logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Borrowed Time

Borrowed Time

MisisDChinita


~1~

Rhett’s POV
Papunta ako ngayon kung saan ako madalas isama ng aking Ina, kung saan ako madalas pumupunta ‘pag gusto ko ng tahimik na paligid, at kung saan ako madalas pumunta ‘pag gusto kong makapag-isip ng mabuti. Sa Cafe Adelina, bandang Silang, Cavite.
Pababa na sana ako ng aking kotse nang makita ko ang babaeng lagi kong napapansin sa school ko noong college ako. Ang ganda-ganda niya talaga. Hindi siya katangkaran—siguro mga nasa 5'3 ang height niya. Morena ang kulay ng kanyang balat. Bagay na bagay sa kaniya ang mga bilugang mata niya, at naging dagdag sa ganda niya ang mahabang buhok. Napapansin ko siya dahil isa siya sa mga c-singer ng school namin.
Parehas kaming course, which is BA in Communication. 4th year ako noon, 3rd year college siya, so I bet graduating student siya ngayon.
Tuluyan na akong lumabas ng kotse. At nang malapit na akong makarating sa kinatatayuan nila, narinig ko ang lalaking lagi kong napapansing kasama niya nung college pa ako. BF niya siguro 'to.
"Hindi kaya mapagalitan tayo ni Tita? Ang layo ng narating natin, Farrah," sabay tawa ng lalaking kasama niya.
Ahh, so Farrah pala pangalan niya.
"Hayyy nako, Jax! Hindi ‘yan. Lagi ka na lang takot kay Mama, parang bago ka naman ng bago! Hindi ka pa ba sanay sa mga gala moments natin na sobrang layo na ‘di nalalaman ni Mommy?"
Siguro nga mag-jowa ‘tong dalawang 'to.
Nilagpasan ko na sila. Pumunta ako dito para makapag-isip-isip kung tama pa ba mga desisyon ko sa buhay. Lagi na lang din kasi kami nagtatalo ng Dad ko dahil gusto niyang sundin ko ang pangarap niya para sa akin. Nagsasawa na ako. Katwiran ng aking Ama, nasunod na daw ako sa gusto kong course noong college ako.
Ngayon, sundin ko naman daw siya sa gusto niyang mangyari—ang ipagpatuloy ko ang pamamalakad ng coffee shop namin. Oo, kilalang coffee shop ang pagmamay-ari ng aming pamilya. May iba’t ibang branch na din kami ng coffee shop. May kapatid ako, ngunit ito ay isang babae kaya hindi ipinapaubaya ng aking Ama ang aming business.
Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng Cafe Adelina, nag-request ako sa waiter na i-save ang favorite spot ko at dumiretso na ako sa restroom para makapaghilamos man lang.
Mukhang lantang-lanta na kasi ako sa buhay.
Hindi pa ako tapos mag-ayos ng sarili nang may naririnig akong isang babaeng nagrereklamo at isang lalaking panay ang paliwanag, kaya’t tinapos ko na ang pag-aayos at lumabas na ako.
"May naka-reserved na po kasi sa taas, Ma’am, kaya hindi po talaga pwede," paliwanag ng waiter kay... Farrah???
"Miss, anong nangyayari dito?" sabi ko sa kaniya, nagtataka. Tiningnan niya lang ako ng nakapamaywang at binalik ang tingin sa waiter nang magkasalubong ang kilay.
"Farrah, pwede naman tayo sa ibang upuan eh. Dito, ayaw mo ba dito? Ang ganda ng view, oh," ika ng lalaking kasama niya—Jax yata ang pangalan niya ayon sa narinig kong tawag niya kanina habang tinuturo ang upuang malapit sa malaking salamin na kitang-kita ang view kung saan pumapasok at lumalabas ang mga customers.
"Ayoko nga doon eh! Gusto ko sabi sa taas! First time kong pumunta dito tapos ganito pa? May reservation pa lang nalalaman! Gusto ko sa taas!!" inis na sabi ni Farrah sa kaibigan niya.
"Ma’am, si Sir Santiago po ang naka-reserved diyan. At lilinawin ko lang po na pina-reserved po ni Sir Santiago ang itaas dahil dumaan pa po siyang restroom," paliwanag ng waiter na kanina pa yata nagpapaliwanag.
Tiningnan ako mabuti ni Farrah—yung tingin niya parang may sinasabi siya pero hindi niya masabi. Siguro pinapatay na niya ako sa isip niya. Hahahaha, napangiti ako sa iniisip ko. :D
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan??" sabi ni Farrah sa akin habang tinititigan akong mabuti.
Nagkibit-balikat na lang ako. Tutal, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya ang iniisip ko. Hahahaha.
"Farrah, tara na. Kahit dito na lang tayo. Okay naman dito, ‘di ba? Nakakahiya na, ang dami ng nakatingin sa’tin. ‘Wag mo na palakihin 'to," singit ni Jax sa kaniya.
"Sige, Miss. Sa taas na lang kayo, dito na lang ako," sabi ko na nakapagpabago ng ekspresyon niya.
"Hindi, pre. Okay lang. Doon ka na. Ikaw ang nauna doon. Nag-iinarte lang ‘tong kaibigan ko," tanggi ni Jax sa offer ko. Buong akala ko girlfriend niya si Farrah dahil lagi ko silang nakikita sa campus nung nag-aaral pa ako at lagi silang sweet. Kung hindi mo sila talaga kilala, hindi mo iisiping magkaibigan lang sila.
Habang nagsasalita si Jax, umalis na lang bigla si Farrah sa harapan namin at nagsimula nang magmartsa paakyat ng Cafe Adelina.
Wow. Just wow. Salamat, Rhett, ah?
Pero hindi ko naman siya masisisi dahil nakakarelax naman talaga sa taas, lalo na kung ikaw lang mag-isa. Marami namang upuan sa itaas, kaso nag-request akong i-close dahil gusto kong mapag-isa. Yun nga lang, biglang dating naman nitong mga ‘to. Hayyy...
Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Jax.
"Pre, salamat. Salamat. Pasensya ka na sa kaibigan ko, ah. Nakakahiya man pero salamat at pinagbigyan mo," paumanhing sabi ni Jax sa akin. Tinapik niya balikat ko at dumiretso na sa itaas kung nasaan ang kaniyang kaibigan.
Nagkibit-balikat na lang ako, dahil mukhang mas emergency pa yata ang problema ni Farrah, at mas kailangan niya ang tahimik na lugar dito sa Cafe Adelina.
Umupo na lang ako sa red na round sofa at nagsimula na akong tumingin sa menu, dahil na din sa haba ng biyahe ko papunta dito at nagsimula nang kumalam ang tiyan ko. Hahaha.
Sumenyas ako sa waiter at sinabi ko na ang napili para sa tanghaling ‘to.
"Yes, Sir?" tanong ng waiter na sinenyasan ko.
"Tuna Aglio Olio, 1 Ham Croissant, and Hazelnut Macchiato. That’s all." Parang trip ko kasi ngayon kumain ng pasta.
"Ayy Tim, 1 Java Chip Frappe pa pala. Pero pwede, i-serve mo sa taas, tapos lagyan mong note na 'DON’T LET YOUR MOOD CONTROL YOU, SMILE'. Then tell me what’s her reaction," pahabol ko sa waiter na kumuha din ng orders ko.
"No problem, Sir Santiago."
Siya si Tim, ang paborito kong waiter dito, dahil naabutan niyang nabubuhay ang Lola Adelina ko. Napakabuti at napakatapat nitong si Tim sa pamilya ko kaya siya na din ang tumayong head waiter dito sa Cafe Adelina. Oo, isinunod sa pangalan ng Lola ko ang coffee shop namin na gusto ng Dad kong ako na ang mamahala.
Nang dumating na ang mga pagkain, inuna kong higupin ang mainit-init na hazelnut macchiato.
Napakasarap, lasang-lasa ang halong vanilla at gatas na lalong nakapagpadagdag ng sarap. Halos napapapikit pa ako sa linamnam na dala ng macchiato. Hayyy, all-time favorite ko talaga.
Napabalikwas ako nang may maramdaman akong malamig sa mukha ko—at hindi siya basta lamig—may kasamang crushed ice. Hindi kaagad ako napadilat dahil nadamay pati mata ko sa pagkakabuhos.
"Wala kang pake kung bad mood ako ngayon! Madami akong iniisip at sino ka para bigyan ako ng frappe?? Manyak!!! Ano akala mo sa'kin? Easy to get?!!!" sigaw niya sa akin.
Akala ko pa naman magugustuhan niya. Kadalasan kasi sa mga babaeng kakilala ko, Frappe ang gusto.
Nang natanggal ko na ang Java Chip sa mata ko, nahagip ng mata ko si Tim na dadaluhan sana ako pero patago ko siyang pinahinto sa kinatatayuan niya.
"Miss, first of all, it’s not my intention na mangialam sa mood mo. It’s just... hindi lang bagay ‘yung itsura mong nakabusangot sa maganda mong mukha." Pinilit ko talagang ngumiti kahit papaano. I’m trying to be sarcastic, dahil sobrang lagkit na lagkit na ako. Pinilit ko pa ding ngumiti para mabawasan naman ang pagkapahiya ko.
Hayyy...
"Wala akong pake ku—" hindi na natapos ni Farrah ang sinasabi niya dahil nagri-ring ang cellphone niya. Nang makita niya ang tumatawag, kumunot ang noo niya at para siyang nagtataka kung sino ang nasa kabilang linya.
"Hello? Who am I speaking? Huh?! Anong hospital?? Saan!? Wala akong maintindihan—sorry, saan ulit??" natatarantang sagot ni Farrah.
Bigla namang kinuha ni Jax ang cellphone niya at siya ang nagtanong. Nakita ko si Farrah biglang umakyat sa taas ng Cafe Adelina. Muntikan pa siyang matalisod dahil sa pagmamadali.
"Okay, okay, sige po. Thank you for informing us. We’ll be there as soon as possible," sagot ni Jax. At nasa tabi na niya si Farrah na parang nawala na sa sarili. Umupo siya sa mahabang sofa na malapit sa kinauupuan ko.
"Excuse me, may I ask what is happening here?"
Pero hindi nila ako pinansin. Bagkus, umupo si Jax sa tabi ni Farrah, hinawakan niya ang balikat at hinarap niya sa kaniya si Farrah.
"Cass, magiging okay si Tita, okay? ‘Wag kang mataranta, you got me. Magbo-book lang ako ng lalarentcar. Umupo ka muna saglit, lalabas lang ako para malakas signal," ani ni Jax kay Farrah.
Kahit hindi ko pa alam ang nangyayari, pero pakiramdam ko urgent at hindi ko na kailangan pang hintayin ang isasagot nila sa akin. Bago pa man tuluyang lumabas si Jax, nagpunas ako ng mukha at nawalan na lang din ako ng pakialam sa damit kong sobrang lagkit. Tumayo na ako agad at nagsalita.

Bình Luận Sách (15)

  • avatar
    culanculankristhel

    THE BESSSTTTT !!!

    08/09

      0
  • avatar
    Cherry Ann Bales

    Good

    18/07/2024

      0
  • avatar
    CorpuzMarco

    very relatable

    02/06/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất