logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 3 Pangalawa

Rise and shine self, kailangan mo pang bumangon dahil ngayo ang una mong araw sa trabaho.
Shit! Ngayon na pala yung unang araw ko sa trabaho. At kanina ko pa paulit-ulit na sinasabi sa sarili ko yan.
Hindi na nga rin ako mapakali sa paghahanap ng susuotin ko, I mean hindi ko pinaghahandaan---este, hindi ko arghhh.
Gusto ko lang naman maging presentable sa harap niya--nila. Lahat sila. Wala din naman akong nagawa, kundi suotin ang kulay blue na dress, na hanggang tuhod ang haba. Nakahells din ako, pero kunti lang ang taas niya, hindi din naman kasi ako mahilig sa ganung kataas na takung.
"Anak, are you done? Sabay ka na sakin kong gusto mo?" sabi ni dad, nang makita niya akong lumabas na ng kwarto.
Obviously? Tapos na ako. Tapos na akong, pumili ng damit na isusuot ko.
Arghhh, Secretary niya lang naman ako, no need na sana yung ganitong outfit, pero as much as possible gusto kong mag mukhang presentable sa harap niya.
I mean, everyone. Lahat naman may mind set na ganun. Lalo na kapag unang araw sa trabaho.
"Uhm--opo." hindi ko siguradong sagot, dahil patuloy ko pading tinitignan ang dress, kong abo't hanggang tuhod.
Maayos naman, hindi lang siguro ako sanay.
"You look great with that dress" papuri ni dad, habang nakapamulsa siyang lumalapit sakin.
"Pero, mas maganda ka kapag isinuot mo ito." sabay hugot ng isang angel wings na necklace. Ang ganda!
Kinuha ko iyon, at ako na mismo naglagay. Ang ganda!.
"Thank you Dad." sabi ko, habang umamba ng yakap sa kanya.
He hug me back, and then I heard him chuckle
"It's just a simple gift for my princess, at tsaka para naman mapansin ka agad ng Ex--" pagkarinig ko pa lang nun, ay agad na akong humiwalay sa pagkaka yakap, at sinamaan ng tingin si Dad. "Este ng Example tutor mo, tama. Yung magsasample sayo ng kung ano dapat ang mga pwede mong gawin sa kompanya. Tama!!" agad na bawi niya, nang makita niya akong masamang nakatingin sa kanya.
"Kahit hindi naman ako mag-ayos, mapapansin nila ako." nakangising sambit ko.
Tumawa naman si Dad, at nauna nang naglakad, narinig ko pa siyang suminghal. At sinundan pa ng pang-aasar.
"Ang yabang mo naman, anak. Ha ha ha ha" diba? See? Dad is acting like, he is a teenager, na ang kausap ay parang tropa niya lang.
Well, that's dad. Sanay na ako sa kanya, simula nong mamatay si Mom, because of leukemia.
He become my mother and a father, pasalamat na lang ako kasi hindi siya ganun kaistrikto. Pero, lahat limitado.
Wag lang talagang masaid ang pasensya niya, kasi parang bote rin yan na pinupuno ng tubig, once na umapaw yan, ibig sabihin sobra na. Kaya, kung pu-puwede, ayaw kong mapunta kami sa ganuung kalagayan.
Nang matauhan ako sa pinag-iisip ko, ay agad narin akong sumunod sa kanya, pero hindi na ako naka sabay, kasi sa tagal ba naman ng pag-iisip ko, ay hindi ko na namalayan na nakaalis na pala siya.
Kaya't mag-isa lang akong pumunta sa kompanya.
*****
"Good morning Ma'am" bati ng body guard sakin, ngumiti lang ako sa kanya, tsaka ulit naglakad.
Sa bawat taong madadaanan ko, ay binabati ako ng good morning.
Hirap naman akong bumati sa lahat kaya't ngiti lang ang tanging na isasagot ko.
"Uhm, excuse me? Asan yung office ni Kyle Oliver---" hindi ko na naituloy ang dapat kong sasabahin, ng bigla siyang sumingit.
"Ayt, si VP ma'am doon po sa 4th floor ma'am" tapos umalis na, tatanongin ko pa sana kong saan liliko pag nakarating ka ng 4th floor.
Wala sa sarili akong nagtungo ng elevator, at pinindot ang 4th floor.
King inang pagmamay-ari namin ang buong Building na ito, pero hito ako, hindi ko malaman kong saan lalakad, dahil ang daming kanto ng 4th floor na ito.
Kaya nang makalabas ako ng elevator, kahit walang kasiguraduhan kong doon nga ba talaga and tamang daanan.
Hanggang sa napadako ang mata ko sa pinakahuling opisina sa dulo. Doon ko sinimulang maghanap.
Didiretso na sana ako doon, ng biglang may humigit sa braso ko, at bigla akong pinaharap.
Ngayon! Kaharap ko na ang taong kanina ko pa hinahanap.
"You're coming with me." sa isang sabi niyang yun, ay napasunod na ako. Wala na akong naging reaksyon, o kahit ang humindi at magtanong ay wala nang lumabas sa bibig ko.
Nakakainis, kasi feeling ko, napipi ako. Ano yun! Nawalan agad ako ng boses.
"Mas maganda kong may hawak kang ballpen at papel, pero kong wala namang ganun, mas mabuting irecord mo na lang ang mapag-uusapan mamaya" maya-maya ay mahinahong saad niya, habang papunta ulit sa elevator.
Aytt.. Baba nanaman ako, hindi pa nga ako nakapasok sa opisina ng VP na ito eii.
"Nasa pinaka-dulo ang opisina ko!" wala naman akong binabanggit. Pero maayos narin yun para sa susunod alam ko na.
Medyo awkward lang ang sitwasyon kasi kaming dalawa lang, pero wala naman na sakin yun.
Tang*nang ang tahimik lang, kaya medyo nakakahiyang mag-open ng topic.
*Ting*
Iksaktong pagbukas ng elevator ay may isang babaeng nakasalamin ang bumungad sa amin, at kinausap ni VP..
Ayt, mas maganda kong VP na lang.
Saan nagsimulang magbago ang lahat.
Kailan nong ako'y di naging sapat.
Ba't di mo sinabi nong una palang
Ako ang kailangan pero di ang mahal
Hanggang sa habang naghihintay ako, ay biglang may kantang pumukaw ng atensyon ko.
Hindi inaasahang ang kantang yun, lalo na't hindi naman ito Mall, or Grocery.
Nag-echo yun sa buong 1st floor ng building, kaya rinig ng lahat pati ang kasama ko kaninang tumigil saglit para makipag-usap ay napatingin din ay este hinahanap din kong saan yun nanggagaling.
Saan nag kulang ang aking pagmamahal
Lahat ay binigay mapangiti ka lang
Bat di ko nakita na ayaw muna,
Ako ang kasama. Pero hanap mo siya
At kung masaya ka sa piling niya.
Hindi ko pipilit
Ang tanging hiling ko lang sa kanya wag kang paluhain at alagaan ka niya
Saan natigil ang pagiging totoo
Sa tuwing nababanggit na mahal mo ako
Bat di mo inamin nang merong iba.
Ako ang mayakap, pero isip mo siya
Ang kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko pipilit pa,
Ang tanging hiling ko lang sa kanya
Wag kang paluhain at alagaan ka niya.
Parang, parang yung kanta ano! Naiintindihan ko. Tangina, sinubukan kong tignan kong anong naging reaksyon ni VP kasi, malay ko ba kong natamaan siya.
Masakit naman kasi yung kanta. Ang akala ko noon makakalimutan ko na eh. Akala ko nakalimutan ko na.
Sinubukan ko naman na ayusin ehh, kaya lang baka nga hindi nga siguro kami para sa isa't isa.
Ika nga ni Joshua sa MV ng kantang yan "Salamat sa memories, masaya ako na masaya ka." ganun din ako.
That song. I just can't believe na kaya niya akong pabalikin sa mga alaala ko noon, bago ako napunta sa ganitong sitwasyon ko ngayon.
"What the! Who played that song?" maotoridad na utos ni Vp, sa mga taong naroroon.
Lahat naman ay matahimik at halos walang sumasagot, kaya't ako na mismo ang lumapit sa isang empleyado doon at nagtanong. Besides walang masama doon.
"Uhm, kilala mo?" pagtatanong ko don sa babaeng nakaterentas.
"Ay ma'am napindot lang po, hindi naman po namin alam na, naka connect pala yun ma'am kaya medyo ayon, rinig sa buong 1st floor" nahihiyamg sagot nong nakaterentas
"Sige salamat" diba ang bait ko, tsk! Hanep, hindi halatang ako ang anak ng may-ari ng Building na ito.
Well, simple kasi nga lang ako.
"Your welkam maam" nahihiya niya paring sagot.
"Ano walang sasagot!" mariin ulit na tanong ni VP. Medyo, hindi ko lang naman nagustuhan ang paninigaw niya, kaya medyo gagamit na ako ng kunting pwersa.
"You're not there anymore, and besides why do you care! Hindi naman sinasadya kong sakali, at tsaka break nila. Don't tell me, that song is hurting you!" walang prenong sigaw na banggit ko. Halos narinig sa buong floor ang boses ko.
Inis niya akong binalingan ng tingin, at animo'y hindi nagustuhan ang mga salitang nanggaling sa bibig ko.
Eh sa nawalan nanaman nang preno.
"Tsss! Your not my boss, so don't use that kind of tone to me!" aniya, sa tono ng parang pagalit na.
Inirapan ko lang siya dahil nagkamali siya. Hindi siya pwedeng magalit nang dahil lang sa kaunting pagkakamali! Kung sana sukdulan na yun at masyado ng sobra, edi Ayos lang kahit sumigaw siya ng sumigaw walang magpapatigil sa kanya.
Kaya lang! Hindi naman yun sinasadya eh. Kaya dapat matuto siyang mag pasensya.
"As If I care. I can use any kind of tone I want" mataray kong sabi, at sabay ko siyang Inirapan.
Wala naman siyang masagot kaya't bumuntong hininga na lang siya.
"Just don't---I mean I don't want this thing happen again" mahinahon niya ng aniya, bago ulit tumalikod at naglakad na palabas.
Habang ako ay nakatayo parin sa kinakatayuan ko kanina, dahil hindi ko padin maproseso ang nangyari, from galit, naging maayos agad.
Nangyari doon! Bipolar?
"ROSE!! WHAT THE? ANO PANG HINIHINTAY MO? HALIKA NA!" sigaw niya galing sa labas, doon lang ako na tauhan at dali daling lumabas.
*****
Taena, kung hindi ko lang talaga kailangan ito, hindi ko talaga ito gagawin.
Ikaw ba naman sigawan, utusan, at higit sa lahat, pagbitbitin ng mga gamit niya!
Kakatapos lang yung meeting niya kunno, ang sama ng ugali niya, dito atta bumawi dahil hindi niya ako hinayaan na gumamit ng ipad, o kahit ng recorder, para sana pwedeng ipasummarize na lang mamaya sa opisina.
Taena lang, kasi pinagamit niya ako ng papel at ballpen, halos manakit na ang kamay ko, sa sobrang dami ng sinabi nila.
Bukod sa wala akong magandang pagpatungan ay hindi din ako ganun ka komportableng magsulat gawan nga ng nakadress ako.
For pete's sake, masakit pa yung kamay ko, pero nandito ako ngayon na kasunod sa kanya ng nakasimangot kasi pagkatapos ng meeting kanina ay pinadala niya na sakin ang mga gamit niya.
Parang magic lang!!!!! Wala naman siyang dalang gamit kanina, tapos biglang may pagamit naa!
"Bakit ba! Hindi pa tayo bumalik sa opisina para ma-encode ko na yung pinagmeetingan niyo kanina!" suhestiyon ko, habang makasunod parin ako sa kanya.
Muntik ko na ngang ibato lahat ng gamit niya dito ehh.
"No!" madiin niyang sagot.
Saan ba kami pupunta! Bukod sa gutom na ako, pagod na din ako.
"Kakain tayo!" sabi niya. Doon ako Literal na napatigil.
"Tsk? Gutom na din ako, hindi lang ikaw ang gutom" sabi niya, habang nakatali ko padin ako.
Akalain mong nagutom din pala yan! Akala ko kasi nawalan na siya ng pakiramdam. Namanhid na ba!
"Ano na! Hindi ka ba gutom?" nawawalang pasensyang Saad niya.
Mabilis akong sumunod kahit sobrang nabibigatan ako sa mga gamit niya, kung pwede ko lang talagang ibato ito o itapon ginawa ko na.
*****
"Ano kakainin mo? Are you in diet? Vegetarian kana?" sunod sunod na tanong niya habang nakatingin siya sa menu.
Hindi katulad sa kinainan namin ni Tamara nong nakaraan, nasa Japanese restaurant kami!.
Balak atta nilang isa-isahin ang mga putahe ng ibang bansa.
"Kahit ano na lang." walang ganang sagot ko, tinawag niya naman ang waiter, at umorder nang kung ano-ano nalang.
Wala naman kasi akong alam, sa mga pagkain ng hapon. Wala din akong alam na putahe nila, kaya't sabi ko kahit ano na lang.
Sa estado ng buhay namin, hindi halatang wala akong kaalam-alam sa mga ibang bansang putahe.
I mean, halos lahat ng mayaman na kilala ko, pamilyar sa mga pagkain sa iba't ibang bansa, habang ako, adobo lang at tinula lang alam kong masarap.
I used to eat that food, kahit nasa canada ako.
I'm just a simple, anak montaverde.
Kaya nga madali lang akong nasaktan noon, nang lalaking kaharap ko ngayon kasi ganun ako. And wala naman akong paki doon.
"How's life?" tanong ni VP, na umagaw nang atensyon ko.
Tsss, gusto ko sana siyang sagutin na, mas maayos nong na wala ako.
"I'm absolutely fine, medyo nahihirapan lang sa pag bitbit ng gamit mo." prankang sagot ko, well totoo naman. Mabigat yun! Hindi ko lang mahanapan ng Tiempo kanina, kaya ganun.
I just heard him chucke, at tsaka dumating ang mga pagkain na inorder niya.
Narinig ko pa siyang tumawa bago, kinuha yung dalawang chopstick.

Bình Luận Sách (128)

  • avatar
    Prin Cess

    So very sad this Story

    20d

      0
  • avatar
    Hanopol Joshua

    good

    26d

      0
  • avatar
    Chan Artie Mallari

    CODM

    26/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất