"Why? Is there something wrong??" pag-aalala kong tanong sakaniya. "I-It's Mom" utal niyang saad sa akin. "Don't worry... So... Do you like it??" He's referring to the surfboard. "SUPER! I've been planning to surf nga after the first semester but I remember naiwan ko yung surfboard ko sa Elyu last year!" bahagya naman akong nalungkot dahil bigay pa sakin yun ni Lola. "I know, kaya plinano ko talagang after ng exams natin ko ibibigay" Lumapit siya sa lalaking mukhang may ari ng shop na ito. "Bro! This is Addi the one who owns that name" sabay turo niya sa surboard na nakadantay lang sa pader ng shop. "Addi, this is Geoff he's a swimmer too" ahh kaya pala sila nagkakilala. "Ohh! Ikaw pala si Addi, nice to meet you!" sabay lahad niya ng kanang kamay. Abot tainga ang aking ngiti ng tanggapin ko ito. "You know what? Kinukulit ako ng kinukulit nitong si Timothy" sabay tapik niya sa balikat ni Timo. "Gusto niya daw before birthday mo magawa na, kaya tomorrow I'll just send it to your birthday venue!" galak niyang saad. Nilapitan ko ang surfboard "See you tomorrow LA!" sabi ko at niyakap ko pa ito. Narinig kong tumawa sa gilid ko si Timo at si Geoff. "Tama nga si Timothy! You are so adorable, Addi! Two years gap? right?" tanong niya sabay tingin kay Timo. Tinanguan naman siya ni Timo. "Ohh, I see. Hoy pre! Wag mo sasaktan yan! Addi? Ihampas mo yang surfboard na yan sakaniya pag sinaktan ka!" baling niya sa akin ng natatawa tawa. "A-as if naman, Bro!" utal na sabi ni Timo. "Babe, let's go? hatid na kita sa unit mo. I really need to go to Mom's kasi and you need to rest for tomorrow!" anyaya niya, biglaan naman yata? Sumama muna kaya ako sakanila, pumupunta naman ako sakanila dati and boto naman sa akin Parents niya. "Can I come with you? ang aga pa. I missed Tita, too!" I'm trying my best to look cute, sana effective! "Please?" nag puppy eyes pa ako. para dagdag sa effectiveness! pero agad na kumunot ang aking noo ng nakita ko siyang hindi masaya sa sinabi ko. "N-next time nalang, Babe. Medyo private kasi yung problem... a-ayaw naman nila ng may ibang tao" utal niyang sabi. "Promise, Babe!" nagpromise sign pa siya. Mukha namang kapani-paniwala kaya pumayag na din akong magpahatid. ••• "Can I stay here for a while?" sabi niya ng makarating kami sa unit ko. Hindi ko siya sinagot, hinayaan ko nalang siyang tuluyang pumasok sa aking unit. "Babe" tawag niya sa akin. Nasa couch siya nakaupo, ako naman eto tinitingnan ang laman ng aking ref. "Yes?" "I just want you to know that you really deserve the best!" hindi ko man nakikita ang itsura niya, alam kong sincere ito. "I know I'm not one of the 'perfect ideal boyfriends' but I'm trying my best to be one of them" saad niya pa. Ng marealized kong wala naman akong makukuha sa ref sinarado ko na ito. Papunta na sana akong couch, ng bigla naman akong niyakap ni Timo mula sa aking likuran. "I love you, I do. Babe" sinandal niya ang kaniyang noo sa aking balikat. "I'm sorry for everything! I'm sorry kung may pagkukulang man ako" naramdaman ko ang pagtaas baba ng kaniyang balikat. Umiiyak siya? Bakit? ano ba nangyayari? "Sana kahit hindi ako deserving para sayo, sana mahalin mo padin ako" hinigpitan niya ang kaniyang yakap sa akin. Hindi ako makasagot, hindi ko alam ang sasabihin ko. "I know, hindi ako gusto ng Dad mo para sayo pero thank you kasi nag stay ka sakin kahit ayaw nila" this time, hinarap niya ako sakaniya. I saw tears running down his face. I saw pain in his eyes. "Babe? What's happening??" takang tanong ko sakaniya. "Nothing, I just want you to remember all the good times and how thankful I am to have you!" pilit siyang ngumiti, sinusubukan niyang itago ang kaniyang lungkot pero hindi padin niya ito maitatago ng tuluyan dahil ang mata niya ang sumisigaw ng sakit na nararamdaman niya. "I love you!" he said and he gave me a kiss on my lips. It's not just a kiss, but a sincere... deep kiss. Pero unti unting kumunot ang aking noo ng marealized kong sa iba mapupunta ang halik na iyon. Dahil nararamdaman kong unti unting gumagapang ang malilikot niyang kamay sa aking likuran palapit sa aking batok. bago pa mangyari ang hindi dapat. "Stop, babe! Stop!" pigil ko sakaniya. "I'm sorry" nakayukong saad niya. "I'm sorry, hindi padin ba pwede? tomorrow legal age kana" sabi niya habang naglalakad siya pabalik sa couch. "What do you mean?!" kung malapit lang siya sa akin siguro nasampal ko na siya! "I can wait, Babe. I just thought pwede na kasi bukas legal kana" sarcastic na sabi niya. "I'm Eighteen yes, but I don't think na papayag na agad ako" totoo naman, sa tagal naming mag bf/gf never pa may nangyari sa amin wala pa sa isip ko. I understand him, two years ang gap namin kaya yung isip niya sa bagay na ganun ay parang easy easy nalang sakaniya. Pero ibahin niya ako, ibahin niya ako sa mga babaeng kakilala niya. Tumayo na siya at naglakad papalapit sa akin. "Tssk, I need to go. I'll just text you when I get home" he kissed me on my forehead. "See you tomorrow" sabi niya at tinungo na niya ang pintuan ng unit ko. Nawala nanaman siya sa mood, ano ba siya? Daig pa niya babae. Kanina lang ay umiiyak siya tapos ngayon? tssk. Nabigla ako ng tumunog ang aking cellphone. Pumunta agad ako sa kitchen countertop naiwanan ko ang bag ko doon. Pagkuha ko ng cellphone ko, nag end call nalang ito. Nagtataka naman ako dahil hindi naka save ang number ng tumawag sa akin. I'm about to go to my room pero tumunog ulit ang phone ko. It's a text. When I read it, my heart almost dropped. "Now, I really believe Timothy is a damn good swimmer! Don't you know? He dives with other women!" Hindi pa ako nakakausad sa una may panibagong text nanaman akong nareceived. "You're living in a fantasy world dear, wake up!" The tears I'd been holding... begin to fall. Do I deserve this? Is this the reason why he's crying? He's sorry because of this? "Sana kahit hindi ako deserving para sayo, sana mahalin mo padin ako" "Sana kahit hindi ako deserving para sayo, sana mahalin mo padin ako" "Sana kahit hindi ako deserving para sayo, sana mahalin mo padin ako" Nagpaulit-ulit ang boses niya sa aking isipan. This is why.... he said that. Right? Tumakbo ako papuntang kwarto ko, niyakap ko ang naging sandalan ko araw araw sa loob ng pitong buwan. "May alam din ba kayo dito?? S-sabihin niyo na sakin p-please!!! nahihirapan na ako mag isip!! Please Aya!!" sigaw ko sa aking unan. Ng makita ko ang binigay ni Timo sa aking surfboard pillow agad ko itong nilapitan. "Alam mo din ba 'to?? BAKIT HINDI NIYO SA AKIN SINASABI!!" sigaw ko dito. I really can't stop my tears from falling, the pain strikes through me. Mababaliw ako. Mababaliw ako sa sakit. My phone beeps. "I'm home. I love you! See you tomorrow sleepyhead!" My heart is broken into pieces. Hindi ko na alam kung paano ko sila pupulutin isa isa, para mawala ang sakit. Hindi ko alam kung paano ko sila pipiliting pagdikit-dikitin dahil wala akong maisip na dahilan kung paano kong tatapalan ang sakit na aking nararamdaman. Yung isang natitirang rason kung bakit ako kumakapit, unti unti ng bumibitaw.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Ganda ng kwento ateee must recommend this☺️
04/09
0good
18/07/2024
0waw ang gali g neto
04/07/2024
0Xem tất cả