logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 2 Bestfriend

"Sorry" sabi ng lalaking parang ngayon ko lang napansin dito.
Kunot noo ko siyang tinignan na para bang siya na ang pinakamalas na taong nakasalamuha ko sa araw na ito. Kung nasa mood lang ako ngayon? Pupurihin ko ang lalaking ito kaso sorry siya wala ako sa mood. Kaya naman inirapan ko ito at dali-dali na akong naglakad papalapit sa elevator. Tsss
Hahahaha kung napapansin niyong lagi ko nalang kinakausap ang sarili ko, guys wala akong kasama EVERY FVCKIN' DAY kaya ganito ako. Okay?.
So ayun, sigurado akong nasa lobby lang din si Kuya Eric, ang driver ko.
Tumunog na ang elevator hudyat na nasa Level 1 na ako.
As usual, kanya kanya ang mga pwesto ng mga tao na tumatambay at naghihintay lang din dito sa lobby. Ang iba ay masaya, ang iba ay bagsak ang balikat na nakatulala lang, ang iba naman ay kunot din ang noo habang may tinitipa sa kani-kanilang mga cellphone. Para bang sumasabay sila sa awra ko ngayon, para bang tamad na tamad din sila ngayong araw. Damay damay na 'to. hahahaha
Nabaling ang atensyon ko sa lalaking panay ang wagaygay ng kanyang kamay saakin na para bang sinasabi niyang sakaniya ako lumingon, si Kuya Eric ang driver ko.
magkunwari kaya akong hindi ko siya nakikita? huhu ang bad ko na. Sorry na po.
Lumapit ako sakaniya agad at siyang pinag bukas ako ng pintuan ng back seat.
"Good afternoon Ma'am, s-sabi ko na 'di ka makakapasok k-kanina eh" utal na bungad ni Kuya sakin, tila ba kinakabahan pa siyang sabihin sa akin ito. "P-pinapasabi po ng D-Daddy mo sakin na sagutin mo daw po ang kanyang mga tawag o text" nakita ko ang kanyang mata na para bang natataranta kung titingin ba ito sa akin o titingin sa kalsada.
"Sige po ako na po bahala kay Dad, thank you po" sagot ko nalang sa kanya. Kahit hindi ko parin alam ang sasabihin at isasagot ko kay Dad kung sakaling tanungin na naman niya sa akin ang bagay na iyon.
Hindi din nagtagal ay nakarating na kami sa Fort University.
Dumiretso ako sa fave spot na tinutukoy ni Kinsley sa Espresso Cafe ang Coffee Shop katabi lang din ng school namin.
Nahagip ng mga mata ko 'di kalayuan ang aking boyfriend na papalapit sa Espresso Cafe lalapit na sana ako sakaniya ng biglang bumukas ang pintuan nito at iniluwa nito ang aking kaibigan si Olivia.
Hindi kagad ako nag pakita sakanila, sa halip ay nag tago ako sa likuran ng isang Mirage hatchback na sasakyan. Tinignan ko sila mabuti na para bang may maiintindihan ako sa mga pinag-uusapan nila, pero wala naman ako napala dahil nakatalikod si Olivia sa pwesto ko at nakatagilid naman si Timo habang nakikipagusap sakaniya.
Kaya naman ng marealize kong wala din akong makikitang reaksyon ng mga mukha sa kanilang dalawa ay lumapit na ako.
Hindi pa ako masyadong nakakalapit sa kanila... ng tinaas ni Timo ng bahagya ang kaniyang kamay sa gilid niya na akala niya siguro hindi ko mapapansin ang kaniyang senyas kay Olivia dahilan kung bakit nahinto ito sa pagsasalita at binalingan ako.
Nginitian ko sila na para bang wala akong pakielam sa nangyayari o kung ano man ang pinag-uusapan nila.
Nakita ko pa ang itsura ni Olivia na nataranta, agad ko namang pinagdikit ang distansya namin at niyakap siya ng mahigpit.
"Thank you for staying by my side last night" bungad ko sakaniya. "I know I'm just overthinking, I'm fine now" kahit ang totoo ay umiiyak padin ako sa loob ko, kahit alam kong magulo padin ang isip ko.
"No, don't mention it! It's my job to stay by my bestfriend's side when she's struggling" tinapik niya ng dahan dahan ang aking likuran na para bang pinapatahan niya ako sa pag iyak ko.
Humiwalay ako sa pag kakayap sa kaniya, binigyan ko siya ng matamis na ngiti at hinarap ko si Timo.
"You have class, right?" may halong pagtataka ang tono ng aking tanong sakaniya.
"U-uhh, y-yeah supposed to be, but I don't have a Prof. That's why I'm asking Oli if you're here na" kinakabahan ba siya? Bakit parang kabado siya sa pagsagot sa akin? Tsss
Hindi na ako nagdalawang isip pa, nilagay ko ang dalawa kong kamay sa kanyang leeg at pinagsaklob ko ang aking mga daliri.
"Really?? You're so sweet talaga!" lambing kong sabi sa kanya at binigyan ko siya ng matamis na halik sa labi.
Umalis naman bigla si Olivia ng ginawa ko iyon, ayokong simulan ang araw ko ng ganito. Ayokong masira ang araw ko sa nararamdaman kong kakaiba.
Tumingala ako bago pa man ako pagtaksilan ng aking sariling damdamin ngumiti ako ng mapait ng tingnan ko ang napakagandang mala cotton candy na lumulutang sa kalangitan. Napakagandang araw para masira lang.
Hindi din nag tagal at lumabas na din si Kinsley sa Espresso Cafe.
Nang makita niya ako ay tinakbo niya ang distansya naming dalawa at niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"I'm so worried about you! Tara na! Male'late na tayo" kumawala siya pero pinigilan ko siyang huminto sa pagkakayakap saakin. Ginantihan ko ng mas doble pa sa dobleng higpit ng yakap na ibinibigay niya saakin.
"T-thank you sa pag alala sa akin, I-I love you babe!" utal kong sabi sakaniya, pinigilan ko ang aking puso at isip sa kanilang balak na paglabas ng mainit na likido sa aking mga mata.
Hindi ko pwedeng ipahalatang mahina ako. Dapat makita nilang wala akong pakialam.
Nang matapos ang klase namin. Tinignan ko agad ang cellphone ko kung may text ba si Timo pero wala puro notifications lang sa email at kung saan saan pa na galing sa iba't ibang applications ko sa phone.
Nilapitan ako ni Kinsley at nabigla ako ng may iabot siya sa aking abaca box at may abaca string na nakapulupot dito.
Abot tainga ang ngiti niya habang ako ay nakatulala padin sa kanyang kamay na may abaca box. "It's just a random gift so take it! But for me, I marked the day today as our friendsary" mahinhing pagkakasabi niya.
Nang tanggapin ko ito, niyakap niya ako ulit na para bang sinasabi niyang swerte siyang naging kaibigan niya ako.
"I know hindi mo sinasabi sa akin lahat, but just so you know. I've been faithful to you since day 1" malungkot niyang pahayag saakin. "But it's not too late! If you're not ready to say what's into you, it's fine" hinawakan niya ang aking isang kamay at pinisil ito bilang patunay na okay lang talaga siya.
Nginitian ko siya, "I'm sorry" ayan lang ang katagang nasabi ko sakaniya.
Lumabas na kami ng school pero panay ang lingon ko kung saan saan, hindi din matigil ang pag kunot ng noo ni Kinsley dahil hindi sinasagot ni Oli ang kanyang tawag.
Kinuha ko ang aking phone mula sa aking designer handbag at tinipa ko ang cellphone number ni Timo, nahawa na ata ako kay Kinsley dahil awtomatikong kumunot ang aking noo ng nag ring ang phone niya pero bigla ding nag end.
Ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang may karera ng mga kabayo sa loob ko na naguunahan sa pagtakbo.
Nakita ko na ang sasakyan namin, I was about to say goodbye to Kinsley but I eyed the car who passed by in front of me. It was Timo's.
Hindi din nakatakas sa aking mata ang taong nakaupo sa passenger seat. It was Olivia, my best friend.

Bình Luận Sách (11)

  • avatar
    culanculankristhel

    Ganda ng kwento ateee must recommend this☺️

    04/09

      0
  • avatar
    Cherry Ann Bales

    good

    18/07/2024

      0
  • avatar
    Louise Danielle Caraballos

    waw ang gali g neto

    04/07/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất