logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 3: Magic Items Part 2

•°• Aqua Amethyst's POV •°•
"Sigurado ka bang hindi ka kasapi ng black wizards na nagtatangkang sumakop sa Kawimzo?" mahina at takot na tanong niya.
'Black wizards? Kawimzo?'
Umiiling akong napayakap sa sarili ko nang mas bumaba pa ang temperatura sa silid. Pinagkiskis ko ang palad ko saka iyon inihipan at idinidikit sa pisngi ko. Paulit-ulit kong ginawa iyon ngunit hindi nakatulong. Niyakap ko ang binti ko saka ibinaon ang mukha sa tuhod ko.
'Ang lamig!'
Muntik na ako mawalan nang malay mabuti na lamang at bumalik na sa dati ang temperatura. May makapal na telang bumalot sa akin at agad ko naman iyong kinapitan. Ang sarap sa pakiramdam ng ibinibigay na init niyon.
"Pasensya ka na, binibini. Nagulat at natakot lamang ako noong makita ko ang nakaukit sa punyal. Iyon kasi ang simbolo ng Sutinesoi Kingdom—ang pasimuno ng paghahasik ng kasamaan sa mundong ito," seryosong paliwanag niya.
'Sutinesoi Kingdom? At ang lugar na ito ay ang Kawimzo Kingdom? Tama ba? Ay ewan!'
"Ayos lang po..." binitin ko ang salita ko sa paraang nagtatanong kung anong itatawag ko sa kaniya.
"Tandang Larimo, iyon ang itawag mo sa akin. Ako ang may-ari nitong tindahan ng Magic Potions at Magic Items."
Tumangu-tango ako. "Tandang Larimo," pag-uulit ko. "Hindi po ako kasapi sa sinasabi ninyo. Bago po ako nakarating sa lugar na ito ay may natulungan po akong binata na nasaksak ng bagay na iyon," mabagal at pinag-iisipang mabuting paliwanag ko. "Narinig ko po sa kaniya na may lason ang punyal na iyon, at ipinatanggal niya sa akin. Kaya po nakita at nahawakan ko na ang bagay na iyon."
"Lubos akong nakikiramay."
"Po?"
"Namatay ang binatang iyon, hindi ba? Walang lunas ang lason na iyon, at marami nang nakitil ang buhay dahil doon."
Napalunok ako. Nabuhay ang binata na sinasabi ko. Ngunit hindi ko naman maaaring sabihin na pinagaling ko iyon. Ngumiti na lamang ako sa kaniya dahil sa kawalan ng isasagot.
"Gayunpaman, naniniwala ako sa iyong sinasabi, binibini. Wala rin naman akong nararamdamang masama sa iyo."
"Salamat po," nakangiting sambit ko. Mabuti naman kung ganoon.
Binigyan niya ako ng mainit-init na inumin na kulay asul. Umiilaw iyon. Wala siyang amoy, ngunit nang inumin ko ay talagang napakasarap at malasa. Naka-anim na baso ako at tulad ni Ate Fiona ay namangha rin siya sa dami ng nakaya kong ipasok sa tiyan ko.
Hindi naman ako malakas talagang kumain. Sadyang masarap lang ang mga pagkain at inumin nila. Hindi ko tuloy namamalayang nakakarami na pala ako.
"Ito ang Ring of Power." Iniabot niya sa akin ang singsing na kulay ginto. "Maaari kang makagamit ng mga spells o incantations gamit iyan kahit na wala kang mahika. Ang tanging problema lamang ay iyan." Itinuro niya ang mga bato sa paligid ng singsing. Kulay pula ang karamihan doon. Tatlo ang kulay green. "May dalawampung bato iyan. Ang luntian ang nagpapakita kung ilang spell o incantation na lamang ang maaari mong magamit."
'Luntian ay green, hindi ba?' Absent yata ako nung nagturo ng kulay-kulay nung kinder o elementary. Hehe.
"Tatlo na lang po?"
Tumango siya. "Nalalagyan naman iyan ng mahika, ngunit kailangan ay bukal sa loob ng taong maglalagay ang bahagian ka. Hindi mo maaaring nakawin iyon at ilagay riyan."
Nagkorteng bilog ang bibig ko dahil sa pagkamangha. Ang astig ng mga magic items na ipinakikita niya sa akin. Gusto ko itong lahat, maliban sa latigo. Hehe.
"Kung bibilhin mo iyan ay ako mismo ang maglalagay ng mahika riyan."
"Maaari ko po bang subukan ito?" tukoy ko sa singsing. Nang tumango siya ay isinuot ko iyon. Bahagya akong natigilan at napatingin sa kaniya. Napapahiya akong tumawa. "May... alam po ba kayong spell na madali lang?"
Natatawa siyang humawak sa baba niya at nag-isip. Nag-snap siya nang muling ibalik ang paningin sa akin. "Incantation para sa pagkain."
"Gusto ko po iyan!" nasasabik sa sambit ko.
Bahagya siyang natawa sa inasal ko. "Una ay isipin mo kung anu-anong pagkain ang nais mo." Tumangu-tango ako at nag-imagine ng maraming Noyif.
"Pagkatapos ay banggitin mo ito habang nakaturo ang daliri mo sa lugar kung saan mo sila gustong lumitaw." Muli akong tumango at itinuro ang daliri ko sa isa pang mesang narito. Kinabisado ko ang sinabi niya sa akin bago ako nagsalita.
"Oh, mga pagkain. Ako ay busugin. Sa harap ko ay lumabas ka ngayon din," seryosong pag-uulit ko sa incantation na sinabi niya kanina. Nagliwanag ang mesa at nang maglaho iyon ay naiwan ang sampung bowl ng Noyif!
"Ang galing!" Pumalakpak ako habang natatakam na pinagmasdan ang pagkain. Dinilaan ko ang itaas na labi ko.
'Nakakagutom naman!'
"Mahilig ka sa Noyif?" nangingiting tanong niya habang sinusuyod ng tingin ang mesa.
Tumango ako at agad na nilantakan iyon. Inalok ko siya at malugod naman niya iyong tinanggap. Nakakahiya naman kung kakain ako tapos siya ay hindi. Masyado ko na rin siyang naaabala kaya bibili talaga ako sa kaniya mamaya.
"Ito naman ang Elemental Gun." Inabot niya sa akin ang transparent na baril matapos naming kumain. "Hindi iyan gumagamit ng mahika ngunit kumakain iyan ng lakas sa iyong katawan. Ang mga bala niyan ay nakadepende sa kung alin ang pipiliin mo rito." Itinuro niya ang apat na bato sa gilid ng baril. May kulay red, blue, brown, at white. "Ang pula ay apoy. Ang bughaw ay tubig. Ang kayumanggi ay lupa. At ang puti ay hangin. Sa kabila naman ay pipiliin mo kung gaano kalaki o kaliit ang bala."
Pakiramdam ko ay kumikislap ngayon ang mga mata ko. Ito ang pinakapaborito ko sa lahat. Itinutok ko iyon sa nakasinding kandila sa sulok. Pinindot ko ang kulay blue na bato at umilaw iyon. Pinili ko rin ang pinakamaliit na bala saka ko kinalabit ang gatilyo.
'Sapul!'
Napaupo ako dahil nanghina ang tuhod ko. Totoo ngang kumakain ng lakas ang isang 'to. Lalo tuloy ako nakaramdam ng pagod.
"Magaling ka palang umasinta," namamanghang sambit ni Tandang Larimo. "Ngunit nakaiisa ka pa lang, bakit labis ang epekto sa iyo?"
"Buong araw na po kasi akong naglalakad-lakad sa lugar na ito kaya wala na akong lakas," nakangiting paliwanag ko. Napatango naman siya at inalalayan akong tumayo. Ang lamig ng kamay niya! Malamang.
Binili ko sa kaniya iyong baril, singsing, at 'yung gintong bag. Iniwan ko iyong latigo. Wala talaga akong future roon. Kulang-kulang 400 na gold kaco ang nagastos ko kaya binigyan niya ako ng bonus item na Ally Summoning Paper. Ngayon, kahit papaano ay mapoprotektahan ko na ang sarili ko. Kailangan ko lang mag-practice.
Itinuro niya ako sa Bahay Aklatan para matutunan ko ang spells at incantation. Ang problema lang ay hindi ako marunong magbasa ng alphabet nila kaya wala rin akong mapapala roon.
Hikab ako nang hikab habang naglalakad sa dumidilim na parte. Wala na akong nakikitang mga wizard sa paligid. Siguro ay nagpapahinga na sila. Hindi ko na alam ngayon kung saan naman ako pupunta. Gusto ko na rin matulog.
'Inaantok na ako, wala bang hotel dito?'
Nawala ang antok ko nang may espadang halos dumikit ang talim sa leeg ko. Agad na nangilid ang luha ko nang makaramdam ng sobrang takot.
'Bakit ba trip na trip nila akong tutukan ng espada sa leeg?!'
"Anong kailangan mo sa 'kin?"
"Buhay," aniya sa malalim at nakatatakot na tono. "Wala kang mahika. Mahina ka."
Nangilabot ang buong katawan ko sa sinabi niya. Kusang umaangat ang ulo ko nang iangat niya rin ang espada at dumikit iyon sa baba ko. Lalaking nakaitim. May takip ang mukha, at tanging mata lamang niya ang nakikita. Magkaiba ang kulay ng mga mata niya. Red at violet. Napako ang paningin ko sa naka-print sa kaliwang dibdib ng damit niya. Kulay violet na rose.
Nanginginig at nanlalamig na ang mga kamay ko at paa ko. Nablangko ang isip ko at inisip na mamamatay na ako. Pumikit ako at handa nang tanggapin ang kapalaran. Umagos ang luha sa pisngi ko kasabay ng tunog ng pagbagsak ng espada. Nang marinig ko ang pagdaing ng lalaki ay nagmulat ako ng mata. Nakahiga na siya at umaagos ang dugo sa semento.
Napahawak ako sa bibig ko at napaatras. Nagliwanag na kulay violet ang katawan niya hanggang sa naging maliliit na ilaw at naglaho sa hangin. Dugo na lamang niya ang naiwan sa semento.
'Wahhh! Mami! Gusto ko nang umuwi!'
Napaupo ako at napatakip sa tainga ko habang natutulalang nakatitig sa dugo na umaagos sa mga biyak ng semento.
'Hindi. Panaginip lang ito. Isang masamang panaginip!'
Bahagya akong nanigas sa kinauupuan ko nang may makita akong pares ng itim na sapatos. Naglalakad palapit sa akin ang may-ari niyon. Nakita ko ang hawak niyang espada at tumutulo pa ang dugo ng lalaki kanina mula roon.
'Gusto ko himatayin!' tila nag-dilang anghel ako, dahil bigla na lamang nagdilim ang paningin ko.

Bình Luận Sách (156)

  • avatar
    Skyesha

    I really like how you managed to describe each scenes creatively. Sobrang naaliw ako sa paraan mo ng pagkukwento. 😊 Bilang nagsusulat din ako, hanga ako sa galing at likot ng imaginations mo. Nagustuhan ko rin ang mga twists na ginawa mo sa kwento at sobrang natuwa ako sa flow. Para akong baliw na tumatawa, naeexcite, at nadadala sa mga eksenang binabasa ko. Reading this story of yours made me want to read more of this kind of story and I'm glad may sequel ka. Congratulations! More stories pa.ü

    20/04/2022

      1
  • avatar
    CamahalanJulie Anne

    thx

    15d

      0
  • avatar
    Jasmine Recafrente

    hello

    25d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất