logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7

"Yes sir, I already call hotel staff for the access to her room. I think I knocked and call her name hundred times. But she's not answering until now."
Marahan kong binuksan ang mata ko at naalimpungatan sa gulong naririnig ko sa labas ng pinto. Ano bang meron? Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit pati buong katawan ko. Ano bang nangyari kagabi?
Nagulat nalang ako ng ma-realize kung san ako nakatulog. Sa CR lang naman, nakaupo at nakasalo ang ulo sa toilet bowl. Nakatulog ba ako kakasuka?
"Ms. Paris, we are about to enter your room. Please be alive"
Boses ng lalaki sa likod ng pinto, pero bago pa ako makatayo ay nabuksan na nila ang kwarto at dumiretsyo higa ako sa malamig na sahig ng cr. Sana malinis tong cr nila jusko.
Dahil sa sakit ng ulo ko, wala akong ganang humarap sa kanila kaya pinili ko nalang humandusay na kunware ay walang malay.
"Sir, we found her. She's unconsious. We will take her to the hospital"
Ano ba nangyayari, bakit parang may ginawa akong mali para pasukin nila ko sa kwarto at hanapin ng ganito. Wala naman akong natatandaang ginawa kong masama kagabi ah?
Wala nga ba???
Akma na nila akong bubuhatin ng mahawakan ng isang lalaki ang bewang ko na may power na makapagpa talon sakin.
Bigla kong naunat ang kanang kamay ko sa sobrang kiliti dahilan para tamaan sa pisngi ung lalaking humawak. Napatawa naman ako ng makita ang reaksyon nya.
"Sorry! Hahaha sorry, i'm sorry." Bulong ko habang nakatakip sa bibig
"So, you're okay?" Tanong nung staff na pasimuno sa pagpasok dito sa kwarto ko.
Napayuko ako sa hiya at dahan dahang nawala ang ngiti sa labi ko. May pagtatakang tanong ko
"What is happening sir? What did I do?."
"Sir, she's fine. Do you want to talk to her?"
Hindi man lang ako sinagot.
"Okay sir, will do"
"Ms. Paris, Mr. Shawn said that get yourself ready. He wants to have a meeting with you at 7 PM. I will pick you up at 6." pagkasabi nya non ay diretsyo syang lumabas ng CR pati ng kwarto kasunod ang iba pang staff.
"Wait! You didn't even answer my question, Sir? Sir!"
Pabagsak ang sara ng pinto kasabay ang kabog ng dibdib ko. Ano ba talagang nangyari, bakit nandito na si Sir Shawn? At 7 pm? Meeting? About saan?
Patakbo kong tinungo ang kwarto at hinanap ang laptop ko. Baka sakaling nagsend sya ng mga dapat pag-usapan.
Pero ..
Wala ..
Wala rin syang email na papunta sya dito. Biglaan ang lahat. Ano bang nangyayari?
Kakain pa sana ako ng mapatingin sa oras. 5:30 na! 5:30 na pala ng hapon! Kaya pala nila ako pinasok dito sa kwarto kasi maghapon na akong tulog. Ni hindi na ako nakapag report kay sir Shawn. Shems! Dapat nga pala kaninang 10 AM yon.
Baka kaya sya pumunta. Kasi akala nya nawala na ako?
Omygod. Ano kayang nangyayari.
Habang tinutuyo ko ang buhok ko gamit ang maliit na towel. Marahan kong pinag mamasdan ang sarili ko sa harap ng malaking salamin sa cr ng hotel na ito. Kitang kita ang eyebag ko. Mukhang kung anong oras na nga ako natulog.
Napa dako ang mata ko sa bandang leeg ko at may nakitang medyo maliit na kulay pula na pabilog.
"Ano to?!" natatarantang sabi ko habang hinahawakan ito ng medyo madiin.
"Tae!"
Wag mong sabihing chikinini to! Juskopolord, patawarin!
Ano bang nangyari kagabi!!!!
Dali dali akong pumunta sa kwarto at naghanap ng hindi ko maintindihan kung ano, baka sakaling may makikita akong makakapagpa confirm ng iniisip ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang sulat sa maliit na salamin sa side table ng kama gamit ang lipstick ko.
"I didn't know you're wild. But i like it.
- A."
_________
"Please have a sit, Paris" sinabi iyon ni sir Shawn ng hindi tumitingin sa mata ko.
Bumuntong hininga ako bago ako umupo. Nasa gilid nya si Sir Ashton na kanina pang nakatitig sakin pagkapasok ko palang ng office.
Hindi ko makuhang tumingin sakanya, pakiramdam ko natutunaw ako sa titig nya.
"I want to know what happened last night, Paris" cold na sabi ni Sir Shawn
Napatingin ako sakanya ng may pagtataka.
Kagabi? Anong nangyari kagabi? Kahit ako hindi ko alam!
"Sir, kahit po ako hindi ko maalala kung anong--" bago ko matapos ang sasabihin ko ay napatingin ako kay Sir Ashton dahilan para maalala ko ang nakasulat sa salamin.
Hindi ba't sya yon? Hindi ba sya ang sumulat non?
Imposible! Sir Ashton?? Papatulan ako??
"Paris?" nagising ako ng marinig uli ang boses ni sir Shawn.
Nilabas nya ang cellphone nya at pinakita ang mga pictures kagabi sa bar. Pictures ko na sumasayaw kasama ang isang lalaki na hindi ko kilala. Pero hindi kita sa picture ang mukha nya. Parang sinadya ng kumuha na ako lang ang kunan.
At don, dahan dahan kong naalala ung mga nangyari kagabi.
Tama! Si sir Ashton ang nagdala sakin don.
"Sir, I can explain po. Sinama lang po ako ni Sir Ash--"
"I don't need your explanation for now, Paris. I already made a decision. You can rest for a while. While Ashton is here, you can rest muna sa Philippines."
"Sir hindi nyo na po pakikinggan side ko? Tinatanggal nyo na po ba ako sa trabaho?" Konti nalang babagsak na ang luha sa mga mata ko.
"I'm not firing you, i said you may have you Vacation Leave muna"
"Come on Dad. I can find another secretary in a minute" singit ni Sir Ashton
So gusto talaga nya akong matanggal? Kagagawan pala nya talaga to? Ito ba ung tinutukoy nyang gagawin nya ang lahat para lang matanggal ako?
Di ko na napigilan, kaya napahawak na ako sa bibig ko at dirediretsyo na ang pagtulo ng luha ko.
"I'm sorry sir kung ano man po ang nagawa ko, pero alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama. You can ask me po muna sana kung paano ako nakarating sa bar na iyon. Ni hindi ko nga po kayang bumili sa labas ng hotel, mag lakwatsya pa po kaya?!" ako habang todo ang pag-iyak. Ang bigat sa dibdib.
Bakit pa ako na-assigned sa ganyang ugaling boss?
"Don't cry Paris. I understand. I just need you to rest for a while. Okay?" marahan na sagot ni Sir Shawn.
"I'm not firing you, okay?" sabi nya uli
Napatango ako ng dahan dahan.
"Okay, pack your things. Your flight is by 10pm."
"Okay sir, thank you po"
Sinamaan ko ng tingin si sir Ashton dahilan para magulat sya.
Wala na akong pake kung anong iisipin nya. Masama na ang loob ko sakanya. It's final! Hindi ko na sya crush! Kaya pala nya ako sinama kagabi para sirain kay Sir Shawn? Palabasin na nagbabar lang ako habang nasa oras ng trabaho.
Kung alam lang ni sir na sya ang hindi nagtatrabaho, wala syang ibang alam kundi mang-babae!
So what if he's my boss? If he wants a war, I will give him a war.
Sobrang mahal ko ang trabaho ko. At hindi nya deserve ang position na ito.
War between boss and secretary?
Alam kong may laban ako. Dahil matagal na ako sa company na to. Alam ko na ang pag sikot ng mga bagay bagay. Pero sya? Wala pa syang napapatunayan at naiiambag.
Naniniwala naman ako kay sir Shawn na hindi porke anak nya, yun na ang pakikinggan nya. Alam ko din kung gano nya kamahal ang kumpanyang to.
Tingnan natin kung sino ang paniniwalaan ni sir Shawn sa huli!
Dahil sakanya nasira na ang matagal kong iniingatang trabaho. Baka after nito hindi na ganon ang tiwala ni sir Shawn sakin. Ang kapal nya, papatunayan ko ding sya ang nag sulat doon sa maliit na salamin sa kwarto ko.
Kung sya man, may nangyari kaya samin?
Bakit ba wala akong maalala?!!!
_________
"Anong ganap mo lang don? Laruan lang ng crush mo?" tanong ni Jaq, after nya ako masundo sa airport.
"Oo, at hindi ako papayag na ganunin pa nya ako sa susunod" Poker face kong sagot. Hindi pwedeng mawala sakin ang trabahong to.
"Ay taray! Tapang yern? Palaban sa boss?" natatawang sagot nya
"Kung alam mo lang kung gaano nya ako pinaglaruan Jaq. Kahit ikaw maaawa sakin" sagot ko na may halong inis.
Parang hindi sya naniniwalang kaya kong lumaban sa Ashton na yon!
"Pero kilala kita eh, kaya di ako maaawa sayo. Sa rupok mong yern! Hahahaha"
Inirapan ko lang sya. Kahit kelan talaga sya.
"Isang giling lang sayo ng boss mo, buntis kana!"
"Ano ba Jaq! Kakainis ka naman eh!" Sigaw ko dahilan para lalo syang humagalpak ng tawa.
Hindi na ako papadala sa mga ganon ganon nya. Once makabalik uli ako sa trabaho, kahit san nya ako dalhin hindi na ako sasama.
Dahil kada sumasama ako sakanya, may mga nangyayaring hindi maganda.
"Nandito na tayo, balik nalang ako dyan bukas after work. Pahinga kana!"
Kumaway nalang ako kay Jaq pagbaba ng sasakyan at marahang binuksan ang gate. Pero bago ko pa mabuksan ito, may nakita akong babaeng familiar na nakatayo sa gilid ng gate. Mukhang kanina pa sya nag iintay.
May dadagdag pa bang masamang pangyayari sa araw na to?! Todo bigay ngayong araw ah?!
Inirapan ko sya at tinanong "Anong ginagawa nyo dito"
"Sorry Paris, hindi kita macontact kanina. Nung isang araw pa sya pabalik balik ehh. Sabi naman nya wag ko na banggitin sayo" Singit ni Adi
"Adi, thank you. Iwan mo muna kami dito" sagot ko, saka pumasok si Adi sa loob ng bahay dala ang ibang gamit ko
Umupo ako sa harap ng bahay saka sya tiningnang muli.
"Anong ginagawa nyo dito? Pano nyo ko nahanap? Kilala nyo pa pala ako?" Inis kong tanong
"Teka anak, hayaan mo muna ako magpaliwanag. Para malinawan ka" sagot nya
Sobrang payat nya at mukhang ilang araw ng walang tulog
"Anong ipapaliwanag nyo? Ngayon pa? Ilang taon ng wala si papa" Mariin kong sabi
Napahawak sya sa noo at alam kong naiiyak na sya, pero wala akong pake dahil wala sya sa tabi ko ng ilang taong umiiyak ako.
"Anak, nahanap kita dahil sa pinsan mo. Nakita din kita sa tv nung mga nakaraang araw, ang ganda at ang layo na ng narating mo anak, proud ako sayo" may ngiting sabi nya
Napa smirk lang ako at umirap uli sakanya. Ano ako artista at nakikita sa tv?
"Proud din ako sa sarili ko. Pero sana naririnig ko din yang sinasabi ni papa ngayon kundi dahil sainyo."
Bumuntong hininga ako
"Anong kailangan nyo?! Bakit ka pa nagpakita!" sigaw ko
Hindi ko na mapigilan, habang nakikita ko sya ng matagal, habang natititigan ko sya naaalala ko yung araw na tinalikuran nya kami para sa lalaki nya.
"Sorry anak, hihingi lang sana ako ng tulong. May sakit ang kapatid mo, at kailangan syang maoperaha--"
"Kapatid?! KAPATID?! Anong pinagsasasabi mo?! Ina nga wala akong kinilala, kapatid pa?! Mula pagkabata wala ka na, ngayon ka magpapakita dahil ano? May kailangan ka?!"
Nilapitan ko sya at hinawakan sa braso, lumabas ang isang malaking pasa sa braso nya. At dahil don napatingin ako sakanya.
Bigla nyang binawi ang kamay nya
Napatawa ako "Pinagpalit mo si papa sa lalaking binubugbog ka? Naaalala mo pa ba kung gaano ka iningatan ni Papa wag lang makagat ng lamok? Nakakatawang malaman na ganyan pala kalagayan mo ngayon."
"Anak, please kahit konting tulong lan--"
"TULONG?! Wala akong nakuhang tulong sayo nung mamatay ang papa! Dinala ko lahat ng mag-isa! Wala na akong kamag-anak mula ng mamatay ang papa! Wala na. Kaya umalis kana. Wag kana mag-aksaya ng laway. Umalis kana!"
Saka ako pumasok ng bahay diretsyo sa kwarto.
Wala akong ibang maramdaman kundi sakit. Biglang bumalik lahat ulit.
Napaka sama ng araw na ito. Napaka bigat na ng dibdib ko, di ko na kayang pigilan yung iyak na kanina ko pang umaga pinipigilan.
*knock knock*
"Paris, okay ka lang ba? Nandito kami lahat" si Adi
Napapahid ako ng luha at saka binuksan ang pinto
Pagkabukas ko, lahat nga sila nandito at handa akong yakapin.
Bigla na akong napayakap sakanila at napahagulgol
Hindi man ako sinuwerte sa pamilya, swerte naman ako sa kaibigan. At sobrang thankful na ako don.
"May regalo kami sayo" Sabi ni Adi habang nakangiti
May kinuha si Gabby sa likod nya at inabot sakin ang maliit na kahon.
Napakunot ang noo ko, ano kaya to?
Pagsilip ko ...
"Aawwwww sobra cuuuteeee, thank you so much guys!" Lalo pa akong naiyak kasi kahit ganito nangyari sa buong araw na to, hindi pa din mawawalan ng bright side.
Nilabas ko ito sa box at marahan na hinalikan sa pisngi
*Meow* ani to.
"Medyo may amoy Gabby ahh" natatawang sabi ko
Nagtawanan naman sila
"Aba sa sinapupunan pa ata ng nanay ko yan kinuha, kaya amoy kepay" sagot ni Gabby na nakapag patawa saming lahat
"Ano ipapangalan mo sakanya?" Tanong ni Thalia
"Ashton!" sagot ni Jaq.
Napatingin ako sa likod ni Gabby
"Andyan ka palang bruha ka!" Sagot ko
"So ano nga name? Baduy ng Ashton!" sagot ni Gabby
"Correct ka dyan!" sagot ko na may pagtaas ng kilay.
Bobby.
Biglang pumasok sa isip ko.
"Bobby. Bobby nalang! Sya si Bobby" nakangiti kong sabi
Ngayon na lang ata uli ako ngumiti magmula kahapon.
"Hello, Bobby!"
"Bobby, bobbyy"
"Hi Bobby, nice name. May utak din pala mama mo"
"Leche ka!" sagot ko kay Jaq.
"Oh sya, magpahinga na kayo ni Bobby. Pareho kayong malayo ang binyahe. See you tomorrow" sabi ni Adi
At isa isa na silang nagpaalam.
Thanks, G. Kasi kahit anong sama ng araw na to, may sweet side pa din bago ako matulog.
Dahan dahan kong hiniga si Bobby sa tabi ko, at nilagyan ng konting kumot. Siguro nasa 5 months na sya.
"Bukas bibilhan kita ng mga gamit" sabi ko habang hinihimas himas sya.
Bukas, panibagong hamon na naman ang haharapin ko. Sana kayanin ko pa.

Bình Luận Sách (19)

  • avatar
    HicarteChristian

    all goods

    29/10

      0
  • avatar
    BalidioClara May

    next please.. kakabitin

    18/04/2023

      0
  • avatar
    r******t@freeallapp.com

    interesting story

    18/07/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất