logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

05 | Forgotten memories

05 | Forgotten memories
...
[Waigne's POV]
Inilibot ko ang tingin sa buong classroom. Madilim, walang tao at nakasara ang pinto.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng classroom.
Pauwi pa lang ako at mukhang kanina pa tapos ang klase. Kanina pa sana ako nakauwi kaya lang...
Hindi ako ginising ni Trevor. Lokong yun.
Thirty minutes na siguro simula nang matapos ang klase, wala man lang gumising sa akin kahit isa sa mga kaklase ko. Hindi naman ako nanu-nuntok.
Buti na lang at hindi pa ako nasaraduhan ng campus at may mga estudyante pa naman na ngayon pa lang din uuwi kasabay ko.
Ang ilan nga sa kanila ay nakatingin sa akin, lalo na yung mga babae. Napahawak tuloy ako sa mata ko at baka may muta pa ako at bakas ng laway sa bibig ko. Pero wala naman akong nakapa.
Napahawi na lang ako sa buhok ko para kahit papaano ay hindi magmukhang bagong gising.
Bigla namang nag-ngitian ang mga babaeng kanina pa nakatingin sa akin habang kasabay kong maglakad palabas ng campus.
Problema ba ng mga ito?
Napahinto naman ako sa paglalakad nang biglang may humarang sa harap ko. Maging ang mga kasabay kong babaeng naglalakad ay nakihinto rin sa akin.
Tiningnan ko naman ang babaeng humarang sa daan ko. Nakangiti siya sa akin.
"Ang pogi talaga ni Waigne."
"Ang cool niya."
"Sino ba yung babaeng yan? Kapal ng face!"
"Akala mo naman papansinin siya."
"Yeah, right,"
Saad ng mga babae sa paligid ko. Hindi ko sila kilala at kung mag-usap sila ay parang hindi ko naman sila naririnig. Tsk.

"Uhm... Hi! I'm--"
"Hindi ko tinatanong." Saad ko pagkatapos ay naglakad na ulit ako.
Nakita ko naman na yung kaninang ngiti niya ay napalitan ng pagkunot ng noo. 'Di ko na lang pinansin at tuluyan na akong naglakad palayo sa kanya.
"I told you, hindi siya papansinin."
"Ouch."
"Kawawa."
"Yawa."
"Pero gusto ko pa rin siya kahit suplado siya."
Muling dinig ko sa paligid ko. Hindi naman malakas ang pandinig ko, sadyang malakas lang ang boses nila.
Hangang sa makarating ako sa parking area. Muli naman akong napatingin sa paligid, baka kasi may bigla na namang sumulpot na babae.
Nang masiguro kong walang babaeng bigla na lang susulpot ay pumasok na ako sa kotse ko.
Wait, mamaya na ako uuwi, matutulog muna ako.
...
[Trevor's POV]
Pagdating ko sa condo ay pinuntahan ko agad yung babaeng iniwan ko kanina,
Tulog pa rin?
Hinawakan ko ang noo niya at normal naman ang temperature niya, mukha rin naman siyang okay at parang normal na natutulog lang.
Gumalaw naman siya at unti-unting dinilat ang mga mata. Nilibot niya ang tingin sa paligid hanggang sa mapatingin siya sa akin.
Napatitig naman siya sa akin na parang hindi siya sigurado kung tao ba o multo ang nasa harapan niya. Tsk.
Ngumiti ako at saka itinaas ang kamay ko. "Hi" saad ko.
Bigla naman siyang bumangon at napa-ayos ng upo. Napalayo naman ako, nagulat kasi ako at akala ko ay susugurin niya ako.
"Ahm--"
"Nasaan ako?"
"Ha?" Pagtataka kong tanong.
Tumingin ako sa paligid pagkatapos ay umupo ako. Paano ko ba ipapaliwang sa kanya?
"Pasensya ka na miss, nagmamadali kasi ako kanina kaya dito kita dinala sa condo ko." Paliwanag ko.
"Condo mo?" Gulat na saad niya. Napatango naman ako.
Hinawakan niya ang band-aid sa noo niya at saka tiningnan ang nasa braso niya.
"...napano ako?" Muli niyang tanong.
"Ha?" Napatingin din tuloy ako sa band-aid sa noo at braso niya.
"Ah, hindi ko alam pero baka nawalan ka ng malay kaya ka natumba, tapos nagasgasan ka sa noo at sa braso." Muli kong paliwanag.
"...bakit?"
"Ha?"
Naiwang naka-nganga ang bibig ko sa pagtataka kung bakit andami niyang tanong.
Hindi niya ba alam kung anong nangyari?
"Wala ka bang maalala?" Tanong ko.
"Yung bag ko lang,"
"Bag mo?" Tumango naman siya.
"Ang alam ko may dala akong bag pero hindi ko alam kung nasaan."
Hindi ko naman napansin kung may bag siya kanina. Pero teka, paano 'to? Mukhang wala siyang maalala.
Tiningnan kong muli ang sugat sa noo niya, nakayuko siya at parang malalim ang iniisip.
Di kaya naapektuhan ang pag-iisip niya nang matumba siya at tumama ang ulo niya sa sahig?
O baka naman uma-acting lang siya at balak akong i-scam?
Sa amo ng mukha niya at sa ayos ng damit na suot niya, mukha namang hindi siya hawak ng sindikato para manloko ng ibang tao...
Tsk, ano ba naman kasing iniisip mo Trevor?
"Pangalan mo? Hindi mo rin ba maalala?"
Tumingin siya at umiling sa akin. Problema ata ito. Nagka-amnesia pa ata.
"Wala ka talagang maalala?" Tanong kong muli, muli naman siyang umiling.
Napatayo ako at naglakad ng pabalik balik. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko nga siya nasagasaan pero hindi ko rin alam kung saan siya dadalhin ngayon.
Huminto ako sa paglakad at saka muling tumingin sa kanya, napansin niya naman ang tingin ko kaya tumingin siya at ngumiti ng bahagya. Saka ulit siya yumuko.
Maganda siya.
"Ano bang gagawin ko sayo..." Mahinang saad ko.
Napatingin siya at parang nagulat ata sa sinabi ko.
"Ah, hindi! Ang ibig kong sabihin ano...teka, ano ba..ano," pinag-isipan pa ako ng masama, tsk.
Muli naman akong umupo at pinaliwanag sa kanya kung anong nangyari na hindi niya maalala. Tumango-tango lang naman siya.
"Okay sige, ganito na lang, dadalhin na lang kita sa..." napahinto ako at napatitig sa kanya.
Nakayuko sya habang pinaglalaruan yung zipper sa throw pillow na nasa hita niya.
Bakit parang ang hirap namang ipagkatiwala siya sa iba? Bakit naman kasi nawalan pa siya ng ala-ala? Pakiramdam ko tuloy ay responsibilidad ko siya.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Naisip ko rin kasi na baka ako pa ang mapahamak kapag nag-report ako tungkol sa kanya, lalo at wala siyang maalala, baka pati ako ay imbestigahan pa. Wala naman akong kasalanan.
"Okay, sige. Ganito na lang, habang wala kang maalala, dito ka muna. Kung gusto mo lang, pasensya na, yun lang ang maitutulong ko." Mahinahong saad ko. Tumango naman siya.
"Wala ka ba talagang maalala kahit isa?" Muli kong tanong.
"Yung bag ko lang talaga." Saad niya.
Saan ko naman hahanapin ang bag niya?
"Ano nga palang name mo?"
"Ha? Ah, Trevor." Tumango lang ulit siya.
Hanggang sa biglang tumahimik ang paligid at narinig ko ang tunog ng tiyan na nagugutom na. Tiningnan ko siya at napahawak siya sa tiyan niya.
"Sorry," saad niya at muling ngumiti na parang nahihiya pa.
"Wala bang pumunta dito na staff ng condo kanina?" Umiling siya.
Ginamot lang siguro ang sugat niya at hindi na siya binalikan para tingnan.
Tumayo ako at inaya siyang lumabas para kumain sa mall. Sumunod naman siya, gutom na nga talaga siya.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa mall, agad naman kaming dumiretso sa restaurant na madalas na kinakainan ko.
Nang makaorder na ako ng pagkain at maibigay na sa amin ay agad din naman siyang kumain. Gutom na nga talaga. Mula ba naman kaninang umaga hanggang ngayon ay hindi pa siya kumakain. Kasalanan ko na naman ata.
"Pasensya na kung naabala kita pero wala kasi talaga akong maalala." Saad niya.
"Okay lang, hahanapin ka naman siguro ng magulang mo." Saad ko.
"Hahanapin talaga ako..." mahina niyang sambit habang kumakain.
Muli naman akong napaisip, titira siya sa condo... wala siyang kahit na anong damit o gamit... kailangan ko rin ba siyang bilhan ng damit na masusuot niya sa pang-araw araw?
...

Bình Luận Sách (23)

  • avatar
    SarahJane Zulkani

    😍😍😍

    21/06

      0
  • avatar
    Francyne Sj

    very nice

    13/06

      0
  • avatar

    these stories is sow amazing I like it the story

    28/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất