logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 2

“Hi, Jas!”


“Jas!”


“Hello, Jas!”


“Hi, bakla! Busangot, ‘te? First day of school, ah?”


Lahat yata nang dumating ay binati ako pero tipid na ngiti o tango lamang ang naiganti ko sa kanila.


Hindi ko rin napansin na halos lahat pala ay dumating na. Abala kasi ang isip ko sa pag-alala sa mga pangyayari kanina. Nanginginig pa rin ang mga kalamnan ko dahil sa ginawa sa’kin ng lalaking ‘yun.


“Oh em gee, gurl! Ang hot talaga ni Matt. Did you see that? Kinindatan niya ako!”


“Naku ka talagang babae ka, oh.”


Natigilan ako sa pag-iisip at lihim na napangiti. Malayo pa lamang ay alam na alam ko na agad kung sinong may-ari ng pares ng boses na ‘yan.


Lumingon ako sa may pintuan at nakita ko ang dalawa.



“Besh!” high-pitch na bati nilang dalawa sa’kin. Inambahan ako ni Aemie ng yakap mula sa likuran.



Sumabay din ng yakap si Belle nang makaupo na ito sa bandang kanan ko. Umupo na rin si Aemie sa may kaliwa ko.


Pareho ko iyon nilagyan kanina ng mga gamit ko para maireserba sa kanila ang magkabilang upuan sa gitna ng pwesto ko.


“Kumusta ka, besh? Based from the 206 creases formed in your face, I'd say you're not okay. Spill!” mala-librong banat habang nakangiting tanong ni Belle.


Minsan ay may mga sinasabi talaga siya na hindi namin maintindihan. Tatango na lang kami o kaya ngingiti para kunwari gets namin at nang hindi siya mapahiya.


Belinda Medrano ang full name niya, in short Belle. Kind, caring, and a bookworm.


Mahihiya ang mga banal sa kabaitan ng babaeng ito. Siya ang takbuhan naming dalawa ni Aemie tuwing may problema kami. Takbuhan rin ng mga kaklase naming walang papel, naiwan ang ballpen, at kulang ang baon. Hindi naman siya sobrang yaman. May kaya lang sila pero wagas kung tumulong. She's also our human handkerchief. Kapag nandiyan siya ay panatag ang kalooban namin. Mukha pa lang niya ay hindi mo na kakikitaan ng kasamaan. Pareho kaming wavy ang buhok pero ang sa kaniya ay natural ang pagkaitim. Mahaba ang pilik-mata at ang ganda niyang ngumiti. Litaw na litaw din ang kaniyang matambok na pisngi na madalas naming panggigilan ni Aemie.


Ang babaeng tumili naman nang napakatinis ay ang isa ko pang bestfriend na si Aemie. Aemielyn Gavino ang full name niya.


Bago ko naging kaibigan si Belle ay siya ang una kong nakilala nang minsang ipagtanggol niya ako sa isang bully ng school. Siya naman ay kabaliktaran ni Belle. Mataray tingnan, maarte kumilos at magsalita pero palaban. Mahaba ang buhok niyang tuwid na tuwid. Akala mo ay araw-araw bagong rebond. Gustong-gusto niyang naka-ponytail ang buhok niya dahil lalo raw siyang gumaganda tingnan.
.

Napansin nilang dalawa na medyo hindi maaliwalas mukha ko at wala ako sa sarili kaya't nagtanong na sila.


“Anyare ba sayo girl? First day of school nakabusangot ka diyan?” tanong ni Aemie habang binubuksan ang compact mirror niya at nagsimulang mag-retouch.
Bumaling ako ng tingin sa likod at itinuro ang supladong nagpainit ng ulo ko kahit umagang-umaga.


“D-dahil diyan, oh,” nanginginig kong turo sabay pukol ng matalim at kabadong titig sa supladong lalaki sa likod na sinundan naman nila ng tingin.


Nakayuko pa rin ito at abala pa rin sa pagbabasa.


Sa amin kasing tatlo, bawal ang secrets kaya't kahit nakakahiya pa ay kailangan naming sabihin. That's based in our Beshierules. Ikinuwento ko sa kanila kung anong nangyari kaninang kami pa lang ang nandito. Magkahalong gulat at kilig naman ang reaksyon ng dalawa.


'Mga baliw.'


Ako nga, eh, takot na takot. Samantalang sila ay kinikilig. Impit na tili ang pinakawalan ni Aemie bago nagkwento.


“Transferee ‘yan dito. Nakatira malapit sa amin. Pamangkin ni Ma'am Alvi from States. Ang balita sa may sa amin, nalugi raw ang negosyo nila sa States at nabaon sila sa utang kaya’t napilitan silang umuwi rito.”



Tila na-curious naman si Belle kaya nagtanong na rin. “Ano ang name n’ya, Aems?”



Saglit na napaisip si Aemie habang nakapatong ang hintuturo sa may baba. “Hmm . . . wait! Ano nga ba ‘yon? Ah! Rain. Iyon lang ang alam ko. I just heard it lang din kasi from our neighbors. Last month lang sila dumating dito.”


Hindi na ako kumibo sa ikinuwento ni Aemie dahil hanggang ngayon ay naninindig pa rin ang mga balahibo ko sa tuwing bumabalik sa gunita ko ang lalaking iyon. Mabuti na lamang at iniba na ni Belle ang usapan kaya't nalibang ako. Ikinuwento niya ang pagbabakasyon nila sa Sorsogon.


Nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan hanggang sa biglang nawala ang ingay sa loob ng classroom.


Dumating na pala ang magiging adviser namin this year na si Ma'am Zantua. Last year ko pa siya nakilala dahil kilalang terror ito at namamagsak ng mga estudyante. Ang tawag nila sa kaniya ay “Ma’am na Tiger”.


'Kapag sinuswerte ka nga naman, oh.'


Tumayo siya sa harap ng klase. Wala pa man siyang ginagawa at sinasabi ay kinakabahan na ako.


Ramdam ko rin ang tension na namuo sa loob ng classroom dahil sa pagdating niya. Titig niya pa lang kasi ay kikilabutan ka na. Tumikhim muna ito bago nagsimulang magsalita.


“Good morning. I'm Mrs. Violeta Zantua. I'll be your class adviser for this year. Sumunod sa patakaran ko at makakasalba ka. Ang sumuway ay maiiwan at babagsak. Maliwanag?!” bulyaw niya sabay hampas ng kamay sa teacher's desk.

Ang lahat ay nasindak sa ginawa niya dahil wala ni isang nakaimik sa amin.


“Unang araw pa lang . . . mga bingi at pipi na kayo! Maliwanag ba?” pasigaw na pag-uulit nito ng sinabi niya kanina.


Nanlaki mga mata naming lahat at sabay-sabay kaming nagulat sa pagsigaw niya. “Yes, ma'am!” sabay-sabay naming sagot.


Pagkatapos ay isa-isa kaming pinag-introduce ng mga sarili namin bilang tradisyon na yata ang pagpapakilala sa sarili sa isang school kahit saan ka magpunta.


Ito ang part ng pagiging estudyante na kinakaayawan ko. Ang tell me something about yourself tuwing first day of classes. Para sa’kin kasi ay wala namang kainte-interesting na facts sa buhay ko. Saka, isa-isa kaming kailangan tumayo sa harap.


Isa-isa kaming tumayo mula sa pinakaunang estudyante sa harapan hanggang sa makarating sa row namin, at finally, ako na.


“Hi I’m Jasmine De Mesa.” Pinilit kong ngumiti kahit na nahihiya ako. “I'm fifteen years old. I love to read, draw and sing. That's all,” mabilis kong sabi para matapos ako agad.


‘Ako lang ba ang naiilang na banggitin ang sarili kong pangalan?’


Akala ko'y makakabalik na ako sa upuan nang matapos na ako magpakilala pero bigla silang nagsigawan. “Sample! Sample! Sample!”


Mabuti na lamang at hindi kami nasigawan ni ma'am kahit na nagsigawan sila nang ganiyan. Nanatili lang itong nakatingin at nagmamasid.


Ang tinutukoy nilang sample ay ang pagkanta. Bata pa lang ako ay mahilig na talaga ako kumanta. I was three when I started singing.

Kung sa pagsasalita sa harap ng ibang tao ay natatakot ako, taliwas naman ito kapag nagsimula na akong kumanta. Pakiramdam ko ay ako lang ang tao sa mundo kaya lumalakas ang loob ko. Dahil sa lakas ng hiyawan ay na-pressure na rin ako kaya't kumanta na lang din ako.



Sinimulan kong igala ang mga mata ko sa buong classroom habang kumakanta at nahagip siya ng paningin ko. Kitang-kita ko kung paano siya humikab bigla na tila bugnot na bugnot sa boses ko habang nakapangalumbaba at nakatingin sa may bintana.



Ikinuyom ko ang palad ko upang itago ang inis na naramdaman ko at nagpatuloy lang sa pagkanta. Hindi naman ako brokenhearted pero damang-dama ko ang song.


Natapos ako at nagpalakpakan sila maliban sa kaniya na talagang walang pakialam sa mundo at nanatiling nakatanaw lamang sa labas. Mukhang binibilang niya ang bawat ibon na dumadaan at dadapo sa puno ng mangga na tanaw mula rito.


'Bakit ba tingin ka nang tingin sa kaniya, Jas?!’


Nang siya na ang magpapakilala, lahat kami ay napatingin sa kaniya habang naglalakad siya papunta sa unahan. Humarap siya sa amin at bagot na bagot na nagpakilala ng kaniyang sarili.


“Rain Castro. Sixteen years old. I like Math—and I hate noisy people,” maikli niyang sabi habang naka-poker face.


Ewan ko kung namalikmata lang ba ako kanina na pagkasabi niya ng noisy people ay tumingin siya sa’kin.

'Ay, wow, best in Math!'


'Luh . . . siya na.'


'Oh, hate niya ang noisy people. Bawal ka tumabi sa kaniya.'



Dinig na dinig ko mula sa kinauupuan ko ang kaliwa't kanang bulungan ng mga kaklase namin na nawala nang biglang sumigaw si ma'am.
“Quiet! Magpapa-quiz ako kapag hindi kayo nanahimik! Pre-test, 100 items!”



Napuno ulit ng katahimikan ang klase dahil doon.



“Mr. Castro, continue,” utos nito
.


“That's all, ma'am,” sagot naman niya.



Ni hindi man lang siya ngumiti at tumingin sa amin pagkatapos at dire-diretso lang na bumalik sa upuan niya. Bastos talaga!

Bình Luận Sách (30)

  • avatar
    Ehem Embroid Overruns

    good story

    23/06/2023

      0
  • avatar
    Athanasius

    Kudos to the author for creating this amazing story!💚💚

    20/04/2022

      0
  • avatar
    Migothecat

    highly recommended 💜 keep it up miss author

    14/04/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất