logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

06 | A lie for a living

06 | A lie for a living
...
[Trevor's POV]
Matapos naming kumain ay napagdesisyunan kong ibili siya ng mga damit.
Naawa na rin naman ako sa kanya.
Wala siyang maalala, hindi niya alam ang pangalan niya, at hindi ko pa alam kung saan napunta at kung sinong nakakuha ng bag niya.
"Wala ka pa rin bang maalala? Baka gutom ka lang kanina kaya wala kang maalala... wala pa rin ba?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa department store.
"Wala pa rin talaga." Mahinang saad niya.
"Ibibili mo ba ako ng damit? Okay lang kahit hindi na, baka may kapatid kang babae o kahit na sino na pwedeng magpahiram sa akin ng damit. Okay na ako dun, hindi mo naman kailangan bumili ng bago." Dagdag niya.
Naisip ko na rin yun kaya lang siguradong tatanungin ako ni Izzy kapag nanghingi ako ng damit niya. Ayoko namang malaman niyang may pinatira akong babae sa condo ko, baka kung anong isipin nun.
"Okay lang, wala rin naman akong kilalang mapaghihiraman ng damit." Sambit ko at saka ko siya nginitian.
"Pasensya ka na ah, nakaabala pa ako."
Pwede ko namang hindi gawin ang lahat ng ito pero hindi ko rin alam kung bakit ginagawa ko.
Hanggang sa makarating na kami sa department store.
"Kung may makita kang gusto mo, kunin mo lang." Sambit ko, napangiti naman siya.
Nakasunod lang ako sa kanya habang tumitingin siya ng damit. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na tumingin na rin siya ng mga underwear pero parang awkward ata kapag sinabi ko sa kanya yun kaya bahala na siya.
Nakakita naman ako ng dress na sa tingin ko ay bagay sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit na-imagine kong suot niya ang dress na ito.
"Eto, mukhang okay sayo." Kinuha ko naman yung dress at pinakita sa kanya.
Tumingin siya at saka ngumiti pagkatapos ay lumapit naman siya at kinuha ang dress na pinakita ko.
"Siguro may girlfriend ka, mukhang may alam ka sa mga dress na magugustuhan ng babae eh." Sambit niya.
"Ha? Ah, wala na kami." Nakangiti kong sagot.
Napatingin naman siya sa akin at naging seryoso ang mukha niya.
"Ay, sorry." Saad niya.
Nagpatuloy na lang siya sa pagtingin ng mga damit habang nakasunod pa rin ako.
"Teka pala, kung hindi mo naaalala ang pangalan mo, anong itatawag ko sayo?" Tanong ko.
"Ha? Ahm... ano nga ba..." Saad niya.
Napaisip naman ako kung anong pwedeng itawag sa kanya. Langya, para pala akong nag ampon ng tuta, tsk.
"Anne na lang." Sambit ko.
"Pwede naman." Nakangiti niyang saad.
Pangalan ng aso namin dati Anne,
At napag-kasunduan na nga namin na Anne na lang muna ang pangalan niya habang wala pa siyang maalala.
Matapos niyang makapamili ng mga damit ay nagtungo naman siya sa fitting room para isukat ang mga iyon. Hinintay ko na lang siya habang tumitingin lang ng mga damit malapit sa fitting room.
Ilang minuto lang ay lumabas na din siya sa fitting room at sumenyas na okay na raw, kaya naman nagtungo na kami sa counter para mabayaran na ang nabili niya.
Pagkatapos ay umuwi na kami.
"Trevor,"
"Oh?" Saad ko habang nagmamaneho.
"Okay lang ba talaga kung tumira muna ako sa condo mo?" Tanong niya.
"Hmm, okay lang. Wala ka rin namang ibang pupuntahan kaya mas mabuting doon ka muna sa condo ko, kesa mapahamak ka sa daan." Paliwanag ko.
"Pasensya ka na ah, wala kasi talaga akong mapu-- maalala kaya wala rin akong alam na mapuntahan." Malungkot na saad niya.
"...pero hayaan mo, baka bukas o sa susunod na araw may maalala na ako at saka thank you din sa mga gamit na binili mo para sa akin." Nakangiting saad niya.
Okay lang naman kung titira siya sa condo, mas madalas naman ako sa school kaya hindi ko rin mararamdaman na may kasama akong ibang tao doon.

Ang iniisip ko lang ay kapag may nakaalam na may babae sa condo ko. Alam niyo naman, kilala tayo sa campus kaya baka mapag-usapan tayo.
...
[Anne's POV]
"...pero hayaan mo, baka bukas o sa susunod na araw may maalala na ako at saka thank you din sa mga gamit na binili mo para sa akin." Ngumiti naman ako.
Tumingin ako sa bintana ng kotse sa gilid ko at saka palihim na bumuntong hininga.
Pasensya na talaga Trevor, kailangan kong magsinungaling para makasurvive at mapanindigan ang paglalayas ko sa amin.
Hindi naman totoong wala akong maalala eh.
Naaalala kong umalis ako sa bahay dahil gusto kong takasan ang nakatadhanang kasal para sa akin at sa taong hindi ko mahal,
Naaalala kong nanakawan ako at hinabol ko yung lalakeng kumuha ng pera ko,
Naaalala kong muntik na akong mamamatay dahil muntik niya na akong masagasaan,
At naaalala kong nawala yung bag ko dahil hindi niya man lang nagawang bitbitin ito kasabay ng pagbuhat niya sa akin nang mahimatay ako sa pag aakala kong masasagasaan na ako.
Oo, naaalala ko lahat.
Pasensya na kung umabot ako sa punto na kailangan kong mang-gamit ng tao para lang may matuluyan ako ng libre.
Kasalanan niya rin naman dahil iniwan niya yung bag ko, hindi sana ako aasa sa kung sino para lang di magmukhang pulubi sa daan.
Pinag-isipan ko rin namang mabuti kung anong idadahilan ko para mapilitan siyang patuluyin ako sa condo niya.
Alam ko namang may possibility na ireport niya lang ako sa police o dalhin sa hospital para macheck ako, pero hindi ko rin alam kung bakit kabaliktaran lahat ang ginawa niya.
Sobra-sobra pa nga ang ginawa niya para sa akin dahil binilhan niya pa ako ng mga damit na pwede namang hindi na lang, pero tama lang din na ginawa niya yun kasi kasalanan niya rin na nawala yung bag ko. Hays.
Pero kahit nagsinungaling ako kay Trevor ngayon tungkol sa alaala ko, sabi ko naman sa sarili ko na babawi ako.
Hindi naman ako masamang tao, sadyang nanga-ngailangan lang talaga ako.
Handa naman akong maging katulong kung kailangan, maglinis ng bathroom, ng toilet at ng kung anu-ano kung kailangan basta masuklian ko lang ang mga kabutihan niya sa akin ngayon.
Hindi ko naman ipagkakaila na medyo pogi siya sa paningin ko...
Okay sige, pogi nga siya at hindi ko maiwasang ngumiti sa tuwing nakikita ko ang mga mata niyang kulay brown at ang pilik-mata niyang mas makapal pa kesa sa akin at mapula niyang labi.
Basta pasalamat na lang din ako at siya ang nakasagasa sa akin, muntikan pala.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa condo.
Umupo ako sa sofa at tumingin-tingin lang sa paligid habang si Trevor naman ay nakita kong pumasok sa kwarto.
Napatingin ako sa relo ko at nakita kong 10 pm na, medyo inaantok na rin ako kahit pa nakatulog ako kanina.
Ilang sandali lang ay lumabas na rin siya sa kwarto, nakasando siya at nakaboxer pero hindi naman ganun kaikli para ma-awkward ako. May dala rin siyang kumot at unan at pagkatapos ay nilapitan niya ako.
"Inayos ko na yung higaan, gabi na rin at maaga pa ang pasok ko bukas, baka inaantok ka na rin." Saad niya.
"Medyo inaantok na nga ako, hehe, salamat," akmang aabutin ko na yung hawak niyang kumot at unan pero inalayo niya naman iyon. Nagtaka naman ako at napatingin sa kanya.
"Sa kwarto ka matutulog." Saad niya.
"Ha? Eh ikaw?" Tanong ko.
"Dito, sige na okay lang, mas kailangan mong matulog sa kama, dito rin naman ako madalas matulog sa sofa eh," saad niya habang nakangiti.
Bakit naman sobrang bait ng lalakeng ito? Pogi na nga, gentleman pa, hays. Naguiguilty tuloy ako,
"Pero nakakahiya sayo, okay lang naman ako rito." Saad ko.
"Sige na, okay lang." Sambit niya pagkatapos ay hinawak ako sa braso para patayuin.
"Ah teka pala, kumusta yung sugat mo?" Tanong niya at saka naman hinawakan yung noo ko.
Medyo nailang tuloy ako, kung umasta kasi siya ay parang matagal na kaming magkakilala, napaka-kumportable niya samantalang parang gusto ko nang sumigaw at mamula sa kinikilos niya.
"Wait lang." Sambit niya.
Muli naman akong umupo habang hinihintay sya, nagtungo siya sa kusina at hindi ko alam kung bakit kailangan ko siyang hintayin.
Pagbalik niya ay may dala naman siyang first-aid kit. Pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko at saka binuksan yung first-aid kit. Tiningnan ko lang siya.
Pagkatapos ay unti-unti niyang inalis ang band-aid sa noo at sa braso ko. Tahimik lang ako habang nilalagyan niya ng gamot ang galos sa noo at braso ko.
Medyo na-aawkward ako sa tuwing lumalapit ang mukha niya sa mukha ko dahil sa paglalagay niya ng band-aid sa noo ko. Hindi naman ganito ang feeling ko kapag ginagamot ako ng nurse sa clinic sa amin pero, ewan ko bakit iba yung pakiramdam ko ngayon.
"Okay na," nakangiti niyang saad.
"Ah okay na ba?" Saka ako napabuntong hininga.
"Sige na, matulog ka na," mahinahong saad niya.
Napatayo naman ako at napa-oo na lang at saka nagtungo sa kwarto niya. Sumulyap naman muna ako sa kanya bago ko tuluyang isara yung pinto ng kwarto.
Muli akong napabuntong hininga.
Okay, itulog na lang natin ito.
...

Bình Luận Sách (23)

  • avatar
    SarahJane Zulkani

    😍😍😍

    21/06

      0
  • avatar
    Francyne Sj

    very nice

    13/06

      0
  • avatar

    these stories is sow amazing I like it the story

    28/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất