ah?”

Sandali pa siyang hindi kumibo kaya't bumalik na lang kami sa pagkain ng snacks namin nang bigla na lang niya itinaas ang kanang hintuturo niya.

“Ayun! Naalala ko na!” halos pasigaw nitong sabi.

Pareho naman kaming nagulat ni Aemie at sabay na napatingin sa kaniya.

“Sht! Belle! You gave me a mini heart attack! Nakakagulat ka naman! Ano ba ‘yon?!” shocked na bulyaw ni Aemie na napahawak pa sa dibdib niya. Sumenyas siya na lumapit kami sa kanya at hindi man lang pinansin ang pag-iinarte ni Aemie.

“Guys, nabasa ko ito dati sa isang magazine. Death dreams usually mean a change of some sort, as death signifies the end or a rebirth of something. Dreaming of someone dying means that this change or rebirth will happen soon if it has not already started. So, you could be looking at a new career, finding a new love interest, or setting new career goals.”

Napatakip si Aemie ng bibig sa paliwanag ni Belle samantalang ang nasa isip ko ay ‘Wow, parang nagkaroon bigla ng bibig ang encyclopedia at sinabi kung anong nakasulat sa loob niya.'

“Besh, finding new love interest! Hindi kaya si Rain iyon?” nakakatawang konklusyon ni Belle.
“Oh em gee! Belle's right! Mukhang si cutiebabe na ang sagot sa pagkatigang nitong si Jas!”

Napahagalpak ako sa sinabi ng genius-geniusan kong kaibigan at nang pasaway na si Aemie. “Iyong masungit na mayabang na lalaking ‘yon? Asa! Never ako mai-inlove sa cold-hearted na lalaki.”

‘At killer pa kamo. Nako, kung alam niyo lang, guys.’

“Di ba alam niyo naman ang ideal man ko? Masayahin at palakaibigan. Iyon ang hinihintay ko!” mahabang paliwanag ko sa dalawa. Muntik na naman sanang manumbalik sa gunita ko ang nangyari kahapon ngunit pinilit kong ibaling sa kinakain ko ang atensyon ko at ibaon na sa limot ang pangyayaring iyon.

“Huwag kang magsalita nang patapos, Jas. Baka lamunin mo lahat ng sinabi mo ngayon!” ani Belle na hawak sa kamay ang stick ng banana que na kinakain niya.

“Anyway, speaking of in love, yung isa kong manliligaw ay niregaluhan ako ng songhits! Tara, let's sing na lang!” masiglang pahayag ni Aemie. Ipinakita niya ang isang manipis na parang magazine na naglalaman ng iba’t-ibang lyrics ng mg usong kanta ngayon. Sa cover nito ay picture ng isang sikat na singer.

“New edition ba ‘yan? Pahiram naman ako! Kokopyahin ko lang ang mga lyrics ng kanta ni idoll sa notebook ko,” sabi ko. May kamahalan kasi ang isang kopya ng songhits lalo kapag bagong labas ito kaya nagkakasya na lang kaming mga walang pambili sa pagsulat ng mga lyrics ng kanta sa isang notebook. Madalas nagagamit ito kapag vacant time at nagjajamming ang buong klase. Binuklat ko ang mga pahina hanggang sa makarating sa bandang hulihan na page.
“Uy may composer codes para sa mga bagong ringtone ngayon. Mag compose tayo mamaya para sa phone mo Aems!” May bagong cellphone pala si Aemie na padala ni Tita Grace galing Japan yung Nokla 6610 na unit. Composer codes yung nag a-allow sa isang phone user na mag-compose ng ringtones by pressing the phones buttons to make certain sounds.

“Sureness, besh! Later. For now, ayain mo sila Santy dala nun’ yung gitara niya! Dali, kantahan tayo!” masiglang tugon ni Aemie na agad naman naming sinang-ayunan. Nagkantahan lang kami sa classroom hanggang sa matapos ang recess.

Bình Luận Sách (30)

  • avatar
    Ehem Embroid Overruns

    good story

    23/06/2023

      0
  • avatar
    Athanasius

    Kudos to the author for creating this amazing story!💚💚

    20/04/2022

      0
  • avatar
    Migothecat

    highly recommended 💜 keep it up miss author

    14/04/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất