logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 5

LIMANG ARAW na ang nakalipas nang gabing iyon kung kailan nilabanan ni Largus si Aeros. Sa tulong ng komandante ay himalang bumalik ang itim na mga mata ng binata na lubhang ikinatuwa nina Sylrica at Syric, lalong-lalo na si Sister Eden.
Sumisigla na rin ito at nakakausap na ng matino. Nakakapagkuwento na rin siya ng mga bagay-bagay ngunit ilang parte ng laban nina Largus ay nawala sa kaniyang isipan.
Habang pinagmamasdan silang tatlo nina Sister Eden at Largus, hindi nila mapigilang malito sa pagkakaroon ng pagbabago sa katawan ni Aeros. Matapos ang labang iyon, hindi pa man lang lumipas ang gabi ay gumaling na siya nang hindi man lang ginagamitan ng healing.
"Hindi ko maipaliwanag kung anong nangyayari. Nalilito ako." Ramdam sa kaniyang boses ang lungkot dahilan upang mapatingin sa kanya si Largus.
"Hindi malabong nagising na rin ang pangalawa niyang kakayahan." Dahil sa sinambit niyang iyon ay tinitigan siya ni Sister Eden sa kanyang mga mata.
"Normal lang ba na sunod-sunod ang paglabas ng kakayahan niya? Masyado iyong delikado, hindi ba?" puno ng pag-aalala niyang sambit sabay tingin sa nagtatawanang magkakaibigan.
"Huwag kang mag-alala. Tutulungan ko siya para makontrol ang kaniyang kakayahan. Maaasahan mo 'ko, Eden. Alam mo ‘yan."
"Sister Eden, iyan ang itawag mo sa akin. Hindi na ako parte ng palasyo ngayon." Nginitian lamang siya ni Largus kaya naman napabuntonghininga siya dahil sa ilang na nararamdaman.
Sa kabilang banda naman ay mag-isang pumunta si Aeros sa gubat. Sinadya niyang hindi isama sina Syric at Sylrica dahil hindi niya alam kung anong mangyayari. Maaga pa naman, alas-singko pa lang ng umaga kaya alam niyang hindi pa gising ang mga ito.
Pagdating niya sa gubat ay nakita niya kung gaano kalaki ang sira nito at iyon ay ang kagagawan niya. Iyon mismo ay ang parte ng gubat kung saan sila naglaban ni Largus.
Napahinga siya nang malalim sabay tingin sa palad niya. Itinaas niya ito nang dahan-dahan at itinapat sa puno na patumba na. Labas na ang mga ugat nito mula sa lupa habang sunog naman ang ilan sa mga sanga at dahon.
Gusto niya lang subukan kung kaya niya itong butasin o sunugin gamit ang kaniyang kidlat, nang hindi man lang nawawala sa huwisyo.
"Kaya ko. Kaya ko 'to. Susubukan ko lang. Kaya ko," bulong niya sa kaniyang sarili habang pinapakiramdaman ang kapangyarihan na dumadaloy sa mga ugat niya.
"Sigurado kang gusto mong gawin iyan?" Napalingon siya dahil sa pagkagulat.
Hinanap niya ang pinaggalingan ng boses sa paligid pero wala siyang makita.
"Nandito ako," sambit ng babae na bumababa sa lupa mula sa pagkakalutang.
Kita ni Aeros ang mahaba nitong buhok na kulay abo, mga mata nitong singkit at kulay itim. Matangkad din ang babae at may makurbang katawan.
Pamilyar sa kaniya ang hitsura nito. Base sa kwento ng mga kaibigan niya, iyon ay ang babaeng si Sylphus na may kakayahang komontrol ng hangin, tauhan ni Largus.
"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ni Aeros sa dalaga habang kunot ang kaniyang noo.
"Nakita kitang lumabas ng kuwarto mo kaya sinundan kita. Hindi ko alam kung anong balak mo pero kung magdadagdag ka na naman ng trabaho sa komandante ko, iyon ay hindi ko papayagan," maawtoridad nitong sabi habang diretso ang tingin sa binata.
Sa pagkailang ay napalunok ang binata sabay baling ng tingin sa paligid.
Naglakad naman palapit sa kaniya si Sylphus at tumabi sa kanya.
"Sylphus. Sylphus ang pangalan ko," napalingon sa kaniya si Aeros, hindi agad nakapag-isip ng isasagot.
Napabuntonghininga na lamang ang dalaga sabay tingala sa langit.
"Huwag ka nang magpakilala, alam ko na ang pangalan mo,"
Nalilito man ay hinaayan na lamang ni Aeros ang sariling manahimik. Hindi niya rin naman alam kung anong sasabihin. Isa pa, para sa kaniya ay isa pa ring estranghero sa kaniya ang babae.
Ilang minuto lang ay nagulat na lamang si Aeros nang bigla siyang lumutang sa ere. Ramdam niya ang pagkapit ng hangin sa kaniyang buong katawan.
"A-anong ginagawa mo?" natataranta niyang tanong sa dalaga habang binabalanse ang katawan niya.
Halatang may takot siya sa matataas na lugar dahil panay ang kanyang pagpikit.
"Kailangan na nating bumalik. May mahalagang sasabihin ang komandante ko sa iyo," sambit ni Sylphus habang dahan-dahang inaangat ang katawan nilang dalawa sa ere.
Si Largus ay katatapos lang komunekta kay Sylphus sa pamamagitan ng telepatiya ukol sa isang balita kaya naman ay pinapabalik na silang dalawa sa simbahan.
"Oh, sige pero ibaba mo'ko! Maglalakad ako!" sigaw na naman ni Aeros na siyang ikinainis ng dalaga. Kaya naman ay binilisan niya ang paglipad.
Habang nasa himpapawid, walang ibang maririnig kung hindi ang malakas na sigaw ni Aeros. Umaalingawngaw ito sa kabuuan ng lugar.
Hindi man kataasan ay nariyan pa rin ang takot ni Aeros dahil panay ang pagtingin niya sa baba.
Seryoso man ay hindi mapigilang mapatawa ng patago ni Sylphus dahil sa inasal ng binata.
"Duwag," sambit ng dalaga sa kaniyang isip.
Samantala, hindi pa man nakakalabas ng kwarto, nang magising si Syric ay agad niyang hinanap si Aeros.
Mabilis niyang pinuntahan si Sylrica na sampong kwarto lang ang layo mula sa kaniya. Nang nasa tapat na siya ng pinto ay agad niya itong binuksan kung kaya't bumungad sa kaniya ang hubad na katawan ng kapatid.
"Bastos ka!" Nang isigaw iyon ng dalaga ay agad nanlaki ang mga mata ni Syric. Mabilis ang pagtibok ng kan'yang puso sa posibleng gawin ng kakambal. Lalo pa't kilala niya ito kung magalit.
Sa sobrang taranta ay naitaas lamang ni Syric ang kan'yang dalawang kamay habang na sa kabilang pwesto ang kaniyang mga mata.
"Sandali! Sandali lang! Hindi ko sinasadya kaya kumalma ka!" nalilito niyang sigaw.
Nang hindi niya marinig ang sagot nito ay dahan-dahan niyang nilingon ang dalaga dahilan upang mas lumaki ang kaniyang mga mata.
Natatakpan na ngayon ng kumot ang katawan ni Sylrica na kasalukuyan sanang nagbibihis ngunit ang kan'yang kanang kamay ay may bola na ng apoy.
"Lapastangan. Sa tingin mo ba ay mapapatawad kita kahit na magkambal tayo? Hindi!" matapos ang sigaw na iyon ay dinig na lamang ng mga bata, nina Sister Eden at Largus ang malakas na pagsabog.
Buti na lamang at lahat ng bata ay nakalabas na at nakapaghanda na upang mag-almusal.
"Sylrica!" naiinis na sigaw ni Syric habang dinadaing ang sakit ng kaniyang likuran.
Buti na lamang at nasalubong niya Ao no Shouheli (Blue Barrier) ang apoy ng kapatid. Kung hindi ay siguradong lapnos na ang makisig niyang mukha.

Bình Luận Sách (12)

  • avatar
    OcampoDarill

    addidjdjsjisksndkxjdjdjd

    17d

      0
  • avatar
    requinalabrojasnicenicole

    hiiiii

    27/07

      0
  • avatar
    John Jemich Mangaoang

    nice

    14/03

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất