logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Maybe [Not Meant To Be]

Maybe [Not Meant To Be]

Writerjuanabe


01 | Marriage is for a couple, not for strangers

SYNOPSIS
Sinong mag-aakala na ang isang simpleng arranged marriage ay may sikretong hindi mo inaasahang ililihim sayo?
Gaano ka-lakas ang loob mo para sabihin sa kanya kung gaano mo siya ka-gusto sa kabila nang hindi niya pagpansin sayo?
Paano mo titiisin ang lalakeng kina-iinisan mo sa kabila nang unti-unting paghulog ng loob mo?
Si Anne na ang tunay na pangalan ay Leanne, ang babaeng tinakasan ang planong kasal ng magulang niya para sa kanya at sa lalakeng hindi niya mahal.

Si Trevor na nagkaroon ng biglaang responsibilidad sa babaeng muntikan niya nang masagasaan.
Si Samara na may gusto sa lalakeng hindi naman siya ang gusto.
Si Waigne na ang gusto lang ay matulog.
Si Izzy na pilit pinipigilan ang nararamdaman para sa taong mas gusto niyang kainisan.
Si Kevin na pilit pinipilit ang nararamdaman, magustuhan lang nang babaeng sa umpisa ay hindi siya mahal.
At si Louie na ang tanging gusto lang ay mahalin muli nang babaeng sa kanya ay una at huli.
Mahal,
Minahal,
Minamahal,
Hanggang kailan ka maghihintay para ang siguro ay maging sigurado?
Tatangapin na lang ba na hindi para sa isa't isa at hahayaan na lang ang tadhana ang humusga?
Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo sa kabila nang damdamin nito para sayo na hindi sigurado?
Maybe, not meant to be...
...
DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.
...
Copyright
Writerjuanabe
MAYBE [NOT MEANT TO BE]
2022
...
All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without permission in writing from the publisher, except by a reviewer who may quote brief passages in a review.
...
Hi, this is your author, Juana ❤. I will be happy to read all your comments and reviews. Follow me for more updates and upcoming stories. Thank you so much for reading this story. Kapit lang po, may kahabaan po ang nobela na ito.
❤❤❤
PROLOGUE
Kung mahal mo, ipaglaban mo. Kung mahal mo, pahalagahan mo.
Kung mahal mo, iparamdam mo. Kung mahal mo, sabihin mo.
Maraming paraan para sabihing mahal natin ang isang tao, Ngunit marami ring dahilan ang nagbibigay sa atin para itago ang nararamdamang ito.
Mahal mo nga, pero di ka naman kayang ipaglaban. Mahal mo nga, pero di ka naman pinahahalagahan.
Mahal mo nga, pero di ka naman mapanindigan. Mahal mo nga, pero hindi mo magawang sabihin dahil alam mong hindi ikaw ang mahal...
Marami sa atin ay hindi naiintindihan ang tunay na pagmamahal.
Love isn't just about "kumain ka na ba?" Or "nakauwi ka na ba?". Love is more than sweet messages, more than kisses, and more than hugs.
It's about commitment, it's about you who is willing to stay. It's about you who is choosing to love the same person over and over again.
Do your part to say how you feel and if that someone doesn't feel the same,
Maybe... you're not just meant to be.
...
01 | Marriage is for a couple, not for strangers
...
[Her POV]
"Ma! Ayoko po! Hindi ako magpapakasal sa kahit na sino!"
"Pero anak, yun ang gusto ng dad mo. Sumunod ka na lang, para rin naman yun sayo."
Ayoko pa rin!
Di ako magpapakasal sa kahit na sino! Eh sino ba kasi ang lalakeng yun? Hindi ko naman siya lubos na kilala para gustuhin kong magpakasal sa kanya!
Mas gugustuhin ko na lang na maging matandang dalaga kesa magpakasal sa taong hindi ko mahal, at lalong hindi ko kilala!
Nagtungo ako sa kwarto matapos kong marinig ang sinabi sa akin ni mom. Agad kong ini-lock yung pinto at saka humiga sa kama ko.
Naiinis ako, naiinis talaga ako! Bakit kasi kailangan nilang gawin yun? Yung gusto lang ba ni dad ang mahalaga? Paano naman ang gusto ko?
Hindi naman basta-basta ang pagpapakasal, isa yung sagrado at dapat ay pinag-iisipan ng mabuti. Para lang rin yun sa mga taong nagmamahalan. Hindi ko siya mahal. Period.
Narinig ko ang dalawang beses na katok mula sa pinto ng kwarto ko.
"Anak, kausapin mo ako." Mahinahong sambit ni dad mula sa labas ng kwarto ko.
Hindi ako nag salita at hinayaan ko lang siya. Hindi ko alam kung anong pwede kong sabihin para maintindihan ako ni dad at para hindi na matuloy ang gusto niya.
"I know you're mad, but please... mag-usap tayo." Muling sambit ni dad.
Napabuntong hininga na lang ako dahil kahit hindi ko gusto ang ginagawa ni dad ay hindi ko rin naman siya matiis bilang magulang ko.
Bumangon ako at nagtungo sa pinto ng kwarto ko upang pagbuksan ng pinto si dad. Pagkatapos kong buksan ang pinto ay agad din akong bumalik sa kama at saka umupo nang nakatalikod sa direksyon kung saan naroon siya.
"Anak," mahinahon niyang saad.
"Hindi po ako magpapakasal." saad ko habang nakatalikod pa rin.
"Alam kong ayaw mo, pero para rin naman sayo ang ginagawa namin." Paliwanag ni dad.
Paanong para sa akin? Ano bang makabubuti kung magpapakasal ako sa lalakeng yun? Dahil ba mayaman ang pamilya nila? Dahil ba maganda ang lahi nila?
Anong dahilan para ikabuti ko ang pagpapakasal sa lalakeng hindi ko mahal?
Humarap ako kay dad habang magkasalubong ang kilay ko. Nakangiti siya ng bahagya na para bang isang biro lang ang ginawa nilang desisyon para sa akin.

"Dad, gaano niyo po ba kakilala ang lalake na yun para ipagkatiwala niyo ang nag iisa niyong anak sa kanya? Hindi ko po kasi maintindihan na parang gustong-gusto niyong ikasal ako sa kanya. Eh dad, hindi pa nga po ako tapos mag-aral tapos gusto niyo magpakasal na ako sa kanya?" Saad ko.
"Anak naman, alam naman naming nag-aaral ka pa, hindi ka pa rin naman ikakasal ngayon--"
"Pero sa kanya niyo pa rin ako gustong ikasal!"
"Oo, pero hindi pa nama--"
"Ganun pa rin yun!" Napalakas kong saad .
Napayuko na lang ako nang mapansin kong nabigla si dad sa pagtaas ng boses ko. Hindi ko naman sinasadya.
"Pasensya na po." Sabi ko habang nakayuko.
"Pasensya ka na din anak, hindi naman namin gustong pangunahan ang nararamdaman mo... pero yun lang ang paraan para maging maayos kayo." Bahagya siyang ngumiti at saka lumabas ng kwarto.
Hindi ko na inisip ang huling sinabi ni dad at kung anuman ang ibig niyang sabihin. Pero sa itsura niya habang sinasabi yun sa akin ay alam kong seryoso siya. Pero kahit ano pang rason nila, wala akong makitang dahilan para maging tama ang magpakasal sa lalakeng hindi ko kilala.
...
Kinuha ko ang mga nakatiklop kong damit na nasa drawer ko, saka ko naman ito inilapag sa kama pagkatapos ay umupo ako. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang mga damit na inilabas ko.
Oo, hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero napagdesisyunan kong umalis na lang muna dito sa bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na si batman.
Kinuha ko naman ang bag ko at saka isa-isang inilagay ang mga damit sa loob nito. Muli akong napabuntong hininga habang nakatingin naman sa bag ko na may laman nang damit ko.
Oo, nagdadalawang isip ako sa gagawin ko, pero ayokong magpakasal sa lalakeng yun.
Hindi naman totoong hindi ko siya kilala eh, kilala ko siya dahil isang beses ko na siyang nakita. Isang beses pa lang.
Nakilala ko siya noong birthday ni mom, may dala siyang bulaklak, hindi para kay mom kung hindi para sa akin. Hindi ko alam kung anong dahilan niya para ako ang bigyan niya ng bulaklak at hindi yung mismong may birthday.
Pero yung mga ngiti niya, hindi ko makalimutan...
Ngiti na may halong lungkot at saya, ngiti na akala mo ay matagal niya na akong kilala. Yun pala, gusto niya ako at may plano ang mga magulang namin na ipakasal kami sa isat isa.
Matapos kong mag-isip-isip ay nabuo ko rin ang lakas ng loob para lumabas ng kwarto at tuluyang umalis ng bahay.
Alas-tres na ng madaling araw at alam kong mahimbing na ang tulog nila,
Dahan dahan akong naglakad palabas ng kwarto, pababa sa hagdan at palabas ng gate.
Paglabas ko ng bahay ay sandali akong huminto at pinagmasdang muli ang bahay namin, hindi ko alam kung kailan ako babalik pero ang mas kailangan kong isipin ngayon ay kung saan ako pupunta.
Muli akong napabuntong hininga nang mapatingin ako sa kalsada. Madilim, tahimik at malayo-layo ang lalakarin ko palabas ng village.
Nakajacket ako at nakasuot ang hood nito sa ulo ko dahil baka may makakita sa akin na kilala ako.
Medyo natatakot ako sa madilim na kalsada na nilalakaran ko pero wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin dahil nasa loob pa rin naman ako ng village.
Habang papalayo ako sa bahay ay siya ring paulit-ulit na tanong sa isipan ko kung tama ba na umalis ako. Kung tama ba na gawin ko ito.
Isang atm card, credit card at kaunting cash ang dala ko kasama ang kaunting damit na maayos na nakatiklop sa loob ng bag ko.
Muli akong napabuntong hininga nang matanaw ko ang gate palabas ng village, bukod sa napagod ako sa malayo-layong nilakad ko, nahahati pa rin ang isipan ko kung itutuloy ko pa ba ang pag-alis ko.
...

Bình Luận Sách (23)

  • avatar
    SarahJane Zulkani

    😍😍😍

    21/06

      0
  • avatar
    Francyne Sj

    very nice

    13/06

      0
  • avatar

    these stories is sow amazing I like it the story

    28/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất