logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Loving the Bully

Loving the Bully

Tory Alodia


Chapter 1

KIT'S P.O.V
"Good Morning Ganda!"
"Morning din po" Mahinang bati ko sa gwardiya ng eskwelahan at saka kiming nginitian siya.
Tahimik kong tinahak ang hallway papunta sa classroom. May mangilanngilan pang estudyante sa hallway na nakatambay. Ang iba ay ramdam ko ang palihim na sulyap sa akin.
"Sayang no? Kawawa siya, maganda pa naman."
"Malas niya lang at siya pa ang napagtripan."
"Muka pa namang mabait."
Patay malisya kong dineretso ang aking classroom at hindi na inintindi ang kanilang mga bulungan.
I am currently first year college, bussiness management ang kursong kinuha ko.
Pag pasok sa room ay diretso kong tinahak ang upuan sa pinakadulo. I look around and everyone were happily chatting with their friends.
Friends that I dont have...
I can't help but somehow to feel envy towards my classmates. I wanted to have a normal college life. I am never the kind of friendly instead I am an awkward person. I don't know how to approach other and make friends.
Walang gustong kumaibigan sa akin dahil siguro sakanya. Natatakot ang lahat na madamay sa kamalasang tinatamasa ko ngayon.
I nervously tapped the ballpen in my armchair. I know, kaunting oras na lang ay dadating na naman sila.
Tama nga ang hinala ko dahil maya maya pa ay rinig ko na ang ingay nila sa hallway na umabot hanggang dito sa loob.
"Nice one bro! Naka lusot ka nanaman sa mommy mo nyan?"
"Yeah." isang nababagot na tono ang sumagot dito.
"Sayang no, hindi ako nakasama."
Napabuntung hininga ako sa kaba. Ano nanamang kamalasan ang dadanasin ko ngayong umaga?
Mula sa pagkakaupo ay natahimik ang aking mga kaklase at napatingin sa'kin. May halong pagka awa ang kanilang tingin. Bagsak ng libro ang nagpagulat sa akin.
Unti-unti kong tiningala ang may gawa nito. Yvo's smug face welcomed me. May halong pagka-irita ang tingin niya sa akin.
Ang napakagwapo niyang mukha ang nabungaran ko. Ang malamlam niyang mata ay ka akit-akit, ang tangos din ng kanyang ilong, kilay na makakapal na ngayon ay magkasalubong, mahaba ang kanyang pilik mata at bahagyang nakaawang ang kanyang labing maganda ang kurba at mapupula. His define jawline makes him more manly. Bilang isang lalaki ay tunay nga siyang ka akit akit. But one word to describe the whole him. Maangas.
Kita ko kung paano umalon ang kanyang lagukan. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito. Hindi na ako magtataka kung bakit tila ay marami ang sumasamba sa kanyang mga kababaihan.
"Kanina pa kita tinatawag. Bingi ka?" siga niyang tanong.
Sa kaba ay tila nalulon ko na ang aking dila.
Dahan dahan na lang akong nagbaba ng tingin sa mga librong ipinatong niya sa aking lamesa. Pagbilang ko ay tatlo iyon.
"Do this, make sure to finish it tommorow." pakiramdam ko ay nanindig ang lahat ng balahibo ko ng bumulong siya sa aking tainga. Ramdam ko ang kanyang mumunting paghinga na tumatama sa aking pisngi.
Hindi pamilyar sa akin ang kanilang mga aralin dahil nasa fourth year na sila.
"Pero hindi ko alam to," halos pabulong ang naging sagot ko. Rinig ko ang paghugot niya ng malalim na paghinga na tila ba ay nagtitimpi.
His eyes darted towards me. Mayamaya pa ay sumeryoso ang hitsura nito.
"Do this or else you'll know," gumuhit ang isang ngisi sa kanyang labi saka iminuwestra ang hinlalaki na iginuhit sa kanyang leeg.
Napalunok ako sa itsura niya. Para siyang nababaliw. Alam kong kaya niyang gawin ang sinasabi niya. With his bad reputation, wala na akong magiging pagpipilian pa kundi sumunod sa gusto niya. Siya ang tipo ng taong nagtataglay mg natural na kaangasan, kahit sa paglalakad ay mahahalata mong may tinataglay itong pag uugali.
Dalawa ang ekspresyong lagi kong nakikita sa kanya. Una ay seryoso, hindi ko malaman kung ano ang kanyang nasa isipan tuwing tumititig. Pangalawa ay nakakatakot, ang kanyang pag ngisi ay naghahatid ng kilabot sa aking sistema. Kapag galit ngumingisi lamang ito na mas katakot takot.
Narinig ko ang mumunting halakhak nito, ginulo niya ang tuktok ng buhok ko na tila ba ay nagpapa-amo ng isang aso. Tumambol ng mabilis ang aking puso na hinayaan ko siya sa kanyang ginagawa. I wanted to punch his face right away.
"Good girl." bulong nito. I want to object and defend myself but I can't. All I can do is to indulge myself in hatred and anger. I kept quiet.
"Mr. Reevo Yvaroa? Anong ginagawa niyo sa klase ng mga first year?" nakataas ang kilay ng guro ang nang agaw ng atensyon ng lahat.
"Nothing, I just visit a friend." nakangiti itong humarap sa guro namin.
Minsan ay napapa isip ako. Pano niya nagagawang lokohin ang mga tao sa paligid niya ng madalian. He's a very good actor.
"Well then, bumalik na kayo sa klase niyo."
Isang nagbabantang tingin pa ang iniwan niya sa akin bago lumabas kasama ang dalawang kaibigan.
I can't understand why some people find pleasure by making others life miserable. The society is toxic that many turn blind eye adressing these kind of issues.
***
Natapos ang panghuling klase ngayong araw at dali dali kong kinipkip sa dibdib ang tatlong libro. Balak kong taposin ito sa library dahil wala naman akong mapagtanungan at mahihingan ng tulong. Mag se-search ako sa library dahil may libreng internet connection doon.
Pagdating ay maraming estudyanteng naghahabol ng mga requirements ang nadatnan ko. Pumwesto ako sa hindi mataong table at saka inilapag ang tatlong libro doon.
Puro computations ang nakita kong nakaipit na note ang pinapagawa niya. Mabuti na lang ay may lesson kami tungkol dito pero introduction lang yun. I sighed and started to doing it.
Medyo madilim na ng natapos ko lahat. Nag inat ako at pinatunog ang mga daliri. Mangilan ngilan na lang din ang natira sa loob. Mga may tinatapos din na requirements.
Yakap yakap ko ang tatlong libro ay minadali kong tinahak ang daan palabas ng eskwelahan. Maglalakad pa ako papuntang sakayan saka magtataxi.
Kaunti na lang ang tao paglabas ko ng library. Hindi ko namalayan ang oras pasado alas sais na. Umihip ang malakas na hangin at nanayo ang balahibo ko. Pakiramdam ko ay nasa isang akto ako ng horror movie.
"Booo..."  Laking gulat ko ng may bumulong sa aking tainga. Sa pagkagulat ay nabitawan ko ang mga libro at nanigas sa kinatatayuan.
Isang lalaki ang nabungaran ko, may pagka singkit ito at bahagyang magulo ang kanyang buhok. May naglalarong ngisi sa kanyang mga labi. Napalunok ako, tila katulad ni Reevo ay may kapilyuhan din itong taglay ngunit naiitago niyon ng kanyang magandang mukha.
Nalilitong lumuhod ako at pinulot ang libro ngunit inunahan niya na ako. Bahagya niya pang tinitigan ang libro at saka tumingin sa'kin.
"Are you okay?" napaiwas ako ng tingin sa kanya. Seryoso ang ekspresyon nito na tila ay walang ginawang kalokohan.
Tumango ako akmang aalis na ng magsalita ito.
"Be careful, you don't know him." napatigil ako sa akmang pag alis ng at nagtatakang napatingin sa kanya. Nagtataka ako kung sino siya at anong ibig sabihin niya.
"By the way, the name is Caleb."
Ngumiti siya at hinawakan ang tuktok ng ulo ko bago nawala sa aking paningin.
Nakakadalawa na ako ngayong araw.
Muka ba akong aso?
I pouted.
Naguguluhang sinundan ko na lamang siya ng tingin, habang tulalang hawak ang sariling ulo.

Bình Luận Sách (84)

  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    12/08

      0
  • avatar
    FulgencioHaidee

    ang ganda ng kuwento,it is all about forgiving and accepting.highly recommended❤❤❤👍👍👍

    06/04

      0
  • avatar
    Gregorio Alo

    👍👍👍❤️❤️❤️❤️

    13/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất