logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 7 Worried

Kabanata 6
Worried
--
Nagpatuloy ako sa pagtulong kay Pastora. Binalikan ko ang sinaing nang mag ilang minuto at hininaan iyon tapos bumalik ulit ako para tulungan si Pastora. Medyo naririnig ko na ang ingay na ginagawa ng mga mang gagawa sa loob ng simbahan. Gigibain na talaga iyon para mas lalo pang lakihan.
Ang sabi ni Pastora tuloy pa rin naman daw ang samba sa linggo. Sa kabilang bahay kami magsisimba dahil mayroon doong maliit na stage pero hindi gaya ng sa amin, hindi iyon aircon, open area iyon pero palalagyan naman daw ng silong ni Pastora para hindi mainitan ang mga sasamba. Kilala ni Pastora ang may ari ng kabilang bahay kaya madali nalang niyang napakiusapang gamitin iyon dahil ginagawa pa ang simbahan namin.
Hindi naman nagtagal ay natapos kami sa ginagawa. Naluto ang sinaing sa tamang oras at ganon rin ang kaldereta na ulam. Isa isang tinawag ni Pastora ang mga mang gagawa para sa tanghalian at ilang sandali lang naman ang nakalipas, isa isa na silang pumasok at naupo sa hapag.
Huling pumasok si Benjamin. Napatingin ako sa damit niyang kulay itim at pantalon. May mahabang kwintas sa kanyang damit, ngayon ko lang iyon nakita dahil nasa loob iyon noong mga nakaraang araw.
Nagtama ang mga mata namin. Binaba ko ang mga plato na magkakapatong patong at isa isang nilapag sa bawat tauhan na nakaupo na sa hapag. Nag iwas ako ng tingin kay Benjamin. Hindi ko alam kung bakit hindi mapakali ang puso ko pero inisip ko nalang na dahil iyon sa kahihiyang ginawa ko kagabi. Tinitigan ko lang naman siya at nahuli niya pa ako! Malamang nakakahiya iyon! Hindi ko na siya kayang harapin ngayon.
"Maraming salamat, hija. Mukhang masarap ito, ah?" anang isang tauhan nang nilagyan ko siya ng plato sa kanyang harapan.
"Syempre ako ang nagluto niyan..." nakangiting sinabi ni Pastora habang binaba ang kanin na nasa lalagyan.
Umupo si Benjamin sa may tabi ko at halos magulat ako. Hindi ko manlang namalayan na papalapit na pala siya. Sa gitna siya ng lamesa umupo. At dahil nasa tabi ko siya, wala akong nagawa kundi lagyan siya ng pinggan.
Alam kong hindi na ako ang dapat magsandok sa kanya ng kanin gaya sa ibang mga tauhan pero pakiramdam ko trabaho kong pagsilbihan siya. Para kasing siya ang boss rito at halatang halata ang awtoridad. Nakahalukipkip lamang siya, seryoso, habang nakatingin sa akin.
Hindi ko siya tinitignan.
"Nasaan ang Papa mo, hijo?" tanong ni Pastora kay Benjamin.
Kumuha na ako ng kanin at nilagyan ang plato niya. Nakita kong pinagmamasdan niya ang ginagawa ko pero sinagot pa rin si Pastora.
"May inasikaso po sa kumpanya. Baka sa susunod nalang daw po ulit siya makabisita," muling bumalik ang mga mata ni Benjamin sa akin.
Halos manginig ang kamay ko habang naglalagay na ngayon ng ulam sa kanyang pinggan. Hindi ko alam kung gusto niya ang kaldereta pero wala namang ibang ulam rito. Gusto ko siyang tanungin pero masyado akong kinakabahan sa titig niya.
"You're not going to eat?" biglang tanong ni Benjamin sa akin.
Panibagong kaba na naman ang naramdaman ko dahil lang kinausap niya ako!
"M-Mamaya pa ako. Kami ni Pastora..." nag iwas ako ng tingin sa kanya.
Tumango siya at muli akong pinagmasdan. Patapos na ako sa paglalagay ng ulam sa kanya nang nasagi noon ang daliri ko. Naramdaman ko agad ang init at hapdi ng sabaw na tumama sa daliri ko dahilan para bahagya akong napatalon.
Hindi ko napigilan ang mahinang pagdaing.
Tumayo si Benjamin at sigurado ako na napansin niya ang nangyari. Kinuha niya ang kamay ko at sa sobrang gulat ay agad kong binawi iyon. Pero hindi niya binitawan! Mas lalo niyang hinila ang kamay ko palapit sa kanya dahilan para bahagya na rin akong mapalapit sa kanya! Mabuti nalang napigilan ko ang sarili ko.
"Are you okay?" tanong niya, mariin ang titig ngunit marahan naman ang boses.
"Oh? Anong nangyari, Sha sha?" si Pastora na lumapit sa amin.
Nakatingin na rin ang ibang kumakain sa amin, nagtataka sa nangyayari. Bahagya akong nakaramdam ng hiya na naabala pa sila sa pagkain nang dahil sa akin. Pero hindi mawala sa isipan ko ang pagkakahawak sa akin ni Benjamin.
"A-Ayos lang ako. Napaso lang ng kaunti..." sabi ko.
Sa hintuturo lang naman ako napaso at maliit lang iyon. Iyon nga lang bahagyang namula. Pero ayos lang ako. Parang napaka liit na bagay lang nito.
"Kumain ka na roon..." sabi ko kay Benjamin dahil hanggang ngayon ayaw niya pa rin akong bitawan, kahit pilit kong binabawi ang kamay ko.
"Does it hurt?" imbes na pakawalan ako, nagtanong pa siya.
"Hindi naman. Paso lang naman. Sige na. Ayos lang ako," maliit akong ngumiti at ngayon hiyang hiya na talaga dahil lahat ng nandoon ay nakatingin na sa amin.
Umiling si Pastora na nasa gilid. "Mukhang kailangang gamutin, Sha sha. Namumula, oh. Baka magkasugat ka pa niyan kapag nakamot mo."
Napatingin si Benjamin kay Pastora at pagkatapos sa sugat ko tapos sa akin naman. Napalunok ako at mabilis na umiling.
"Paso lang naman po ito tsaka hindi ko naman kakamutin," sabi ko at bumaling kay Benjamin. "Kumain ka na. Kailangan ko pang magligpit ng pinaglutuan namin ni Pastora sa kusina."
"Naku! Ako na ang bahala roon, Sha sha. Ang mabuti pa, gamutin mo nalang ang sugat niya, hijo. Meron akong first aid kit sa loob ng bahay. Sha sha, alam mo naman kung saan nakalagay iyon kaya ituro mo nalang sa kanya," sabay ngiti ni Pastora sa aming dalawa.
"P-Po?" gusto kong umapila.
Paso lang ito! Napaka liit na bagay! Bakit kailangan pang gamutin?
"Sige na," tumango si Pastora at pinilit na kaming pumasok sa loob ng bahay.
"P-Pastora--"
"Gagamutin ko ang sugat mo," si Benjamin na seryoso ang tono dahilan ng pagkakatigil ko.
"P-Pero paso lang ito. Hindi naman na kailangang gamutin. Tsaka kakain ka pa. Ayokong maka abala--"
"Sige na! Sige na!" si Pastora dahilan ng pagtigil ko sa pagsasalita.
Pinapasok niya kami sa loob ng kanyang bahay. Gusto kong kainin nalang ng lupa sa kahihiyan. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang mangyari nito nang dahil lang sa paso! Maliit lang naman na bagay ito kaya bakit...
Pumikit ako at napabuntong hininga. Maya maya ay nag angat ako ng tingin kay Benjamin na pinagmamasdan ako. Seryoso siya pero parang pinipilit niya na lamang iyon. Isang multo ng ngiti ang lumalabas sa kanyang labi na pilit niyang pinipigilan.
"Where's the first aid kit?" tanong niya.
Muli akong bumuntong hininga at sumuko nalang para hindi na mas lalo pang humaba. Mas lalo siyang hindi makakakain kapag nakipag talo pa ako.
Nagtungo ako sa banyo ni Pastora kung nasaan ang first aid kit box. Sa totoo lang hiyang hiya na talaga ako. Una palang kahihiyan na ang dala ki kay Benjamin at hanggang ngayon hindi pa rin iyon tumitigil!
Ngumuso ako at pumikit. Hindi ko rin maintindihan kung bakit pinagpilitan ni Pastora na gamutin ang paso ko samantalang siya palagi ang nagsasabi na hindi dapat ako nag iinarte sa mga maliliit na bagay, sa mga maliliit na sugat!
Pero dahil nandito na ako sa sitwasyon na ito, ano pa ba ang magagawa ko? Edi ipagpatuloy nalang! Baka mas lalo pa akong mapahiya kay Benjamin kapag umangal pa ako sa bagay na ito. Baka kung ano na naman ang mangyari!
"Heto..." sabay lapag ng first aid kit box sa lamesita ni Pastora.
Nakaupo na si Benjamin sa sofa at nanatili naman akong nakatayo. Kinagat ko ang labi ko. Kami lang dalawa rito at nahihiya talaga ako! Hindi ako komportableng kasama siya sa iisang kwarto na kami lang dalawa! Masyado akong kinakabahan pero hindi sa natatakot na paraan...
"Sit," utos niya at tiningala ako.
Napapalunok akong naupo sa kanyang tabi at nagsimula naman siyang buksan ang first aid kit box. Pinanood ko siyang tumigil at tumingin sa akin. Napakurap kurap ako. Tumayo siya at nagtungong kusina. Nahanap niya roon ang ref at binuksan iyon. Tanaw ko lang siya mula sa sala dahil hindi naman ganon kalaki ang bahay ni Pastora. Hindi rin naman ganon kaliit.
Nakita kong kumuha siya ng yelo at tela. Bumalik siya sa tabi ko at muli na namang kumalabog ang puso ko nang hawakan niya ang kamay ko. Binalot niya ang yelo sa tela na kinuha niya at marahang nilagay sa daliri kong napaso.
"Why are you so careless?" tanong niya, seryoso.
Napakurap kurap ako sa gulat.
"Paano kung buong kamay mo ang napaso? Hindi mo hawak ng mabuti ang sandok kaya ka nagkaganyan," dagdag niya.
Kung maka sermon siya, parang napaka laki ng naging sugat ko.
"Hindi ko naman sinasadya. Tsaka parte naman iyon ng pagsisilbi, minsan pumapalpak--"
"Hindi iyon parte ng pagsisilbi. Hindi ka lang nag iingat," mariin na ang kanyang boses.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka at sa naging tono niya.
"What were you thinking and why did you seem to be out of yourself? Hindi mo manlang inisip na mainit ang hawak mo at maaari kang mapaso gaya nalang nito," anya.
Paano ko sasabihin sa kanya na kinakabahan ako sa kanya kaya ako napaso?!
"Masyado ka bang maraming iniisip?"
"Teka. Hindi ko nga sinasadya ang nangyari. Aksidente lang talaga iyon. Wala akong iniisip at masyado lang talaga akong..." hindi ko maituloy.
Kapag sinabi ko sa kanya ba kinakabahan ako dahil sa titig niya, ano naman ang magiging reaksyon niya?! Hindi ko yata kakayanin na sabihin iyon!
"Masyadong ano?" tanong niya.
Nagpatuloy siya sa pagyeyelo sa kamay ko.
"B-Basta! Wag mo akong pagalitan. Hindi ko iyon sinasadya tsaka... hindi naman ito malala."
"Hindi malala, paano kung buong kamay mo ang napaso?"
"Bakit naman buong kamay? Hindi naman ako ganon ka iresponsable para mapaso ang buong kamay ko!"
"Still. Dapat nag iingat ka pa rin!"
Hindi ko na talaga napigilan.
"Nag iingat ako! Aksidente lang talaga ang nangyari kanina at maliit lang naman na paso iyan! Bakit mo ba ako pinapagalitan?"
Nagulat siya roon pero tumalim rin ang tingin sa akin. Ngumuso ako nang napagtanto ang mga sinabi. Nag iwas ako ng tingin at yumuko sa kamay kong nasa hita. Hawak niya pa rin ang isa kong kamay.
Hindi ko na napigilan dahil hindi ko naman talaga sinasadya ang nangyari. Bakit siya galit? Bakit niya ako pinapagalitan? Tsaka maliit na bagay lang naman ang paso! Tsaka bakit rin ba siya nagagalit ngayon? Dahil napaso ako? Ano naman ngayon sa kanya kung napaso ako? Bakit niya ako pinapagalitan? Nag aalala ba siya?
Natigilan ako nang napagtanto ang huling naisip. Nag aalala? Imposible!
Bakit naman siya mag aalala sa akin? Galit lang siya dahil naabala siya ngayon! Kung bakit ba kasi pumayag pa siya kay Pastora na gamutin ang paso ko. Sana hindi nalang siya pumayag nang sa ganon ay kumakain nalang siya roon! Nang hindi na siya naabala at wala siya rito sa bahay kasama ako!
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya maya maya.
"What are you thinking?" tanong niya.
"Kung naabala kita, pasensya na. Sinabi ko naman kasing hindi na kailangang gamutin iyan. Ayos lang ako..." sabi ko habang hindi siya tinitignan.
"Damn it, hindi iyan ang ibig kong sabihin!" sigaw niya dahilan para magulat ako.
Napatingin ako sa kanya. Nakita kong pilit niyang kinalma ang kanyang sarili.
"I'm worried. I'm worried that's why I'm very irritated! I'm sorry..."

Bình Luận Sách (91)

  • avatar
    Fontelara Alvin

    okey

    3d

      0
  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    19d

      0
  • avatar
    MI KE

    nakakaiyak

    16/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất