logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 4: Danger

•°• Aqua Amethyst's POV •°•
"Ilang araw na siyang rito?"
"Tatlo. Hindi pa nga gumigising e."
"Ano bang nangyari?"
"Walang sinabi iyong lalaki na nagdala sa kaniya. Basta iniwan siya rito tapos ay nag-iwan ng isang royal kaco."
"Oh?" gulat na sabi ng babae. "Ibig sabihin ay mahalaga ang babaeng iyan."
"Siguro. Kakaiba ang hitsura at ganda niya, para siyang prinsesa."
'Ako po ba 'yon? Hehe.' Dahil natutuwa ako sa naririnig ay nagpanggap akong wala pa ring malay. Grabe, tatlong araw akong tulog? Posible pala iyon. Sabagay, akala ko nga mamamatay na ako nung gabing 'yon. Himala na lang talaga na buhay pa ako hanggang ngayon. Swerte!
"Dahil nabanggit mo ang prinsesa. Naalala ko 'yung sabi-sabi sa bayan."
"Anong mayroon?"
Bahagya akong nagdilat ng mata upang makita ang nag-uusap. Pakiramdam ko ay nasa mundo na ako ng mga tao, kung hindi lamang kakaiba ang kulay ng buhok nila... kulay green, at blue. Mahaba ang kasuotan nilang kulay puti. May hood iyon na may tainga ng pusa.
'Ang cute naman ng costume nila. Gusto ko rin!'
"Hindi ba't nakatakdang pumili ng prinsesa ang prinsipe na papalit sa hari?" sabi ng babaeng kulay blue ang buhok. Naupo siya sa dulo ng kamang kinahihigaan ko.
"Nakapili na ba?" Tumalikod iyong green ang buhok at may kinuha sa loob ng cabinet na kulay puti rin. Maliit na bag iyon, katulad ng nakasabit sa belt ko. Iba nga lang ang kulay. Narinig kong may inihulog siyang barya roon saka ibinalik.
"Iyon nga. Usap-usapan na naglayas ang prinsipe at hindi nagpakita sa seremonya. Hindi kaya binabae iyon?"
"Magtigil ka nga!" suway ng green ang buhok at nakapamaywangang humarap sa kausap. "Kapag may nakarinig sa 'yong kawal ay hindi nila palalampasin ang kapangahasan mo. Lalo na at hindi tayo tiga-rito."
Napanguso na lamang siya saka tumingin sa akin. Naipikit ko tuloy nang maayos ang mga mata ko.
"Sige na nga. Babalikan ko na ang pasyente ko sa kabila," sambit ng blue ang buhok. Kahit hindi ko na nakikita ay kabisado ko na ang boses nila.
Ang daming tsismosa rito. Busog na busog tuloy ang tainga ko. Nung nakaraan ay tungkol sa hari at reyna, ngayon naman ay sa prinsipe. Kung kapalit ng sinasabi nila ay ang ulo nila ay hanga na ako sa lakas ng loob na mayroon sila.
"Gising ka na pala," nakangiting bungad ng babaeng kulay green ang buhok nang magdilat ako ng mata. "Ako nga pala si Arlanna. Isa akong Healer, at ako ang naatasang magbantay sa iyo."
"Anong nangyari sa akin?" tanong ko. Bumangon ako para umupo at sumandal sa pader kung saan nakadikit ang kama.
"Naubusan ka ng lakas kaya tatlong araw kang nakatulog." Lumapit siya sa akin saka inilagay ang kamay sa tapat ng dibdib ko. Saglit na umilaw ang kamay niya na nawala rin agad nang ibaba niya iyon. "Magaling ka na, at bumalik na rin ang lakas mo. Ngunit..." nag-aalangang bitin niya.
"Ngunit?" kinakabahang tanong ko. May problema ba sa katawan ko, o alam na niyang tao ako?
"Ngunit wala akong maramdaman na kahit na kaunting mahika sa katawan mo. Akala ko iyon ang dahilan ng panghihina mo. Ngayong gising ka na at malakas ay nakapagtatakang wala pa rin."
'Hindi naman kasi ako wizard tulad ninyo!'
"A-ah ano, isinilang akong w-walang mahika," pahina nang pahinang sabi ko at nauutal pa.
Nakokonsensya siyang tumingin sa akin. "Paumanhin sa pang-uusisa. Hindi pa lang talaga ako sanay rito sa Kawimzo na mayroong mga wizard na walang mahika. Ako ay Healer na galing sa Emmabe Kingdom. Ipinadala ako rito upang tumulong sa mga wizard dito."
'Hays, akala ko mabubuko na ako.'
"Wala bang Healer dito?" usisa ko. Na-curious kasi ako na kailangan pang magpadala ng Healer galing sa ibang kingdom.
"Mayroon naman, kaso nagkukulang na. Halos araw-araw kasi ay may dinadala rito na biktima ng mga black wizard."
Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko nang marinig ang sinabi niya. Kung minalas ako ay isa ako sa mga sinasabi niyang dinadala rito dahil sa mga black wizard. Naalala ko kung paano ako tinutukan ng espada at pinagbantaan nung lalaking iyon. Nakakatakot. Noon lamang ako natuwa dahil may namatay.
'Masama na ba ako no'n? Huhu. Sorry po.'
Nang makaramdam ako ng gutom ay nagpaalam na ako sa kaniya. Kumain ako sa pinakamalapit na kainang nadaanan ko. Nakalulungkot lamang at wala roon ang paborito ko. Kahit ganoon ay nakarami pa rin ako. Ang sarap e!
"Napakatakaw mo," rinig kong komento ng isang lalaking nakatayo sa tapat ng mesa ko.
Napahinto ako sa pagnguya. Namimilog tuloy ang pisngi ko nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. May takip na pulang tela ang mata niya ngunit bakas sa detalye ng mukha ang pagiging gwapo. Kulay itim ang buhok niya na natatakpan ng suot niyang kakaibang sumbrero. Hindi ko man siya tingnan nang malapitan ay halatang peke ang buhok niya.
'Kalbo siguro siya... may cancer? Eh? Uso ba 'yon dito?'
Nagsalita ako ngunit pati ako ay hindi ko iyon naintindihan dahil puno ang bibig ko. Napangiwi naman siya at nangunot ang noo.
"Huwag ka ngang magsalita nang puno ang iyong bibig. Hindi magandang tingnan. Babae ka pa naman." Umupo siya sa katapat kong upuan saka nakapangahalumbabang tumitig sa akin... nakatitig nga ba? Hindi ko makita ang mata niya.
Nginuya kong mabuti ang pagkaing nasa bibig ko saka iyon nilunok. Para siyang si mami kung manermon. Eh, anong magagawa ko? Kinakausap nila ako. Alam naman nilang kumakain 'yung tao.
Itinabingi ko ang ulo ko at pinagmasdan siya nang mabuti. Paano siya nakakakita nang may takip ang mga mata niya?
"Nakakakita ka ba?" pang-uusisa ko.
Nangunot ang noo niya. "Oo naman."
"Talaga? Kahit may takip ang mata mo?"
"Sinabi nang oo," nakukulitang sagot niya.
"Bakit may takip 'yan?"
Bahagyang umawang ang mapula niyang labi saka ngumisi. "Dahil lahat ng tumitingin sa aking mata ay nahuhulog sa akin. Nais mo bang makita?"
Mabilis akong umiling. "Ayaw!"
'Iyon ba ang mahika niya? Boring!'
Muli kong inabala ang sarili sa pagkain. Ngingisi-ngisi niya akong pinagmasdan pero hindi ko na siya masyadong pinansin. Ilang bowl pa ang naubos ko at naroon pa rin siya. Ano bang kailangan niya sa 'kin?
Kakausapin ko na sana ulit siya nang makarinig ako ng sigawan. Napatayo ako nang makitang may grupo ng lalaki na pumasok dito sa loob at nag naghagis ng mga patalim. Napailag ang ilang kumakain habang ang ilan ay sugatang tumumba sa sahig habang hawak ang mga sugat nila.
Ang lalaking kasama ko naman ay pumunta sa harap ko at walang kahirap-hirap na pinatalsik ang mga patalim na lumipad sa gawi namin gamit ang espada niya. Napahanga ako sa galing niya.
"Ilabas niyo ang mga kaco ninyo, kung ayaw niyong bawian ng buhay sa lugar na ito!" sigaw ng lalaking kulay gray ang buong katawan. Nasa likod niya ang mga katulad niya. Para silang mga gummy bears dahil makulay sila at malalaki ang tiyan!
"Umalis kayo rito!" sigaw ng babaeng may-ari nitong kainan.
Gumawa siya ng snowball sa palad niya saka ipinagbabato iyon sa mga lalaki. Madali lamang nila iyong nahiwa gamit ang mga patalim nila. May bumangon na mga wizard at tumulong sa pakikipaglaban sa mga masasamang gummy bears. Nagkaroon tuloy ng gulo.
Hinatak ako ng lalaking kasama ko sa sulok at pinagtago ako sa nakatumbang mesa.
"Huwag kang aalis riyan!" bilin niya sa akin saka umalis at tumulong sa pakikipaglaban. May mga espada rin pala ang mga gummy bears na iyon at walang awa nilang pinapatay ang mga lumalaban sa kanila. Mayroon din namang napapatay sa panig nila ngunit lamang pa rin sila sa bilang.
Nanginginig ako sa takot dahil sa dami ng dugong dumadanak sa sahig ngayon. Ngunit kailangan kong mag-isip ng paraan para makatulong.
'Alam ko na!'
Kinuha ko ang Pocket Weapon na binili ko. Naglabas ako ng pana at arrows mula roon saka isinabit iyon sa belt ko. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at umasinta ng isa, na sasaksakin sana iyong lalaking gumagapang sa sahig.
'Bull's eye!' Tinamaan ko iyon sa dibdib. Kahit na nakokonsensya ay umiiyak kong ipinagpatuloy ang ginagawa ko dahil sa paraang ito lamang ako makatutulong. Mas hindi kakayanin ng konsensya ko kung may papatayin silang inosenteng tao—este wizard.
"Agh," daing ko nang may isang sumulpot sa harap ko. Mabilis niyang hinawakan ang leeg ko. Nabitiwan ko ang hawak ko at hinawakan ang kamay niyang sumasakal sa akin.
'Mami. Huhu.'
"Wala akong nararamdamang mahika sa 'yo, ngunit ang lakas ng loob mong mangialam," nakangising sambit ng kulay puting lalaki. Kabaligtaran ng kulay ng balat niya ang budhi niya.
'Hindi ako makahinga!' Nanlalabo ang mata ko dahil sa luhang patuloy na namumuo at umaagos mula roon. Pilit kong kinakalmot at tinatanggal ang kamay niya ngunit napahigpit niyon.
'Huwag kang mawawalan ng malay, Aqua! Kaya mo iyan!' pag-chi-cheer ko sa sarili ko.
Nanlaki ang mata ko nang bahagyang itaas ng lalaking sumasakal sa akin ang kamay niya at itinutok ang patalim sa tagiliran ko. Ibinuwelo niya iyon at desidido na siyang itarak iyon sa akin.
'Dapat talaga ay nagtago ka na lang, Aqua! Pasaway ka talaga!'

Bình Luận Sách (156)

  • avatar
    Skyesha

    I really like how you managed to describe each scenes creatively. Sobrang naaliw ako sa paraan mo ng pagkukwento. 😊 Bilang nagsusulat din ako, hanga ako sa galing at likot ng imaginations mo. Nagustuhan ko rin ang mga twists na ginawa mo sa kwento at sobrang natuwa ako sa flow. Para akong baliw na tumatawa, naeexcite, at nadadala sa mga eksenang binabasa ko. Reading this story of yours made me want to read more of this kind of story and I'm glad may sequel ka. Congratulations! More stories pa.ü

    20/04/2022

      1
  • avatar
    CamahalanJulie Anne

    thx

    15d

      0
  • avatar
    Jasmine Recafrente

    hello

    25d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất