logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 3

June 9, 2004


“Hey, Jas, saan ka pupunta?” sabay na tanong ng dalawa nang bigla akong tumakbo palapit sa isang kAumpulan. Naglalakad kami sa may corridor papuntang canteen nang natanaw ko sa malayo si Dyanggo na may binu-bully na naman. Normally, hindi ako lumalapit dahil takot ako kay Dyanggo pero napansin ko kung sino ang binubully nito—si Rain. Ewan ko kung bakit pero bigla akong nagkaroon ng kakaibang lakas at nakalimutan ko ang ginawa sa akin ng transferee na ‘yon.



Hinawi ko ang ibang estudyanteng nakapalibot sa kanila at saka buong tapang na sumigaw, “Tigilan mo na siya!” Akmang susuntukin na sana niya si Rain ngunit napatigil ito nang sumigaw ako.



‘Jasmine, ano bang nasa kukote mo? Ba’t ka nakialam?’


Sinaway ko ang sarili ko sa isip nang ngitian ako ni Dyanggo nang nakakaloko at unti-unting lumapit sa akin. Humugot ako ng hininga saka nagsalita.


“Dyanggo, ilang araw pa lang, nanggugulo ka na naman!”


“Saan ka humugot ng lakas ng loob para pigilan ako, ha, babae?” maangas na saad nito habang tumatawa nang mala-demonyo.


“Jasmine! Tama na ‘yan! Baka mapagalitan ka rin sa ginagawa mo!” Narinig kong sumigaw si Belle mula sa kumpulan pero hindi ko siya nilingon at sinalubong ko pa lalo ang titig ni Dyanggo.


“Tss. Ang ingay mo,” dinig kong usal ni Rain sa likuran ni Dyanggo. Parang kasing lamig ng yelo ang boses niya at kasing lalim ng Mariana's Trench.

Bumangon ito at mula sa pagkakasalampak sa sahig kanina ay tinuhod si Dyanggo sa likuran. Impit na sigaw ang narinig kong pinakawalan ng kaninang ubod ng tapang na si Dyanggo habang nakaluhod ito sa sahig at namimilipit sa sakit.


Samantala, nagsimulang maglakad si Rain palayo sa kumpulan pero pinigilan ko siya. “Hoy! Hindi ka man lang ba magpapasalamat?!”


Huminto ito sa paglalakad at patalikod na sumagot. “For what?”


Kumulo ang dugo ko sa narinig ko. Aalis na sana siya pero hinigit ko kamay niya para pigilan siya.


“Ang yabang mo ha. Ba't ba napakasuplado mo?! Ikaw na nga itong tinulungan, ikaw pa ang galit?!” bulyaw ko sa kaniya.


This time, humarap siya sa akin saka muling nagsalita.


“I don’t associate myself with stupid people,” madiin na pagkakasabi niya at tuluyan na siyang umalis.


“What the—?!” ang tanging naibulalas ko lamang nang mag-walkout ito.


“Hey, ano ba kasing pumasok sa isip mo't you make lapit pa rito?” maarteng tanong ni Aemie na ipinulupot ang kamay sa braso ko.


“This is war,” nagngingitngit kong usal at saka huminga nang malalim at ikinuyom ang mga palad ko.


“Girl, kalma lang! Tara sa canteen at magpalamig ka muna roon,” nag-aalalang sabi ni Belle.



June 15, 2004



JASMINE'S POV:



One week after that incident, nothing much happened bukod sa as usual na Guidance Office na naman si Dyanggo. Wala namang bago dahil halos lahat ng baguhan daw sa school na ito ay binu-bully no’n. Abswelto naman si Rain dahil self-defense lang naman ang ginawa niya. Pero umiinit pa rin ang dugo ko tuwing maaalala ko ang sinabi niya noon!



“Class, our lesson for today is about Algebraic Expressions. An algebraic expression is an expression built up from integer constants, variables, and algebraic operations. For example, 3x² − 2xy + c is an algebraic expression.”



'Okay, wait . . . ano raw?' Para akong nakikinig sa isang foreigner na nagsasalita ng lengwahe nila. Wala ako maintindihan! Nakapangalumbaba lang ako at inaaliw ang sarili sa pamamagitan ng pagdrawing ng kung anu-ano sa notebook ko.



“Ms. De Mesa, go to the board and answer exercise number one.”



Biglang tumahimik ang buong klase at nakatitig sila lahat sa akin. Para akong binuhusan ng isang timba ng cracked ice. Nanginginig akong nagtungo sa unahan at dinampot ang kapirasong chalk sa teacher's desk habang lahat sila ay nag-aabang sa gagawin ko.



'Pakibulong po ng tamang sagot sa akin. Please,' taimtim kong dasal sa isip.



Sinubukan kong sagutan sa abot ng aking makakaya ang problem sa board pero alam ko namang mali talaga. Hindi ko alam kung bakit bago ako bumalik sa aking upuan ay bigla akong napasulyap kay Rain na saktong nakatingin din pala sa’kin at ngumisi nang nakakainsulto.



'What the f***?!'



Alam ng buong klase na si Rain ang pinakamagaling sa Math sa buong section namin. Mukhang pinanindigan niya talaga ang self-introduction niya noon.



Bumalik ako sa upuan ko at napayuko na lamang sa kahihiyan nang biglang nagsalita ulit si Ma'am Alvi.



“Anyone who can help Ms. De Mesa with the first problem on the board?”



'Earth, lamunin mo na ako, please? Sobrang nakakahiya! Ang bobo ko sa Math!'



“Yes, Mr. Castro. Please, go to the board and solve the equation.”



Napalingon ako bigla sa likod nang marinig kong tinawag siya ni Ma'am Alvi. Nakataas siya ng kamay pero same old blankong expression pa rin. Halatang bored na bored sa lesson.



Napansin siguro nila Aemie na nag-iba na naman ang timpla ng mukha ko.



“Uy, besh, sinave ka niya, oh! Ayie!” panunukso ni Aemie.



“Aba, may puso naman pala itong si Mr. Sungit, eh,” ani Belle.



Para sa iba, Rain saved me, but I felt insulted.



He walked past behind our row pero nang lumampas siya nang konti ay isang piraso ng papel ang nahulog mula sa bulsa niya sa at bumagsak sa sahig. Sa oras na ito ay nagpalitan kami ni Belle ng upuan. Ako ngayon ang nasa center isle dahil hindi ko makita nang maayos ang nakasulat sa board.



Sabay-sabay kaming tatlo napatingin sa papel na iyon pero iyong dalawa ang nag-unahan dumampot.



“Ano kaya 'to??” mahinang sabi ni Belle na akmang bubuksan na sana ang nakatiklop na papel kaso bigla naman inagaw ni Aemie.



“Uy, pabasa! Baka love letter!” ami Aemie na tumalikod pa nang bahagya sa amin at pasimple sanang bubuksan ang papel na nakatiklop. Kaso mabilis na kumilos ang mga kamay ko at naagaw ko iyon sa kan’ya bago pa niya mabuksan.



Hawak ko na ngayon ang papel at dali-daling ipinamulsa.



“Akin na! Patingin!” pabulong na pangungulit pa rin ni Aemie pero pinandilatan ko lang siya ng mata.



“Ano ba kayo? Hindi sa atin ito. Ibabalik ko sa kaniya mamaya at baka mahalaga ang nakasulat dito, eh,” pabulong kong sabi dahil kasalukuyang sinasagutan na ni Rain ang activity sa board at dahil pabalik-balik na ang tingin ni ma'am sa direksyon namin.



Akala ko'y tatantanan na nila ako pero . . . “Ayie! Baka may sikretong usapan na kayo ni Rain, ha. Besh, walang lihiman, di ba?” pangongonsensya ni Belle. Bahagyang pinaseryoso pa nito ang mukha niya pero pilit kumakawala ang ngiti sa gilid ng labi nito. Halatang nagpipigil ng tawa. Para kaming mga timang na nag-aasaran nang pabulong.



“Sssh! Huwag kayong maingay at baka mapagalitan tayo ni Ma'am!” mahina pero madiin ko nang pagkakasabi dahil pati atensyon ng ibang classmates namin ay nababaling na sa amin.



Umayos na ako ng upo, tumingin sa sinusulat niya sa board at kinopya ito dahil alam ko namang tama ang sagot niya. Nanahimik na din ang dalawang katabi ko na kanina ay hindi magkamayaw sa pangungulit sa akin dahil sa papel.



Habang nagsusulat ay 'di ko rin mapigilan ma-curious kung ano itong nakalukot na papel na ito sa bulsa ko ngayon.



'Basura nga ba o sulat?'



Inantay ko muna makabalik si Rain sa kaniyang upuan bago ako nagpaalam na lalabas para mag C.R. kuno.



Dali-dali akong naghanap ng bakanteng cubicle at saka isinara ang pinto. Agad kong kinapkap ang nakakumpol na papel sa bulsa ko at sinimulan ko itong basahin.




Summer,

I’m sorry, I killed you.



'What?!'



Biglang bumilis ang pintig ng puso ko na tila ba kakatapos ko lang ng five-kilometer marathon.



“K-killed?!” Nanginginig ang mga kamay ko sa nabasa ko sa papel.



‘Kaya ba ganoon siya kalakas at napatumba niya si Dyanggo kasi killer siya?!'

Bình Luận Sách (30)

  • avatar
    Ehem Embroid Overruns

    good story

    23/06/2023

      0
  • avatar
    Athanasius

    Kudos to the author for creating this amazing story!💚💚

    20/04/2022

      0
  • avatar
    Migothecat

    highly recommended 💜 keep it up miss author

    14/04/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất