logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 6 Ika-lima

Aaminin kong naging paranoid nanaman ako, O baka naging masyado na akong naging OA, sa kanila.
Kinabahan ako eh! Si Tamara yun!
Si Tamara ung kaisa-isang taong nasa tabi ko nong mga panahong walang-wala ako, Siya yung nakakaalam nang lahat ng pinagdaanan ko, at lahat nang naging problema ko.
At hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan, o nahihirapan. At mas lalong ayaw kong makita sila ng anak niyang nahihirapan.
My anger eating me that time, I don't have time to take their reason nor explanation. Sinisi ko nanaman sila! Sinisi ko nanaman sila! Tapos wala pang eksplenasyon yun.
Pagkatapos kasi kaming palabasin ng nurse kanina ay hindi na nasundan ang pag-uusap namin.
Naiwan naman ako dito sa kinauupuan namin kanina. Wala naman na kasi akong mukhang maihaharap kasi naman nag bintang ako agad.
Hindi pa naman ako mapakali, kasi ako lang mag-isa dito sa labas, tinawag sa loob si Harvey kasi kailangan ni Tamara ng kasama.
Hanggang sa may nakita na lang akong nag-aabot sakin ng kape. Ewan ko kung sa labas o sa loob niya ito kinuha. Meron kasing coffe maker din dito sa loob.
"Sa labas ko binili yan. Alas-dos na kasi ng madaling araw kaya meron ng bukas na Cafe." sabi niya, nahalata niya siguro ang pagtitig ko lang sa cup ng kape na nakalahad sakin.
Kinuha ko na lang, ha nag hindi padin tumitingin sa kanya.
Hindi naman ganun kakapal ang mukha ko.
"Salamat" nahihiya kong sabi, habang hindi padin makatingin sa kanya. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pag-upo niya sa tabi ko. Mga ilang minuto din ako nanahimik, at hindi talaga siya pinansin. Nakatutok lang ang lahat ng atensiyon ko sa pintuan ng Delivery Room.
"Tchh! Don't worry, hindi naman ako ganun naapektuhan sa sinabi mo. Wala namang katotohanan yun, kaya bakit ako magagalit." mahina pa siyang natawa pagkatapos niyang sabihin iyan. Siya narin ang nagpersmob para mag-explain. Wala naman na akong dahilan para hindi makinig, at humingi na rin ng despensa.
"Sorry. Hindi ko naman sinasadya na sabihan ko kayo ng ganun." nahihiya kong sabi.
"It's okay. Hindi mo naman kasalanan na mali ang pagkakaintindi mo." aniya. Sabay sulyap sakin, pagkatapos ay tumingin nanaman sa harap niya. Bumuntong hininga nanaman siya bago atta magsalita ulit.
"Your Dad, invite us their. Actually, apat ang invitations na iyon. Tig-isa tayo, tapos tig-isa naman silang mag-asawa. Hindi naman yon party, or anything na may alak. Isa yung exhibit, pero dahil nga exhibit yun, sabi ng Daddy mo sa amin ng Kuya mo, ay sabihin na party iyon para sumama ka. Akala namin papayag ka, pero tumanggi ka naman, kaya ang alam ko tatlo kaming pupunta, but unfortunately, nagpaiwan na si Tamara dahil nga kabuwanan niya na ngayon, and nagsisimula narin daw sumakit ang tsan niya." tumigil siya saglit para humarap ulit sakin. Naghihintay siguro ng magiging reaksiyon ko.
"And then? What happen next? At tsaka teka nga lang. Kung nagsisimula nang sumakit ang tsan ng kaibigan ko, bakit pa sumama si Harvey!" tanong ko, pinipilit kong maging mahinahon ang pagtatanong na yun, pero nauwi rin sa tonong parang naiinis.
"Hindi mo parin pala siya tinatawag na kuya." nagsisimula na akong mainis nanaman sa mga pinagsasabi niya. Napataas ang isa kong kilay, at tiningnan siya ng masama.
Nuhh ahh! Not that word baby.
"Tch. Don't look at me like that. Okay, As I was saying, hindi sumama ang best friend mo, pero hiniling niyang sumama ang kuya mo, para may kasama ka kung sakaling pupunta ka. Pero, huli na kasi nang nakarating na kami doon, ay doon lang din naman nalaman ng kuya mo na hindi ka pala sasama. Kaya, imbis na masayang yung binigay nang Dad mo, ginamit na lang namin total nandon na kami. Kaya nong tumawag ka, nalaman niya din kasi magkasama kami. No one else knows what happen, so it's all unexpected. Now! I explain our side, So! if you, Don't believe me. Then? That's not my problem anymore." aniya sa mahina ngunit naiinis na boses.
Teka nga? So, hindi pala talaga yun party. Gawa-gawa lang para sumama ako. Eh! Kung sinabi na lang sana ung totoo edi sana baka? Baka lang naman hindi pa ako nag-over react kanina.
PERO baka? Hindi naman ako agad nakatakbo para sakluluhan Si Tamara.
"Naniniwala na ako. I know? mali ako dapat hinintay ko muna kayong nagpaliwanag." mahinang sabi ko. Ung tipong siya lang talaga makakarinig.
"Tch! Yan kasi. Kaya sa susunod, makinig ka muna bago ka mambintang. Sa ngayon, hintayin natin silang lumabas, at humingi kadin ng tawad sa kuya mo. Okay? Sa ngayon, inumin mo na yung kape mo, bago lumamig. Now? Drink." sa hindi ko malamang dahilan, uminom nga ako.
At taena, ang init! Buset.
"Mainit, gago!" naiinis ko siyang pinalo, sa balikat. Ay gago! Ang init eiii.
"Nuhh, ahhh. Cursing is bad, babe. You should stop that, before you punished." pagkatapos ng seryosong usapan kanina, at ang seryoso niyang mukha din kanina, ay napalitan ng isang nakakalokong ngiting hindi ko alam kong anong dahilan.
"Tsk?! At sino namang tangang magpaparusa?" singhal ko.
"Ako? Si Kuya mo? O baka Labi ko na lang." nakangiti niyang aniya.
Hindi ko mapigilang murahin siya, dahil sa mga pinagsasabi niya. Sana hindi ako traydorin ng pisngi ko. Baka nagmumula na ako! Taena talaga.
"Bahala ka? Sige lang. Magmura ka lang. Sinasabi ko lang sayo, kung anong pwedeng mangyari. Masyado kasing masamang tignan kong alam mo yun? Nagmumura ung babae!" akala mo naman hindi nagmumura ito. Hah! Akala niya hah!
"Hindi ka naman ganyan, sa opisina. Don't tell me? Kunyari lang yung sungit-sungit mo doon. Tapos, ganun-ganun ka lang para bwiseten ako araw-araw." pansin ko lang kasi. Hindi ko alam.
"Talaga. Ganun. Nabwibwiset ka araw-araw?" he sounds like, he doesn't want to believe with me. As if naman, sinabi kong paniwalaan niya ako! Sinabi ko lang naman yun, para masagot lang.
"Hah! You should be happy or celebrate. I don't really do that, with anyone. Only to you! Sa ngayon pwede mo nang tawagin yang sarili mong special" aniya.
"Don't fool me. I know you!" Naiinis kong sagot. Aba't talagang pinagmalaki niya pa yang pinag-gagawa niya.
Calm! Rose.
"Now, you know me?" sabi niya habang hindi padin nawawala ang tunog ng pang-aasar sa bawat salita niya.
"Nakakainis ka talaga Kyle! Tigil mo nga yan. Nasa parte lang tayo ng eksplenasyon mo kanina. Tapos ngayon? Ang lakas na ng loob mong biru-biruin ako ng ganyan." Naiinis ko na talagang sagot.
Ewan ko kung may saltik na itong kausap ko pero hindi padin naman kasi maawat yung ngiti sa labi niya. As in. Galit ka na't lahat lahat nakangiti padin siya.
"Ang ganda talaga pakinggan ng pangalan ko, kapag ikaw bumanggit. Kahit galit!" natatawa niyang aniya.
Sasapakin ko na sana siya sa braso, kaya lang ay biglang lumabas ung doktor na nagpaanak kay Tamara.
Dali-dali akong tumayo para lapitan siya. Tumingin naman siya sa dereksyon ko, at tsaka nagsalita.
"Ililipat na lang sila ng kwarto. Sa ngayon, ung nanay muna ng bata ang ililipat doon, isusunod na lang yung kambal."
Sa balitang iyon, ay dali-dali na akong nahimasmasan. Salamat naman at maayos ang naging panganganak niya...
"See? I just want you to be relax or calm while waiting." sabi ni Kyle, na nakaupo padin.
Ako lang pala ung tumayo.
So yun ung way niya nang para pakalmahin ako. Dama niya pala yun? Kasi sa totoo lang habang nasa labas kami ng delivery room, kinakabahan ako.
Parang mas kabado pa ako sa kapatid ko. Umupo na lang din ulit ako, sa tabi niya.
Mga kunting minuto pa ulit ang lumipas bago lumabas si Kuya, sunod si Tamara na nakatulog na linilipat sa maayos na kwarto.
Kuya stop in front on me. Then he smiled, and hug me tight. Whispering the word "I almost rarely to hear"
"Thank You"
"Your Welcome" hindi niya na siguro narinig dahil iyon ay binulong ko na lang.
****
Alam kong totoo iyon. Hindi siya nagbibiro ng noong sinabi niya ang mga katagang iyon.
Malaking bagay na sakin ang salitang iyon. Kung sa iba, simple lang iyon. Sa aking hindi. Napakalaking bagay na iyon.
-flashback
“Doon ka nga! Ayaw kitang makita! Ayaw ko makita iyang mukha mo! Ayoko sayo. Umalis ka sa harap ko!” sigaw niya sa akin.
Hindi naman ako makasagot kasi ang turo ni Mom, sa akin. Wag sasagot sa nakakatanda kasi mali iyon. Hayaan na lang, at bayaan siyang maintindihan kong ano man ang ginawa niya. Kapag ginaganito niya ako, at sinasabihan ng masasakit na salita. Hinahayaan ko na lang.
Iyan ang Kuya ko. Ang pangalan niya, Harvey. Bata pa lang kami, ramdam ko ng hindi kami magkakasundo. Alam ko na ding ayaw niya sakin. At totoo nga, sa araw-araw na buhay na ipinagkaloob sa akin. Palagi siyang nagsasalita ng masasakit na salita, at ito ang nagiging dahilan ng pag-aaway namin.
“Sorry na Kuya. Sorry na. Hindi ko naman sinasadyang sirain ang laruan mo!” pagmamakaawa ko sa kanya. Pero, alam kong hindi niya ako pakikinggan. Kasi matagal na siyang ganyan. Matagal niya na akong iniwan.
“Alam mo ba kung anong bagay ang sinira mo! Hah! Hindi lang iyon basta laruan. Bigay sa akin iyon ng papa ko! Naiintindihan mo! Nang papa ko! Bigay sa akin iyon ng Papa ko!” sigaw niya sa akin.
Umiyak ako ng umiyak, kinagabihan noon. Tinanong ako ng ilang beses ni Mom, pero hindi ko sinabi ang dahilan. Si Kuya daw kasi ay anak ni Mom, sa una niyang asawa kaya magka-iba kami ng apelyido.
Kinabukasan. Nagyaya akong pumunta ng Mall, bibili ako ng pampalit sa laruan ni Kuya. Nagtingin kami ng kamukhang-kamukha ng laruan niyang iyon. At sa awa ng Diyos, meron kaming nahanap.
Masayang masaya ako ng makita kong meron. Kaya nung umuwi kami, tuwang tuwa akong pumasok sa bahay, at agad hinanap ang kuya ko.
Nakita ko siya sa kwarto niya nagbabasa nang makakapal na libro. Humakbang ako papalapit sa kanya, pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanya ay bigla siyang nagsalita.
“Kung balak mong palitan ang sinira mong laruan, wag na. Hindi ko na kailangan yan. At kahit kailan, hindi mapapalitan ang bagay na nasira na. At isa pa, wag na wag mo akong tatawaging Kuya. Hindi tayo magkapatid.” sabi niya.
-end of flashback
Kahit isang beses hindi siya naging mabait sa akin. Kahit noon mga panahong nasaktan, at nadadapa ako. Wala siyang paki-alam. Kahit na anong mangyari siguro sa akin, wala siyang magiging paki. Kasi ganun ang kuya ko. Walang pakialam pagdating sa akin.
Kaya't ang pasasalamat niyang iyon ay napakalaki na para sakin.

Bình Luận Sách (128)

  • avatar
    Prin Cess

    So very sad this Story

    20d

      0
  • avatar
    Hanopol Joshua

    good

    26d

      0
  • avatar
    Chan Artie Mallari

    CODM

    26/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất