Ramdam ko pa rin ang lagkit ng malamig na kape na dumidikit sa balat ko, nanunuot ang tamis ng whipped cream sa damit kong basa. Kanina, iniisip ko pa kung paano ko siya kukumprontahin tungkol sa pagbuhos niya ng frappe. Pero nang marinig ko ang panginginig sa boses niya sa tawag, parang natunaw lahat ng dapat kong ireklamo. Hindi na mahalaga kung basa ako o mukha akong timang sa harap ng buong café. Ang mahalaga ngayon: siya. “Farrah…” mahina kong sambit, pero hindi niya ako narinig. Mahigpit ang kapit niya sa cellphone, halos punitin ng mga daliri niya ang gilid ng device. Nakapikit siya, parang pinipilit huwag lumuha. Sa tabi niya, si Jax ay halatang hindi alam ang gagawin. “May kotse ako,” sabi ko agad, medyo malakas para marinig nila pareho. “Ako na magdadala sa inyo. Mas mabilis kaysa maghintay ng taxi.” Napatingin silang dalawa sa akin. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Farrah, parang sinasabi ng tingin niya. Bakit ko siya pagkakatiwalaan? Natural lang, kasi ilang minuto lang ang nakakalipas, para kaming nagbabangayan. “Sigurado ka?” tanong ni Jax, siya ang unang bumasag ng katahimikan. Tumango ako. “Oo. Bilis, sumama na kayo.” Tumingin ulit si Farrah, parang gusto niyang tumutol. Pero sa huli, marahan niyang isinara ang cellphone, nilagay sa bag, at walang sabi-sabing naglakad palabas ng café. Sumunod agad si Jax. At ako? Aba, parang ewan na basang sisiw, hawak-hawak ang susi ng kotse, pero may kakaibang tibok sa dibdib. Tahimik ang loob ng sasakyan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang ugong ng makina at ang malalim na hinga ni Farrah. Nasa likod siya, katabi si Jax. Napili niya talagang huwag umupo sa passenger seat sa tabi ko. Hindi ko alam kung maiinis ako o maiintindihan ko siya dahil hindi pa naman niya ako kilala. Lumingon ako saglit sa rearview mirror. Nakita ko siyang nakasandal pero hindi mapakali. Napansin ko rin ang pagkagat niya sa kanyang labi kaya namumula pa ito, at pisil siya ng pisil sa palad niya. Sa ilaw ng mga poste sa kalsada, kita ko kung gaano siya natataranta na may halong kaba at takot. Ganito pala siya kapag hindi nakangiti… Isang pirasong maskara ang nabasag, at ngayon, heto siya, totoong tao. Napaka vulnerable niya. “Bro,” basag ni Jax sa katahimikan. “Pakibilisan mo lang ha. Baka—” hindi niya tinapos, pero gets ko na. “Alam ko,” sagot ko, sabay diin ng paa ko sa gas. Tumalon ang kotse, halos lumampas sa speed limit. Hindi ko na nga iniintindi. Ngayon ko lang nakita ang sarili kong ganito kaalala. Para bang nasa akin ang huling pag-asa nila. Tumingin ulit ako sa salamin. Gusto kong magsalita, pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Paano nga ba? Magsasabi ba ako ng, ‘Don’t worry’? Eh, halata namang hindi okay. Kaya ang nasabi ko na lang. “Okay ka lang ba?” kahit pa alam kong hindi talaga siya okay. Tahimik siya. Parang wala akong sinabi. Pero maya-maya, mahina niyang binitawan: “Hindi… pero kailangan kong maging okay.” Parang may humampas sa dibdib ko. Yung paraan ng pagkakasabi niya, halong tapang at takot, pilit na lakas pero halata ang panghihina. Naisip ko tuloy, ilang beses ko na bang sinabi sa sarili ko ang parehong linya noon? Flashback… Biglang bumalik sa isip ko ang isang gabing matagal ko nang pilit kinalimutan. Ako, nasa gilid ng isang hospital bed, hawak ang kamay ng taong ayaw ko sanang bitawan. Parehong linya ang bumulong sa utak ko noon. ‘Hindi ako okay, pero kailangan kong magpakatatag.’ Napakagat ako sa labi at mariing kumurap. Hindi ngayon, Rhett. Hindi ito tungkol sa’yo. Huminga ako nang malalim, itinuwid ang manibela. Sa gilid ng mata ko, nakita kong napayuko si Farrah, nakasubsob ang mukha sa palad niya. Si Jax naman, hawak-hawak ang balikat niya, halatang hindi rin alam ang sasabihin. Present day… Nagpatuloy ang biyahe, mabilis pero maingat ang takbo ko. Halos hindi na ako tumitingin sa mga stoplight swerte lang at laging naka-green. Para bang tinutulungan din kami ng tadhana. “Anong nangyari kay Tita?” hindi ko napigilang itanong. Hindi ko alam kung nararapat ba, pero gusto kong maintindihan. Tita na lang din ang itatawag ko kasi hindi ko alam kung ano ba dapat, Ate? Manang? O Mommy? Hindi agad sumagot si Farrah. Ramdam ko ang tension, parang ayaw niya akong bigyan ng kahit anong detalye. Pero sa huli, mahina siyang bumulong: “Heart attack daw… critical.” Tumigil saglit ang hininga ko. Para bang nabigatan ako sa salitang yun. Naglakad ang isip ko sa lahat ng what ifs. Paano kung ma-late kami? Paano kung… Pinutol ko ang sarili kong iniisip. Hindi ko dapat isumpa ang sitwasyon sa utak ko. Kailangan lang makarating kami sa tamang oras! Bigla, tumunog ang tiyan ko. Hindi lang basta tunog, kundi malakas na tunog na halos nakabasag pa ng tensyon sa’ming tatlo. Tahimik kami tapos sabay silang napatingin sa akin. Sa rearview, nakita ko ang nanlaki at medyo nagulat na mata ni Farrah. Sa gitna ng lahat ng bigat, muntik akong matawa. “Sorry,” sabi ko, at nagkibit-balikat ako. “Breakfast pa lang kinain ko kanina.” Walang tumawa. Pero napansin ko, kahit papaano, bahagyang lumuwag ang pagkakakunot ng noo ni Farrah. Isang maliit na bitak ng ngiti, halos hindi makita pero andun. At sa loob-loob ko, parang ako ang nakahinga kahit konti. “Malapit na tayo,” sabi ko nang makita ko ang signage at dahil din alam ko ang Immaculate Hospital. Doon, hindi na mapakali si Farrah. Halos idikit niya ang mukha sa bintana, parang gusto niyang tumalon kahit umaandar pa ang kotse. “Konting tiis na lang,” dagdag ko, pilit na kalmado ang tono. Pero ang totoo, kabado rin ako. Parang ako yung may inaantay sa loob. Sa wakas, pumasok kami sa driveway ng ospital. Agad siyang bumukas ng pinto kahit hindi pa tuluyang humihinto ang sasakyan. Tumakbo siya papasok, iniwan kami ni Jax sa labas. Mayamaya lang ay sumunod na rin si Jax. Naiwan ako roon, nakahawak sa manibela, amoy kape pa rin, basang-basa, pero hindi makagalaw. Hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ako. Pero ang sigurado ako, hindi ko kayang umalis. Gusto ko siyang damayan, yun ang nasa isip ko ngayon. Malamig ang hallway ng Immaculate Hospital. Puti ang paligid, amoy disinfectant, at bawat yapak ng mga nurse at doktor ay parang may kasamang bigat ng responsibilidad. Matagal na rin akong hindi nakapunta rito hindi dahil hindi ko kaya, kundi dahil ayaw ko. Lagi kong nararamdaman na sa lugar na ‘to, wala akong puwang. Oo, hospital namin ‘to, isa sa mga pag-aari ng pamilya ko. Pero tuwing nandito ako, para lang akong stranger dito. Nakaupo ako sa bench sa may gilid ng ER. Basa pa rin ng natuyong frappe ang damit ko, at hawak-hawak ko ang susi ng kotse ko. Ang dami ko nang dahilan para umalis wala naman akong karapatan na manatili rito. Pero bakit parang may pumipigil sa mga paa ko? Habang nakatitig ako sa sahig, bigla kong narinig ang pamilyar na tunog ng sapatos matitigas, may kumpas, at halata mong may awtoridad. Agad akong tumingin at halos mapasinghap nang makita ko siya. “Dad…” mahina kong bulong. Si Doc Santiago. Puting-puti ang coat niya, may stethoscope na nakasabit sa leeg, at may bakas pa ng pagod sa mukha. Pero matalim pa rin ang mga mata niya, mga matang laging nakatingin sa akin na parang sinusukat kung sapat ba ako. Tumigil siya sa harap ko. Nanlaki ang mata niya, saka ako tinitigan mula ulo hanggang paa. Napansin ko agad kung paano bumaba ang tingin niya sa damit kong may bahid pa ng mantsa ng frappe. Kita ko yung mga tanong sa mukha niya na hindi niya agad binibitawan. “Rhett?” malamig ang boses niya. “Anong ginagawa mo dito?” Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano sasagot. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nandito ako dahil sa isang babaeng halos hindi ko kilala. “May tinulungan lang ako… friend.” Hindi ko siya matingnan ng diretso. “Friend?” Umangat ang kilay niya. “At dito ka nakaupo sa ER hallway? Rhett, hindi ka dapat nagpapakita rito na parang—” natigilan siya, pero alam kong gusto niyang sabihin, parang estranghero dahil kami ang may-ari dapat maayos lagi ang itsura ko. Dahil alam nilang anak niya ako, dapat lagi akong nakaporma at dapat mukhang kagalang-galang. Napakagat ako ng labi, pinilit ngumiti kahit mabigat ang loob. “Bakit? Hindi ba pwedeng nandito lang ako? Hospital natin ‘to, di ba?” Tumalim ang titig niya. “Hospital natin? Huwag mong sabihin na saka mo lang maaalala na parte ka ng pamilyang ‘to kapag nakaupo ka dito, walang ginagawa, at mukhang wala sa lugar. Kung hindi ka papasok sa business, Rhett, at least huwag kang magmukhang pasanin ng pangalan natin.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Pasanin. “Pasanin? Dad, nandito ako hindi para magdala ng kahihiyan. May pinagdadaanan lang ang… isang taong sinamahan ko dito. Ayokong iwan sila.” Umiling siya, halatang nawawalan ng pasensya. “Hindi lahat ng taong dumadaan dito, kaya mong sagipin, Rhett. Tandaan mo ‘yan. Kung gusto mong makatulong, pumasok ka sa opisina ko, mag-aral ka ng sistema, at tumulong ka sa negosyo ng pamilya. Hindi sa mga bagay na wala namang kinalaman sa’yo.” Humigpit ang hawak ko sa susi. Lahat ng galit at sama ng loob na tinatago ko, parang gustong sumabog. “Paano kung mali ka, Dad?” bigla kong nasabi. Natigilan siya, gulat na parang ngayon lang niya ako narinig magsalita ng ganito. “Paano kung may kinalaman sila sa’kin? Paano kung hindi lahat ng bagay umiikot lang sa business natin?” Tahimik siyang tumingin sa akin. Sa loob ng ilang segundo, parang naglaban ang pride at pagkabigla niya. Pero agad ding nawala. Umiling siya, malamig. “Hindi mo alam ang sinasabi mo.” At iniwan niya ako doon, nakatayo sa hallway, parang batang muli niyang pinabayaan. Napaluhod ako saglit, saka naupo ulit sa bench. Ramdam ko pa rin yung bigat ng huling sinabi niya. Wala kang kinalaman. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. Napapikit ako, sinusubukang kontrolin ang sarili ko. Pero imbes na gumaan, mas lalo lang bumigat. Naalala ko bigla yung mga panahon bata pa ako. Yung mga gabing hinihintay ko siya matapos ang duty niya, nakaupo sa lounge, sabay nanonood ng mga pamilyang umiiyak sa labas ng ICU. Ako, hawak ang laruan ko, siya hawak ang chart ng pasyente. Laging malayo. Laging may distansya. At sa tuwing tinitingnan niya ako, hindi ko alam kung anak ba ang tingin niya o project na kailangang itama. Napadilat ako nang marinig kong may lumapit. Isang guard. Nakatingin siya sa akin na parang nagdadalawang-isip. “Sir Rhett? Kayo po ba ‘yan? Anak ni Doc Santiago?” Napalingon ako, nagulat. “Uh… oo. Pero bakit?” “Pasensya na, sir. Hindi kasi namin madalas kayong nakikita rito. Anong ginagawa niyo sa ER? May emergency po ba?” Nag-iba ang tono ng boses ko, medyo nagmamadali. “Kaibigan… may tinulungan lang.” simpleng sambit ko. Tumango ang guard, pero kita ko yung tanong pa rin sa mga mata niya. Kung anak siya ng may-ari, bakit parang nagtatago lang siya rito? Ilang minuto pa ang lumipas. Hawak ko pa rin ang susi ko, nanginginig pa rin ang kamay ko. Biglang bumukas ang pintuan ng ER, at lumabas si Jax, pawis at halatang pagod. May hawak siyang tubig, halatang galing sa vending machine. Nagtagpo ang mga mata namin. “Kumusta siya?” tanong ko agad, mahina lang. Medyo nagulat siya na nandito pa ako. “Di pa malinaw, eh. May tests pang ginagawa. Pero…” tumigil siya saglit, nanlamig ang tono. “Bakit nandito ka pa?” Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung paano sasagot nang hindi ako magmumukhang desperado. “Ewan. Gusto ko lang.” Umiling siya, halatang hindi kumbinsido. “Look, salamat sa pagdala sa’min dito. Pero hindi mo na kailangan mag-stay.” Diretso siyang umalis, iniwan ako sa gitna ng hallway. Pero hindi pa rin ako umaalis. Lumipas ang oras. Hindi ko alam kung gaano katagal. Parang bawat segundo, mabigat. Nakaupo lang ako, nakatingin sa pinto ng ER, hinihintay kung kailan siya lalabas. Isang nurse ang lumapit. “Sir, kamag-anak po ba kayo ng pasyente?” Napakibit-balikat ako. “Hindi. Kaibigan lang.” Ngumiti siya ng kaunti, pero ramdam ko yung tanong sa tono niya. Kung hindi naman ako pamilya, bakit hindi pa ako umaalis? At doon, biglang bumukas ang ER doors. Lumabas si Farrah. Namumula ang mata niya, nanginginig ang kamay, at halatang kagagaling lang sa matinding iyak. Ang ganda niya pa rin kahit gano’n, pero masakit siyang makita ng gano’n kahina. Halos mabitawan ko ang susi ng kotse ko. Parang tumigil ang mundo ko nang magtagpo ang mga mata namin. Sa isang iglap, nakalimutan ko lahat, yung sermon ng Dad ko, yung tingin ng guard, yung tanong ng nurse. Ang naiwan lang ay siya. At doon ko na-realize, kahit hindi ako dapat nandito, hindi ko kayang umalis dahil sa kanya. Fck! Na love at first sight yata ako sa maling oras. The moment our eyes met, I froze. Para bang lahat ng ingay sa paligid biglang nag-mute, at tanging paghikbi lang ng babaeng kaharap ko ang umalingawngaw sa tenga ko. Farrah, basang-basa ng luha ang pisngi, hawak ang bag niya na parang iyon na lang ang natitirang lakas niya sa mundo. Gusto kong lumapit. Gusto kong magsalita. Pero hindi ko magawa. “Farrah,” narinig kong tawagin siya ni Jax mula sa likuran ko. Mabilis niya itong nilapitan, at parang wala na akong saysay nang sandaling iyon. She collapsed into his presence like she belonged there. Ako, nakatayo lang sa gitna ng hallway, mukhang sobrang out of place. “Rhett, uwi ka na,” bulong ng utak ko. Madali lang naman ang pag-uwi. Isang lakad palabas ng ospital, sakay sa sasakyan, tapos na. Back to normal. Pero hindi ko magawa. Kahit nakatalikod na siya, kahit nasa tabi na niya si Jax, my eyes kept following her. Her back looked smaller than before, shoulders trembling kahit pilit niyang tinatakpan. She wasn’t okay. I started walking. Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang tapang, pero bawat hakbang ko ay parang hinihila ng bigat sa dibdib ko. I wasn’t just walking, I was following her. Nakaramdam si Jax ng pagsunod ko. Napalingon siya at nakita akong nasa likuran pa rin nila. Nagtagpo ang mga mata namin, hindi galit, pero ramdam ko ang blangkong ekspresyon niya. “Rhett,” he said flatly, halos pabulong pero matalim. “You’ve done enough. She doesn’t need a stranger hovering around.” Natigilan ako. He was right. Sa totoo lang, wala naman akong karapatan. I wasn’t her family. I wasn’t her friend. Heck, barely kilala ko nga siya. Pero bakit, bakit hindi ko magawang umalis? “I know,” mahina kong sagot. Pero hindi ako gumalaw. Jax narrowed his eyes. “Kung wala ka nang gagawin dito, then go.” Gusto kong sumagot ng pabalang, pero wala akong masabi. Pinili ko na lang tumahimik at patuloy pa rin ako sa pagsunod sa kanya. Narinig ko siyang napabuntong-hininga. Hindi na siya nagsalita. Tumalikod siya, ipinagpatuloy ang pag-akay kay Farrah. At ako? Tuloy pa rin, isang hakbang sa likod nila, tahimik na parang anino. “Rhett?” That voice. Nanlamig ako nang marinig ko ulit ang baritone ng Dad ko mula sa kabilang hallway. I turned, and there he was, Doc Santiago, still in his white coat, looking like he owned this entire hospital. His presence alone drew attention from nurses passing by. Nagtagpo ulit ang mga mata namin, pero hindi na galit. Instead, may halong pagod at pag-aalinlangan. “Kanina pa nandito para kang asong susunod-sunod.” Hindi ako agad nakasagot. Umiling siya. “Kung hindi ka aalis, Rhett, at least gumawa ka naman ng tama. Huwag ka lang basta nakatayo, gumalaw ka.” His words pierced me. Gumalaw? Ano bang kaya kong gawin? “Dad, I don’t—” “Enough.” Mahinahon pero buo ang boses niya. “Kung pipiliin mong manatili, then stand by her. Hindi bilang may-ari ng ospital na ’to. Just… as someone na andyan.” kanina lang halos ipamukha niya sa’kin na parang wala akong kwenta ngayon binibigyan niya ako ng advice ng dapat kong gawin. At bago ko pa siya masagot, iniwan na niya ako, dumiretso sa kabilang wing. Naiwan akong tulala. Stand by her? Paano? We reached the bench outside the ER. Jax let Farrah sit, then excused himself para tumawag sa phone. Naiwan siyang mag-isa, at ako, nakalutang pa rin sa sinabi ni Papa. Farrah buried her face in her hands, shoulders shaking. Every sob hit me harder than I expected. I reached into my pocket, pulling out the crumpled pack of tissues na naiwan pa sa bag ko kanina. “Hey…” Hindi ko alam kung saan galing yung lakas ng loob ko. Inabot ko iyon sa kanya. She lifted her head slightly, her eyes were red and swollen, staring at my hand like it was something foreign. Hindi siya nagsalita. Pero after a beat, she took it, fingers brushing against mine, mainit at nanginginig. Saglit lang ang contact ng mga mata namin pero para bang tumigil ang oras. Tinanggap niya ito pero hindi siya nagsalita, okay lang alam ko kung anong pinagdadaanan niya. I sat two seats away, giving her space. She wiped her tears, trying to look strong, but I could see every crack, every tremble she tried to hide. And in that silence, bumalik ang lahat ng alaala. All those nights as a kid, waiting for Dad to finish surgeries, hiding in cold hallways, listening to families cry over news of loved ones. I hated hospitals. They were places of pain, endings, and grief. So why… why was I here now? Because this time, someone else’s pain mattered to me. “Hindi ako dapat nandito. Pero kung aalis ako ngayon, parang tatalikuran ko rin siya.” And I couldn’t. Not this time. Farrah finally lowered the tissue, staring blankly ahead. Jax was still outside, his voice faint sa kabilang hallway habang nakikipag-usap sa telepono. For the first time, she was completely alone. Napalunok ako ng mariin, ang bigat ng dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa tuhod ko. One step. Another. Before I realized it, I was right beside her. She turned slowly, her eyes were dull but still shimmering with tears. My throat felt tight, but for the first time, I wanted to say it. Her name. Her real name. Hindi na “hey,” hindi na awkward gestures. “Farrah…” Her eyes widened, meeting mine. And in that moment, I knew—wala nang atrasan.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
THE BESSSTTTT !!!
08/09
0Good
18/07/2024
0very relatable
02/06/2023
0Xem tất cả