logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 5 Surprise

Ang bilis ng araw parang nung nakaraan lang eh ayaw kong pumayag sa party na gaganapin sa debut ko. Tapos eto, bukas na agad iyon.
Naging magkaibigan nga talaga kami ni Migs. Nag open siya sa akin nung araw din na nagpakilala siya dahil gusto daw niyang marinig ang side ng babae.
Nalaman ko din sakaniyang pinipilit din pala siya ng parents niya sa taong ayaw niya. sa kasal na hindi niya pinangarap. Parehas pala kami. Kaya biniro ko siya nun, na baka mamaya siya pala yung pinipilit din sa akin nila Dad. hahaha hindi pa din daw niya namemeet yung babae parehas kami hindi ko padin namemeet yung guy. Wala din siyang idea sa family name. Kaya kung siya man iyong binabanggit ni Dad mukhang hindi naman siya mahirap pakisamahan. hahaha
kidding aside...
Hindi ako mapakali, habang nakaupo ako sa couch dito sa living room ng unit ko. Pinagmamasdan kong mabuti ang kumikinang kinang na silver sequin gown sa aking harapan. Sinabi ko kay Mom na ayaw kong masyadong magarbo ang isusuot ko. Bukod sa ayokong mahirapang mag lakad. Hindi ko din naman gusto ang debut party na gagawin.
Kaya mas okay na yung simple lang pero elegant.
Kunot noo kong binalingan ang cellphone kong panay ang tunog. As usual, hindi ko hilig ang tingnan muna ang caller bago sagutin.
"Hello?" bungad ko.
"Babe?" masayang bati naman ng nasa kabilang linya. "Where are you?" sabi niya pa.
"Nandito lang naman ako sa unit ko" wala sa mood kong sagot sakaniya.
"Ohh, I see. I'm here outside"
"Whaat?? Wait, wait." gulat kong sagot sakaniya. Nahihibang ba siya?? paano nalang kung biglang pumunta sila Dad dito at bukas na ang birthday ko. Tsssk
"Okay. I'll just wait you here" binaba na niya ang tawag.
So anong gagawin ko?? tarantang tanong ko sa isip ko. Ano?? Addi!!! Mag-isip ka! ayain ko kaya siya sa playground?? papasukin ko kaya?? ano?? Nasira ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang doorbell ng unit ko. Sigurado akong naiinip na siya sa labas.
"WAIIIT!!!" sigaw ko.
Hayyy bahala na nga!
Tinakbo ko ang maliit na distansya mula sa living room hanggang sa pintuan ng unit ko.
Hindi nako nagdalawang isip pa, binuksan ko na agad ang pinto.
"Sana hindi siya nakita ni Migs kundi baka isumbong na ako non kay Dad kung sakaling magtagpo ulit sila" sabi ko sa isip ko.
"Hi!" sabi ko ng buksan ko na ang pintuan.
"Hi, Babe" bati niya at lumapit siya sa akin para bigyan ako ng halik sa aking noo.
"Ohhh easy easy babe!" angil niya dahil sa gulat niya ng bigla ko siyang hilahin papasok ng unit ko. Feeling naman niya excited akong makita siya. Tsss "Babe, can you come with me?" kitang kita sakaniyang mga mata ang sinceridad.
Hindi ko mapigilang hindi tumitig sakaniyang mga mapupungay na mata. Naalala ko nanaman kung bakit ako nahulog sakaniya.
Taksil talaga ang puso, lumambot nanaman ako dahil sa iisang dahilan ko kung bakit ako nanatili sakaniya.
Pinagdikit ko ang distansya namin at hindi na ako nag sayang pa ng oras... Niyakap ko siya ng mahigpit. "B-babe?? A-are you o-okay?" utal niyang tanong sa akin, miski ako nagulat din ako sa ginawa kong ito. Pero, aaminin kong namiss ko ito.
"Pwede bang ganito lang tayo, at least five minutes? I just missed doing this" masyado na ba akong demanding? I'm sorry Timo, miss na miss kasi kita. "Please" pahabol kong pakiusap sakaniya.
Hinigpitan niya ang kaniyang yakap sa akin, para bang gusto niya akong protektahan sa lahat. Para bang mawawala ang sakit na nararamdaman ko dahil sa yakap niya. Para bang alam niyang kailangan na kailangan ko ang yakap niya. "I missed doing this too, I'm sorry" hindi ko na napigilan. Tumulo na ang mga luhang kanina ko pa hinaharangan sa pag landas.
Marinig ko ang salitang sorry sakaniya, para bang naresolbahan na lahat ng nasa isip ko.
Maya-maya lang ay humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin.
Nilapitan niya ang gown na susuotin ko para bukas. "So... this is what you're gonna wear for tomorrow? Hindi ko pa man nakikitang suot mo alam kong bagay na bagay yan sayo" sabi niya habang nakatingin pa sa ceiling na para bang iniisip ang itsura ko sa kaniyang imahinasyon.
"Timo, minahal mo ba ako?"
Seryoso akong nakatingin sakaniya.
Kita ko ang gulat sakaniya. Kung nakakapagsalita lang ang mata sigurado akong uutal utal na din ito.
"Yes, bakit mo naman natanong yan?" seryosong tanong niya saakin.
Si Timo, siya yung lalaking may maamong mukha, malambing na boses mahahalata mong malambing na tao din ito. May mapungay na mata, maganda ang hugis ng katawan niya dahil na din sa athlete siya. Ngayon.... Tinititigan ko siya. "Mahal na mahal kita" ayan nalang ang nasabi ko sa isip ko.
Wala na akong pakielam kung makita niya akong umiiyak. Minsan pala okay din yung ilabas mo sa taong dahilan ng sakit nito.
"W-wala lang, alam mo sobrang mahal kita to the point na sinuway ko si D-Dad at the age of 16. N-narealize ko lang kung gaano kita kamahal" I can't help but to cry.... "Sana ikaw din, kahit hindi mo sabihin kasi alam kong may mali na eh" lakas loob kong sabi sakaniya.
"B-babe..."
"I know what's with you guys... No need to hide it. You should be proud of it!"
"Nino??"
"Oli."
"W-wait what??" sabi niya ng 'di siya makapaniwala sa sinabi ko. Sa halip na makita ko sakaniya yung inis o takot o galit. Bahagya pa siyang natawa.
Tssk.
"Wait babe, kaya nga kita inaaya ngayon because I have something for you! Kaya ako busy this past few weeks dahil doon. I'm with OIi because of that too!" abot tainga pa ang kaniyang ngiti ng sabihin niya ito. "Do you really think I can do that to you?? Please. I hate seeing you like that!" tuluyan na siyang lumapit saakin. He holds both of my hands, like he's assuring that everything is fine.
Sinandal ko ang aking noo sakaniyang dibdib. Hindi ko padin mapigilan ang aking pagiyak. Dahil ngayon, hindi ko na alam kung paano pako haharap sakaniya. All this time pala, he was just planning a surprise for me tapos ako kung anu-ano ang iniisip kong masama sakaniya.
Nilagay niya ang kaniyang kanang kamay sa aking likuran at tinapik tapik ito.
"Sshh, it's fine. It's my fault too hindi ako nakakapag paalam ng maayos. I'm sorry, Babe" iniangat niya ang ang aking mukha gamit ang kaniyang kaliwang palad at pinagtagpo niya ang aming mata. "I do really, really love you!" and he gave me a quick peck on my lips and that's it! Lumambot nanaman ako.
Ngayon, gusto ko nalang kainin ako ng tuluyan ng lupa sa kahihiyan. May paiyak iyak pa akong nalalaman. Hayy ano ba yan, Addi!!!
"We're here!" sabi niya ng huminto ang kaniyang sasakyan sa isang sikat na Surfboard shop sa Quezon City. Awtomatikong kuminang ang aking mata ng makita ito!
Wala na akong sinayang na sandali, bumaba agad ako ng kotse. "Babe! Wait!" nahinto ako ng tinawag ako ni Timo. Binalingan ko siya ng inis na tingin. "Hahaha! Okay okay fine, fine! Mauna kana sa loob, mag papark lang ako" natatawa niyang saad at umalis na din sa harap ko.
Agad akong pumasok sa loob ng mahagip ng mga mata ko ang isang surfboard na color white na may nakalagay na cursive letters na "Addi" sa deck nito.
It was simple yet it looked elegant. Alam na alam ni Timo ang mga tipo ko.
Mayamaya lang ay pumasok na si Timo. Abot tainga ang aking ngiti pero hindi halos maipinta ang kaniyang mukha. Pero ng tingnan niya ako, napalitan ito ng isang malawak na ngiti. Alam kong pinilit lang niya.

Bình Luận Sách (11)

  • avatar
    culanculankristhel

    Ganda ng kwento ateee must recommend this☺️

    04/09

      0
  • avatar
    Cherry Ann Bales

    good

    18/07/2024

      0
  • avatar
    Louise Danielle Caraballos

    waw ang gali g neto

    04/07/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất